Be My Endgame

By Miss_Terious02

10.8K 263 51

Wala pa sa isipan ni Kiera Buenaventura ang pumasok sa isang relasyon. Bukod sa pinagbabawalan siya ng nakata... More

Be My Endgame
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Dedication
Thank You!

Kabanata 10

270 5 2
By Miss_Terious02


Enjoy reading!

Habang naglalakad papasok sa loob ng school ay iniisip ko pa rin si Caila at Jack Jendrick na magkasama kahapon. Buong gabi silang magkasama at sa iisang bahay lang. Paano kung magkagusto siya kay Caila? Wala na talaga. Talo na.

"May problema ka ba?" Napatingin ako kay Jasmin nang bigla siyang nagtanong. Walang gana kong inilapag ang aking bag sa upuan sa umupo. Pagkaraan ay bumuntong hininga.

"Mukhang mabigat 'yang problema mo." Sabi ni Mojica.

"May tanong ako sa inyo." Pagsisimula ko. Kailangan ko ng advice nilang dalawa. At ayoko rin namang itago 'tong nararamdaman ko para kay Jack Jendrick.

"Ano 'yon?" Tanong ni Jasmin.

"May kakilala ako tapos meron siyang crush sa kaibigan ng kuya niya." Pagsisimula ko. Kumunot naman ang noo ni Jasmin habang nakatingin lang sa akin si Mojica at naghihintay sa susunod kong sasabihin.

"Tapos hindi niya alam kung may gusto rin ba 'yong kaibigan ng kuya niya sa kaniya o wala. O baka siya lang talaga 'yong may problema kasi lahat ng ginagawa ng lalaki ay binibigyan niya ng meaning." Dugtong ko.

"Sure ka ba na kakilala mo 'yong tinutukoy mo?" Tanong ni Mojica kaya tumingin ako sa kaniya at agad din namang umiwas.

"O-oo. S-sinabi niya sa akin kagabi." Sagot ko.

"Lokohin mo na lahat huwag lang kami, Kiera Buenaventura." Turan ni Jasmin. Seryoso silang nakatingin sa akin kaya itinaas ko ang dalawa kong kamay hudyat ng pagsuko. Huminga ako nang malalim bago nagsalita.

"Okay, fine. Nagkagusto ako sa kaibigan ng kuya ko." Pag-amin ko. Hindi sila kaagad nakapagsalita kaya tiningnan ko silang dalawa.

"Iyon ba 'yong minsang sumundo sa 'yo?" Biglang tanong ni Jasmin na ikinatango ko.

"E 'di go mo na 'yan " Nakangiting sabi ni Mojica.

"Anong go mo na 'yan? Huwag mong pakinggan 'yang si Mojica, Ki. Masasaktan ka lang dyan." Sabi naman ni Jasmin.

"At bakit naman siya masasaktan? Mukha namang gusto ka rin ni...ano pangalan?" Tanong ni Mojica.

"Jack Jendrick." Sagot ko.

"Mukhang gusto ka rin naman ni Jack Jendrick. At saka kung iiwas ka man hindi mo pa rin magagawa iyon dahil kaibigan siya ng kuya mo." Wika ni Mojica. Tama rin naman siya. Paano ako iiwas kung magkaibigan sila ng kuya ko? At kilala siya nang buong pamilya ko.

"Hanggat maaga ay umiwas ka na, Ki. Baka hanggang kapatid o kaibigan lang pala ang turing sa 'yo tapos ikaw lang yung nagbibigay ng meaning sa bawat ginagawa niya. Malay mo ganoon lang talaga siya sa lahat." Sabi naman ni Jasmin. At para akong sinampal sa sinabi niyang iyon.

"Huwag kang maniwala riyan, Ki. Sa akin ka makinig." Mabilis na sabi ni Mojica.

"No, no, Ki. Sa akin ka makinig dahil iiyak ka talaga sa huli." Mabilis rin na sabi ni Jasmin at hindi ko na sila pinakinggan. Patuloy sila sa pag-aaway habang yumuko na lang ako sa aking arm chair.

Maghapon kong inisip ang mga sinabi ni Jasmin at Mojica. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ba ang dapat kong gawin.

"Hindi ko na mabilang kung ilang beses ka ng bumuntong hininga." Sabi ni Jasmin habang palabas kami ng classroom. Tumingin ako sa kaniya at tinaasan lang ako ng kilay.

"Hindi kita pipilitin kung susundin mo ang sinabi ko kanina. Na sa 'yo ang desisyon, Ki." Sabi niya ay ngumiti.

Habang naglalakad kami palabas ng gate ay narinig ko ang boses ni Lennox na tinatawag ako.

"Kiera." Tawag niya sa pangalan ko.

"Lennox." Tawag ko rin sa kaniya at ngumiti.

"May sasabihin sana ako." Sabi niya kaya napahinto kami sa paglalakad.

"Ano 'yon?" Tanong ko. Tiningnan niya muna ang mga kasama ko.

"Iyong tayong dalawa sana," turan niya. Tiningnan ko naman si Jasmin at Mojica.

"Sa labas lang kami ng gate. Hintayin ka namin sa labas, Ki." Paalam ni Jasmin at naglakad na habang nakasunod si Mojica at ang boyfriend niya.

"Doon tayo." Turo niya sa isang mahabang upuan sa gilid. Marami pang tao sa loob ng campus at kitang kita kami kung doon kami uupo. Tumango ako at nauna siyang naglakad patungo roon habang nakasunod ako sa kaniya. Umupo siya kaya umupo na rin ako.

"A-ano 'yong sasabihin mo?" Tanong ko.

Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Kiera, alam kong bago pa lang tayo magkakilala at hindi ko dapat maramdaman 'to ngunit hindi ko na kaya pang itago 'tong nararamdaman ko sa 'yo."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon.

"Lennox. . ."

"Pero hindi naman kita pipilitin na gustuhin mo ako pabalik. Gusto ko lang talaga sabihin sa 'yo na gusto kita, Kiera. Hayaan mo sanang ligawan kita," wika niya at hindi ako nakapag salita agad. Siya ang pinaka-unang lalaki na umamin sa akin at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"L-lennox, ayokong masaktan kita sa huli. Hindi rin naman maipagkakaila na guwapo ka, matangkad, at mabait. Pero ayokong umasa ka sa 'kin. I'm sorry." Diretso kong sabi sa kaniya.

"O-okay lang sa 'kin iyon. Ayos lang kung hindi mo ako magugustuhan. Pero sana magkaibigan pa rin tayo?" Tanong niya at ngumiti.

"O-oo naman. Hindi naman tayo nag-away." Pagbibiro ko.

"Thank you, Kiera." Turan niya at bumuntong hininga na ikinangiti ko.

Mabait na tao si Lennox at ayokong masaktan siya dahil sa akin. Ayokong umasa siya sa akin habang ako ay umaasa rin sa taong malabong maging akin.

"Tara na." Pag-aya ko sa kaniya at agad na tumayo. Tumango siya at tumayo na rin.

At habang naglalakad kami palabas ng gate ng school ay tanaw ko na ang dalawang kaibigan ko at kinabahan ako dahil kasama nila si Kuya Edward. Nang makita nila ako ay halata sa mga mukha nila ang pag-aalala habang nakatingin sa akin at kay Kuya Edward.

"Kiera." Pagtawag sa akin ni Kuya.

"Ki, sorry." Mahinang sabi ni Jasmin nang makalapit kami sa kanila.

"Magandang hapon po." Pagbati ni Lennox kay Kuya Edward ngunit hindi man lang siya sumagot.

"Tara na, Kiera." Seryosong sabi ni Kuya Edward at naunang naglakad kaya agad na rin akong nagpaalam sa kanila at sumunod kay Kuya Edward.

Mabilis akong pumasok sa loob ng kotse at inayos ang seat belt ko. Pagkaraan ay umandar na rin ang kotse.

"Kiera, magsabi ka ng totoo ngayon din kung ayaw mong makakarating 'to kila mama at papa." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa daan. Kahit hindi niya sabihin ay sigurado akong si Lennox ang tinutukoy niya.

"May sinabi lang si Lennox sa akin kaya kami natagalan sa loob ng school." Turan ko.

"Bakit kayong dalawa lang? Hindi ba niya puwedeng sabihin habang nariyan ang mga kaibigan mo?" Tanong niya muli.

"Umamin siya sa 'kin na gusto niya ako. Siguro nahihiya siya sa mga kaibigan ko kaya gusto niyang kaming dalawa lang ang mag-usap." Paliwanag ko.

"Huwag ka na ulit makikipag lapit sa lalaking iyon. At huwag na huwag kang magpapaligaw sa kaniya, Kiera." Galit niyang sabi.

Kapag ba sinabi ko rin sa kaniya na may gusto ako sa kaibigan niya ay ganiyan din ang magiging reaksiyon niya? Pagbabawalan din ba niya ako?

Kinagabihan habang naghahapunan kami ay tahimik lang akong kumakain habang nag-uusap naman sina Kuya Edward at ang mga magulang namin. Ang akala ko kanina ay hindi na ako papansinin ni Kuya ngunit pagdating namin sa bahay ay kinausap din niya ako.

"Magkakaroon kami ng fun run sa school, ma." Pagkukuwento niya.

"Kailan 'yan?" Tanong ni mama.

"Sa sabado. Maaga akong aalis rito dahil alas sais ang umpisa." Turan ni Kuya.

"Hindi ba puwedeng sumali ang hindi nag-aaral dyan?" Tanong naman ni Papa.

"Puwede naman po. Sasali ka ba, pa?" Tanong ni Kuya na ikinatawa ni Mama at Papa.

"Baka hindi ako makaabot sa finish line, Edward. Itong si Kiera dalhin mo para naman mag-enjoy at ng makatakbo man lang kahit papaano." Turan ni Papa kaya napahinto ako sa pagkain.

"Ayoko, pa. Wala naman akong mapapala riyan kung hindi pagod." Sagot ko. Ngunit ang totoo ay gusto ko lang umiwas kay Jack Jendrick. Siguradong naroon din siya dahil bukod sa kaibigan siya ng kuya ko ay roon din siya nag-aaral.

"Huwag ka ng tumanggi, Ki. Ipasok mo 'tong kapatid mo sa fun run niyo, Edward. Sabihan mo ako kung may babayaran." Agad na sabi ni Papa kaya wala na rin akong nagawa. Tiningnan ko naman si mama ngunit tanging ngiti lang ang binigay niya sa akin.


Kinabukasan pagdating ko sa classroom ay nakaabang na kaagad si Jasmin at Mojica sa akin. Halata sa mga mukha nila ang pag-aalala nang makita nila ako. Agad kong inilapag sa upuan ko ang aking bag at pagkaraan ay umupo.

"Pinagalitan ka ba?" Agad na tanong ni Jasmin.

"Sorry, Ki. Sinabi namin kasi na gusto kang makausap ni Lennox na kayo lang dalawa. Hindi naman namin alam na iba ang pagkakaintindi ng kuya mo." Nag-aalalang sabi ni Mojica. Nginitian ko silang dalawa.

"Okay lang 'yon. Si Kuya Edward lang naman ang nagalit sa akin kahapon dahil hindi niya sinabi kila mama at papa." Turan ko at doon lang sila nakahinga nang maayos.

"Napaka higpit naman ng kuya mo, Ki. Dinaig pa mga magulang mo." Naiinis na sabi ni Jasmin na ikinangiti ko.

Nang magsimula na ang klase namin ay pinipilit kong makinig ngunit kung ano-ano ang mga iniisip ko. Kanina pa ako patagong humihikab habang panay ang salita ng guro namin sa harapan. Siya ang panghuling subject teacher namin bago mag tanghalian kaya inaantok na rin ako at nagugutom.

"Naiintindihan ba? Bukas ay bagong topic naman ang ituturo ko sa inyo. Puwede na kayong kumain ng tanghalian. Good bye, class." Paalam niya at agad na inayos ang mga gamit niya sa lamesa at naglakad palabas ng classroom.

"Pahingi ako mamaya ng notes niyo." Wika ko.

"Ayan ang napapala ng mga nagpupuyat." Sabi ni Mojica at binigay sa akin ang notes niya.

"Uwi mo na 'yan. Balik mo na lang bukas." Sabi niya na ikinangiti ko.

"Thank you, Mojica. Mabuhay ka hanggat gusto mo." Biro ko at niyakap siya ngunit agad din naman siyang kumuwala.

"Tara na sa canteen. Kanina pa ako nagugutom." Reklamo ni Jasmin na ikinatawa namin ni Mojica kaya agad na rin kaming lumabas ng classroom at naglakad patungo sa canteen.

Ngunit nang makapasok kami ay agad kong nakita si Lennox at nang makita niya kami ay agad siyang lumapit at ngumiti sa akin.

"Hi, Kiera. Kakain na ba kayo?" Tanong niya.

"Oo, Lennox. Ikaw, kumain ka na ba?" Tanong ko.

"H-hindi pa. Anong gusto niyong kainin? Ako na ang bibili." Tanong niya.

"Kami na ang bibili. Bumili ka na rin ng sa 'yo." Turan ko.

"Ako na. Maghanap na lang kayo ng mauupuan." Sagot niya.

"Ki, sa ibang table na lang kami ni Pierre." Paalam ni Mojica habang nasa tabi niya si Pierre. Tumango lang ako at agad na silang naghanap ng mauupuan nila.

"Bibili na ako. Kumaway na lang kayo mamaya kapag nakabili na ako para madali ko kayong mahanap." Sabi niya at agad na naglakad at pumila sa may counter upang um-order.

"Lakas rin ng tama sa 'yo ni Lennox." Pabulong na sabi ni Jasmin. Hindi ko na lang siya pinansin. Sa halip ay hinila ko siya at agad kaming naghanap ng puwesto na puwede naming makainan.

Hindi ko na rin kasalanan kung masasaktan ko siya. Nasabi ko na rin naman sa kaniya kahapon lahat ng gusto kong sabihin. Ayokong umasa siya sa 'kin. Masasaktan ko lang siya. At ayokong mangyari iyon sa kaniya.


••••

Thank you for reading!

Miss_Terious02

Continue Reading

You'll Also Like

314K 7.9K 37
(COMPLETED)✓ Billionaire Series#02: Yexel Andrew(Arew) Muller Tanggap na ni Arew na ilang taon nalang ang itatagal ng buhay nya at ang tanging nasa...
69.3K 1.4K 43
R-18. Not suitable for young readers. Debbie Mae Layson, ang babaeng naghahangad na mapansin at makita ng lalaking pinagpantasyahan niya sa magazi...
71.2K 1.9K 47
Isang magaling na Prosecutor si Bridgette Silva, halos lahat ng kasong nahahawakan ay napapanalo niya. Isang rin siyang miyembro ng Elite Sorority i...
39K 1.1K 36
Pagkatapos ng halos walong taon magkikita ulit sina Keira at Atlas. He is the reason why she always breaking the rules of their sorority. The guy who...