DIFFERENT

By mayonnai_se

29.7K 1.8K 146

I'm Tariana Reyes, destined to be her. More

PROLOGUE:
Chapter 1:
Chapter 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
A/N: #1
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 24:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 27:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 32:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 35:
CHAPTER 36:

CHAPTER 37:

706 48 18
By mayonnai_se

Ang tahimik na Mansion ng mga Salvadore ay nasira matapos maka-rating sa kanila ang balitang mayroong nagpadala sa kanila ng isang malaking regalo galing sa isang hindi kilalang tao. Sa kanilang pagbukas, gulat ang rumehistro sa kanilang mga mukha matapos makita kung ano ang nasa loob ng malaking box. Kaniya-kaniyang sigawan at iyakan ang ginawa ng mga tao sa Mansion. Aligaga namang tumawag ang Butler ng pamilya sa palasyo upang ipabatid ang nangyari.

Mabilis na kumalat ang balita kinabukasan. Ang limang kilalang tao na isang buwan nang pinaghahanap ay sa wakas, nahanap na. Ngunit ang problema, lahat ng ito ay patay na. Mas marami ang lihim na natuwa sa nangyari, sila ang mga taong naka-saksi at naka-ramdam ng paghihirap sa mga kamay ng limang lalaki. May ilang tao naman ang naawa dahil sa paraan ng pagkamatay ng mga ito, sila ang mga taong walang alam kung gaano nga ba kasama ang limang lalaki. At syempre mayroon din namang walang pakialam sa nangyari. Para sa kanila normal lamang ang bagay na ito at hindi dapat bigyan ng pansin. Ang pinagka-iba nga lang, mayaman at ma-pera ang namatay.

“Anong ibig sabihin nito?” kunot-noong tanong ng Hari matapos siyang puntahan ng isa sa mga tauhan niya.

Dahan-dahang yumuko ang lalaki, “Wala na ang isa sa mga Justice Master natin. Kasama na ang apat pang nawawala.”

Napa-lunok na lamang ang Hari sa inis at hinilot ang sintido habang patuloy na tinitingnan ang mga litratong dinala ng lalaki sa kaniya. Hindi niya maiwasan ang matakot at mandiri sa paraan ng pagpatay sa mga ito. Iniisip pa lamang niya kung anong ginawa nito sa mga ito, nandidiri na siya. Wala rin kahit na anong bahid ng dugo ang bawat parte ng mga katawan na para bang nilinisan muna ito bago ipadala sa mga bahay ng ito.

Ito ang pinaka-unang beses na nangyari ito sa kanila. Merong nilalang na nangahas na kalabanin ang mga mayayamang tao sa Elite City at Noble City. Hindi niya ito inaasahan dahil higit pa sa makapangyarihan ang mga taong biglaang nawala at namatay.

Ang isa sa mga Justice Master nila na siyang pumanaw ay ang isa sa pinaka-mayamang Justice Master. Ito ang siyang lubos na pinagkakatiwalaan ng ibang Justice Master dahil sa katandaan nito sa trabaho. Masungit ito ag mapagmataas kaya hindi na rin nagtatakha pa ang Hari kung bakit kasama ito sa mga nawala noon. Hindi na rin siya nag-ta-takha kung bakit ito pinatay. Sa sama ng ugali nito, marami itong kaaway. Mayaman man o mahirap. Isa siyang magaling na Justice Master pero pasakit din sa ulo ng Hari. Ngunit mas malaking kawalan ito sa kanila dahil hawak nito ang Slave at Commoner Area.

Sumandal ang Hari sa inuupuan niya saka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Nanatili namang naka-tayo at naka-yuko ang lalaking nasa harapan niya. Tahimik lang din ito habang pinakikiramdaman ang mood ng Hari.

“Mayroon na ba kayong alam kung sino at anong klaseng tao ang gumawa nito?”

“Wala pa, Kamahalan. Wala kaming makuhang kahit na anong clue sa box na ipinadala. Malinis ang katawan kaya wala kaming nakuha na kahit na anong finger print,” magalang na sagot ng lalaki.

“Paano ang nagpadala? Hindi niyo ba tinanong ang mga taong naka-receive nung box kung anong itsura nung nagdala?”

Umiling ang lalaki saka deretsong tiningnan ang Hari sa mata, “Ayan ang isang problema namin. Sa kasalukuyan, iniisip namin na hindi normal na tao ang gumawa ng lahat. Ang kuwento ng mga bantay na nakakita, bigla na lamang daw lumitaw sa harapan nila ang box. Mayroon pa raw malaking papel na naka-dikit dito. Naka-sulat doon na isa itong munting regalo.”

Nagkaroon ng interes ang Hari matapos marinig ang sinabi, “Hindi normal na tao? Maaari. Ang gusto ko lang malaman, paano naka-kuha ng lakas ng loob ang limang ‘yun na kumalaban ng isang nilalang na alam nilang mas angat sa kanila?” natatawang tanong ng Hari.

Hindi naman sumagot ang lalaki. Tinitigan lang nito ang Hari dahil nag-ta-takha siya kung bakit kalmado lamang ang Hari at mukhang masaya pa sa nangyayari at naririnig.

“Silang lima, ilang taon na nilang pinapainit ang ulo ko. Matitigas ang ulo dahil alam nilang isa sila sa tumutulong sa pamahalaan para mapanatili natin ang ma-unlad na mundo. Ilang beses ko nang iniisip kung sa paanong paraan ko nga ba sila mapapa-tahimik. Isa sila sa mga salot sa lipunan na hindi natin kayang pakialaman,” biglang ani ng Hari. Tinitigan nito ang lalaki, “Hindi big deal sa akin ang nangyari. Kung patay na sila, dito natin makikita kung ano nga ba ang kakayahan ng pamilya nila. Makikialam tayo, magbibihay ng tulong para hanapin ang salarin. Pero hanggang doon lang.”

Tumango naman ang lalaki, “Paano... Paano ang Slave at Commoner Area, Kamahalan? Sino ang hahawak sa Area na ‘yun.”

“Ipatawag mo ang kapatid niya, balita ko isa siya sa mga matitinong kapatid ng Justice Master? Bigyan natin siya ng tyansa na patunayan kung isa nga ba siyang mabuting tao, o isa lang din siyang sakim na nagkukunwaring may mabuting puso?” naka-ngising sagot ng Hari, “Ipaabot mo ang pakikisimpatya ng pamahalaan sa kanila. Ikaw na ang bahala sa iba.”

Tumango ang lalaki at nag-bow para magpaalam. Tinitigan lang ng Hari ang likuran ng lalaki hanggang sa tuluyan itong maka-labas. Napa-ngisi siya saka niya inikot ang swivel chair paharap sa malaking bintana sa likuran niya. Kitang-kita niya sa puwestong ito ang ganda ng tanawin sa labas. Ang bawat magagarang kabahayan at mga kotse.

“Kung totoo nga na isang hindi normal na tao ang nasa likod ng nangyari. Mas magandang hindi kami makialam, hindi ba?” napa-ngiti ang Hari, “Wala ring dahilan upang ipakulong ang nilalang na ‘yun dahil binigyan niya ako ng isang malaking pabor. Dahil sa kaniya, nabawasan ang problema namin ng Anak ko.”

-----

“Is that a gift, Maxi?”

“Maxi?” takhang ulit ni Maximillian. Tumawa ako.

“Yeah, Maxi! Ang haba ng pangalan mo, Maximilian.”

Umiwas ng tingin sa akin si Maximillian at bahagyang ngumiti.

“It‘s a late gift for you. It‘s a phone. Napansin ko na hindi ka gumagamit ng kahit na anong gadgets,” aniya. Itinulak niya papalapit sa akin ang may saktong kalakihang box. Tinitigan ko muna siya bago tuluyang kinuha ang box.

Pagkabukas ko ng box, isang halatang may kamahalan na phone ang nakita ko. Kapareho lang ng style ng phone sa Earth, ang pinagka-iba nga lang ay ang design nito. Mas maganda at mas high tech tingnan. Medyo malaki rin siya sa kamay ko. May kalakihan kasi ang kamay ni Mistress Eve, syempre matangkad, eh. Kaya nga medyo nakaka-gulat na mas malaki pa nang bahagya ang phone na hawak ko.

Ngumisi ako itinaas ang phone. Tumitig ako kay Maxi saka itinapon ang box sa gilid.

“Why... Do you have... Ah! Navermind,” iling-iling na sabi ko na lang.

Para naman siyang na-curious sa gusto kong sabihan. Umayos siya ng upo at mariing tumitig sa akin na para bang sinasabi na gusto niyang malaman kung ano ang gusto kong sabihin sa kaniya.

“Don‘t look at me like that, Maxi. You look so innocent,” tinaas-baba ko ang kilay ko saka muling tinitigan ang phone, “Thank you for this. You know... Balak ko talagang bumili ng ganito, ang kaso naunahan mo naman ako.”

Ngumiti siya nang matamis, “You‘re welcome.”

Habang binubuksan at kinikilatis ang phone, hindi ko mapigilang itanong kung anong ginagawa niya rito maliban sa pagbibigay ng regalo sa akin. Pansin ko na para bang may iba pa siyang gustong sabihin sa akin sa mga oras na ‘to. Hindi lang niya masabi dahil mukha siyang nag-a-alinlangan.

“Ah... Si Madame ang nagpapunta sa akin dito. Gusto niya akong maka-usap para sa isang bagay. Kaya kinuha ko na ‘tong chance para ibigay sa ‘yo ‘yang gift ko. And syempre para maliwanagan na rin.”

Habang naka-yuko, sandali kong binaling sa kaniya ang mata ko pero mabilis ding binalik sa kinakalikot ko sa phone.

“Gusto ko lang malaman, kung hindi nga ikaw si Mistress Eve, sino ka?” medyo seryosong tanong nito.

Ngumiti ako, “Why do you want to know?”

“Honestly, I don't know. Gusto ko lang malaman kung hindi ka ba delikado para sa lahat,” umiwas ito ng tingin sa akin.

“Ah! Are you worried? Siguro iniisip mo na baka isa pala akong mangkukulam. O baka naman isa akong nilalang na may masamang motibo?” natatawang tanong ko.

Namula naman ang mukha niya dahil sa tanong ko.

Lintek na lalaking ‘to. Sinong nagbigay sa kaniya ng karapatan na maging ganito ka-cute sa harapan ko?

“Hindi... Hindi naman. I‘m just ano...”

“What? Ano?” pang-aasar ko.

Umiling-iling naman siya, “Wala... Kalimutan mo na lang.”

Inayos ko ang pagkaka-upo ko saka sumandal.

“I‘m just a nobody, Maxi. No worries, kasi hindi naman ako delikado.”

Sinungaling.

“Tungkol... Tungkol doon sa nangyari sa Party mo. Ano ‘yun? Sino ‘yung mga nilalang na kalaban niyo no'n?”

“Why do you want to know... Again?” ngising tanong ko.

Umiwas siya saka lumunok, “Puwede bang huwag mo ‘kong tingnan habang naka-ganiyan ka?” paki-usap nito.

Tumaas ang kilay ko saka kinilatis ang sarili.

Naka-upo lang naman ako habang naka-patong ang kanang binti sa isa pa. Patagilid na naka-sandal ako sa sandalan ng kamay sa sofa. Naka-patong ang siko ko roon habang ang palad ko naman ay pinagpapatungan ng ulo ko. Wala naman akong nakikitang mali. Pero dahil mukha na siyang kamatis, inayos ko na lang ang pagkaka-upo ko para sa kaniya. Nakaka-awa naman dahil mukha siyang nahihirapan.

“So, why do you want to know? Hindi mo ba alam na it's a private matter na?” tanong ko.

It's a normal question for me pero dahil nga gusto ko siyang asarin, sige lang.

“For me it's not. Sakop pa rin kayo ng palasyo kaya siguro meron din naman akong karapatan na malaman ang tungkol doon dahil...”

“Dahil?” pang-aasar ko.

“Because ano...” napa-lunok siya saka ngumuso at umiwas ng tingin sa akin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na humalakhak dahil sa reaksiyon ng mukha niya.

This is the First time na nagkaroon kami ng magaan na pag-uusap pero look. Mukha lang kaming natural sa isa't isa. Mukha lang akong natural sa kaniya. Last na nag-usap kami nung Party ko at napa-amin pa ako nang wala sa oras. Ngayon naman ay para kaming mag-kaibigan kung mag-usap.

“Stop it. Stop being cute, you know? Kaya kita gusto laging asarin, eh.”

Mas lalo tuloy siyang namula dahil sa sinabi ko.

“Ikaw ba may crush sa ‘kin? Aba, Fiance ko ‘yung Friend mo. Baka nakakalimutan mo?”

“Wala!”

Napa-taas bigla ang magkabila kong kamay dahil sa medyo napa-lakas niyang sigaw. Natatawang ibinaba ko ‘yun, “Chill. I'm just joking.”

Hindi ako manhid. At saka, alam ko naman na nasa libro na ang mahulog si Maximillian kay Mistress Eve. Pero hindi ko pa rin inaasahan na matutuloy dahil may ilang plot ang hindi natuloy at naiba. Hindi naman din ako assuming dahil halata naman kay Maximillian na may gusto siya sa akin. Duh!

“About your question. Sila ang mga Anino ni Kamatayan. Do you know them?” tanong ko.

Mukhang nagulat siya sa isinagot ko. Dahan-dahan niyang tinango ang ulo, “Anino ni Kamatayan?”

“Yes. Nakaka-gulat ba? Alam naman ng lahat na Half-demon ako. Demon ang mga McKenzie. About sa pagbisita ng mga ‘yun, it's just a Birthday surprised for me kaya wala ka namang dapat na ipag-alala.”

“Is that true?”

“Oo naman. Mukha bang hindi?” tanong ko.

Umiling naman siya, “Naniniwala ako. Gusto ko lang maka-siguro. Parte ako ng palasyo, the Protectors. Kaya natural lang sa akin na maging ganito.”

“Then thank you for understanding and respecting me. Alam kong kanina mo pa gustong malaman ang tungkol do‘n pero hindi mo man lang ako minamadali. Kaya iniisip ko tuloy na may gusto ka sa ‘kin, eh.”

Natawa ako matapos ko na namang ma-isingit ang tungkol sa pagka-gusto niya sa akin. Taranta niyang iniiling ang ulo at wala naman akong ibang ginawa kundi at i-appreciate ang ka-cutan niya.

“How about Sebastian and Mia?” wala sa sariling tanong ko. Hindi naman siguro niya lalagyan ng malisya agad ang tanong ko.

“What about them?” naguguluhang tanong ni Maxi.

“Are they good... Friends?” tanong ko.

Kumunot ang noo niya, “Are you... Are you jealous? Don't! Walang sila.”

Halata sa kaniya na sinisigurado niya ang sagot.

“No! I‘m not jealous. Gusto ko lang talaga malaman kung malapit na ba sila sa isa't isa?”

“Why are you asking that question kung hindi ka pala nag-se-selos?”

Natawa ako, “Kailangan bang nag-se-selos ang isang tao kapag tinanong niya ang tungkol sa bagay na ‘yun?”

“Hindi naman. Pero kasi... Wala! Nevermind. About your question, hindi naman namin sila ulit naka-sama ni Jiza dahil nandoon sila Noble City. Naging busy na rin kami nitong mga nakaraang araw.”

“Pero you make time para puntahan ako rito at iabot sa akin ang huling regalo?” pang-aasar ko ulit, “Joke. I know the other reason dahil sinabi mo naman na kanina, hindi mo kailangang mataranta. Napaghahalataan ka, eh.”

“Mistress, Young Master. Sorry for interrupting pero nandiyan na si Madame, hinihintay na kayo sa opisina niya.”

Tumango naman ako sa sinabi ni Kwatro. Binalingan ko naman si Maxi na dahan-dahang tumayo at inayos ang suot niya. Humarap siya sa akin at tumingin. Bigla pa siyang nagulat nang magka-tinginan kami kaya heto ako natatawa sa loob-loob ko.

“Go ahead, Maxi. Again, thank you for your gift.”

Bahagya siyang yumukod, “Thank you for interacting with me, Avalina. Mauuna na ako.”

Nagpaalam na rin siya kay Kwatro. May isang Maid ang nagbigay daan sa kaniya at hindi ‘yun si Kwatro dahil Personal Maid ko siya.

“Close pala kayo ng Kamahalan?”

“Kung makipag-usap ka sa akin, parang kaibigan lang. Tapos tinatawag mo siyang Kamahalan?” naiiling na tanong ko.

Muli kong kinuha ang phone na ipinatong ko kanina sa lamesa. Nabuksan ko na at nakilatis. Wala rin talagang pinagka-iba sa phone. Unique nga lang ang platform nila rito kaysa sa Earth.

“Kumusta sina Uno?” tanong ko matapos niyang manahimik.

May kabastusan talaga noh? Hindi man lang pinansin kanina ang tanong ko. Ignore lang.

“Ayos naman. Ganoon pa rin.”

“Bakit kasi hindi ka na lang pumayag sa gusto ko?”

“Hindi lang naman ako ang mag-de-decide para diyan.”

“Duh! Decide with them. Puwede naman kitang itakas, sabihin mo lang,” mataray na sabi ko.

“Hindi ba may Yugo ka na? Bakit kailangan mo pa kami?”

Umayos ako nang upo dahil sa narinig. Nilingon ko siya, “Ang isang pinuno, kinakailangan ng mga alagad. Hindi naman puwedeng ang pinuno lang ang kikilos para sa lahat. Kailangan niya nung mga taong kikilos para sa kaniya, matutulungan siya at mapagkakatiwalaan niya.”

“Bakit kami?”

“Then, bakit hindi kayo? Look at yourself, look at your skills. Nasasayang lang para sa wala.”

“Mayroon kayong kapangyarihan, kami wala. Magsisilbi lang kaming pabigat kung kami ang kukunin mo.”

“And so what? Bakit mo naman naisip ‘yan?” takhang tanong ko, “I‘m not Mistress Eve kung wala akong paraan para sa bagay na ‘yan. Hindi kita pipilitin kung hindi ko alam ‘yan. This is the best chance para mas mapalakas niyo pa ang sarili niyo.”

“How about Madame?”

“What about her? Aalis na ako, Kwatro. Pagkatapos ng dalawang linggo papasok na ako sa eskwelahan. Hindi kita puwedeng dalhin sa loob kaya plano kong tanggalin ka para maka-balik ka na sa mga kasama mo. Hindi kita itatali sa pamilyang McKenzie habang wala ako. Kailangan na mapakawalan kita para hindi mo intindihin ang Ina ko.”

Mukhang nagulat siya sa impormasyon na sinabi ko, “Aalis ka?”

Ngumiti ako at tumango, “Pasensiya na kung hindi ko sinabi sa ‘yo. Balak ko talagang sabihin sa ‘yo kasabay ng pagpupumilit kong kuhanin kayo ng grupo mo.”

“Saan ka pupunta?” pilit na inililihis ang usapan.

“Tulad ng sinabi ko, sa eskwelahan. The Hiraya Fallon, School for Magic!” ngising sagot ko, “Kaya ngayon pa lang sinasabi ko sa ‘yo na nalalabi na ang oras mo rito. Ito na ang huling deal na iaalok ko sa ‘yo. Una, papayag ka ba na maging isa kayo sa akin? Kapalit no'n ay ang kalayaan niyo ngunit gagawin niyo lahat ng gusto sa hinaharap. Ibibigay ko lahat ng pangangailangan niyo at mabibigyan ko kayo ng isang maganda at sapat na tirahan, kasama nga lang sina Yugo.”

Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang tahimik na tila ba nag-iisip.

“Sabi ko naman sa ‘yo, hindi maaaring ako lang--”

“Ask them,” putol ko agad, “May phone ka bakit hindi mo tawagan? Ang akala mo, hindi ko alam? Lahat alam ko, Kwatro. Kaya wala kang magiging dahilan para umayaw sa gusto ko.”

“Hindi ako makakasigurado na papayag sila.”

Ngumisi ako, “Papayag sila. Sigurado ako. Kung gusto nila na maka-siguro, sabihan mo silang bibisitahin natin sila.”

“Sigurado ka ba?”

“Oo naman,” tumayo ako, “Lumabas ka na muna. Paghandaan mo ako ng makakain sa baba dahil gutom na ako.”

“Ikaw ba naman ang hindi kumain ng umagahan at tanghalian?”

“Tama na sermon, naka-sermon ka na kanina kaya okay na ‘yun.”

Bumuntong-hininga siya, “Sumunod ka na lang sa baba.”

Hindi ko siya sinagot. Pinanood ko lang siya na tumalikod at maglakad palabas. Ako naman ay dumeretso sa banyo upang maglinis ng katawan.

•••

A/N: Sobrang sorry sa mga typo, paki-intindi na lang po muna. Thank youu for reading this part and don't forget to vote!! 💋

Continue Reading

You'll Also Like

666K 14.6K 40
Hindi pa man siya umabot ng isang linggo sa trabaho niya bilang sekretarya ng C.E.O ay fired na agad siya dahil hindi niya natimpla ang kape nito bag...
114 0 21
When you thought that the love you once had won't change for the past years due to your promise not until something unexpected happened. Will you giv...
54.4K 1.3K 45
Everything that comes plays a role in your life, but what exactly is it? This story is ready to make us cry, but you can learn a lesson. Because not...
683K 3.8K 30
Completed Paano natagpuan ni Olivia ang sarili sa ibang kama,gayong may naghihintay siyang asawa sa kanilang bahay?