Love Moves In Mysterious Ways

By Akosikitten

1.2K 54 21

One-night stand sa pagitan namin ni kuya Frio na hindi ko inaasahang babago sa takbo buhay ko. Ito rin ang na... More

Prologo
Kabanata I
Kabanata III
Kabanata IV

Kabanata II

287 10 4
By Akosikitten

[Sese's POV]

"Oh, God!" Bulalas ko. "I'm so sorry."

Hindi ako magkandatuto kung paano kong kukunin sa handbag ko 'yong pakete ng towelettes dahil sa taranta. Nanginginig pa 'yong mga kamay ko.

"What do you think you're doing, huh?" Mababakas ang labis na inis sa mukha ni kuya Frio habang diretso s'yang nakatingin sa akin. Napalunok ako't halos hindi makapagsalita dahil sa pinaghalong hiya at takot. Sa dinami-rami naman ng taong p'wede kong masukahan ay bakit si kuya Frio pa? Kapag mamalasin ka nga naman.

"Kuya, it was just an accident." Maagap na turan ni Phony. Naramdaman kong nakatayo na ito sa likuran ko. "Snowy's feeling a bit under the weather today, okay? Please understand. She didn't mean it."

"It's not an excuse. You should haven't been here if you were sick." Patuloy pa rin siya habang nakatingin lang siya sa akin kaya napayuko na lang ako habang bahagyang kagat ko ang pang-ibaba kong labi. Ni hindi ko magawang iabot sa kanya 'yong pakete ng towelettes na hawak ko sa isiping baka itapon niya pa ito sa pagmumukha ko. Sobrang nakakahiya. Pakiramdam ko'y nakatuon na sa amin ang lahat ng atensiyon ng mga taong naroroon ng mga sandaling iyon. Kung p'wede lang sanang lamunin na lang ako ng sahig.

"Kung dumating ka sana ng maaga'y nakauwi na sana si Snowy at nakapagpahinga." Si Sabrina, nakatayo na rin ito sa likuran ko. "Masyado ka kasing pa-importante. Mahalaga rin ang oras namin, hindi lang ang sa'yo. You ought to learn how to respect the time of others."

"Babe, come on. Let's clean your suit." Biglang singit ni Ms. Ellaine bago nito hinawakan ang kamay ni kuya Frio at bahagya s'yang hinila palabas ng simbahan kaya imbes na muling magsalita para tugunan si Sabrina ay napipilitan na lang s'yang napasunod sa fiancee.

"Let's go, Snowy. I'll take you home." Turan ni Sabrina ng tuluyan nang makalabas sila kuya Frio. Saglit lamang itong nagpaalam sa wedding coordinator at sa mga kaibigan namin bago ako nito binalikan at hinilang palabas ng simbahan.

"Bri, I'm fine." Halata ang pagtutol sa tinig ko nang hilain ko ang kamay ko mula sa kanya bago kami makarating sa sasakyan niya. "Mas lalong nakakahiya kay Kuya Frio kung basta na lang tayong aalis. Kararating niya lang, eh. Kahit isang pasada lang with him this time."

Saglit niya muna akong tinitigan bago siya nagbuga ng hangin.

"You sure you're okay?" Mababakas ang pag-aalala sa tinig niya para sa kalagayan ko. "Namumutla ka."

"Yeah, I truly am fine, Bri. Don't worry, okay?" Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit ang totoo'y hindi talaga maayos ang pakiramdam ko ng mga sandaling iyon, pero sayang naman kung uuwi kami. Ilang araw na lamang ay kasal na nina Kuya Frio, at hindi naman kami madalas mag-rehearse. "Puyat lang siguro ako."

"Alright. Just let me know kapag hindi mo na talaga kaya para maiuwi na kita."

"Okay. Thank you, Bri."

Muli kaming nag-rehearse. Panaka-nakang sinusulyapan ko si Kuya Frio, pero tila ba ang ilap ng mga mata n'yang animo'y sinasadyang iwasang magtagpo ang aming mga paningin.

Well, ano bang aasahan ko, eh dati naman na s'yang cold-hearted? Pilit kong isinisiksik sa isipan ko ang bagay na iyon, subalit hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan, balewala lang talaga sa kanya 'yong nangyari sa amin or sadyang hindi niya lang talaga maalalang may nangyari sa amin dahil sa kalasingan?

-----

"Sese?"

Agad kong nilingon ang taong tumawag sa pangalan ko. Si Randolph. Classmate ko no'ng college at ngayo'y katrabaho ko na.

"Pauwi ka na?" Nakangiting tanong nito bago ako sinabayan sa paglakad. Kalalabas lang namin ng aming newsroom. Parehas kami nitong journalist at naka-assign kami sa iisang news desk.

"Yup. Ikaw ba?" Sagot at tanong ko sa kanya nang pumasok kami sa elevator.

"Pauwi na rin, pero nagugutom na kasi ako at gusto ko sanang mag-dinner muna. Early dinner. P'wede ka ba? My treat."

Sumulyap ako sa relo ko. Pasado alas-seis pa lang, pero nagugutom na rin ako. Hindi kasi ako nakapag-meryenda dahil sa dami nang pinag-usapan namin no'ng assignment editor ko.

"Sure." Nakangiting tugon ko sa kanya at lumaki ang pagkakangiti niya.

"Yes!" Mababakas ang kasiyahan sa kanyang mukha. Pagkuwa'y sumuntok pa siya sa hangin. "Finally, maide-date ko na rin ang matagal ko ng crush."

Tumawa ako.

"Sira. Hindi ito date ha." Pabirong sabi ko nang makalabas na kami ng elevator. Aware akong may gusto sa akin si Randolph. College pa lang kami'y nagpapahiwatig na ito sa akin ng damdamin nito at madalas din itong itukso sa akin ng mga kaibigan nito, subalit hindi naman lingid sa kaalaman nitong may iba akong napupusuan kaya hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay rito.

G'wapo ito, mabait at gentleman. No wonder kung bakit isa ito sa campus heartthrobs namin no'ng college, subalit sa kabila ng mga kaaya-ayang katangian nito'y hindi pa rin ito pinalad na magustuhan ko, siguro kasi'y nakalaan lamang talaga ang mga mata, atensiyon, isip at lalo na ang puso ko kay Kuya Frio.

"I mean, a friendly date." Nakangising turan nito habang naglalakad kami patungo sa parking lot ng building kung saan naroroon ang aming opisina.

"Lilinawin mo kasi." Tumatawang sabi ko. "So, susundan ko na lang 'yong kotse mo?"

"Sige." Tugon niya. Tinalikuran ko na siya upang tumungo na sa kinapaparadahan ng kotse ko, pero natatawa akong nilingon siya nang maramdaman kong nakasunod pa rin siya sa akin.

"Hindi ba't nasa kabilang section 'yong kotse mo?" Tanong ko at tumango siya. "Why are you following me then?"

"Ihahatid kita sa kotse mo. Ang dim kasi ng light, baka mamaya'y biglang may dumukot sa'yo rito. Napakalawak pa naman nitong basement parking." Pabiro, subalit mahihimigan ang sinseridad sa tinig niya.

"I'm fine, RD. Para namang hindi ako laging nagpa-park dito." Natatawang turan ko habang patuloy ako sa paglakad.

"Ah, basta. Gusto kong masiguradong makakasakay ka ng ayos sa kotse---" Natigil siya sa pagsasalita at sa paglakad. I also stopped in my tracks at sabay kaming napatingin sa gawing kaliwa namin nang marinig naming tila may dalawang taong nagtatalo.

"Come on, Ellaine, bakit ba hindi mo pa aminin ang totoo kay Frio? Paaasahin mo lang siya, eh." Tinig ng isang lalaki habang bahagya itong nakatalikod sa gawi namin ni Randolph, ilang hakbang lang ang layo sa amin. Natatanglawan ito at ang kausap na babae ng isang malamlam na liwanag na nagmumula sa isa sa mga LED garage lights.

"Hindi 'yon gano'n kadali, Rufus." Tugon ng babae. "Tiyak akong sobra ko s'yang masasaktan. Mahal ko si Fritz."

"Minahal, Ellaine." Pagtatama ng lalaki. "Dati mo s'yang mahal, pero ako na ang mahal mo ngayon, hindi ba?"

"Hindi ba't si Ellaine Mendoza 'yon? 'Yong sikat na fashion model at girlfriend ni Frio Alejandro?" Halos pabulong na tanong sa akin ni Randolph. And yes, tama siya, ang fiancee nga ni kuya Frio ang kausap no'ng lalaki.

Tumango lamang ako.

"Wow. Pahiram ng phone mo, i-video natin ng pasimple." Pabulong pa rin na turan sa akin ni Randolph. Paniguradong hindi kami nakikita ng mga ito dahil medyo madilim sa parte namin.

"Para saan?" Iritable, subalit pabulong ko ring tanong kay Randolph.

"Scoop." Mahinang tugon niya. "Ayaw mo ba? Sikat si Ms. Ellaine at panigurado akong kapag ibinalita natin--- Aray!"

Siniko ko siya sa sikmura bago ako nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kotse ko.

"Come on, Sese. It's an exclusive." Hinabol niya ako.

"Give them privacy, RD." Turan kong nilingon siya nang makarating na ako sa sasakyan ko. "Kailan ka pa naging tsismoso?"

"Anong tsismoso? Sese, malaking balita iyon, ano ka ba? Imagine, hindi pala faithful ang sikat na modelong si Ellaine Mendoza sa fiance niya dahil may iba siya. We are journalists, trabaho natin ang magsalaysay ng tamang impormasyon. That means, hindi tsismis 'yon dahil parehas nating narinig, 'diba? Kaya nga gusto kong i-video eh, para may ebidensiya sana tayo at hindi masasabing tsismis lang."

Tama naman si Randolph, subalit inaalala ko 'yong mararamdaman ni Kuya Frio kung sakaling malaman nito ang tungkol dito. Tiyak akong sobra itong masasaktan lalo pa't mahal na mahal nito si Ms. Ellaine.

"Huwag na tayong makialam pa sa personal nilang buhay, RD, okay? Marami pa namang ibang balita r'yan na mas dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa personal na buhay ni Ms. Ellaine." Sabi ko nang sumakay na ako sa kotse ko. Hindi siya umimik. Nanatili lang s'yang nakatayo kaya tinaasan ko siya nang kilay, bahagyang nakabukas ang pintuan ng sasakyan ko. "Tayo ba'y kakain pa?"

"Yeah. Of course." Turan n'yang natatawa bago niya ako tinalikuran upang magtungo na sa sariling sasakyan.

-----

Sumapit ang araw ng kasal nina Kuya Frio at Ms. Ellaine. Ewan ko, pero tila ba bigla akong kinabahan ng halos dalawang oras na ang nakalilipas, subalit hindi pa rin dumarating ang bride. Pansin kong panay na ang sulyap ni kuya sa kanyang relo at halos hindi na rin siya mapakali mula sa kinatatayuan niya. Nagsisimula na rin ang bulong-bulungan mula sa mga taong kasalukuyang naroroon sa simbahan.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong manahimik na lang sa kabila nang natuklasan kong may ibang lalaki sa buhay ni Ms. Ellaine.

Pero sa tingin ko'y tama lang naman iyong ginawa ko dahil wala naman akong karapatang makialam sa buhay ng iba lalo pa sa buhay ng lalaking lihim kong iniibig dahil wala rin naman itong pakialam sa akin at tiyak akong hindi naman ako nito paniniwalaan kung sasabihin ko rito ang natuklasan ko.

"Snowy?"

Maang akong napalingon kay Sebastian. Ito ang tutugtog ng piyano habang ako naman ang aawit.

"Sa tingin mo ba'y sisipot pa si Ms. Ellaine?"

"I have no idea, Sebi." Tugon ko rito. "Pero umaasa akong hindi hahayaan ni Ms. Ellaine na mapahiya si Kuya Frio sa mga taong naririto ngayon sa simbahan."

"Pero 'diba ang sabi ng iba, kung kailan daw mismong araw ng kasal, dito pa nagbabago 'yong isip ng ibang bride."

Huwag naman sana.

Kawawa naman si Kuya Frio kung sakaling hindi sumipot si Ms. Ellaine. Tiyak akong magiging laman siya ng balita lalo pa't kilala ang pangalan niya.

Ilang sandali pa ang lumipas at nakahinga ako nang maluwang nang dumating na si Ms. Ellaine. Na-traffic lang daw ito kaya natagalan. I think I'm not buying that alibi since ang lapit lang ng bahay niya sa simbahan, unless nanggaling pa siya kung saang lupalop.

Maya-maya pa'y sumenyas na sa amin ni Sebastian 'yong wedding coordinator. Hudyat na magsisimula nang maglakad sa aisle si Ms. Ellaine.

[Here we stand today
Like we always dreamed
Starting out our live together
Light is in your eyes
Love is in our hearts
I can't believe you really mine forever... 🎵]

Nagsimula na akong umawit habang dahan-dahan nang naglalakad si Ms. Ellaine patungo sa kinatatayuan ni Kuya Frio. Pasimple akong sumulyap sa huli at nakita ko s'yang nakatingin sa direksiyon ko, but he immediately averted his gaze to Ms. Ellaine nang mapansin n'yang nakatingin ako sa kanya.

[Been rehearsin' for this moment all my life
So don't act surprise
If the feelings starts to carry me away... 🎵]

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Wala akong ibang magagawa ng mga sandaling iyon kundi ang tanggapin ang katotohanang matatali na sa ibang babae ang lalaking matagal ko nang pinapangarap. At kailangan kong yakapin ang reyalidad na hinding-hindi ako nito magugustuhan kailanman.

[On this day I promise forever
On this day I surrender my heart
Here I stand, take my hand
And I will honor every word that I say
On this day... 🎵]

Kasabay nang pag-abot ni Kuya Frio sa kamay ni Ms. Ellaine ay ang pagdaloy ng mga luha ko. Bahagya akong yumuko at pasimple kong pinahid ang mga ito. Walang sinuman ang p'wedeng makakita noon dahil wala rin namang nakakaalam ng nararamdaman kong sakit ng mga sandaling iyon.

Napahinto ako sa pag-awit nang biglang magsalita si Ms. Ellaine.

"I'm so sorry, Fritz. I truly am sorry, pero hindi ko talaga kayang magpakasal sa'yo." Turan nito bago pa man sila makalapit sa altar ni Kuya Frio at mabilis itong tumakbo palabas ng simbahan kaya halos lahat ng taong naroroon, kasama na ako, ay nawindang sa ginawa ni Ms. Ellaine.

"Ellaine, please?" Narinig kong sigaw ni Kuya Frio bago nito hinabol ang kasintahan. Halos nagkagulo na sa loob ng simbahan. Ang ibang tao ay nanatili sa loob habang nagpapalitan ng mga kuru-kuro, samantalang ang iba'y nagsilabasan din, kasama na rito ang pamilya ni Kuya Frio at ang kay Ms. Ellaine.

Pakiramdam ko'y bigla akong nahilo. Nasusuka na rin ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo para sana lumapit sa kinaroroonan ni Sabrina, pero biglang lumabo 'yong paningin ko. Animo'y dumoble 'yong tingin ko sa mga bagay at bago pa man ako tuluyang makalapit sa best friend ko ay nabuwal na ako at nawalan ng malay.

Nang idilat ko ang aking mga mata ay agad kong inilibot ang aking paningin sa silid na kinaroroonan ko at napagtanto kong nasa silid ako ng hospital habang nakahiga sa isang hospital bed. Bumukas ang pintuan ng silid at pumasok dito si Sabrina.

"Hey, you okay?" Mababakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala nang lumapit ito sa akin.

"Yeah, I am fine." Tugon kong nginitian ito. "Pero medyo nahihilo pa rin ako. Anong nangyari? I mean, natuloy pa ba 'yong kasal?"

"Hindi na. Hindi na kasi nahabol ni Kuya Frio si Ate Ellaine. Hindi na rin niya ito makontak."

"Kawawa naman si Kuya Frio." Wala sa loob na turan ko at napansin kong nakatitig sa akin si Sabrina. Animo'y may nagawa akong hindi kaaya-aya at gusto ako nitong sitahin. "Why? Did I do something wrong?"

She clicks her tongue.

"Sinong tatay n'yan?"

"Huh?" Napakunot-noo ako. Naguluhan ako sa tanong niya. "Tatay nang?"

"Nang anak mo, gagi. Buntis ka."

Oh, shit!

Parang halos panawan na naman ako ng ulirat dahil sa sinabi ni Sabrina. How I wish na bangungot lamang iyon.

Bigla akong pinagpawisan at nanlamig. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"A-Alam na nila mommy?" Alanganing tanong ko habang halos maiyak na ako. 

"Yeah. Nasa labas sila ni tito Mel, kausap ng duktor." Tugon ni Sabrina nang maupo siya sa silya sa tabi ko bago niya hinawakan 'yong kamay ko. "Galit na galit si tita Aria, Snowy."

Tuluyan nang dumaloy ang mga luha ko sa magkabilang pisngi. Tiyak akong masasampal talaga ako ni mommy dahil alam nitong wala akong boyfriend at hindi rin ako tumatanggap ng manliligaw kaya paano akong mabubuntis?

Pero ang mas inaalala ko'y paano kong sasabihin sa mga magulang ko na si Kuya Frio ang tatay ng ipinagbubuntis ko?


Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 48.8K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
33.6K 645 26
Clay Verdera is an actor while Isla Aurora Randal is just a typical person. Makabagong panahon ngunit makalumang paniniwala pa rin ang nananalaytay...
955K 16.1K 106
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
226K 3.4K 21
Warning: πŸ”ž (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...