CAITLIN
At Alpha International
"Kaya ko 'to. Inhale.....exhale"
Hindi nagtagal ay tinawag na ako ni ma'am Isa na pumasok sa office ni boss Bea. Ang humble niya, ba't 'di nalang niya sinabing isa siya sa mga boss dito nung first time naming magkita
Well, nag aapply akong secretary, hindi ko naman alam na urgent hiring pala sila ng secretary tapos janitress lang ang ibibigay niyang trabaho sa'kin huhu
Upon entering the office ay binabasa niya ang resume ko at umupo nalang ako sa chair sa harap niya
"Good morning, boss"
Sinabihan ako ni ma'am Isa na boss daw dapat ang tawag namin kay ma'am Bea
"Administrative Secretary huh" boss Bea at tinignan niya ako eye to eye sabay hawak sa chin niya
"Yes boss"
"Tell me about yourself" boss Bea
".......and that's all about me, boss"
Then may mga tinanong pa siya sa'kin. Napaka professional niya makipag-usap grabe, nakakapogi sa kanya
"Last question. Why secretary? Not janitress?" boss Bea raises her brows
"I am applying as an administrative secretary because I have clear skills that will help me achieve my goal of becoming a better server based on my past work experience. And I know that I can do more from doing cleaning, boss"
"Okay. You may leave my office and wait for the results until tomorrow" boss Bea
"Boss, kung hindi ako matatanggap sige po, ok na ako sa janitress. Sorry kung nag hangad pa ako ng mas mataas na position, dahil alam ko naman po kasing kaya ko ang position na inaapply'n ko"
"Did I tell you to add more information, Ms. Viray?" boss Bea
"No boss, I apologize. Even so, I thank you for your time" tumayo na ako at lumabas nang naka yuko
ISA
Paglabas ni Caitlin ay pumasok na agad ako sa office ni boss Bea
"So, boss?"
"She's accepted. You can go home to your family now, Isa" nakangiting sabi ni boss Bea
"Yesss! Thank you, boss Beaaaa"
JHOANA
Kumakain kami ng dinner ngayon habang naka video call ako with Bea
*Jho and Bea's video call*
"Hello love, kumusta? Oh you're eating? Where's the kids?" sunod-sunod na tanong ni Bea
"Wait"
Linayo ko konti yung phone para makuha sa screen si Bella at Nolan
"Hi dada!" Nolan
"Hello, awwww gusto ko nang umuwi, love" Bea
"Dada, aren't you coming home yet?" Nolan
"Not yet, anak. Momma mo kase ayaw pa akong pauuwiin eh" Bea
"Ha?" Nolan
"Beatriz, ayoko maging translator para alam mo"
"Haha. Oh by the way, love, may new secretary na ako" Bea
"Ba't parang masaya ka?"
"Of course, hirap kaya ng walang secretary. Ipapakita ko sa'yo mamaya yung profile niya" Bea
"Abaaa naninigurado ah"
Bea chuckles
Wag na wag kalang talagang mambababae, Beatriz.
3 days later
CAITLIN
Today is my official first day of work. Na train na ako ni Ms. Isa sa mga dapat kong gawin sa trabaho before pa siya umalis
Dala-dala ko ngayon ang coffee ni boss Bea
"Good morning, boss, here's your coffee. Caffé Misto" sabi ko at ipinatong yung coffee sa table niya
"Thanks" boss Bea
Hinintay ko muna siyang tikman yung coffee niya para malaman ko kung tama ba yung coffee na nabili ko sa SB
"You did not add a shot of decaf espresso roast?" Bea
"Ay oo nga palaa. Sorry boss, bibili nalang ako bago"
Ang haba kasi nun kaya diko natandaan yung sinabi ni ma'am Isa huhu
"Bawas na yan sa oras mo, so meaning bawas sweldo" Bea
😭
"Pwede po bang gawan nalang kita ng bago?"
May tea room naman dito sa department namin
"Make sure na magugustuhan ko yan" Bea
"Yes boss"
Kumaripas na akong pumunta sa tea room para ipagtimpla si boss ng kape. Hellooo barista kaya yung ex ko
BEATRIZ
Busy ako sa ginagawa ko nang biglang pumasok si Caitlin na siyang ikinagulat ko
"Ms. Viray, will you please walk relaxed?"
Mabilis na pinatong ni Caitlin ang coffee ko sa table
"Sorry boss, napaso kasi ako kanina" Caitlin
"You did not put a cover on the mug.....*sigh* sa'yo na yan"
"Malinis naman po 'to" Caitlin
"Go back to your desk outside my office and bring your coffee with you. Tatawagin nalang kita 'pag may kailangan ako"
"Pasensya na po. Hindi na mauulit" Caitlin at hindi na siya nakatingin ng deretso sa'kin
Tama bang siya ang secretary ko? Napaka palpak
JHOANA
Nandito kami sa Quantum Mini ni Nolan, at tinuturuan siya ng tito Nico niya
"Yaayy! Am I a pro now, tito Nico?!" masayang sabi ni Nolan
Naka shoot kasi ng isa si Nolan ng mag-isa niya lang
"Hahaha you're almost there, Nolan, after 25 years you'll be a pro golf player" Nico
"25 yeaaaars?! That's forever, tito Nico" Nolan
Hindi ko napigilang tumawa sa sinabi ni Nolan hay ang kulit talaga
"Do you dream of becoming a professional golfer like me?" Nico then tinignan niya rin ako saglit
"Yes! And a businessman too like my dad!" Nolan
"Ok ok anything you want, Nolan. Jho, may cafe pala dito, kain muna tayo, para makapag pahinga rin ang anak mo" Nico
"Ah sure. Nolan nak? Let's eat snacks first so you can get more energy, hmmm?"
"Ok momma" Nolan
Pagkarating namin sa cafe ay pinagbuksan pa kami ni Nico ng door. Tapos nang habang nag-oorder kami ay may tinatanong si Nolan
"Momma, do they sell cookies?" Nolan
"Uhmmm I think they only sell cakes and other pastries, baby" malungkot kong sabi
"Ah favorite niya cookies, Jho?" Nico
"Hay nako sobra"
"Ganon ba? 'Di ko naman alam hehe, ayaw ba niya ng cake? Or pasta?" Nico
"Keri yung pasta, gusto niya yun"
"Sige, mag add kana rin ng cake para mabusog pa lalo" Nico chuckled
Then nang maka-order kami ng food namin ay bayaran na
"Miss, icharge mo nalang yung bill namin sa'kin" Nico to the cashier
"Ha? Nico, wag na, ako na magbabayad"
"Hayaan mo na Jho, ok lang. Tutal wala naman yung cookies ni Nolan hehe" Nico
NICO
Kumakain na kaming tatlo, at si Nolan ay behave siyang nagpapasubo kay Jho. Nagkukwentuhan naman kami ni Jho about life ganun
"So ayun, habang wala pang tournament at least may ginagawa ako diba. Kaya nag apply akong coach dito nun"
"Ahhh ok, great idea yun" Jho
"Yes hehe. Eh ikaw ba Jho, saan naman yung asawa mo?"
"Nasa US, kakaalis nga lang niya actually" Jho
"What do you mean na kakaalis?"
"Dito talaga siya sa Pilipinas nagtatrabaho, pero dahil gusto niyang iexpand ang company nila kaya nakikipag partnership siya sa isang company sa US" Jho
"Ohhh business minded talaga, kaya pala gustong maging businessman ni Nolan"
"Oo, idol na idol niya ang dada niya. Ikaw ba, Nico? Kailan mo ba balak mag settle down?" Jho
"Pag nahanap ko na, pero wala pa talaga eh haha"
"Darating din yan, be patient" Jho
"Sana nga hehe"
"Malay mo nakilala mo na pala ang para sa'yo diba" Jho
Sino naman kaya ang para sa'kin?
~~~~~
A/N: I apologize for any grammar errors you may have noticed. :)