2 months later
BEATRIZ
Two months na ang nakalipas pero hindi pa ako umuuwi or nagbabakasyon sa Pilipinas. Napag-usapan naman namin ni Jho na sa first birthday nalang ni Bella ako uuwi para 2 two weeks ako magtatagal dun
Katatapos lang ng board meeting namin at si Caitlin ay nakabuntot siya sa'kin. Ganito talaga siya lagi pag board meeting marami siyang natetake down notes
"Boss, just a reminder that you will be having a lunch meeting with Mr. Williams at St. Elmo Steakhouse" Caitlin habang naglalakad kami papunta sa office ko
Flashback
Habang pinag-aayos ko si Caitlin ng papers dito sa desk ko ay may sinasabi siya sa'kin
"Boss? Hindi mo naman po namimiss ang mga pagkain sa Pilipinas?" Caitlin
Pansin ko sa kanya ay feeling close siya makipag-usap pag kami lang
"No, I miss nothing but my family"
"Same po, pero yung mama at papa ko sa'kin, lalo na yung kapatid kong si Clarkie" Caitlin
"Bilisan mo diyan, tapos mo na ba yung mga ginagawa mo sa desk mo?"
"Syempre naman boss.....uy steak, masarap kaya 'to?" Caitlin
May nakita kasi siyang picture ng steak sa isang magazine
"You haven't tried it yet?"
"Hindi po, mahal daw yan eh" Caitlin
Present
"Which restaurant?" tanong ko kay Caitlin
"St. Elmo Steakhouse, boss" Caitlin
"Ok, come with me to my meeting"
"Sasama po ako? Talaga boss?" Caitlin
"Ms. Viray, watch your words"
Rule ko kasi na dapat english kami mag-usap when we're outside my office
"Sorry boss" Caitlin
CAITLIN
Papunta kami ni boss Bea sa steakhouse, siya ang nag ddrive at ako naman ang passenger niya
Nung una lang pala siya masungit pero nung tumatagal ay bumait na siya as in. Mabait pala talaga si Bea
"Ililibre mo 'ko boss? Or KKB?"
"KKB, ano ka sinuswerte" boss Bea
"Ay hala, bababa na po ako. Baka hindi magkasya 30 dollars ko"
Tinawanan naman ako ni boss Bea
"Isasama pa ba kita kung KKB? Panlibre mo nalang sa'kin yang 30 dollars mo ng ice cream. Gusto ko ice cream after lunch eh" boss Bea
"Pwede po ibudget yung 20 dollars pala? Hehe, baka wala na akong pamasahe pauwi mamaya boss eh"
"Kakasweldo mo lang nung nakaraang araw ah" boss Bea
"Eh napadala ko na po sa Pilipinas. Pinapagawan ko po kasi ng bahay yung mama ko tapos iba pa yung allowance ni papa"
"Ahh. Nasa magkano naman pinapadala mo? May I know if pwede?" boss Bea
"1,800 dollars yung pinapadala ko po monthly"
"Is 700 dollars enough with you?" boss Bea
2,500 dollars kasi monthly salary ko
"Opo, napagkakasya ko naman hehe"
"Keep your 20 dollars na nga, I'll take care of everything" boss Bea
"Luh, ok lang naman po. Ako manlilibre ng ice cream natin hehe"
"Ipunin mo na yan" boss Bea at tinignan niya ako saglit
"Sige na nga po"
Then nag red light kaya huminto kami
"If you need anything, just tell me" boss Bea
Dito na siya nakatingin sa'kin ng matagal
"Ano pong nakain mo? Bakit bumait ka po bigla?"
"Mabait naman ako ah, pogi pa" boss Bea
"Opo, kaya po pala pogi rin yung first born niyo hehe, tapos ang cute nung bunso niyooo"
"Maganda lahi namin ng asawa ko eh" boss Bea at pabiro niya ito sinabi
"Hehe"
After a month
CAITLIN
Habang nagluluto ako ng dinner ay nakikipag video call ako kila mama at Clarkie
*video call*
"Ate, did you buy my gift already? Hehe" Clarkie
With honors kasi siya last recognition niya kaya humihingi ng reward
"Clarkie, pwede next recognition nalang? Nag-iipon pa ako eh"
"But ate, sinabi mo na naman yan before" Clarkie
"Anak, wala tayong madaming pera ha? Si ate Cait mo tinitipid na niya sarili niya para lang may ipadala sa'tin" mama
"Okay, sorry ate" malungkot na sabi ni Clarkie
Umalis na si Clarkie at naglaro na siya
"Ma, hayaan mo na si Clarkie. Tignan ko po kung kasya yung pera ko dito para sa PS5 niya"
"Anak, hindi naman yun importante. Hayaan mo na yun, marami pa naman siyang laruan dito" mama
"Nag promise ako, ma"
BEATRIZ
I left work early to buy stuff for my family to support their luxury lifestyle hehe, I love spoiling them eh. Birthday na rin kasi ni Bella this month at uuwi ako ng Pilipinas next week!
"Boss Bea? Parang maaga ka po ngayon ah" Caitlin
Nandito kami sa labas na ng building
"Yup, I'm going to the mall"
"Ay pupunta rin po ako hehe, coincidence" Caitlin
"Gusto mo sumabay?"
"Sure ka boss? Magkano fare ko?" Caitlin
I chuckled
"Halika kana, libre 'to"
At the mall
Sinabihan ko si Caitlin na puntahan niya ako dito sa Louis Vuitton pagkatapos niya bumili ng laruan nung kapatid niya
"I'll get all these five" binibilhan ko kasi Jho ng sandals, bags, shirt, and sunglasses niya
Inasikaso naman nila yung mga items. Later on ay nakita ko si Caitlin na naglalakad papunta sa'kin
"Saan yung pinamili mo?" I asked; wala kasi siyang dala
Pinaupo ko siya sa tabi ko
"Next time na ako bibili boss hehe" Caitlin
"Why?"
"Wala lang" Caitlin
"Bakit nga sabi eh"
"Kulang po kase pera ko hehe" nahihiyang sabi ni Caitlin
"Magkano ba yun?"
"PS5 po kase yun, 500 dollars, eh 300 lang budget ko eh" Caitlin
"Tapusin ko lang dito, bilhin natin yun"
"Po? Hala utang po ba? Wala akong pambayad boss" Caitlin
"Hinde, pupunuan ko yung 300 mo diyan. Pa congrats ko na yun sa kapatid mo. What is his rank again?"
"Rank 2 boss hehe" Caitlin
"Oh good, bilhan na rin natin ng maraming discs"
CAITLIN
Uuwi kami ni boss Bea na may sobrang daming bitbit. Super dami niya kasing binili para sa pamilya niya, mahal na mahal niya talaga sila
"Boss?"
Naglalakad kami
"Hmmm?" boss Bea
"Thank you po"
"Alin?" boss Bea
"Sa lahat, bait mo po"
"Don't mention it" boss Bea
"Gutom ako, kain tayo dinner?" boss Bea added
"Ok po"
Gutom na rin talaga akooooo kaya hindi na ako tumanggi
"Sige dalhin lang natin 'tong mga gamit sa sasakyan" boss Bea
At the restaurant
"Alam mo, I can't wait to go home na" boss Bea
Nag shshare na siya ng mga bagay-bagay tungkol sa buhay niya sa'kin
"Deserve mo po yan hehe. Advance happy 1st birthday nalang po kay, Bella"
"Thanks Cait" boss Bea
I was speechless. Thanks Cait daw? First time niya akong tawaging Cait ah. Yung ka workmates ko lang kasi madalas tumatawag sa'kin ng Cait
"Ay wait lang ha? Kain ka lang there. My wife texted me eh hehe" boss Bea
Habang nag tetext siya sa cellphone niya ay hindi ko maiwasang pagmasdan siya. In all fairness, pogi talaga siya. Konting ngiti lang niya or kahit normal face lang niya pogi pa rin
"So, where were we?" boss Bea
And our eyes met, iniwas ko agad tingin ko at binaling sa iba. 'Di ko siya kayang ka eye to eye ng matagal eh
"Nasa restaurant po"
Boss Bea chuckled
"Joke ba yun? Corny mo pala" boss Bea giggles
Napasabay na rin ako sa paghagikhik haha
~~~~~
A/N: I apologize for any grammar errors you may have noticed. :)
Eto na CaitBea moments