The newest hanamichi sakuragi...

By breakerdreamer

28.7K 3K 1.2K

cold, emotionless, magaling sa basketball, walang pakialam sa paligid niya.. nagbago na for good si sakuragi... More

chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
chapter 19
Chapter 20
chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
chapter 31
chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
chapter 37
Chapter 38
chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
chapter 42
chapter 43
Chapter 44
chapter 45
chapter 46
Chapter 47
chapter 48
chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
chapter 56
Chapter 57
chapter 58
chapter 59
Chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
chapter 67
chapter 68
Chapter 69
chapter 70
Chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
Chapter 76
chapter 77
Chapter 78
chapter 79
chapter 80
chapter 81
chapter 82
chapter 83
chapter 84
chapter 85
chapter 86
chapter 87
chapter 88
chapter 89
chapter 90
chapter 91
chapter 92
chapter 93
chapter 94
chapter 95
chapter 96
chapter 97
chapter 98
chapter 99
chapter 101
chapter 102
chapter 103
chapter 104
chapter 105
chapter 106
chapter 107
chapter 108
chapter 109
chapter 110
chapter 111
chapter 112
chapter 113
chapter 114
chapter 115
chapter 116
chapter 117
chapter 118
chapter 119
chapter 120
chapter 121
chapter 122
chapter 123
chapter 124
chapter 125
chapter 126
chapter 127
chapter 128
chapter 129
chapter 130
chapter 131
chapter 132
chapter 133
chapter 134
chapter 135
chapter 136
chapter 137
chapter 138
chapter 139
chapter 140
chapter 141
chapter 142
chapter 143
chapter 144
chapter 145
chapter 146
chapter 147
chapter 148
chapter 149
chapter 150
chapter 151
chapter 152
chapter 153
chapter 154
chapter 155

chapter 100

104 9 10
By breakerdreamer


The newest hanamichi sakuragi: cold hearted

Chapter 100;

Continuation...

*****

"Sakuragi?" Tawag pa ni haruko, naistatwa naman si aki sa kinatatayuan niya ng muli niyang makita si sakuragi, isang buwan na ang huling beses na makita nila ito.

"Haruko, wag mo nang guluhin pa si sakuragi, ayaw niya na kayong guluhin kaya, please! Ako na ang nakikiusap sayo. Wag niyo na siyang guluhin pa." Pakiusap ni mito ng subukan pang habulin ni haruko si sakuragi na nakapasok na sa loob ng ramen house.

"Pero.. gusto ko siyang kausapin, gusto ko siyang tulungan.." umiling si mito bago malungkot na tumingin kay haruko.

"Haruko, mukha lang siyang malakas sa panlabas pero sa kaloob looban niyan durog na durog na siya. Hindi lang naman kayo iyong nasasaktan e, kung tutuusin mas kaawa awa si sakuragi, napaglaruan siya ng sarili niyang emosyon at mga taong nasa paligid niya. Ni isa walang umintindi sakanya, kahit na magpaliwanag pa siya." Anas ni mito na tinignan pa si aki at rukawa, si aki naman ay nakayuko lamang samantalang si rukawa ay nakakunot ang noo at seryosong nakatingin kay mito at doon sa pinuntahan ni sakuragi.

"Tara na, rukawa." Pakiusap ni aki sa mababang boses

"Teka lang aki, pakiusap.. kahit ilang minuto lang gusto kita kausapin sa isang bagay, gusto ko sabihin sayo ang lahat lahat." Napakunot ang noo ni aki sa sinabi ni haruko, galit parin siya sa babae subalit bigla siyang naintriga sa sasabihin nito sakanya.

"Anong kasinungalingan pa ang idadagdag mo haruko?" Pag sungit ni rukawa sa usapan nila, hinarangan pa nito si aki.

"Hindi ako nakikipag biruan dito rukawa, seryoso akong pumunta dito dahil gusto kong ayusin iyong gulong nagawa ko." Anas ni haruko na may seryosong boses

Napangisi si rukawa na parang di naniniwala sa sinabi ni haruko sakanya.

"Tigilan mo na si aki, haruko.. wala siyang balak na kausapin ka kaya umalis kana." Anas ni rukawa

"Bakit kaba humahadlang ha? kaibigan mo si sakuragi, Diba? Dapat tinutulungan mo silang magkaayos na dalawa? O baka may dahilan kung bakit ka humahadlang iyon ay dahil may GUSTO ka sa girlfriend ng kaibigan mo?" Akusa ni haruko na kinagulat ni mito at aki, maging si rukawa ay nanlalaki ang mata

"Wag kang mang imbento dyan haruko, kaibigan ko silang dalawa, bakit ko Naman aagawin sakanya si aki?" Saad ni rukawa na pilit pinapaseryoso ang boses

"Huli kana, itatanggi mo pa.. bat di ka magpakatotoo  sa nararamdaman mo. Aminin mo na may nararamdaman ka para kay aki," anas ni haruko pa na pilit idinidiin si rukawa. Nakita ni rukawa na lumabas si sakuragi mula sa ramen house.

"OO, GUSTO KO SI AKI!! GUSTO KO SIYA.. MASAYA KANA?" sigaw ni rukawa nang nakatingin ng diretso kay sakuragi na nakatingin sakanya ng walang emosyon.

"Tarantado ka." Anas ni mito dahil sa pagkabigla, napatingin pa siya sa likod niya ng makita niya si sakuragi na nakatingin pala sakanila.

"Sakuragi?" Saad ni mito, naglakad naman si sakuragi paalis na parang di narinig ang mga sinabi ni rukawa.

Nainis si rukawa sa naging reaksyon ni sakuragi kaya inis na sinundan niya ito. Pero bago iyon, hinarap Niya muna si aki.

"Mauna kanang umuwi aki, kakausapin ko si sakuragi." Anas ni rukawa bago mabilis na tumakbo patungo sa direksyon kung saan pumunta si sakuragi.

Tumingin naman si aki kay haruko ng seryoso bago bumuntong hininga ng malalim. Gusto na kasi malaman ni aki ang lahat ng matapos na lahat ng ito at makamove on na siya.

"Diba may gusto kang sabihin sakin? Sige, mag usap tayo." Hindi mawari ni haruko kung bakit bigla siyang kinabahan sa kaharap.

"Anong gulo na naman ba to?" Puno ng frustration na saad ni mito bago naiiling na umalis at tumungo sa loob ng ramen house.

Sa kabilang dako naman kung saan naabutan ni rukawa si sakuragi, agad niya itong napigilan sa balikat. Huminto si sakuragi at walang ano ano'y sinuntok nito si rukawa dahilan para mapaupo ito.

Hindi naman makakapayag si rukawa sa ginawa ni sakuragi, bumawi din ito ng suntok kaya nagkarambulan na silang dalawa. Ilang minuto rin silang ganon hanggang sa mapagod sila at huminto na rin.

"Gago! Anong plano mo at nagawa mong tiisin si aki ng isang buwan?" Panimula ni rukawa na hinihingal parin sa naging suntukan nila.

"Tsk! Wala akong plano, pinag sasabi mo. Gusto ko lumayo iyon lang ang dahilan ko." Sagot ni sakuragi, kahit medyo mainit ang sahig dahil nasa gilid sila na may mga puno ay nakahiga parin ang dalawa.

"Sumusuko kana agad? Hindi mo man lang ipaglalaban pagmamahal mo para sakanya?" Tanong ni rukawa na medyo napupuna na ang pagkawalang interest ni sakuragi sa usapan.

"Sinabi ko na sayo, ayaw ko na. Lumayo ako kasi di ko na siya mahal." Sagot ni sakuragi na kinagulat ni rukawa.

"Tangna mo, sinungaling ka. Hindi mabilis makalimutan ang ganong klaseng pag iibigan sakuragi. Kita sa mata mo kanina na nagselos ka at nasaktan ka." Anas ni rukawa na naupo na.

"Tsk! Bat naman ako magseselos? Bagay nga kayo e. Edi kayo na." Anas nito na parang madali ditong kalimutan ang lahat sa isang salitaan lang

"Alam mo, napakalaking gago mo talaga. Kung alam ko lang na ganito ka, edi sana pinigilan ko na si aki na wag nang umalis sa bahay nila para lang sayo. Hindi mo ba alam? Mag mula ng mangyari ang kaguluhang iyon, kinausap agad ni Coach si aki at kusang pinapalayo na siya sayo. Pero ipinaglaban ka niya, kapalit ng pag takwil sa kanya ng kanyang ama." Nagulat si sakuragi sa narinig, bigla siyang napaisip sa bagay na iyon at sa sinabi ni coach sakanya.

Flashback:

"Layuan mo na ang anak ko, hindi ikaw ang makabubuti para sakanya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit sa dinami daming mamahalin ng anak ko. Ikaw pa ang napili niya." Saad ni coach kotaro na hustong kinagulat ni sakuragi.

"Ano ho ang ibig niyong sabihin?" Tanong ni sakuragi

"Akala mo ba ginusto talaga kita para sa anak ko? Napipilitan lang akong pakisamahan ka dahil sa pakiusap ng anak ko sakin. Binalak ko na ngang gumawa ng paraan para mapag hiwalay kayo, buti nalang gumawa na ang tadhana para paghiwalayin kayo." Nagulat si sakuragi sa sinabi ni coach kotaro sakanya, buong akala niya kasi ay butong buto ito sakanya, hindi pala.

"Layuan mo ang anak ko, kung ayaw mong ako mismo ang gumawa ng paraan para magkahiwalay kayo ng tuluyan at hindi mo na siya makita kailanman." Anas nito bago tuluyang umalis at iniwan si sakuragi na naguguluhan.

End of flashback:

"Hindi ko na problema iyon, kasalanan niya kung bakit tinakwil siya dahil ipinaglaban niya ako." Napikon si rukawa sa sinabi ni sakuragi kaya inis na sinuntok niya na naman ito.

"Tangina mo talaga, gago. Hayaan mo ito na ang huling beses na makikita mo siya, dahil isasama ko siya sa pag alis ko." Saad ni rukawa bago tumayo at umalis palayo.

Naging hudyat naman iyon kay sakuragi upang umiyak. Hindi niya kasi akalain na Mahal parin pala siya ni aki.

"Patawad, baby. Pero hindi na talaga Pwede e." Bulong ni sakuragi sa sarili habang umiiyak.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2K 138 40
Ito ang kuwento ng buhay Basmetball Player ni Hanamichi Sakuragi. At ito ang unang hakbang sa pagtupad ni Sakuragi mna maging isanh NBA Player. Ang k...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
91.2K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...