AT MY LOWEST ( Ongoing )

By heir_05

4.6K 93 29

Experiences, lessons, heartbreak, and grief are all part of life. But when will I be able to live without suf... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16

CHAPTER 11

217 4 1
By heir_05

I am now facing the vanity mirror while the stylist does my make up. Nanatili lang akong tahimik dahil kinakabahan ako para sa event na pupuntahan namin mamaya. Do I really need to go with him? Nabasag ang katahimikan noong magsalita ang stylist.

"Ikaw pala ang napangasawa noong anak ni Sir Nicolas. Napaka-swerte mo naman...", wika nito, nangingiti.

"Ahh..opo..", nahihiya akong ngumiti sa kaniya.

"You two are really living together. Mukhang magkaka-apo na si Sir Nicolas ah..", may panunukso sa boses nito.

"Ay-y, wala pa po..", naiilang akong tumawa noong sumagot sa kaniya. Ano ba'ng klaseng usapan 'to?! Anak agad.

"Okay lang 'yan, hija. Natural lang 'yan sa mag-asawa, huwag kang mailang. Darating din ang time na mag-aanak na kayo.", dagdag pa nito na ikinangiti ko nalang. Buti nalang ay napunta na sa ibang bagay ang usapan namin kaya hindi na ako masyadong nailang.

"Let's go! Let's put on your gown.", wika nito pagkatapos akong ayusan at tinulungan akong isuot ang gown ko.

"We're done. You are so beautiful..", masaya nitong wika habang pinakatitigan ang kabuuan ko. Tumingin ako sa salamin at pinakatitigan ang sarili ko.

She curled my long hair, and my makeup suits me. I turned around, and I held my hair to see my back in the mirror. The dark green gown I'm wearing is backless and has a slit on the left side of my leg. It hugs my body perfectly. I look so different, simple yet elegant.

"Thank you po!", napangiti ako at tumingin sa nag-ayos sa'kin.

"You're welcome, hija.", she looked at me with admiration in her eyes, her smile did not leave her lips.

Napahinto kami noong may kumatok sa pinto at binuksan ito. Pumasok mula roon si Lucas. He's wearing a black suit, and his debonair look can take my breath away. He's such a fucking good-looking man.

"You done?", he asked. I just nodded my head.

Nilingon nito ang stylist at tinanguan. Nangingiti namang lumabas ang stylist na parang nakuha niya agad ang nais ni Lucas. Itinuon nito ang atensyon sa akin at pinakatitigan ako. He even touched my face as he admired me.

"Gorgeous.", he whispered, but enough for me to hear. He kept on staring at me.

"Can you please stop staring at me? It's annoying.", naiinis na sambit ko.

"Nagtataray ka na naman.", he laughed and pinched my nose.

"Anyways, here.", he handed me a box. It looks like a necklace box. Kinuha ko iyon mula sa kamay niya at kunot noong binuksan ito. Napaawang ang labi ko noong makita ang laman nito.

It's a Cartier "Lily Of The Valley" Diamond Necklace and Earring Set.

"What is this?", tanong ko at napatingin sa kaniya.

"This is for you.", he said as he carefully took the necklace from the box and put it on my neck.

I was stopped by a flashback in my mind.

"Here. This is my necklace. Whenever you're having a hard time, hawakan mo 'to at isipin mong nasa tabi mo lang ako.", he said while putting his necklace around my neck.

"You're not, and you never have been, alone. Although I may not be there every time you need someone, always remember that you still have people who care about you.", he smiled at me.

Those words. Why did I suddenly remember those words of his while Lucas was putting the necklace around my neck? Napakurap ako noong nagsalita si Lucas.

"Hey...why?", he asked, worriedly.

Hindi ko namalayang tapos na pala niyang i-suot sa akin ang kwintas. Mariin itong nakatitig sa mukha ko na para bang binabasa mula roon kung anong nangyari sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya at umiling. "It's nothing."

I put the box I was holding on the vanity table. I took the earrings out of the box and wore them by myself. He was just watching me by my side. I just remained silent, thinking about the person who said those words that suddenly popped into my mind.

"It suits you.", he complimented. I just smiled in response.

Nasa sasakyan na kami papunta sa private event. I was just looking out the window, looking at what we were passing by. Nakikita ko minsan ang mga pasulyap-sulyap ni Lucas sa akin pero hindi ko ito binibigyang-pansin.

Pagkarating ay bumaba kami ng sasakyan at inalalayan ako ni Lucas papasok sa entrance ng grand hall. Napatingin ako sa kabubuan ng event place. Everything screams elegance and opulence. Bigla akong nanlamig nang makita ang mga tao sa loob ng event na'to.

Napatingala ako kay Lucas noong bahagyang pisilin nito ang kamay ko. He was looking at me, and he tightened his grip on my hand.

"You okay?", he asked. I nodded my head and smiled to assure him that I was okay.

Naglakad na kami palapit sa maraming tao. Nakita namin ang ibang businessmen and women na kilalang kilala sa business industry. Maski ang ibang investors ng kompanya ay nandito rin. They were also having small talk.

Napapahinto kami ni Lucas noong sumalubong sa kaniya ang isang lalaki na may hawak ng glencairn whisky glass. He's Mr. Piolo Montejo, and his company is one of our opponents in this industry.

"It's nice to see you here, Mr. Sanford.", malapad itong ngumiti at nakipag-kamay kay Lucas.

"You as well, Mr. Montejo.", natuon ang mata ng kausap nito sa akin at parang gulat na napatingin.

"Ohh..You brought your secretary here!", bumalik ang tingin nito kay Lucas. Napatingin ako kay Lucas at nakita ko kung paano nagbago ang mukha nito sa narinig.

"She's my wife.", ngumiti ito pero madiin ang pagkakabitaw ng mga salita. Mas lalong nagulat ang kausap nito at bumaba ang mga tingin sa kamay naming magkatiklop ni Lucas.

"Ohh.. I see.. So, she's your wife.", wika nito, napapatango.

"But if I am not mistaken, she's your secretary, right?", para akong nanliit noong pakatitigan ako nito mula ulo hanggang paa.

"Yes, but we are not at work, so she is not my secretary but my wife.", his face became serious. He can't even hide his emotions.

"Oh, okay.. So, nice meeting you, Miss secre..", agad nitong pinutol ang sasabihin at binago.

"Mrs. Sanford.", ngumisi ito. I just smiled at him, but it didn't reach my eyes.

"Oh, hey, bro!", biglang napatigil si Mr. Motejo at napatingin sa lalaking lumapit sa kaniya kaya dito na natuon ang atensyon. Kinuha na rin ni Lucas ang pagkakataon na 'yon para umalis kami at pumunta sa table. Parang nanghina ang mga tuhod ko pagkaupo sa upuan.

May mga ibang kasama rin kami rito sa table kaya nakikipag-usap sa kanila si Lucas. I took a deep breath and composed myself. Nanatili lang akong tahimik habang pinapakinggan ang usapan nila.

"Your wife is so beautiful.", napatingin ako sa asawa ng kausap ni Lucas noong sa akin nabaling ang usapan nila. Nahihiya akong ngumiti rito, hindi alam kung ano ang sasabihin.

"She really is.", dagdag ni Lucas at tumaas pa ang sulok ng labi nito na parang proud pa. Nagpatuloy lang sila sa pagk-kwentuhan hanggang sa may nagsalita na rin sa harap at natuon na ang atensyon do'n.

Nanigas ako sa pagkakaupo at napalunok noong maramdaman kong ipinatong ni Lucas ang kamay niya sa hita ko at pinisil-pisil pa ito habang deretsong nakatingin sa harapan, nakikinig. Malaya nitong nagagawa iyon dahil mataas ang slit ng suot kong gown.

Inabot ko ang baso ng tubig na nakapatong sa table at uminom dahil parang nanunuyo ang lalamunan ko. Napalingon ako kay Lucas noong abutan ako nito ng tissue. Kinuha ko 'yon at agad na umiwas ng tingin. Pagtapos nang nagsasalita sa harap ay kaniya kaniya nang ikot ang mga tao.

Nanatili lang ako sa kinauupuan ko. Si Lucas naman ay nagpaalam na may kausapin lang daw. Gusto pa nga akong isama nito ngunit tumanggi ako. Ayaw pa nitong pumayag dahil ako lang daw mag-isa pero nagpumilit ako at sinabing okay lang naman.

Kinuha ko ang clutch bag ko at tumayo para pumunta sa rest room. Maglalakad na sana ako noong may humarang sa daraanan ko. Napatingala ako at hindi napakali ang mga mata ko nang makitang si Mr. Montejo na naman ito. Napatingin ako sa direksyon kung nasaan si Lucas, busy pa ito sa pakikipag-usap.

"Hey! Have some drinks.", napatitig ako sa wine glass na iniabot nito sa akin. Kinuha ko 'yon at tumingin sa kaniya.

"Thank you!", I tried to smile at him.

"Cheers.", We raised our wine glasses in toast. Dahan-dahan kong ininom ang red wine habang pinagmamasdan ang lalaking nasa harap ko. Pagkatapos nito uminom ay direktang tumingin ito sa mga mata ko.

"I'm wondering... why all of the woman, Mr. Sanford chosen you. What's special about you?", he asked as if he was really curious. Why was he interfering? Does he need to know more about that?

I just remained silent. Pinilit ko ang mga kamay ko na hindi manginig. Hindi ko alam kung anong isasagot ko o sasabihin ko. Napalunok ako noong hagurin nito ng tingin ang kabuuan ko.

"Yes... You are hot and sexy...", umangat muli ang tingin nito at sinalubong ang mga mata ko.

"But why on earth would a successful businessman marry a mere secretary....", natawa ito na para bang may nakakatawa sa sinabi niya.

Napatingin ako sa paligid namin kung may nakakarinig ba sa sinabi niya. Napayuko ako sa hiyang naramdaman ko noong may napadaan at mahinang tumawa ito.

"Gano'n na ba ka-kailangan ni Mr. Sanford ng asawa para pakasalan niya ang sekretarya niya.", tumawa ito lalo nang nakakaloko.

"Hey! Say something, Mrs. Sanford...", he emphasized the 'Mrs. Sanford'.

"Tell me... Are you really his wife or... You are just pretending to be his wife?....", biglang umapaw ang kaba sa dibdib ko nang marinig ang sinabi nito.

Inangat ko ang tingin ko at sinubukang sumagot pero naiwang bahagyang nakaawang ang bibig ko, walang salitang namutawi mula roon.

"C'mon.. Tell me.. I'll triple how much he pays you just to pretend to be his wife.", he urged.

“I-I'm sorry to say this, Mr. Montejo, but I don't need his money or his wealth.... We got married because we really do love each other and see each other growing old together...”, I finally had the courage to answer him.

Tinaas nito ang isang kilay kasabay nang pagtaas ng sulok ng labi niya. He didn't seem to believe what I said.

“You know what... you can fool them, but not me.”, lalo akong kinabahan noong mag-seryoso ito.

“How can I believe you love each other? He just went home from abroad a month ago, and he studied there for many years... How did you meet and fall for each other when you had been working at his family's company for, let's say, two years?.. or 3 years while he was abroad?”, nagtatakang tanong nito habang pinaglalaruan ang wine glass sa kamay niya.

“Oh, c'mon.. Maybe you two are really married... but it is just for the sake of their company.”, he smirked.

I was about to answer him, but suddenly a cold voice spoke.

___________________________________________________

Kindly wait for the next chapter. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

242K 1.1K 36
Warning - Extremely erotic and sexual. People below 18 might find it disturbing. Suggestion to my readers - Visualize everything! Description - I am...
241K 29.1K 23
People meet by accident, People fall in love by accident, But people surely don't become someone's baby daddy accidentally, or do they? What started...
1.6M 97.7K 39
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
1.7M 95.1K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...