Beware of the Class President

By JFstories

1.7M 100K 57.6K

FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na... More

INITIUM
...
CAPITULO 1 - Pervert
CAPITULO 2 - Zero
CAPITULO 3 - Boys
CAPITULO 4 - Alone
CAPITULO 5 - Oppression
CAPITULO 6 - Awakening
CAPITULO 7 - Speech Delay
CAPITULO 8 - Decoy
CAPITULO 9 - Depression
CAPITULO 10 - You
CAPITULO 11 - Unfolding
CAPITULO 12 - Body Contact
Capitulo 13 - Let's Go
CAPITULO 14 - Joyride
CAPITULO 15 - First Step
CAPITULO 16 - Incense
CAPITULO 17 - Fever
CAPITULO 19 - Luggage
CAPITULO 20 - Something/Someone
CAPITULO 21 - Rosary
CAPITULO 22 - Crushed
CAPITULO 23 - Imminent
CAPITULO 24 - Companions
CAPITULO 25 - Trip
CAPITULO 26 - Wake
CAPITULO 27 - Brave
CAPITULO 28 - Confidant
CAPITULO 29 - Seized
CAPITULO 30 - Taken Over
FINE TEMPORE UNUM
CAPITULO 31 - Ataraxia
CAPITULO 32 - Boyfriend

CAPITULO 18 - Nun

43K 2.8K 1.2K
By JFstories

CAPITULO 18


"SINO KA?"


"Ha?" Ano raw?


Salubong ang makakapal niyang kilay habang nakatingin sa akin. "'Sabi ko, sino ka? I don't know you."


Ha? Tama ba itong naririnig ko, hindi ako kilala ni El?!


Napalingap siya ng tingin sa paligid. "Nasaan ako? I don't know this place." Napatingin siya sa kinaroronang foam. Nagkaroon ng pagpa-panic sa mga mata niya. "Why am I here? This is not my room."


"El, sandali. Baka disoriented ka pa kasi..."


"My mom? Where is my mom?!" Akma siyang tatayo nang bigla siyang napahawak sa ulo niya. "Agh!" Napasabunot siya sa kanyang buhok.


"El, okay ka lang? El!" Inalalayan ko siya na mahiga ulit sa foam. Pagpasok ni Sister Gelai sa kuwarto ay saka lang nakalma si El. Parang bigla siyang nakaramdam ng kapayapaan sa presensiya ng madre.


May mga luha pa sa mga mata si El nang lapitan siya ni Sister Gelai. "Masakit ba ang ulo mo? Trinangkaso ka maghapon at wala ka pang kain." Pinahiran siya ng madre sa noo ng langis na mula sa simbahan, at inusalan ng dasal. Ganoon lang ay payapang-payapa na si El. Nakatulog na siya ulit.


Nagbilin si Sister Gelai na kapag nagising si El ay pakainin na kahit kaunti. May luto na raw na ulam panghapunan sa kusina. Tinolang manok.


Paglabas ng madre ay inayos ko ang pagkakakumot ni El. Nakatitig ako sa muli ay payapang mukha ng lalaki. Ano ba iyong nangyari kanina? Bakit hindi niya ako kilala? At bakit hindi niya alam kung nasaan kami o kung bakit nandito kaming dalawa?


Nagdedeliryo lang ba siya dahil sa taas ng lagnat niya kanina? Siguro, posible. Ilang minuto ko pa siyang pinagmasdan bago ko siya nakuhang iwan. Sa gutom at pagod ay parang bubuwal ang aking mga tuhod nang tumayo.


Nanghihina ako na lumabas na kuwarto. Sa pasilyo ay nakita ko si Sister Gelai na papunta sa altar. Ang suot niya ay paldang puti at cream na polo. Nakatali ang buhok patirintas. Isinaksak niya ang dalawang electric candles na wala na namang sindi, samantalang kanina lang ay isinaksak ko na ang mga iyon sa saksakan.


"Alas seis, hindi dapat pinapawalan ng ilaw ang altar," narinig ko ang malumanay na boses niya.


Nilapitan ko siya habang ang aking mga mata ay nasa picture frame, na tama nga ako, naroon na naman. Natitiyak ko man na wala iyon kanina, sinarili ko na lang. May iba akong gustong malaman. "Ano po ba talaga ang ikinamatay ng ate niyo?"


"Katandaan," tipid na sagot niya.


"Paano pong katandaan? Napakabata niya pa po para sabihing namatay siya sa katandaan. Natatandaan ko po, kaedad niya lang si Mama."


Hindi umimik ang madre. Nakatitig lang siya sa altar, partikular sa picture frame na nasa kanyang harapan.


Huminga ako nang malalim at muling nagtanong, "Sister Gelai, iyang nasa picture. Siya po ba si Felicidad na ate niyo?"


Imbes sagutin ako ay iba ang lumabas sa bibig niya. "Hindi ko rin maintindihan noong una kung bakit ang bilis ng pagtanda niya."


Kung ganoon, ang matandang babae na kulubot ang mukha sa picture frame ay ang ate niya nga. Si Felicidad Rubio? Napanganga ako kasabay ng paggapang ng kilabot sa aking katawan.


"Kena..." Hinaplos ni Sister Gelai ang salamin ng picture frame. "Nito ko na lang nalaman ang dahilan. Ang isang tao, kapag gumagamit ng itim na mahika, ang kapalit niyon ay ang sarili nitong kaluluwa. Kada gawa niya, ibinabalik sa kanya. Ibinabawas sa buhay niya. Pero ayaw tumigil ni Ate. Masyado siyang nalulong sa ginagawa niya."


Alam ni Sister Gelai ang ginagawa ng nakatatandang kapatid. Na hindi lang simpleng healer si Felicidad Rubio. Nag-aaral ito ng itim na mahika. Gumagawa ng orasyon, gayuma, at maalam din mambarang o kulam. Ang pinakamalala, sumusubok ito na makipag-usap sa mga yumao na.


"Talking to the dead, the bible considers it as sorcery."


Malungkot na ngumiti si Sister Gelai.


"The practice of communication with the dead is necromancy. A sin. Kahit ang paglapit sa mga medium, basta may kinalaman sa pagtatangka na makipag-ugnayan sa yumao na, kasalanan. Dahil walang ibang daan patungo sa kabilang buhay kundi ang Panginoon lamang. Siya lang ang tanging daan."


"Bakit ginagawa iyon ni Felicidad?" naguguluhang tanong ko. Sa nakikita ko ay maayos naman ang buhay nila, hindi nito kailangang gumawa ng masama para kumita. At nakapag-aral din naman ito at kung nanaisin ay kayang makapagtapos. Kaya nitong makakuha ng magandang career dahil mukhang matalino rin naman ito.


"Bata pa lang si Ate, fascinated na siya sa mga ganoong bagay. Impluwensiya ng lola namin na taga Talalora, Samar."


Taga Samar sila bago lumipat dito sa Bataan?


"Ang nanay ng lola namin ay sikat na barang, pero tumigil na dahil namatay ang asawa at dalawang anak. Ang sabi, karma. Ang bunso na lola namin ay naniwala at hindi na rin sumubok. Lumuwas ito sa Maynila para magtrabaho, at nakita nito na nagiging sibilisado na ang mundo. Kaya lamang, nakakilala ito sa trabaho ng isang Haitian."


Sa Araling Panlipunan ko nalaman na ang mga taga bansang Haiti ay Haitians kung tawagin. Maganda ang lugar nila, pero ang bansa na iyon ang isa sa kinatatakutan din na bansa sa Carribean. Kilala sa voodooism.


"Isang lalaki na ang sabi ay ang ninuno raw ay mula sa isang indigenous na tribo ang nakilala nito. Marunong daw sa salamangkang itim. Muling nabuhay ang kuryosidad at ang interes ng lola namin. Pagbalik nito sa probinsiya, kahit tinanggihan ng kanyang ina, tinuloy nitong manahin ang kaalaman mula sa aming kanunonunuan. Ganoon na rin ang nanay namin. 'Yang kaalaman nila, pasa-pasang karunungan. Ako lang ang tumanggi."


"Pero ang ate mo ay hindi?"


Tumango si Sister Gelai. "Ang pagpasok ko sa kumbento ay hindi para hugasan ang mga kamay ko sa kasalanan, kundi paraan ko para sana tubusin ang kasalanan ng aking pamilya. Pero hindi pala ganoon iyon. Walang makakasagip sa kanila kundi ang sarili mismo nila. Dahil ang mga tao ay indibidwal na pumasok sa mundo at indibidwal din na lalabas dito."


Hinarap niya ako.


"Kena, puwede mong tulungan ang isang tao at ituro dito ang tamang landas, pero kung hindi ito susunod ay wala ka nang magagawa pa para sa kaluluwa nito. Kapag ito ay namatay na, lilitisin ito ayon sa bigat ng kabutihan at kasamaan na nagawa nito sa mundo. At ikaw na nabubuhay pa ay walang magagawa para sa mga namatay na."


"Pero hindi lang naman masasama ang ginagawa ng ate mo, di ba? Nanggagamot din siya. May lumalapit din sa kanya para humingi ng tulong niya. Mga may karamdaman, may problema sa buhay, at iyong mga nabarang. Tinutulungan niya ang mga ito."


"Oo. Pero ano ang gamit niya sa pagtulong? Salamangkang itim. Sino ang sinasamba niya? Hindi naman ang Panginoon. Kahit gaano kabuti ang gawin mo, kahit hindi ka gumawa ng masama, kung wala kang paniniwala, wala rin. Dahil nag-iisa lang ang daan, kundi Siya lang."


Tumungo ako dahil tinaaman ako. Matagal na akong hindi naniniwala. Matagal na, mula pa noong mawala sa amin ni Mama si Papa. Mula rin nang mamulat din ako sa mga kababalaghan sa paligid ko, naging gawain ko na ang madalas na pangunguwestiyon sa Kanya.


"Kahit anong relihiyon, ayos lang. Ang importante, tunay at ang nag-iisang Diyos ang sinasamba. Dahil mapagmahal ang Diyos, ngunit mapanibughuing sa mga taong may ibang diyos maliban sa Kanya."


Si Felicidad Rubio ay hindi nailigtas sa mundo, kahit nakatulong pa ito sa ibang tao. Tumulong nga ito pero tumatanggap din ng mga taong may gustong ipakulam, pabagsakin ang negosyo, o guluhin ang isang masayang pamilya. Natutuwa ang babae kapag nagtatagumpay ito. Napapatunayan daw kasi nito na madali talagang saktan at sirain ang mga taong kulang sa pananampalataya. Ang mama ko lang yata noon ang tinangka nitong saktan, pero hindi nito napagtagumpayan.


Sa bawat din panggagamot ni Felicidad ay may kapalit na presyo. Sampung libo sa kulam kung ang katapusan ay papatayin ang isang tao. Ang panggagamot naman sa kulay ay sampung libo rin. Kung ibabalik ang kulam sa nagpagawa ay panibagong presyo. Kumakausap din ng patay si Felicidad. Hindi ko alam kung paano, kung sinong mga demonyo ang nakikipag-usap dito, pero maligaya ito sa paniniwala sa sariling kakayahan.


"Bawat galaw niya, may balik sa kanya. Hindi niya iniinda. Masaya siya sa ginagawa." Napailing si Sister Gelai. "Pinagtatawanan niya lang ako, nililibak ang aking paniniwala. Doon ako sumuko, dahil alam ko na hindi ko na siya maisasalba."


Naniniwala pa rin si Sister Gelai sa mga faith healer, pero doon siya may paniniwala sa ang sinasamba ay ang nag-iisang Panginoon. Nanggagamot nang walang presyo at madalas lang na tinatanggap ay donasyon.


Sa sala ay nakikinig si Ekoy ng balita sa TV. Pakinig na pakinig ito kaya maski si Sister Gelai ay hindi napansin. Ang madre naman ay nagpaalam na aalis muna. "Kena, kailangan kong dumaan sa kapilya ngayon, pero babalik din agad ako. Kumain na lang kayo."


Hindi ko nga pala nasabi sa kanya na parang may problema si El. Parang disoriented pa ang lalaki kaya parang lutang nang magising. Imposible naman kasi na bigla na lang niya akong hindi naalala. O posible kayang dahil naaksidente siya dati?


Napabuga na lang ako ng hangin at sinulyapan si Ekoy. Ang lakas ng volume ng TV pero ang tainga nito ay halos nakadikit na sa speaker. Mukhang ayaw magpaistorbo.


Bumalik ako sa kuwarto para tingnan si El. Napaawang ang mga labi ko nang makitang gising na pala ulit siya. Nakaupo siya na parang mabubuwal sa pagkakaupo. Nakasandal sa plywood na dingding. Ang kanyang mga mata ay titig na titig sa mahahabang mga daliri niya. Para siyang nakakakita ng kung anong nakakagulat at nakakaaliw nang sabay.


Tumikhim ako. "Gising ka na pala..."


Doon lang siya napatingala sa akin. "You..."


Mukhang kalmado na siya kaysa kanina, kaya lumapit ako at naupo sa tabi niya. "Kumusta na ang pakiramdam mo? Hindi mo pa rin ba ako kilala?"


Nakatitig lang siya sa akin. Ang mga mata niya na malamlam ay biglang nanlaki at nabahiran ng tila pangamba. "K-kena..."


Hinawakan ko siya sa kanyang pisngi, kung kanina ay mainit siya, ngayon naman ay sobrang lamig niya. "El, okay ka lang ba?"


"Kena, b-bakit..."


"Ha? Anong bakit?"


Ang mga mata niya ay lalong nanlaki. "B-bakit..."


"Bakit ano?"


"Bakit... may madre sa likod mo?"


"Madre?" ulit ko. "Si Sister Gelai?" Naramdaman ko ang presensiya ng nasa aking likuran. Papalingon na ako nang pigilan ni El ang mukha ko. "El?"


"Hindi iyong madre na kaninang kausap mo... kundi iyong madre... na palaging nakasunod sa 'yo..."


"Nakasunod sa akin?" Sa mga mata ni El ay nasinag ko ang isang mataas na tao, nakaitim na pangmadre, pero walang krus sa dibdib na katulad ng kay Sister Gelai. Saka ko rin naalala, wala si Sister Gelai dahil umalis ito. 


At hindi rin nakasuot ng pangmadre si Sister Gelai. Hindi rin ganito kataas ang tangkad. At ang itong nasa likuran ko, bakit sa mga mata ni El ay hanggang dibdib lang ang naaaninag ko?!


Nagluha ang mga mata ko kasabay ng pagtayo ng aking mga balahibo. "El..."


Bumukas ang mapupulang mga labi ni El. "Kena, iyong madre sa likod mo... Wala siyang ulo."


jfstories

#JFBOTCP

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 100K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
15.1M 357K 62
Sequel of Famous Meets Bad Girl: "I can admit, I'm a different person now than I was three years ago.." she said. She was intently looking at the man...
2.4M 88K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
9.3M 392K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...