Beware of the Class President

Door JFstories

1.7M 99.5K 57.1K

FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na... Meer

INITIUM
...
CAPITULO 1 - Pervert
CAPITULO 2 - Zero
CAPITULO 3 - Boys
CAPITULO 4 - Alone
CAPITULO 5 - Oppression
CAPITULO 6 - Awakening
CAPITULO 7 - Speech Delay
CAPITULO 8 - Decoy
CAPITULO 9 - Depression
CAPITULO 10 - You
CAPITULO 11 - Unfolding
CAPITULO 12 - Body Contact
Capitulo 13 - Let's Go
CAPITULO 14 - Joyride
CAPITULO 15 - First Step
CAPITULO 16 - Incense
CAPITULO 18 - Nun
CAPITULO 19 - Luggage
CAPITULO 20 - Something/Someone
CAPITULO 21 - Rosary
CAPITULO 22 - Crushed
CAPITULO 23 - Imminent
CAPITULO 24 - Companions
CAPITULO 25 - Trip
CAPITULO 26 - Wake
CAPITULO 27 - Brave
CAPITULO 28 - Confidant
CAPITULO 29 - Seized
CAPITULO 30 - Taken Over
FINE TEMPORE UNUM
CAPITULO 31 - Ataraxia
CAPITULO 32 - Boyfriend

CAPITULO 17 - Fever

35.3K 2.4K 1.1K
Door JFstories

CAPITULO 17


MAY LAGNAT SI EL.


Dapat ay ngayong araw na kami uuwi ng Pangasinan, kaya lamang ay dahil siguro sa pagod mula sa pagkabigla sa mahabang biyahe, nagkasakit tuloy siya.


Bigla na lang hinimatay si El kanina. Sobrang init niya at pawis na pawis siya. Pinatay na rin ni Ekoy ang siga ng insenso, dahil posibleng may hika rin si El. Hindi kasi siya makahinga.


Bigat na bigat kami ni Sister Gelai para lang madala sa kuwarto si El. Bago madala sa kuwarto ay napatili ako dahil may kumalatnna tubig sa sahig ng sala, naihi si El sa kanyang pajama!


Nagmamadali si Ekoy papunta sa kusina, pagbalik ay may dala ng mga basahan.


"Kena, ikaw na ang maglinis," utos ni Sister Gelai sa akin. Si Ekoy kasi ang makakatulong niya sa pagbibihis kay El.


Dinala nila sa kuwarto si El habang ako ay sinimulan ng punasan ang ihi sa sahig. Hindi naman ako nandidiri, dahil ang nararamdaman ko sa mga oras na ito ay pag-aalala. Gaano katindi ang nararamdaman na sakit ni El para mapaihi siya sa kanyang pajama?


Nang matapos ako sa sahig ay tapos na rin sina Ekoy at Sister Gelai na bihisan si El. Pati damit ay pinalitan nila, sobrang basa kasi sa pawis ang lalaki.


Pagpasok ko sa kuwarto ay nakahiga na si El sa foam. Nabihisan na siya ng bagong shirt at pajama. Lumapit ako at iniligpit ang kulambo para umaliwalas ang paligid niya. Naupo ako sa gilid ng foam. Dinama ko ang noo niya, napakainit. Ang mahahaba niyang pilikmata ay bahagyang gumagalaw habang ang mga labi niya ay ganoon pa rin, mapuputla.


Hindi ko alam kung nilalamig ba siya o naiinitan. Pawisan ang noo at ang makinis na leeg niya, samantalang bahagyang nanginginig naman ang kanyang katawan. Ang electric fan ay aking ginawa lang na number one, saka ko siya kinumutan.


Nawala na ang panginginig ni El. Ikinuha ako ni Ekoy ng maliit na plangganang may tubig at bimpo. "Kena, punasan mo syota mo para bumaba lagnat niya. Ganyan din ginagawa sa akin ni Sister Gelai kapag ako ang may lagnat."


Inignora ko na ang pagsabi ni Ekoy na aking boyfriend si El. Mas importante na mapunasan ko ang lalaki, kaysa makipagtalo ako. Kinuha ko ang bimpo mula sa maliit na planggana at piniga-piga.


"El, pupunasan kita, ha?" paalam ko kahit pa hindi niya naririnig dahil tulog siya.


Urong-sulong pa ako sa umpisa, kalaunan ay pikit-mata ko nang sinimulan. Para bumaba ang lagnat niya, kailangan ko talaga siyang punasan. Idinilat ko ang aking isang mata saka idinampo ang bimpo sa kanyang noo, sa makinis na pisngi, at pababa sa kanyang leeg na basa ng pawis.


Umungol si El sa bawat dampi sa kanya ng basang bimpo, tila ba siya nagiginhawaan. Nagtuloy-tuloy ako. Maingat na dinampot ko ang kamay niya at doon nagsimula, paakyat sa kanyang balbon na braso.


Nagluto si Sister Gelai ng lugaw para kay El noong tanghali, ang kaso ay natutulog ang lalaki. Pinapakain na rin ako ni Sister Gelai dahil wala pa akong almusal, hindi nga lang ako makakain dahil wala akong gana.


Bumili si Ekoy ng Biogesic na tableta sa tindahan sa may kanto. Dinurog ko iyon sa kutsara na may kaunting tubig, saka pagkatapos ay sinubukang isubo kay El, ang kaso ay inubo niya lang din ang gamot.


12:00 noon, wala pa ring pagbabago kay El. Hindi na ako nakakain ng tanghalian sa pag-aalala. Balewala na rin sa akin kahit hindi pa kami ngayon makauwi ng Pangasinan. Nag-text ulit si Tito Randy. Okay na raw si Mama pero mananatili muna sa ospital para makasigurado.



Mabuti na lang talaga at magaling na si Mama. Mula nang mahilot at madasalan ng matandang hilot na dala ng kapitbahay namin, bigla na lang daw umayos ang pakiramdam ng mama ko. Para bang nagdahilan lang. Noong una ay ayaw pa nga maniwala ni Tito Randy, pero nang malamang hindi naniningil ang hilot kundi donasyon lang, doon na ito naniwala.


May text din sa akin si Bhing pagbukas ko ng aking phone. Tinatanong nito kung bakit ako absent. Absent din daw si El. Wala itong alam na kasama ko ngayon ang lalaki.


Bukod sa text ng kaibigan kong si Bhing at ng aking amain na si Tito Randy, may iba pang unread text messages sa phone ko. Nakagat ko ang aking ibabang labi habang nakatingin sa mga missed calls din na umabot na sa bente. Ang una sa unread messages lang ang aking sinilip.


Joachim:
Kena, nasaan ka sabi?! Bakit hindi ka sumasagot?!


Nakikinita ko ang pagsasalubong ng makakapal na kilay ni Joachim habang gigil sa pagtipa ng message na ito. Pinatay ko na muna ulit ang phone. Breaktime ng lalaki sa university, at baka tumawag ulit. Ito rin yata ang nag-load sa akin dahil may pumasok na fifty pesos regular load kanina.


Tiyaka ko na lang poproblemahin si Joachim at ang aking ipapaliwanag kay Tito Randy kapag pauwi na ako sa Pangasinan. Ang importante ngayon ay okay na si Mama, at masigurado ko na magiging okay na rin si El.


"Kena, baka magbabanyo ka. Ako na muna bahala rito!" ani Ekoy sa akin. Nakahanap ng dahilan para hindi pumasok sa school. Panghapon kasi ang pasok nito sa elementary, Grade 3.


Napagalitan ni Sister Gelai ang binatilyo. Hindi lang dahil sa hindi nakakakita, kundi dahil may katamaran daw kasi talaga ito sa pag-aaral kaya pahinto-hinto. Pero marunong naman na raw magbasa at magsulat gamit ang braille.


1:00 p.m. nang pumasok na si Sister Gelai sa kuwarto nito. Magbabasa raw ng bibliya. Ibinilin ko naman muna kay Ekoy ang pagbabantay kay El dahil kanina pa ako nagpipigil ng ihi. Hindi ko lang talaga maiwan si El nang mag-isa.


Bitbit ang bagong bihisan na pahiram ni Sister Gelai ay nagpunta na ako sa banyo. Mabilisan lang ang kilos ko, deretso na ligo at toothbrush gamit ang bagong tootbrush na ipinabili kay Ekoy sa tindahan. Paglabas ko ng banyo ay tumigil ako sandali sa may altar na nasa pasilyo. Patay ang ilaw sa dalawang pulaw na electric candles. 


May bumunot sa saksakan. Ibinalik ko iyon sa pagkakasaksak para lumiwanag ulit ang dalawang kandila. Hindi puwedeng walang ilaw iyon dahil madilim sa pasilyo. Balewala rin kasi kahit pa may araw sa labas dahil hindi naman umaabot ang liwanag banda rito.


Pagbukas ng mga kandila ay napansin ko rin na wala na roon ang picture frame ng matandang babae na may pangalan ni Felicidad Rubio sa ilalim. Hinanap ko, pero wala talaga. Ang mga lumang santo lang ang naroroon. Ang mga sampaguita naman na kagabi ay sariwa pa, ngayon ay mga tuyot at lantutay na.


Nasaan na nga ba ang picture frame? Kinuha ba ni Sister Gelai bago ako nagising? Dahil sa pagkakagulo namin kanina sa pagkahimatay ni El, nakalimutan ko nang itanong sa madre ang tungkol doon.


Naalala ko ang nangyari kagabi. Iyong lamig na sumigid sa akin ay hindi lang simpleng takot, kundi kakaibang kilabot na may kung ano sa likuran ko. Nakakapanlaki ng ulo. Nawala lang ang ganoong pakiramdam nang makita ko si El na nakatayo malapit sa pintuan. Ang liwanag na nagmumula sa kuwarto ay ang bumura ng aking takot na nararamdaman.


Pumunta na ako sa kuwarto kung nasaan si El. Kahit habang naliligo ako kanina ay iniisip ko siya, kung gising na ba siya. Pagsilip sa kuwarto ay tulog pa rin pala siya. Nasa foam pa rin, walang pagbabago sa posisyon ng pagkakahiga.


Hinanap ng aking paningin si Ekoy. Naroon ang binatilyong bulag sa tabi ng bintana. Nakatulala ito habang may salpak na earphones sa magkaibilang tainga, nakikinig sa walkman, kaya hindi ako naramdaman. Dahil nandito naman ito ay umalis muna ulit ako.


Nagpunta ako sa likod-bahay para kusutan iyong pinaghubaran ni El kanina. Iyong naihian niya. Nakakahiya naman kasi kung sina Sister Gelai pa ang mag-aasikaso ng mga iyon. Ako ang nagdala kay El dito kaya kargo ko siya. Nang aking makita ang pajama niya na pinaghubaran kanina ay dinampot ko agad. Basa iyon.


Kinuha ko ang planggana na nasa silong at sinimulang bombahin ang poso. Kumuha rin ako ng sabon sa kusina. May nakita ako roon na bawas na sachet ng detergent powder. Binanlawan ko muna ang pajama. Muntik ko pa iyong mabitiwan nang makitang hindi lang pala iyon pajama, kasama nga rin pala pati underwear ni El!


Oo nga naman, naihi siya kaya malamang na kasama pati ang brief na suot niya. Kailangan ko rin iyong labhan. Sandali lang? Ang tanong, kung pati ito ay hinubad ni El, may suot ba siya ngayong underwear? 


Tinuktukan ang sarili. Bakit pati iyon ay poproblemahin ko pa? Pikit-mata na naglaba na lang ako. Pero bago ako pumikit, nakita ko na iyong underwear niya. Kulay gray tapos ang brand ay Bench. Mukha namang authentic kasi malambot ang tela. Ang presko siguro suutin niyon.


Habang nagkukusot ay natanaw ko ang puting aso ni Sister Gelai, si Puti. Hindi ako nito tinatahol, sa halip ay maamo ang mga mata nito habang nakangin sa akin. Mabait naman pala talaga ito. Siguro ay nag-tantrums lang kagabi.


May kumalabog sa bandang kusina. Parang may tao. Baka si Ekoy na nainip na sa pagbabantay at hinahanap na ako. Tumayo ako at sumilip sa may pinto, wala naman akong natatanaw kahit anino.


Ang aso na si Puti ay mula sa pagiging maamo ay bumagsik ang mga mata. Bigla itong tumahol habang nakatingin sa bukas na pinto ng kusina. Sandali lang ay lumapit sa akin. Hindi na ito umalis sa tabi ko na tila ba isang sundalong bantay.


Minadali ko na ang paglalaba. Nang makatapos ay isinampay ko agad ang mga nilabhan sa alambreng sampayan. Bago bumalik sa loob ng bahay ay ibinilin ko sa aso na si Puti na bantayan ang mga sinampay. Uungot-ungot lang naman ito.


Pagpasok ko sa pasilyo ay napahinto na naman ako sa altar, bagaman hindi nag-abala na lumingon. Sa peripheral vision ko ay may nakita akong kuwadradong bagay roon. Kanina ay wala iyon. Alam ko na wala akong nakitang picture frame kanina, malinaw na malinaw, wala talaga. Wala na.


Nagmadali na ako sa paglalakad pabalik sa kuwarto. "Ekoy, ako na rito," tawag ko sa pansin ng binatilyo na pipitik-pitik ng kamay habang kumakanta. Sinasabayan ang tugtog sa walkman.


Hindi yata ako nito narinig dahil patuloy pa rin ito sa pagkanta. "Close your eyes, dry your tears. 'Cause when nothing seems clear, you'll be safe here. From the sheer weight of your doubts and fears... Weary heart, you'll be safe here..."


Maganda pala ang boses ni Ekoy. Nabanggit nga ni Sister Gelai, bukod sa nag-sakristan ito noon ay naging bahagi rin ng choir ng mga kabataan. Hinayaan ko na lang muna si Ekoy sa pagsa-soundtrip at pagkanta nito.


Pinuntahan ko si El at ich-in-eck ang kalagayan niya. Basang-basa pa rin ng pawis. Lumuhod ako sa tabi niya at inabot ang bimpo. Muli ko siyang pinunasan. Kahit ano nga lang punas ang gawin ko, pinagpapawisan pa rin siya. Partikular sa gawing sentido.


Mukhang init na init si El. Pati ang harapan ng shirt na suot niya ay basa na rin ng pawis. Kailangan na siyang mapalitan bago pa siya matuyuan. Doon ko na tinawag si Ekoy. Nanghingi ako ng bihisan na t-shirt.


Nahiya na ako na istorbohin si Sister Gelai dahil nagno-novena ang madre tuwing alas dos ng hapon. Kami na lang ni Ekoy ang nagtulong na mabihisan si El. Hirap na hirap nga lang kaming dalawa sa pagbibihis, paano ay bulag si Ekoy tapos ako naman ay nakapikit.


Pinunasan ko muna ang katawan ni El bago isinuot sa kanya ang pahira na t-shirt ni Ekoy. Kulay puti ang lumang shirt, may pabura ng print na mukha ni Jesus Christ sa harapan. Mukhang galing pa ang t-shirt sa simbahan.


Para matapos na ay kinailangan ko na talagang dumilat. Hindi kasi kami uusad kung walang nakakakita sa amin ni Ekoy. Pagdilat ko ay saktong nasa kalahati ng patag na sikmura ni El ang laylayan ng t-shirt, nakita ko lang naman ang pusod niya!


At saka bakit ganoon iyong pusod niya? Ang balbon sa bandang pababa?!


Sinampal-sampal ko ang aking mukha. Hindi dapat ako nag-iisip ng kung anu-ano, ang pagaling ni El ngayon ang pinakamahalaga!


Nang maayos na si El ay itinutok ko na ang fan sa kanya, pero naka-number one lang. Baka sakali na sana roon siya maginhawaan. Nagpaalam naman si Ekoy na magbabanyo.


Nang kami na lang ni El ay hinagilap ko ang phone niya sa bag. Baka dumating na ang parents niya, at hinahanap na siya. Nakita ko ang isang bagong Sony Ericsson T610. Malapit nang ma-dead bat. Ni hindi man lang niya naisipang i-charge kagabi.


Sa screen pa lang ay makikita na ang mga missed calls. Pinindot ko ang OK at lumitaw ang number na naka-saved na 'Mommy'. May mga unread text messages din siya mula sa magulang na hindi ko binuksan. Mukhang hinahanap na nga talaga siya.


Paalis na ako sa inbox niya nang pumasok ang isang text mula sa pangalang 'Aling Mely', ito yata ang kasambahay nila. Pagpindot ko sa keypad ay aksidente ko iyong nabuksan.


Aling Mely:

GABRIEL UMUWE N M0MY AT DADY U. HANAP U. SBI K PASOK N U SKUL MAAGA. BUTI NNIWLA. BGYAN U K ULIT NG 500 HA. Ü


Napakamot ako ng pisngi. Kung gaanon ay wala pala akong dapat ipag-alala sa mga magulang ni El. Tama nga siya, safe siya kahit saan pa siya maglagalag.


Binalingan ko siya. Tulog na tulog pa rin. May maliit na ngisi sa mga labi ko nang maingat na hawiin ang ilang piraso ng bangs na nasa kanyang noo. "Ang galing ng lookout mo."


Hapon na, pero hindi pa rin bumababa ang lagnat ni El. 5:00 p.m. nang lumabas si Sister Gelai mula sa kuwarto nito. Niyaya na ako nito na madala si El sa ospital sa bayan. Magpapatawag na dapat ito ng tricycle, ang kaso, para bang lalong bumigat si El kaysa kanina. Hirap na hirap talaga kami ni Sister Gelai kahit maiupo siya.


Bandang 6:00 p.m. nang bumalik na sa normal ang temperatura ni El. Tuwang-tuwa ako. Hindi ko na siya iniwan. Kahit noong naiihi ako, tiniis ko. Nang makitang gumalaw ang mahahaba niyang pilik-mata kasabay nang pagkunot ng kanyang noo ay paluhod na lumapit agad ako sa kanya.


Marahang dumilat ng mga mata ni El. "El, kumusta na pakiramdam mo?!" maagap na tanong ko.


Bumukas ang mga labi niya na ngayon ay bumalik na ang dating kulay, mapupula. Narinig ko ang paos na boses niya. "W-water... I'm thirsty..."


"Sandali!" Napatayo ako at nagmamadali na ikinuha ko siya ng tubig sa kusina. Sa sobrang excitement ay halos magkatali-talisod ako. Pagbalik ko ay mabuwal na nakaupo na siya sa foam.


Inabot ko agad ang baso ng tubig sa kanya. Inalalayan ko siyang makainom dahil hindi niya magawang hakawan ang baso ng tubig. Nanginginig kasi ang mga kamay niya. Kandatapon sa shirt niya ang tubig sa sobrang kagustuhan niyang makainom. Inuhaw yata siya nang matindi sa pagtulog. Simot niya ang laman ng baso. Naubos niya nang isang lagukan lang.


"El, okay ka na ba?"


Nakatitig lang siya sa akin. Ang mga mata niya para bang may nag-iba.


"El?" kabadong sambit ko sa pangalan niya.


Napakurap siya. "S-sino ka?"


jfstories

#JFBOTCP

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

2.4M 88K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
1.7M 99.5K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
14.5K 493 32
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hi...
41.3M 686K 61
Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng buong school yung status mo. Wait, nasabi...