Her Asset

By Unnie_Corn0

2K 704 43

Amery Gem Thompson is a senior high school student in the ABM strand. She promised herself to focus on academ... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 51

21 10 0
By Unnie_Corn0

Nandito ako ngayon sa parking lot kung saan ako nagta-trabaho. Paalis na ako ngayon pero hindi ako uuwi sa condo. Pupunta ako sa mall para kitain si Ariel. 

Biglaan lang itong pagpunta ko sa mall kaya hindi na ako nagpalit ng aking damit. Naiilang lang ako dahil masyadong pormal ang aking sinusuot ngayon. Mabuti na lang at hindi ako masyadong pinapansin ng mga tao. 

Pumunta ako sa i-lash extension salon dahil nandoon na si Ariel. Nilapitan ko agad siya nang makita ko siya. Bumeso pa ako sa kanyang pisngi at ganoon din ang ginawa niya.

"Hello, Ms. Amery. It's nice to see you again."

Bumati ako pabalik sa kanila. Naging regular client na rin kasi nila ako kaya alam na nila kung ano ang gusto kong ipagawa sa kanila. Madalas ay ito rin kasi ang bonding naming dalawa ni Ariel.

"Kanina ka pa ba rito?"

Umiling sa akin si Ariel. "No, hindi naman ako naghintay nang matagal."

Tumango ako at humiga para maumpisahan na ang paggawa sa aking lashes. Inumpisahan na ring gawin ang lashes ni Ariel.

Nakapikit lang ako the whole time. Dahil na rin siguro sa pagod ay nakatulog ako habang ginagawa ito. Nagising na lang ako nang gisingin ako ni Ariel.

"I'm sorry, napahaba ata ang tulog ko."

Natawa sila sa akin at umiling. "It's okay, Amery. Alam ko namang pagod ka."

Binigay ko ang card ko para magbayad. Inayos ko pa ang buhok ko na medyo nagulo sa pagkakahiga ko kanina.

"Dinner na tayo?" 

Tumango ako. Nagugutom na rin kasi ako ngayon. Pumunta kami sa isang restaurant para roon kumain. 

"Your birthday's coming, Amery. What's your plan?"

Nagkibit balikat ako sa tanong niya. Wala kasi talaga akong plano sa birthday ko. Kung hindi nga lang sinabi ngayon ni Ariel na malapit na ang aking kaarawan ay nakalimutan ko na ito. Sa sobrang daming nangyari ay gusto ko lang na umayos na ang lahat. 

"I don't know, Ivan. Maybe a simple celebration is enough?" Tumango sa akin si Ariel at nagpatuloy ako sa ang kinakain. 

"Kumusta naman kayo ni Doc? Bumalik na nga pala ang kanyang alaala."

"We're both okay, Ariel."

Maayos naman kaming dalawa. Bumalik ang dati naming pagsasamahan kasabay nang pagbalik ng kanyang mga alaala.

"Hindi pa ba kayo magpapakasal?"

Muntik ko nang maibuga ang kinakain ko sa tanong niya. Uminom ako nang tubig para mapigilan ang pag-ubo ko.

"Bakit ba ganyan ang tanong mo?!"

Tinawanan niya ako. "Bakit hindi? Pwede na kayong magpakasal, Amery. Nasa tamang edad na kaya kayo."

Pabiro ko siyang inirapan. "Nasa tamang edad ka na rin naman, pero kahit boyfriend wala ka."

Nagulat ito sa sinabi ko. Ako naman ang tumawa sa reaksyon niya. "Foul 'yon, ah?"

"Bakit kasi hindi ka pa maghanap ng sa'yo? Para hindi ako ang kinukulit mo sa kasal na 'yan."

"Eh, sinong kukulitin ko? Ikaw ang may boyfriend sa ating dalawa. Sakit lang kasi sa ulo ang mga lalake, Amery."

Tumawa ako. "Sus! Sinabi ko na rin 'yan dati, pero tignan mo ako ngayon."

Ngumiti siya sa akin. "Ang swerte niyo sa isa't-isa ni Ivan, Amery. Huwag niyo nang pakawalan ang isa't-isa, ah? Kapag naghiwalay pa kayo ay hindi na ako maniniwala sa love."

Ngumiti ako pabalik sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Ang dami na naming pinagdaanan ni Ivan, ngayon ko pa ba siya isusuko?"

"Kaya dapat magpakasal na kayong dalawa! Gusto ko na kasi na maging maid of honor mo."

Mahina ko namang kinurot ang tagiliran niya na siyang dahilan ng kanyang pagtawa. "Darating din naman tayo diyan, Ariel. Pero syempre ikaw ang magiging maid of honor ko kapag nangyari na 'yan."

Pinaypayan niya ang kanyang mga mata na para bang naluluha siya. "Pinapaiyak mo naman ako, Amery."

Mahina ko itong hinampas. "Tanga! Wala pa nga ang kasal. Wala pa ngang proposal na naganap, oh." 

Ngumuso naman ito sa akin. "Okay, si Ivan na lang ang kukulitin ko na pakasalan ka na. Ang bagal naman kasi ni Doc!"

"Alam mo, kumain na lang tayo. Baka nagugutom ka pa, eh."

Ngumuso ito pero nagpatuloy pa rin sa kanyang ginagawa. Pinagtuonan ko na lang din ng pansin ang ang aking kinakain. Hindi ko na ito masyadong nagalaw kanina dahil kausap ko si Ariel.

Natapos kaming kumain kaya tinuloy namin ang aming kwentuhan. Matagal na rin ang huli naming pagkikitang dalawa. 

"Pupunta lang ako sa cr, Ariel."

Tumango siya kaya tumayo na ako para pumunta sa cr. Pagkapasok ko sa loob ay may nakita akong isang tao na hindi ko iisipin na makikita ko rito.

Nang makita niya ako ay mukhang nagulat din siya nang makita ako. Tumabi ako sa kanya at hindi nagsalita. Inayos ko ang aking make up at hindi ko siya nilingon. I'm trying not to be affected by her presence.

"Amery."

Itinigil ko ang aking ginagawa at humarap sa kanya. Nakita ko ang pagbaba ng kanyang tingin sa sahig.

"Claire, hindi ako pumunta rito para makipag-away sa'yo."

Umiling siya. Nakita ko ang namumula nitong mga mata. Huminga rin siya nang malalim na para bang pinipigilan ang mga luhang gustong bumagsak.

"Hindi ako nandito para awayin ka, Amery. Sa totoo lang ay gusto kitang makausap, kayong dalawa ni Ivan. Pero hindi ako makahanap ng magandang pagkakataon para masabi sa'yo ito."

Napaisip ako sa sinabi niya. Magandang oportunidad 'yon para makausap namin siya ni Ivan tungkol sa kanyang ginawa.

"Mag-usap tayo bukas, Claire. Ako na ang magsasabi kay Ivan tungkol sa sinabi mo." 

Nakita ko na huminga siya nang malalim. "Thank you, Amery. Hihintayin ko kayo bukas sa *** café."

Tumango ako at lumabas ng cr. Pagkaupo ko ay nagtanong agad si Ariel sa akin.

"Bakit ang tagal mo sa cr?"

Bumuntong hininga ako. "Nakita ko si Claire roon sa loob ng cr, Ariel."

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Inaway ka ba ng babaeng 'yon?! Anong ginawa niya sayo, ah?!"

Umiling ako. "Wala siyang ginawa sa akin at hindi niya ako inaway, Ariel. Ang sabi niya, gusto niya raw kaming makausap ni Ivan. Mas maayos na 'yon para matapos na ang problema namin, Ariel."

Tumango siya. "Mabuti naman kung ganoon. Akala ko ay inaway ka na naman ng babaeng 'yon. May gana pa talaga siyang agawin si Ivan sa'yo! Pero ayos lang dahil hindi ka naman ipinagpalit ni Doc sa kanya. Boto talaga ako sa manok ko, eh!"

"Tumigil ka nga! Masaya naman kaming dalawa ni Ivan ngayon, Ariel. At 'yon ang importante. Sana lang ay maging maganda ang pag-uusap namin bukas."

"Sana nga, para wala nang maging balakid sa pagmamahalan niyo ni Doc."

Umuwi na kaming dalawa ni Ariel makalipas ang 30 minutes. Naghiwalay na ang landas naming dalawa para magpahinga na.

Nang makauwi ako sa aking condo ay may nakita akong isang anino sa tapat ng aking pinto. Nang tignan ko kung sino ito ay nagulat ako. Lumapit agad ako sa kanya.

"Ivan, bakit ka nandito?" 

Lumingon siya sa akin at umayos ng tayo. "Can I sleep here, baby?"

Nang makita ko ang mukha nito ay naawa agad ako. Kitang-kita ko ang pagod sa kanyang mukha. 

"Pumasok ka nga muna sa loob. Bakit ba kasi hindi ka nagsasabi na pupunta ka rito?"

Umupo siya sa sofa at maamong tumingin sa akin. "Where did you go, baby?" 

"Pumunta ako sa mall, Ivan. Kasama ko si Ariel. Kanina ka pa ba nandito? Nag-hintay ka ba nang matagal?"

"I'm okay, baby. Hindi na ako nag message dahil ang akala ko ay nandito ka sa condo mo."

Kumuha ako ng tubig sa ref at inabot ko 'yon sa kanya. Ininom niya ang tubig na ibinigay ko at inilapag ko ito sa table.

"Bakit ba gusto mong matulog dito, Ivan? May condo ka naman, ah?"

Ngumuso siya. "I'm tired, baby. My schedule earlier in the hospital was really hectic. I want to take a rest, so I went there, baby."

Tumango siya. "Okay, you can sleep here. Kumain ka na ba ng dinner."

Umiling siya. "No, I went straight here to your condo because I badly wanted to see you."

"Anong gusto mong kainin? Pagluluto kita, Ivan. Kailangan mong kumain ng dinner.  Ikaw ang gumagamot sa mga may sakit, kaya huwag mong hahayaan ang sarili mo na magkasakit."

"I will eat anything. Basta luto mo."

Tumango ako. "Carbonara na lang ang iluto ko, ah? Wala kasi akong kanin ngayon. Matatagalan pa kapag nag-saing ako."

"It's okay, baby."

Pumunta ako sa kusina para magluto ng carbonara. Pero nagsisimula pa lang ako nang may naramdaman na ako sa aking bewang. 

Nakayakap na sa akin si Ivan habang nakasandal ang pisngi niya sa tutok ng aking ulo. 

"Ivan, magpahinga ka na muna roon sa sofa. Mangangawit ka lang dito."

Naramdaman ko ang pag-iling niya. "No, nandito ang pahinga ko, kaya bakit ako pupunta roon?"

Hinayaan ko na lang siya sa gano'ng posisyon. Sumusunod siya sa bawat hakbang na aking gagawin. Hindi niya hiniwalay ang katawan niya sa akin. 

Natapos ang aking niluluto at nasa ganoong posisyon pa rin siya. Humiwalay lang siya sa akin noong umupo siya sa upuan para kumain. 

"Hindi mo ako sasabayan?"

Kumuha ako ng dalawang plato at dalawang kutsara't tinidor para sa amin. Nang makita niya ang dala ko ay natawa siya sa akin.

"Matakaw ka nga pala."

Masamang tingin ang binato ko sa kanya. "Hoy! Hindi ako matakaw, noh! Kakain lang ako dahil nakakahiya naman sa'yo kung wala kang kasabay na kumain!"

Naiinis ako dahil tama siya. Kasalanan ko bang nagutom ako sa niluto ko? Eh, mukha kasi itong masarap kaya hindi ko maiwasang hindi magutom.

Mas lalo itong natawa dahil sa pagkainis ko. "Okay, hindi ka na matakaw. At kahit naman matakaw ka ay hindi naman magbabago ang tingin ko sa'yo. I'm willing to spoil you with food, baby."

Nawala ang pagkakunot ng aking kilay at napalitan 'yon ng ngiti. Hindi ko maiwasang kiligin sa sinabi niya.

"Kumain na nga tayo!"

Tumango siya at maganang kumain. "Thank you for cooking me dinner, baby. Your carbonara was really good."

Ngumiti ako. "No worries, Ivan."

Natapos kaming kumain at hinugasan ko ag aming mga pinagkainan. Gusto pa ni Ivan na siya ang mag-hugas, pero pinigilan ko siya dahil alam kong pagod siya.

Umakyat na lang ito sa aking kwarto at naligo. Natapos na akong maghuhugas ng plano kaya umakyat na rin ako sa kwarto. 

Sakto naman ay tapos na ring maligo si Ivan. Nakita ko siya na nagpapatuyo ng buhok gamit ang blower.

Nilapitan ko siya at kinuha ang blower sa kanya. "Ako na, Ivan." Hinayaan niya lang ako at tinitigan ako habang pinapatuyo ko ang kanyang buhok.

"I love you, baby."

Nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi ko naman inaasahan na sasabihin niya 'yon ngayon. 

Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ang noo niya. "I love you, Ivan."

Ilang minuto lang ay natapos na rin ako sa aking ginagawa. Hindi naman mahaba ang buhok ni Ivan kaya hindi na ako nahirapan.

Nasa kama kaming pareho ni Ivan. Nakasandal ito sa headboard ng kama at nakasandal naman ako sa kanya. Nakapalibot sa akin ang kanyang dalawang kamay habang paulit-ulit na hinahalikan ang aking sintido.

"Ivan, nakita ko si Claire kanina."

Huminto ito sa paghalik sa akin. "Did she do something to you?" 

Umiling ako. "No, sinabi niya sa akin na gusto niya tayong makausap bukas sa *** café."

Huminga siya nang malalim. "Alright, we will talk to her tomorrow, baby. But for now, we need to rest."

Umayos siya ng higa at ganoon din ang ginawa ko. Umunan ako sa kanyang kaliwang braso at kumapit agad ang kanyang kanang braso sa aking bewang.

Bago ko tuluyang ipikit ang aking mga mata ay naramdaman ko ang marahang pagdampi ng kanyang labi sa aking noo.

"Good night, baby." 

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 458K 62
"Spread your legs for a lollipop." #5 in FANFICTION✓ © sujinniie 2019-2020 ✓
7.4K 299 81
A girl who has been hiding her feelings for a boy gamer since high school days. She just admired him from afar and didn't have the strength to confes...
1.1M 60.3K 39
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
THE 1 By Lan

Romance

94K 2K 23
"And if my wishes came true, it would have been you" - Taylor Swift "Lando your the 1" - McLaren It all started when Julie Leclerc met Lando Norris...