My Bully Is Inlove With Me

Xena_aspen

8.9K 396 61

My Bully Is Inlove With Me Еще

My Bully Is Inlove With Me
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8

Chapter 6

590 36 3
Xena_aspen

Keiran's Point of view

Mabait sila Hydie at Gab, maayos din ang pakikitungo nila sa akin maliban nalang kay Sheila. Nalaman ko din na second year college na si Hydie, isang taon lang ang tanda niya sa'kin. Tama rin ang hula ko na magkapareho lang kami ng edad ni Gab. Nabanggit din ni Hydie na tumigil na raw sa pag-aaral si Sheila simula noong namatay ang ama at ina nito sa isang trahedya. Pinili raw nito na tumulong sa Tiyahin niyang si Aling Lilya. Kinumbinsi naman daw ito ni Aling Lilya na mag-aral ulit pero ayaw na talaga ni Sheila.

Maayos naman ang dalawang araw na pagtatrabaho ko sa karenderya ni Aling Lilya. Ibinigay rin sa'kin ang sahod ko kaya bago ako umuwi noong linggo ng hapon ay bumili muna ako ng bigas at iilang processed meat pati na rin gulay, kailangan ko pa rin kasing magtipid.

Lunes ng umaga ay muntik na akong nalate sa first subject ko. Pagod kasi ako kagabi galing sa trabaho kaya nakalimutan kong magset ng alarm. Hindi rin gumana ang body clock ko dahil sa pagod at napasobra ang tulog.

Medyo hinihingal pa ako dahil tumakbo ako papunta rito. Sakto nalang dumating ang professor tatlong minuto pagkatapos kong pumasok sa classroom. Nagsimula na itong magturo sa harapan at pagkatapos ay nagbigay ng maikling quiz.

Sa kada subject ay may kaunti kaming break bago magsimula ang susunod na klase pero minsan ay nauubos ang break ko sa paglalakad papunta sa susunod na building at habang naglalakad ako ay hinahanap ng aking mata si Eros. Hindi talaga ako matatahimik hangga't hindi ko napapadugo ang labi niya. Sariwa pa sa isip ko ang nangyari noong Sabado.

Natapos ang morning class ko ay wala ako nakitang Eros sa paligid. Medyo nakakagulat nga dahil wala itong ginawang kalokohan sa'kin simula kaninang umaga.

Naglalakad ako papunta sa likod ng Auditorium para kumain ng lunch nang nahagip ng mata ko si Eros, hindi kalayuan sa pwesto ko. Napahinga ako ng maluwag dahil hindi niya kasama iyong dalawang lalaki at si Allison. It's a bit troublesome if he's with them.

Ang plano ko kasi ay komprontahin siya at maghintay ng tamang pagkakataon para masuntok ang mukha niya tapos kakaripas ako ng takbo, mahirap na baka gumanti iyon ng suntok.

Tahimik ko siyang sinusundan, sinisigurado ko rin na tama lang ang distansya namin para hindi niya ako mapansin. Pumasok siya sa indoor parking lot ng University. Maraming mamahalin at magagarang sasakyan ang nakapark sa loob, tahimik at wala ring tao. Parang umaayon yata sa akin ang tadhana dahil saktong-sakto ang lugar na 'to para sa gagawin ko. Hindi ko naman siya pweding suntokin sa harap ng maraming tao dahil baka dumugin ako ng mga babaeng baliw sa kanya at ang masama pa ay baka magulat ako kinabukasan na nasa headline na ako ng mga dyaryo at balita dahil sinuntok ko ang isang Sylvestre.

Para akong tanga habang palipat-lipat at nagtatago sa mga sasakyan. Bahagya akong sumilip at nakitang huminto siya nang nakarating sa pinakadulo. Pinindot niya iyong kulay itim na bagay na hawak niya at biglang tumunog at umilaw 'yong kulay asul na sasakyan. Iba ito sa ginamit niya noong Sabado.

Napabalik ako sa pagtatago nang biglang siyang humarap sa banda ko. Shit! Does he know I'm following him?

"Come out. Stop hiding like a little kitten." His voice echoed in the parking lot.

Huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas sa pinagtataguan ko. Magpapakita rin naman ako sa kanya bago siya makasakay sa sasakyan niya. Nakatayo ako limang hakbang ang layo sa kanya.

"Why are you stalking me?" Deretsong tanong niya na nagpataas ng dalawang kilay ko. Me? Stalking you? That's a big dream you got there, Mr. Sylvestre.

"I'm not stalking you." Madiing sambit ko.

"Really? You followed me sneakily, isn't that stalking?" Tiningnan niya ako ng nakakaloko. "I didn't know you were so smitten with me to the point of stalking me." A mischievous smile formed on his lips.

Nagsalubong ang kilay ko sa mga binigkas niyang salita. Biglang uminit ang ulo ko sa narinig. He really knows how to push my buttons.

I closed the distance between us. Tumingala ako sa kanya at tiningnan siya ng masama.

"Stop spewing bullshít. Hindi ako nandito para makipaglokohan sayo." Galit na asik ko sa kanya.

"So, what did you come here for?"

"Hindi mo talaga alam? Muntik mo na akong masagasaan. Ganoon ka ba talaga kagalit sa'kin?"

"What are you talking about?" Nakakunot ang nuo nito na para bang nalilito. Pagak akong napatawa sa harapan niya.

"Did you hit your head so hard that you forgot what happened?" Nakangising saad ko pero may bahid ng inis ang mukha. Hindi niya talaga naalala dahil ngayon ay salubong na ang kilay nito na nakatingin sa'kin. Halos hindi na niya maalala ang nangyari pero sariwa pa rin sa isip ko ang nangyari.

"I will help you remember then. Sabado iyon ng umaga, sa harap ng malaking gate ng Crestwood University—"

"Hold on." Biglang sambit niya kaya napatigil ako."I.... I didn't know it was you... I was in a hurry that day."

"Sa sobrang pagmamadali mo sasagasaan mo ako? Ganoon ba kahirap tapakan ang brake? Muntik mo na akong masagasaan dahil sa pagmamadali mo at kung hindi ako naka-iwas agad ay baka nasa loob na ako ng kabaong ngayon." Bahagya pa akong hiningal pagkatapos kong magsalita.

I noticed a brief flicker of worry in his eyes, but it only lasted a second. Bahagya akong umiling dahil baka guni-guni ko lang 'yon.

"Something happened that day, so I was in a hurry and I didn't know it was you, I'm sorry." He says in a soft tone.

I was taken aback by his last word. Tama ba ang narinig ko? Nag-sorry siya? Sa akin?

The notion of Eros Sylvestre, a man of immense power and wealth, apologizing to me seemed almost surreal, like a dream. For a man so proud and confident, it was unexpected to see him humble and vulnerable before me. It was almost like the walls of his castle, his fortress of strength and pride, had crumbled down, leaving him bare and exposed.

I looked at him in the eyes. My surprised expression was evident on my face. Nang nakita niya ang mukha ko ay umiwas siya ng tingin.

"You're also at fault too. Paharang-harang ka kasi sa gitna ng gate." Sabi niya habang nakatingin sa gilid niya na para bang nandoon ang kausap niya.

Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo ko sa aking mukha. Syempre! Nandoon ako kasi doon ako dadaan. Ano bang akala niya? Siya lang pweding dumaan do'n? Sigurado akong pulang-pula na ang mukha ko sa galit ngayon. Okay na sana e, I was going to let it go because he apologized but he just had to ruin it!

Kinuyom ko ang kamao ko at bumwelo para sa isang malakas na suntok. I was hoping to caught him off guard pero agad siyang napalingon sa akin at walang kahirap hirap na umilag.

Dahil sa pag-ilag niya ay nawalan ako ng balanse at natapon ko ang katawan ko sa kanya. Nawalan rin siya ng balanse kaya pareho kaming natumba.

Nakapatong ako sa katawan niya at sa halip na kamao ay ang labi ko ang tumama sa labi niya.

I felt like my whole world stopped, as if for a moment, time and space itself had frozen. Everything around me became muted as I felt the softness of his lips on mine. The warmth of his breath on my face was like a caress that sent shivers down my spine. As my mind struggled to process what was happening, my heart was beating so fast. My heart was racing in my chest, pounding wildly with each passing second. What is happening to me?

I looked into his hazel eyes, noticing his shocked expression. Despite his surprise, there was also something else in his gaze.

I was pulled back to reality as I felt his lips move slightly. Fúck! Agad akong tumayo sa pagkakapatong sa kanya sa sobrang gulat sa ginawa niya at walang lingon-lingon na tumakbo palayo roon.

Wha....what was that? Wala sa sariling tanong ko sa aking isipan. Inilagay ko ang aking kamay sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng aking puso.

I've kissed someone before, other than my mom, and it was just an innocent kiss. I was only a child that time.

If you think about it, that kiss was not my first but why does my second kiss have to be with Eros?! Also, he's a guy! But... the one I kissed when I was a child is a boy, too. But still! Dámn, what's worse is that I don't feel disgusted at all!

Sa halip na pumunta sa likod ng Auditorium dumeretso ako sa classroom ng susunod kong klase. Matagal pa bago magsimula pero nawalan na ako ng gana na kumain.  Walang pang tao sa loob kaya umupo ako sa pinaka likod at tulala na nakatingin sa bintana. Hindi makapaniwala at lito sa lahat ng nangyari.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong tulala pero napabalik ako sa realidad nang may narinig na nag-uusap.

"Abby, are you sure about this?" Tanong ng babaeng naka ponytail ang buhok sa babaeng nakaharap sa maliit na salamin at tinitingnan ang sarili. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na pumasok sila sa room. Nakaupo sila sa harapan ko, dalawang row ang layo sa'kin pero rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila dahil kami lang naman ang nandito.

"Yes," Sagot ng babae at hindi nililingon ang kaibigan. Ibinalik ko ang tingin sa bintana at doon itinuon ang tingin.

"His father was involved in an accident last Saturday and I heard that he is helping to run their company while his father is recovering. I don't think this is the right time to confess."

"I know, pero ayokong maunahan ako ng iba. Also, I want to get rid of Allison. That bítch! She's really getting on my nerves. Dikit ng dikit kay Eros tapos kung makaasta parang girlfriend pero bestfriend lang naman ang papel niya sa buhay ni Eros!"

Nagpanting ang tenga ko nang narinig ang pangalan ni Eros. Mahina akong napamura at umob-ob sa lamesa ko. Tss. Eros na naman!

"Calm down. Don't be threatened by Allison. She's scared to make the first move because it could put their friendship on the line. Halata naman kasi na walang gusto sa kanya si Eros kaya puro bakod lang ang ginagawa niya."

"She's really pissing me off." Gigil na saad no'ng babae. Tumahimik sila saglit pero hindi nagtagal ay nagsalita 'yong babae.

"Abby, I don't know if you already know this but there's a strange rumor going around about him."

"Rumor?"

"Well, there are rumors circulating that he is not fond of physical affection towards his partners, especially kissing. Considering that your love language is physical touch, I feel like you two are not compatible with each other in that regard."

Bigla akong napa-ahon sa narinig. Mahina akong napasabunot sa buhok kong wig nang naalala ang nangyari kanina.

I accidentally kissed him earlier, and now I overheard this! Shít! I am so dead meat!

"So, does that mean his lips are virgin? Then I'll make sure that I'd be his first." She said is with utmost confidence.

Para akong naging toud sa aking upuan. Kung totoo man na wala pa siyang nahalikan, e-edi ako ang first kiss niya? Pero baka may nahalikan na siya maliban sa'kin? Right? Atsaka aksidente lang iyong nangyari kanina.

"I don't think you should do that."

"Why?"

"I think you haven't heard about this since you studied in France last year. But do you know Sovanna Davies?"

"I know her, she's a supermodel, right? She's quite famous in France. She's only around our age but she already achieved so much. Anyway, what about her?"

"Well... She was Eros' ex-girlfriend."

Gusto kong umalis dahil ayaw kong marinig ang kahit ano tungkol kay Eros pero malapit nang magbell kaya pagtitiisan ko nalang. May iilang estudyante na rin ang nasa loob ng classroom pero itong dalawa ay patuloy pa rin sa pag-uusap.

"What?! Ex-girlfriend siya ni Eros?! Hindi ko alam 'yan. I'm not a fan of her so I didn't keep up with what was happening in her life. But really? Sovanna Davies?"

"Abby, hinaan mo ang boses mo."

"Fine. So why did they break up?" Mahinang tanong no'ng Abby pero rinig ko pa rin ang boses niya.

"She was dumped by Eros because she attempted to kiss him. Their relationship only lasted for two weeks. She lashed out on her social media, venting how ridiculous Eros' reason was for breaking things off with her."

Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Sovanna Davies. Anong silbi ng pagsasama nila kung kahit halik ay hindi niya maibigay sa partner niya? Siya pa talaga ang may ganang makipag-hiwalay. May saltik din talaga ang isang 'yon.

Hindi ko na napigilan ang pagkomento sa isipan ko. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang tumatakbo sa utak ng Eros na 'yon.

Hindi ko alam kung ilang minuto silang nag-uusap hanggang sa dumating ang professor namin. Hindi man lang natinag si Abby sa lahat ng mga sinabi ng kaibigan niya at pinili niya paring magconfess kay Eros.

Napailing nalang ako at nakinig sa discussion. Pilit kinakalimutan ang mga narinig at ang nangyari kanina sa parking lot.

Продолжить чтение

Вам также понравится

Finn (bxb) Lexus

Любовные романы

447K 14.9K 40
My back was pressed against the wall, and our faces were merely inches away. He gently placed a finger below my chin and tilted my face upward. I tri...
Silence 1-700-SLUT-FOR-SMUT

Любовные романы

1.3M 32.2K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
771K 64.5K 34
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
Ishq Ki Kahani authorafrah

Любовные романы

2.9M 54.1K 17
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...