AT MY LOWEST ( Ongoing )

By heir_05

4.6K 93 29

Experiences, lessons, heartbreak, and grief are all part of life. But when will I be able to live without suf... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16

CHAPTER 14

215 4 1
By heir_05

I'm here in the conference room because Lucas is having a meeting with the board. I am just busy taking notes on the important things they are talking about. I looked down when Lucas touched my thigh again under the long table. These days, I've noticed he likes doing that thing to me, caressing my thigh.

I gave him a slight glance to signal him to stop what he was doing. I'm afraid the board might see us, but he was just serious about listening to the board members suggestions. Hinayaan ko nalang siya dahil busy din naman ang board sa pinag-uusapan nila.

Pagkatapos ng meeting niya ay inumpisahan ko na rin ang iba ko pang gagawin. Nakatutok lang ako sa harap ng screen ng computer at busy sa pagtitipa nang makuha ni Louise ang atensyon ko.

“Hoyy, hindi niyo pa rin ako ina-add sa gc ah..”, wika nito, nakasimangot.

“Saka na kapag may filter na 'yang bibig mo”, ani ko, nakatutok pa rin sa ginagawa.

“Ginagawa mo ba rito?”, pag-iiba ko at tinignan siya.

“Wala naman”, ipinatong nito ang kaliwang siko sa table at hinawakan ang pisngi niya’t malawak na ngumiti.

Napakunot ako habang tinititigan ito.

“Ano ka r'yan?”, tanong ko.

“Guess what?”, lalong umabot ang ngiti nito mula sa tainga.

“What?”, tamad na tanong ko.

“He's courting me..”, napatakip pa ito sa bibig na parang kinikilig.

“Wait.. what?!", I asked again.

“Nililigawan niya na ako, siz..”, hinawakan pa ako nito sa balikat at inalog-alog sa sobrang kilig.

“Sandali nga.. ang likot mo”, pagpigil ko sa ginagawa niya. Agad naman ako nitong binitawan at natatawang umayos sa pagkakaupo.

“Shit! Ang ganda ko talaga.”, humampas pa ito sa hangin at hinawi ang buhok sa gilid ng tainga.

“Sandali.. sino ba kasi sa kanila?”, naguguluhang tanong ko.

Napahinto ito at walang ganang tumungin sa akin.

“Sino pa ba?”, tanong nito pabalik.

“Aba, malay ko kung sino sa kanila. Ang dami mo kayang kinu-kwento.”, wika ko.

“Hoyy, wala kaya. Siya nalang kaya kinukwento ko 'no.”, pagtanggi nito.

“Oh! sino nga?”, muling tanong ko.

“Si ano..”, bumalik muli ang ngiti sa labi nito bago nagsalita ulit. "Si Czek..", napakurap-kurap ako noong mabanggit niya ang pangalan nito.

“Seryoso? Oh, anong sabi mo?”, agad na tanong ko.

“Syempre hindi ako pumayag... kaso wala e, mapilit kaya ano'ng magagawa ko?”, wika nito at tinikwas pa ang kamay.

“Oh, e'di sana dineretso mo nang hindi mo siya gusto.”, napahalukipkip ito at nagpa-dekwatro.

“Sinabi ko na, noon pa... Ip-pursue pa rin daw niya ako.”, sagot nito.

“Shit.. Ganito pala feeling ng pinu-pursue.”, kinikilig na saad nito.

“Malay ko”, walang alam na sagot ko. Hindi ko naman talaga alam.

“Oh, ano'ng balak mo?”, pag-iiba ko.

Napakibit-balikat lang ito sa tanong ko.

“Hoy, Louise! Umayos ka. Sinasabi ko sa’yo, mamaya umuwing luhaan na naman 'yan.”, pagsasabi ko.

Gan’yan ang ginagawa niya sa mga manliligaw niya noon palang. Hahayaan niya manligaw dahil sa mapipilit pero in-entertain niya rin naman. Knowing Louise, she's afraid of commitment. Kaya hanggang fling lang talaga siya at pagkatapos niya magsawa, or when she lost interest, ig-ghost niya na.

“E, siya naman 'yung mapilit ah.”, pagdadahilan nito.

“Ewan ko sa'yo, Louise. Tandaan mo kaibigan ng boss natin 'yan tsaka isa rin ang pamilya n'yan ang kilala sa business industry.", pagpapa-alala ko sa kaniya.

“Oh, ano naman?.. I just wanna give it a try, malay naman natin?”, sagot nito.

“Sinabi mo na 'yan.”, inirapan ko ito.

“Ito naman ang kj.”, sagot niya.

“Ewan ko sa’yo.”, wika ko at humarap muli sa computer.

Magtitipang muli sana ako nang mapansin ang kamay ko. Nakalimutan ko palang tanggalin 'yung singsing na suot ko. Humarap ako kay Louise habang nagsasalita ito at pasimpleng tinatanggal ang singsing sa kamay ko. Dahan-dahan kong binuksan ng maliit ang drawer ng desk ko.

“Oo nga, bukas daw uwi niya kaya nag-aaya lumabas.”, sagot ko kay Louise at pasimpleng inihulog ang singsing sa loob ng drawer.

“May pasalubong daw siya ah.”, wika nito.

Pinagk-kwentuhan namin ang pag-aaya ni Astrid bukas dahil bukas ang uwi nito after ng 3 days layover niya sa New Zealand. Napahinto kami sa pag-uusap nang tumunog ang intercom. I immediately answered the call, while Louise simply signaled that she was going to leave. I just nodded my head.

“Okay, sir.”, maikling sagot ko at binaba na ang tawag.

Kinuha ko ‘yung isang folder na nakapatong sa desk ko at naglakad papunta sa office ni Sir Lucas. Tumawag ito para hingin ‘yung isang dokumento na kailangan niya. Pagkabukas ko ng pinto ay agad itong tumingin sa akin at ngumiti.

Lumapit ako rito at nilapag ang dala kong dokumento.

“This is the document you are asking for, sir.”, binuklat nito iyon at tumango-tango.

“Good.”, he said.

I was about to leave his office when he spoke again.

“Wait.”, agad akong humarap sa kaniya at nagtatanong tumingin.

“What is this?”, pagturo niya sa dokumentong binabasa at umangat ang tingin sa akin.

“Alin po, sir?”, tanong ko kung ano ang tinutukoy niya sa dokumento.

“Come here.”, agad naman akong lumapit sa tabi niya.

Kaunting ginilid nito ang swivel chair na kinau-upuan para mapaharap ito sa akin. Agad ko naman tinignan kung ano ang tinuturo niya sa hawak na dokumento. Napakunot naman ang noo ko nang walang makitang kakaiba ro’n.

“Ano po'ng problem—”, agad akong naputol sa sasabihin at napatili noong hatakin ako nito paupo sa hita niya.

Natawa ito sa ginawa niya lalo noong hampasin ko ito.

“Ano ba, lucas..”, saway ko rito.

“Why?”, natatawang tanong nito.

“We're at work, Lucas.”, madiing wika ko pero kaysa pakinggan ang sinabi ko ay hinalikan nito ang balikat ko.

“Lucas, stop that.”, naiinis na wika ko.

Tatayo na sana ako kaso pinigilan ako nito. Napalunok ako sa noong amoy-amuyin nito ang balikat ko papunta sa leeg ko habang hinihimas ang braso ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito nang makiliti ako sa ginawa niya.

“Lucas.. please stop.. baka may makakita sa'tin..”, pinigilan ko ito ngunit hinawakan nito ang dalawang kamay ko.

“So what?!”, wika nito at hinalikan ang leeg ko.

“I don’t care if they see us like this.”, walang pakialam na saad nito at pinagpatuloy ang ginagawa.

“Luca—”, agad ako napahinto sa pagsasalita noong makarinig ng katok mula sa pinto.

Agad akong tumayo noong bumukas ito at inayos ang sarili. Inayos rin ni Lucas ang pagkaka-upo niya. Tumingala ako para tignan kung sinong tao ang pumasok. Awtomatikong napaatras ang mga paa ko at binalot ng kaba ang dibdib ko nang makita kung sino iyon.

“I seem to have disturbed you with what you two are doing.”, wika nito na parang hindi makapaniwala sa nakita.

“Should I leave so you guys can continue?”, tanong nito at tumuro pa palabas.

Lumingon ako sa kinakaupuan ni Lucas at seryoso lang itong nakatingin sa taong nasa harapan niya.

“What brings you here?”, malamig na tanong nito.

Napangiti ang kausap nito at naglakad palapit sa amin. Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko dahil hindi ko manlang magawang gumalaw. I was just staring at the two of them. Thinking of what happened last time. I'm afraid they might start stirring things up again.

“I came here to personally apologize for what I said last time, Mr. and Mrs. Sanford.”, I looked at Mr. Montejo to see if he was really sincere about what he just said.
 
“I shouldn’t have said those things, and I also shouldn’t interfere with your marriage.”, dagdag pa nito.

Napatingin ako kay Lucas noong tumango lang ito sa kausap. He seemed like he wasn’t convinced by Mr. Montejo's apology. Yumuko ito at kinuha ang ballpen na nakapatong sa lamesa. Pinaglaruan niya ‘yon sa mga daliri niya tsaka muling inangat ang ulo at pinakatitigan si Mr. Montejo.

“I am glad you came here to apologize for what you did.”, seryosong saad nito.

“I hope it won’t happen again, Mr. Montejo. You wouldn’t like what I could do if you did it again.”, dagdag pa nito.

Napangiti si Mr Montejo sa narinig niya at napatango-tango.

“I hope we are now fine.”, sagot nito na ikinatango rin ni Lucas.

“That's good, then.”, lumawak ang ngiti nito at muling nagsalita. “Anyway, another reason I came here is that... it would be great if the business opponents had a collaboration.”

“What do you mean?”, kunot noong tanong ni Lucas

“I mean, what if we do a collaboration? That can bring many advantages to the development of our businesses.”, paglilinaw nito.

“Isn’t that a good idea?”, tanong nito.

Tumaas lang ang isang kilay ni Lucas.

“Are you open to that, Mr. Sanford?”, muling pagtatanong ni Mr. Montejo nang hindi sumagot si Lucas.

“I'll think about that.”, maikling sagot ni Lucas.

“Okay, just inform me then if you have made up your mind.”, wika nito at nagpaalam na umalis.

Pinakatitigan ito ni Lucas hanggang makalabas. Kita ko ang lalong pagkunot ng noo nito nang kaming dalawa nalang ang natira sa loob. Huminga ito ng malalim at saka tumingin sa akin.

“Are you okay?”, nag-aalalang tanong nito.

I nodded my head in response. Hinawakan ako nito sa kanang pulso ko at dahan-dahan hinatak paupo sa kaniya. Hindi ako kumibo sa ginawa niya at hinayaan nalang siya.

“It's a relief that he finally apologized.”, wika ko at isinandal ang ulo sa dibdib niya.

“Hindi na kayo mag-aaway.”, sa totoo lang masaya ako na nagka-ayos na silang dalawa.

“Yeah, but still distance yourself from him. I don't trust anyone.”, saad nito habang hinahawi ang buhok sa gilid ng tainga ko.

“So, you don't trust me either?”, kunot noo akong humarap sa kaniya.

“Of course, I trust you, hon. What I’m trying to say is that you shouldn’t trust the people around you, especially if you don't know them well.”, pagpapaliwanag nito.

He has a point. Muli akong sumandal sa dibdib niya at hindi na nagsalita.

“I'm still wondering why he wants to collaborate with our company.”, napatingala ako sa kaniya nang biglang magsalita siya ulit.

“He just said that's an advantage for the development of your company.”, pag-uulit ko sa sinabi ni Mr. Montejo kanina.

“Yeah.. but I know that is not his main reason.”, medyo nangliit ang mata nito habang nag-iisip.

“Huh?! What do you mean it's not his main reason why he wanted to collaborate with you?”, I curiously asked.

“I know he's into something.”


___________________________________________________

Hi, everyone! I'm sorry po ngayon lang ulit nakapag-update huhu

Continue Reading

You'll Also Like

762K 46.4K 49
๐ˆ๐ง ๐ญ๐ก๐ž ๐“๐š๐ง๐ ๐ฅ๐ž๐ ๐ฐ๐ž๐›๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐‡๐ž๐š๐ซ๐ญ๐ฌ, ๐š๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐ซ๐ฌ๐ฎ๐ข๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐“๐ซ๐ฎ๐ญ๐ก๐ฌ, ๐‹๐จ๐ฏ๐ž ๐ฐ๐ž๐š๐ฏ๐ž๐ฌ ๐ข๐ญ๐ฌ ๐ฆ๐ž๐ฌ๐ฆ๐ž๐ซ๐ข๐ณ๐ข๐ง๐  ๏ฟฝ...
232K 28K 23
People meet by accident, People fall in love by accident, But people surely don't become someone's baby daddy accidentally, or do they? What started...
179K 36.4K 54
Becca Belfort i Haze Connors, choฤ‡ przez swoich znajomych zmuszani do spฤ™dzania razem czasu caล‚ฤ… paczkฤ…, od dawna siฤ™ nie znoszฤ…. Dogryzajฤ… sobie prz...
693K 40.3K 35
|ROSES AND CIGARETTES Book-I| She was someone who likes to be in her shell and He was someone who likes to break all the shells. ยฐโ€ขยฐโ€ขยฐโ€ขยฐโ€ขยฐ "Junoon ba...