The newest hanamichi sakuragi...

By breakerdreamer

30.6K 3.1K 1.2K

cold, emotionless, magaling sa basketball, walang pakialam sa paligid niya.. nagbago na for good si sakuragi... More

chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
chapter 19
Chapter 20
chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
chapter 31
chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
chapter 37
Chapter 38
chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
chapter 42
chapter 43
Chapter 44
chapter 45
chapter 46
Chapter 47
chapter 48
chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
chapter 56
Chapter 57
chapter 58
chapter 59
Chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
chapter 67
chapter 68
Chapter 69
chapter 70
Chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
Chapter 76
chapter 77
Chapter 78
chapter 79
chapter 80
chapter 81
chapter 82
chapter 83
chapter 84
chapter 85
chapter 86
chapter 87
chapter 88
chapter 89
chapter 90
chapter 91
chapter 92
chapter 93
chapter 94
chapter 95
chapter 96
chapter 97
chapter 98
chapter 99
chapter 100
chapter 101
chapter 102
chapter 103
chapter 104
chapter 105
chapter 107
chapter 108
chapter 109
chapter 110
chapter 111
chapter 112
chapter 113
chapter 114
chapter 115
chapter 116
chapter 117
chapter 118
chapter 119
chapter 120
chapter 121
chapter 122
chapter 123
chapter 124
chapter 125
chapter 126
chapter 127
chapter 128
chapter 129
chapter 130
chapter 131
chapter 132
chapter 133
chapter 134
chapter 135
chapter 136
chapter 137
chapter 138
chapter 139
chapter 140
chapter 141
chapter 142
chapter 143
chapter 144
chapter 145
chapter 146
chapter 147
chapter 148
chapter 149
chapter 150
chapter 151
chapter 152
chapter 153
chapter 154
chapter 155

chapter 106

98 14 2
By breakerdreamer

The newest hanamichi sakuragi: cold hearted

Chapter 106:

****

Ala singko palang nang umaga nakagayak na si rukawa para sa balak niyang pag punta sa bahay ni sakuragi at sunduin si aki, may pakiramdam kasi si rukawa na baka may hindi magandang mangyari kapag tumagal pa si aki doon.

Nakita niya rin ang kanyang ama na nakapang bihis kaya nagtaka siya at nilapitan ito.

"Pa, saan lakad mo?" Tanong ni rukawa na seryosong tinitignan ang ama

"Ang tita mo, uuwi na kaya susunduin ko siya sa train station." Anas ng tatay ni rukawa na kinakunot noo naman niya, biglaang naman yata ang pag uwi ni tita. (Pangalawang asawa ng tatay ni rukawa)

"Gusto mo pa po bang samahan ko kayo?" Tanong niya sa ama, ngunit umiling nalamang ito bago ito tinapik sa likod

"Hindi na kailangan anak, alam ko na may lakad ka rin ngayon. Mag madali ka na at sunduin mo na si aki, mamaya niyan sumugod ulit ang tatay non dito, wala pa naman ako para gabayan ka." Anas nito na kinangisi ni rukawa

"Ginawa mo naman akong bata papa, kaya ko na pong depensahan sarili ko." Anas niya bago nagpaalam na aalis na siya

Nang makalabas siya mula sa gate ng kanilang bahay, naglakad na siya agad ng may pagmamadali.. hindi kasi niya maintindihan ang nararamdaman kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba para sa kaibigan.

Ilang minuto rin ang paglalakad niya at medyo tanaw niya na rin ang palikong daan patungo sa bahay ni sakuragi, napatigil siya ng makita ang likod ni sakuragi at mukhang may kinakausap ito.

"Teka? Hindi naman dyan ang tapat ng bahay niya ah?" Punang saad ni rukawa na biglang naweirduhan sa kaibigan.

Nagmadali nalamang siya sa paglalakad hanggang sa mapagtanto ni rukawa na hindi pala ito nag iisa at mukhang madami itong kausap. Kaya nang maaninag niya ng maayos ay ganon nalang ang gulat ni rukawa ng makita niya ang ama ni aki, may mga police itong kasama.


"Hulihin niyo na ang lalaki na yan, kinidnapped niya ang anak ko." Anas ni kotaro na tinuturo pa si sakuragi na bakas na ang galit sa mukha, marahil hindi na maintindihan kung ano ba talaga ang gusto ng matandang lalaki sa buhay ni sakuragi.

"Dad, ano ba?! Walang ginagawang masama si sakuragi, ako ang nagkusang pumunta dito kagabi.. hindi niya ako kinidnap." Sigaw ni aki sa amang mahigpit na nakakapit sa braso nito.

"Manahimik ka aki, wag mo nang kampihan pa ang kriminal na yan." Balik na sigaw ng papa nito sakanya

"Bat ba ayaw niyong makinig sakin daddy? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na mahal ko si sakuragi at wala akong intensyon na pakawalan siya dahil lang sa inutos niyo sakin. I have my own decision, kung hindi niyo iyon rerespetuhin, respetuhin niyo naman po iyong nararamdaman ko." Naiiyak na saad ni aki, nagulat kaming lahat ng malakas nitong sampalin si aki sa pisngi..


"Sumasagot kana ngayong bata ka? Respeto? Gusto mo ng respeto pero hindi niyo ako nirerespeto?" Galit na anas ng tatay ni aki, balak pa sana nitong sampalin sa mukha si aki ng mabilis na itong napigilan ni sakuragi.


"Tama na po yan, sir. Alam ko pong mali ang nagawa ko sa anak niyo at sobrang pinag sisisihan ko na po iyon. Pero sana wag niyo namang saktan si aki sa harapan ko." Malamig at puno ng kaseryosohang saad ni sakuragi na matalim na tinignan sa mga mata si kotaro.


"Bitawan mo ako, wala kang modo.. akala mo ba mapapatawad kita sa ginawa mong pananakit sa anak ko at pambabastos sakin ngayon? Kahit siguro pumuti ang buhok ko, hinding hindi mo makukuha ang blessings ko sainyo." Puno ng determinasyon saad ng tatay ni aki na lalong kinaluha lamang ni aki


"Naiintindihan ko po, sir! Wala po akong balak baliin ang mga prinsipyong nais niyong ipahiwatig sakin. Pero kahit na anong gawin niyo po, hinding hindi ko susukuan ang anak niyo, kahit kayo pa ang humadlang non." Anas ni sakuragi na nakapag patahimik sa tatay ni aki


"Kayo? Hulihin niyo na ang kriminal na yan at ikaw, sasama ka sakin pauwi." Saad nito kay aki na sinimulan ng hilahin subalit nagpupumilit namang humiwalay si aki sa kanya.


"Daddddd!! Pakiusap naman oh! Wag niyong gawin ito sakanya, wala siyang g-ginagawang kasalanan. P-please, gagawin ko ang lahat ng gusto niyo, p-pakawalan mo lang si sakuragi." Humihikbing pakiusap ni aki sa ama, nakadikit palad din itong nag mamakaawa sa amang hindi natitinag sa sitwasyon ng anak.

Pero pagkaraan ay tila may bumukas sa isipan ng ama ni aki at unti unti'y ngumiti ito na tila'y may ibig ipahiwatig na hindi maganda sa magiging sitwasyon nilang dalawa.

"Gagawin mo talaga ang lahat para sakanya ha? Oh Sige, papayag ako na palayain siya, ngunit... Sasama ka sakin sa canada." Tila tumigil ang mundo ni aki ng marinig ang mga katagang sinabi ng ama sakanya, si sakuragi naman na hawak ng mga pulis ay biglang nagpupumiglas at nag sisigaw.

"Aki, wagggg.. kaya ko na ang sarili ko, wag kang umalis pakiusap." Umiiyak na ring anas ni sakuragi na pilit nag pupumiglas sa pagkakahawak ng dalawang police sakanya..

Umiiyak namang napatingin si aki kay sakuragi, puno ng sakit at pagmamahal habang nakatingin siya dito. Maraming mga bagay na sumagi sa isipan ni aki, lahat ng iyon ay ikabubuti ni sakuragi.. kahit na ang sakripisyo non ay ang paglayo niya ay gagawin niya para dito.

"M-mahal na Mahal kita, sakuragi. L-lahat handa kong gawin para sayo, kahit napakahirap nitong gawin ay susubukan ko paring magpakatatag para sa ikabubuti mo. Love, kahit sa huling beses lang, sana maging maayos kana talaga.. wag kana ulit masasaktan ng dahil sakin.." saad ni aki na iyak ng iyak bago tumingin sa ama na tuwang tuwa sa nakikita, hindi na muling tumingin si aki at naglakad na siya palayo sa lugar na iyon, palayo sa taong naging dahilan ng kasiyahang hindi niya nahanap sa iba, ang pagmamahal na kailanman ay hindi niya mahahanap sa iba.

Rinig na rinig parin ni aki ang namamaos na pag sigaw ni sakuragi na lalong ikinasisikip lamang ng kanyang dibdib. Sobrang sakit na halos pigain ang kanyang puso, hindi siya makahinga ng ayos, nanginginig na rin ang kanyang kamay at nanlalamig.


'sorry sakuragi, alam kong magagalit at masasaktan ka sa gagawin kong ito, pero ito lang ang tanging paraan na nakikita ko para mapatunayan mo kay daddy na ikaw ang karapat dapat para sakin, kung hindi ako sasama sakanya, ilalayo ka parin niya sakin. Sorry love, I'm so sorry.' saad ng isipan nito

Continue Reading

You'll Also Like

1K 53 13
My apat na shokoy akong kaibigan kung saan hindi ko magawa ang mga gusto ko kasi sila ang laging nasusunod kahit isang bisis sa buhay ko wala pa akon...
72.1K 1.9K 69
One school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is...
48.4K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...