Chapter 7

670 46 5
                                    

Keiran's Point of view

Pakiramdam ko ay sobrang bigat ng mga paa ko habang naglalakad papunta sa panghuling subject ko sa hapon na ito. Pagkatapos ng nangyari kanina sa parking lot parang wala akong lakas ng loob na harapin si Eros.

Huwag na lang muna kaya akong pumasok? Halos sampalin ko ang sarili dahil sa naisip.

Why should I be afraid of facing him? None of us wanted that to happen. It was a purely accidental occurrence, not an intentional one.

Tumango-tango ako sa naisip at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa natanaw ko ang pintuan ng classroom ko.

Pagpasok ko ay para akong nabunutan ng tinik nang wala akong nakitang Eros sa loob. Natapos ang klase ko sa araw na iyon nang hindi ulit nasilayan ang nakakainis na pagmumukha ni Eros. Pero habang nangtuturo ang professor namin kanina ay madami akong naririnig na usap-usapan sa mga kaklase ko na ang dahilan ng daw kung bakit wala si Eros ay tumutulong daw ito sa pagpapatakbo ng kompanya nila habang nagpapagaling ang Ama nito sa hospital.

Parang nabanggit din ito nila Abby kanina pero hindi ako gaanong nakikinig dahil wala akong interes sa pinag-uusapan nila atsaka medyo lutang pa ako pagkatapos ng nangyari sa parking lot. Nakuha lang 'yong atensyon ko nang binanggit nila ang pangalan ni Eros.

Kakatapos ko lang gawin ang lahat ng homeworks ko at kasalukuyan akong nakatitig sa kisame habang nakahiga sa kama. Biglang pumasok sa isip ko 'yong nangyari sa Ama ni Eros at siguro dala na rin ng kyuryosidad ay kinuha ko ang cellphone ko na nasa tabi lang ng aking unan. Minanipula ko iyon at hinanap sa internet ang nangyari sa ama ni Eros.

I came across a video containing news of his father, and it was from the country's leading news media outlet.

I checked the date when the video was released. Nakita kong noong Sabado pa iyon. I pressed the play button on the video and it played.

"Theodore Sylvestre, a renowned business magnate has been involved in a minor car accident earlier this Saturday morning. He was en route home from the airport upon his return from a business trip in Japan. Fortunately, he has only suffered minor injuries and is now in the process of recovery in a hospital. The driver of the car who collided with the vehicle of Theodore Sylvestre, was allegedly under the influence of alcohol..."

Kasabay ng pagsasalita ng newscaster ay ang pagpapakita ng video ng sasakyan na nagkabanggaan at ang pagsasakay kay Theodore Sylvestre sa ambulance. Sa sumunod na clip ay may lalaking nakaposas na naglalakad at pilit tinatabunan ang mukha habang dinudumog ng mga media reporter, sa tingin ko ay ito ang nakabangga.

Kaya ba nagmamadali si Eros noong Sabado? Pinatay ko ang cellphone ko at napahilot sa aking sintido. Still, he should have been more careful. Muntik pa siyang makabangga dahil sa pagmamadali niya.

Siguro dahil busy si Eros ay naging tahimik ang araw ko kinabukasan. Tahimik akong kumakain ng lunch at ganoon din si Denver na nasa tabi ko. In the midst of eating my lunch, I was startled when Denver suddenly asked a question out of the blue.

"B-bakit pala wala ka dito kahapon?" Awkward na tanong niya.

Hindi ako agad nakasagot dahil sa gulat. Sa loob ng ilang araw na sabay kaming kumain, ito ang unang pagkakataon na siya ang unang nakipag-usap sa'kin. Nilingon niya ako, umiwas siya ng tingin nang makita ang reaksyon ko.

"P-pasensya na... uh... huwag mo nalang sagutin." Nakayukong sambit niya at akmang kukuhanin ang kanyang kutsara pero napatigil nang nagsalita ako.

"Sorry, medyo nagulat lang ako." I cleared my throat, I could feel my face heating up as the memory of yesterday came flooding back to my mind. Hindi ko pweding sabihin iyon kay Denver kaya pinili kong magsinungaling.

My Bully Is Inlove With MeWhere stories live. Discover now