Prologo

228 9 0
                                    

Kasalukuyan akong nag-mamaneho nang matanaw ko si kuya Frio sa pamamagitan ng side view mirror ko na pasuray-suray sa kalsada. Siya ay anak ng isa sa family friends namin. Presidente siya ng isang malaking kumpanya kaya nakapagtataka ang makita s'yang tila palaboy sa kalye.

Lasing ba 'to? Kunot-noong tanong ko sa isip kasi bata pa lang ako'y kilala ko na siya, never s'yang uminom or tumikim man lang ng alak.

Bahagya kong iniatras ang kotse ko at nang tumapat ako sa kanya'y ibinaba ko ang salamin sa passenger seat.

"Kuya Frio, you alright?" Tanong ko. "Are you drunk?"

"S-Sese?" Alanganin pang tanong niya habang naniningkit ang kanyang mga mata, mapula rin ang kanyang magkabilang pisngi.

Kumpirmado, lasing nga.

"Yeah. Where's your car? Why are you just walking?" Bahagya pang tumaas ang kilay ko nang ma-realize ko ang huli kong katanungan. Paano nga naman s'yang makapagda-drive, eh sobrang lasing siya.

Bumaba ako nang kotse ko at nilapitan ko siya.

"Come on. I'll take you home."

"Bitiwan mo nga ako!" Sigaw niya sa akin nang hawakan ko siya, pero hindi ko siya sinunod. Nagpumiglas siya at dahil sa kalasingan kaya na-out of balance siya at natangay niya ako.

Natumba siya sa gutter pahiga at sumubsob ako sa dibdib niya.

Gosh! Ang bango niya. Sobra.

Pakiramdam ko'y biglang nag-init ang magkabila kong pisngi nang sandali akong mapatitig sa kanyang mukha. Napaka-g'wapo niya. Ang s'werte ng fiancee n'yang si Ms. Ellaine.

"Oh, God!" Nasambit ko nang maramdaman ko ang pagpatak ng ulan. Sa una'y mahina ito, subalit unti-unti nang lumalakas. "Kuya Frio, let's go!"

Hinila ko siya, pero nagmamatigas siya at ayaw n'yang bumangon. Malaking tao siya kaya hindi ko siya kayang buhatin.

"Kuya Frio, ano ba? Umuulan na, eh." Halos maiyak na ako. Bumalik ako sa kotse ko para kunin ang cellphone ko. Sinubukan kong tawagan si Phony, kapatid ni kuya Frio at boy best friend ko, pero hindi ito sumasagot. Tinawagan ko si Sabrina, his cousin and my best friend, pero unattended naman ang linya nito.

Nilingon ko si kuya Frio at nakita kong bumangon na siya at halos mapasigaw ako nang akmang tatawid siya at biglang may dumaang motorsiklo. Halos mahagip siya kaya sumigaw 'yong driver at galit itong lumapit sa kanya.

"G*go ka ba!" Akmang susuntukin nito si kuya Frio, pero mabilis akong pumagitan.

"Please, Sir, pasensiya ka na. Lasing siya, eh." Pakiusap ko.

"Lalasing-lalasing, hindi naman pala kaya." Galit nitong sabi.

"Sorry po." Paghingi kong muli ng pasensiya. "P'wede n'yo po ba akong tulungang isakay siya sa kotse ko?"

"O sige, halika." Sabi ng lalaki. Malaki rin ang katawan nito kaya halos ito ang umalalay kay kuya Frio papunta sa passenger seat ng kotse ko. Mabuti na lang at hindi na siya nanlaban pa.

Iniuwi ko si kuya Frio sa condo unit niya. Ang bigat-bigat niya sa totoo lang kaya halos nanghihina akong napaupo sa tabi niya nang halos pasalampak ko s'yang itinulak sa sofa.

"Ellaine..." Usal niya habang nakapikit. "Mahal na mahal kita."

Nagbuga ako nang hangin bago ako naupo sa harapan niya at hinubad ang kanyang sapatos. Nang mahubad ko ang mga ito'y tumayo ako at tinanggal ko ang necktie niya. Inisa-isa ko rin ang butones ng long-sleeved niya dahil basang-basa siya ng ulan. Gumapang ang init sa magkabila kong pisngi nang tumambad sa aking paningin ang matipunong dibdib niya.

Gosh!

"Ellaine..." Ulit niya at nagulat ako nang bigla n'yang iyakap ang magkabila n'yang braso sa baywang ko bago niya isinubsob ang mukha niya sa tiyan ko.

Dama ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng mga sandaling iyon. Panay ang lunok ko dahil pakiramdam ko'y nanunuyo ang aking lalamunan.

"H'wag ka namang umatras sa kasal natin, pakiusap..." Umiiyak n'yang sabi. "Nakakahiya."

Ilang araw na lang at ikakasal na si kuya Frio sa girlfriend n'yang isang modelo at anak din ng isa sa mga stockholders nang kanilang kumpanya. Subalit sa inaakto niya sa kasalukuyan ay tiyak na nagka-problema sila no'ng babae.

"Kuya Frio..." Pinilit kong alisin ang mga bisig niya sa baywang ko, nagtagumpay naman ako, subalit bigla niya akong hinila dahilan upang mapaupo ako sa kandungan niya. "Kuya---!"

Naputol ang pagsigaw ko nang bigla niya akong siilin ng halik sa labi. Marahas kaya halos maiyak na ako dahil masakit. Sa totoo lang, si kuya Frio talaga ang inaasam kong maging first kiss ko, subalit hindi sa gano'ng paraan. Hindi sa gano'ng sitwasyon.

Bata pa lang ako ay crush na crush ko na si kuya Frio at habang nagkakaisip ako'y unti-unti kong nararamdamang tuluyan nang nahuhulog ang loob ko sa kanya sa kabila ng pagiging suplado, arogante at mapagmataas n'yang ugali.

"Kuya, p-please..." Dama ko ang panginginig ng buong katawan ko nang unti-unti ng bumababa ang mga labi ni kuya Frio sa aking leeg, kasabay nito ay ang paglalakbay nang kanyang mga kamay sa iba't-ibang parte ng aking katawan. Hindi naman ako nakainom ng alak ng araw na iyon, pero pakiramdam ko'y bigla akong nalasing dulot nang kakaibang sensasyong hatid ng mga halik at haplos ng lalaking matagal ko nang gusto.

At nang gabing iyon ay naging mahina ako. Isinuko ko ang sarili ko sa isang lalaking hindi naman ako ang mahal. At hindi ko inaasahang ang pangyayaring iyon ay babago sa payapang takbo ng buhay ko.

Love Moves In Mysterious WaysWhere stories live. Discover now