Assasino Playground (Complete...

By imangelaxwp

1.2K 182 2

"This is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND... If you want to surv... More

Panimula
Disclaimer
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Wakas

Kabanata 07

32 6 0
By imangelaxwp

KABANATA O7

(ZETA'S POINT OF VIEW)

Napatigil ako at tinignan si Andrés kung nagbibiro lang siya. Hindi. Walang bahid ng kasinungalingan. Nagsasabi nga siya ng totoo.

Ganun ba ako ka-inosente para hindi mahalata ito? O sadyang magaling lang si Casano na magtago ng kanyang tunay na kulay.

"Pasensya na, Andrés. Iiwanan na muna kita, kailangan kong makausap si Casano. Salamat ulit sa dress na binigay mo." Kahit nahihiya parin ako kay Andrés ay nagpakapal na muna ako ng mukha para sabihin ito.

"My pleasure..." nag-bow ito na parang isang prinsepe. Napangiti naman ako dahil sa naging sagot niyang ito. Nagmadali na akong iwanan siya sa gitna at nagtungo sa taong naglihim sakin.

Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit ganto ang nararamdaman kong presensya kapag dumarating siya. Hindi siya ordinaryong estudyante. Iniisip ko noon na hindi ko maintindihan ang awrang inilalabas niya. Hindi ko matukoy kung kaibigan ba siya o kaaway.

Kakaiba siya. Kaya niyang balutin ang totoo niyang pagkatao. Alam niya kung kailan niya ito ilalabas at itatago. Malaya siyang magliwaliw tuwing gabi dahil alam niyang walang mangangahas na sugurin siya.

Ibang klaseng halimaw ang nasa loob niya. Hindi madaling basahin ang iniisip niya.

Diretso ang tingin ko sa kung saan nakatayo ang lalaking ito. Napatingin din siya sa akin nang mapansin na papunta ako sa kinaroroonan nila. Kausap niya parin ang kambal at nandun din si Magi na umiinom ata ng alak.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya nang lapitan ko siya at sinamaan ng tingin. Tinignan ko siya mata sa mata.

"Hindi mo sinabing executive ka pala." Naiinis ako pero pinipigilan kong sigawan siya. Nanatili siyang kalmado at tila nag-iisip.

"You're mad." Hindi siya galit at parang sinusubukan niya akong intindihin.

"Yah. Ikaw ba talaga ang executive ng Prime Org? Bakit hindi mo sinabi sakin? Pinaglalaruan mo lang ba ako?" sunod-sunod na tanong ko. Wala ng makakapigil sa bunganga ko, gusto kong marinig mismo sa kanya ang sagot.

"Let's dance. I'll answer your questions." Hinawakan niya ang kanang kamay ko at tuluyang hinila papunta sa gitna. Habang naglalakad ay naramdaman ko ang mahina niyang pagpisil sa kamay ko. Ginagawa niya ata ito para pakalmahin ako.

Nang makarating na kami sa gitna ay siya mismo ang nagpatong ng mga kamay ko sa balikat niya. Dahan-dahan niyang hinawakan ang bewang ko.

Hindi ko inaasahan ang ginawa niyang ito kaya natahimik ako saglit. Hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya. Baka nga namumula na ang pisngi ko sa sobrang hiya. Imagine, tatlong lalaki ang humawak sa bewang ko ngayong gabi!

Napansin ko ang tila pagbabago sa expression ng mukha niya. Seryoso pero nangingibabaw ang lungkot sa mga mata niya. Nasilayan ko na naman ang kagandahan ng mga mata niya na kulay asul. 

"To tell you honestly, I don't want to be an executive. I don't think it's an honorable title. It's just a curse for me." Napaka-sincere niya. Hindi ko naman aakalain na ganyan ang magiging sagot niya.

Nang makita ko siya sa unang araw ko dito, akala ko isa siyang cold person. Yung tipong walang pakialam sa paligid. Kumbaga sarili niya lang ang priority niya. Ngayon na narinig ko na kung anong totoong nararamdaman niya, ang lungkot pala niya. May pinagdadaanan siya pero tinatago niya lang ito. Ibang-iba siya sa Casano na nakakausap ko.

Sumasayaw parin kami pero parang wala na akong naririnig na tugtog. May nakikita akong sumasayaw parin na mga estudyante pero ang tahimik ng paligid ngayon para sakin.

"You can hate me for lying to you. But you know, it's nice knowing you. You reminded me of her." Nakangiti siya habang sinasabi ito. Sino naman kayang tinutukoy niya? Napansin ko ang pagkinang ng mga mata niya.

"In love ka..." walang anu-ano'y sabi ko.

"Yes, I am." Hindi siya nagdalawang-isip na sabihin ito. Iba nga talaga ang nagagawa ng pag-ibig.

Ngumiti din ako pero may halo na itong panunukso. Nahalata niya ito at mukhang nakaramdam siya bigla ng hiya.

"I don't know what you're thinking but please don't tease me."

"Nagsisisi ka na bang sinabi mo sakin yan?" natatawang tanong ko.

"Nah. It's alright."

Bigla namang may pumasok sa isip ko. Hindi naman siguro masama na magbiro ako sakanya.

"Alam mo, may naisip ako. Tutal ikaw naman ang executive ng Prime Org, pwede ba akong sumali sa organisasyon niyo? Hehe." Nilakihan ko ang ngiti ko.

"You can't. I don' think you belong in Prime Org. There's one organization that fits your skills." Aray, hindi raw ako belong.

"Ano naman ito?" curious na tanong ko.

"Red Org---"

"HAHAHAHAHAHA!" Nabingi kami sa lakas ng tumawa. Umalingawngaw ang halakhak nito at rinig na rinig siguro ito sa buong school.

Napatingin kami sa stage kung saan namin nakita ang babaeng tumatawa. May hawak itong mic at mukhang naka-connect ito sa malaking speaker kaya nakuha nito ang atensyon naming lahat.

Pinapunta ako ni Casano sa likuran niya. Hindi siya nakatingin sa babaeng tumatawa kundi may hinahanap ang kanyang mga mata.

"Bakit kayo tumigil sa pagsasayaw?! Mag-enjoy lang kayo! This is the Assasino Playground, we can do whatever we want! It's our playground! HAHAHAHAHA!" Tumatawa ang babae pero may halong galit ang boses nito. Palipat-palipat ang tingin niya sa mga lahat ng estudyanteng nandito.

Hindi siya mukhang delikado pero alam kong may dalang panganib ang mga susunod niyang sasabihin. Anong organisasyon kaya kabilang ang babaeng ito?

"Walang inosente dito... Lahat tayo ay may kakayahang pumatay! Hindi ba yun ang gusto nila? Ang MAGPATAYAN tayong lahat!"

Halata sa postura niya na parang nababaliw na siya. Wala siyang sugat pero punit-punit ang damit niya. Magulo din ang buhok niya at parang sinabunutan ito. Naaawa tuloy ako sa kanya. Para bang nakaranas siya ng torture...

Pero gaya ng sinabi niya, walang inosente dito. Lahat ay binigyan ng kalayaan. Ito ang tunay na kulay ng Assasino University.

"Malapit na. Malapit na silang bumalik! Babalik na sila! Babalik na ang Black Org!!! At papatayin nila lahat ng mga estudyanteng nandito ngayon! HAHAHAHAHA!" Binalot ng katahimikan ang loob ng gym. Nanlaki ang mga mata ng karamihan sa mga estudyante. Para silang nakakita ng multo. Ganun kabigat ang mga sinabi ng babae na siyang bumalot ng sobrang takot sa lahat.

Wala akong nalalaman tungkol sa tinutukoy ng babae na Black Org pero sa tingin ko ay may kinalaman ito sa Death Whistle na narinig ko noon. At isa pa, naalala ko ang sinabi ni Casano nung orientation.

Ang Black Org ang pang-limang organisasyon ngunit hindi ito tinanggap ng eskwelahan. 

Lumuhod ang babae at tumingala. Itinutok niya ang mic sa bibig niya at nagsalita.

"Natapos ko na ang huling misyon ko, mahal naming reyna. Makakatulog na ako ng mahimbing simula ngayon." Ito ang huling mga salitang pinakawalan niya bago niya maihulog ang mic.

May bumula sa bibig ng babae. Ipinikit niya ang kanyang mga mata habang nakatingala parin ito. Pinapanood lang namin siya. Walang gustong lumapit sa kanya para tulungan siya.

Sa mga oras na iyon ay nagsimula ng magsigawan ang karamihan. May naririnig na akong umiiyak. Nagtakbuhan na ang iba para lumabas.

Hinarap ako ni Casano na mukhang hindi nasindak sa mga sinabi ng babae.

"Kailangan mo ng bumalik sa Dorm. Hindi na kita maihahatid pero may alam akong tao na kaya kang protektahan pabalik." At sino namang tinutukoy niya???

Lumipat ang tingin niya sa likuran. May presensya akong naramdaman malapit sa akin. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ang taong gusto ko na lang makalimutan.

Bumalik ang tingin ko kay Casano.

"Bakit siya?" may halong inis na tanong ko. Kilala niya ba ang lalaking yan?!

"You'll be safe with him."

"Pero---" gustong-gusto kong magreklamo. Sa dinami-dami ng tao dito, iyang lalaki pa ang pakikisamahan ko.

Hinila ako ni Casano at inilapit sa lalaking ito. Nagmamadali siyang umalis pero tumigil siya at nilingon akong muli. May pag-aalala sa mga mata pero nanatili ang ngiti sa labi niya.

"Don't worry, he is my brother." Yun lang at tumakbo na siya palayo.

Nabigla naman ako nang may humawak sa kaliwang kamay ko.

"Tara na." Nagsimula na kaming tumakbo palabas ng gym.

Teka, tama ba ang narinig ko??

"Kapatid ka ni Casano?!" muntik ko ng maisigaw ito pero buti na lang nakapagpigil ako. Ano bang nangyayari sa eskwelahang ito? Paano naging magkapatid si Casano at ang lalaking kasama kong tumatakbo ngayon?

Gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader. Alam kong hindi pa ako bingi. Malinaw ang pagkakarinig ko sa sinabi ni Casano. Hindi lang talaga matanggap ng utak ko na...

Magkapatid si Casano at Apolo.

Continue Reading

You'll Also Like

170K 5.8K 59
Highest Achievement: #1 in Humor _____________________________ Katsumi Cazzandra Clarkson a.k.a "The Goddess" Who will she choose? A famous singer? H...
6.9M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
5.4K 341 27
This story is all about of people who run for their lives. You're dead once you got bitten. Once you're infected you will become one of them. It's su...
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...