Anino ng Kamatayan

By Kendriv

174 2 0

Tumingin sa kaliwa, kanan, likod at harap. May mga matang nakatingin. Lagi lang silang nakamasid. Pinagmamasd... More

DISCLAMER
Numero Uno
Numero Dos
Numero Tres
Numero Cinco

Numero Cuatro

17 0 0
By Kendriv

Tumakbo kami palabas ng kweba dahil sa narinig naming sigaw. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Natatakot ako sa kung ano man ang dahilan ng sigaw na yun.

Nakahawak sa braso ko si Trisha at dali-dali naming tinahak ang daan palabas. Nasa likuran naman namin si Brenda, bitbit-bitbit nito ang basket na pinaglagyan nila ng mga halaman.

Laking gulat namin nang makita na duguan ang lalaking may garalgal na boses. Nagkalat ang dugo nito sa braso at binti.

"ANONG NANGYARI!?" natatarantang tanong ni Brenda.

"AAAAAAAAHHHHHHHHH!!" mangiyak-ngiyak na sumigaw sa labis na sakit ang lalaki

"KUNIN NYO ANG DAMIT KO!!! BILIS!!!" utos ni Paul. Natataranta na rin ito. Lumapit ito sa kanyang kaibigan at nilinis ang mga sugat nito. Sumigaw ulit ang kaniyang kaibigan dahil sa labis na sakit.

Tumakbo ako ng mabilis at tinungo ang damit ni Paul. Nakita ko rin ang damit ng lalaki sa di kalayuan kaya kinuha ko rin ito.

Nanghihina man ang mga tuhod ko pero buong lakas kong tinakbo ang daan pabalik sa kanila.

"Heto na ang damit mo," inabot ko kay Paul ang damit niya maging ang damit ng lalaki. Pinunit niya ito at itinali sa nabaling braso ng kaibigan. Kapansin-pansin ang panginginig ng kamay ni Paul.

"Ano ba kasing nangyari, Anton?" tanong ni Brenda. Napipinta ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Hindi ba halata? Hindi ba halata na nahulog ako?" sarkastikong sagot ng lalaki. "AAAAAHHHHHHH" napadaing ulit ito sa sakit nang marahang hinampas ni Brenda.

"Mabuti pa, umuwi na lang tayo," suhestyon ko at nagsimula ng maglakad. Hinawakan ko ang braso ni Trisha para yayain na siyang umalis. Nagpatangay lang ito sa akin.

Sumunod naman sa amin ang tatlo. Akay-akay ni Paul ang lalaki na may garalgal na boses, na tinawag ni Brenda kanina na Anton. Habang bitbit naman ni Brenda ang basket.

"90, 10 pala ang hatian dito kapag naibenta na natin. 90 porsyento sa aming tatlo at 10 porsyento naman sa inyo," saad ni Brenda.

May pagkagahaman talaga ang babaeng 'to. Tumingin ako sa likod para harapin si Brenda. "Huwag kang mag-alala, hindi naman ako interesado sa kikitain ninyo. Sinamahan ko lang talaga si Trisha." Hindi naman makapaniwala ang kanyang mukha na parang sinasabi nito na 'weh?'. Sa palagay ko kulang pa ang parte na makukuha ni Anton para sa pagpapagamot sa kaniyang kanang braso. "Bigay mo na lang kay Anton yung parte ko," nagpatuloy na ako sa paglalakad. Hindi rin kasi ako tumulong sa kanila sa pagkuha ng mga halaman kaya wala rin akong naiambag.

"Bigay mo na rin kay Anton yung parte ko," nakangiting sambit ni Trisha. "Salamat ulit Lora kasi sinamahan mo ako," ngumiti ito sabay hawak sa braso ko at isinandal ang ulo sa aking balikat.

"Sandali lang nasaan na tayo?" nagtatakang tanong ni Anton. Napatingin din kami sa paligid, hindi ko na alam kung nasaan kami.

"Saan na 'to Lora?" tanong sakin ni Brenda na bakas na sa mukha ang pagkainis.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Anong alam ko sa gubat na 'to?"

"Bakit ka kasi nangunguna? Hindi mo naman pala alam. Hindi ka na lang sana namin sinundan," naiinis nitong sambit.

"Tama ang dinaraanan natin. Dito tayo dumaan kanina," saad ni Paul. Itinuro niya ang maliit na pulang tela na nakatali sa sanga ng puno. "Nilagay ko yan kanina."

"Tayo na lang Paul ang mauna," naunang naglakad ang dalawa samantala nakasunod naman kaming tatlong babae. Medyo mabagal lang ang paglakad namin para sabayan ang sugatan naming kasama.

Mag-iisang oras na yata kaming palakad-lakad. Hindi pamilyar sa akin ang dinaraanan namin, hindi ko magunita na dumaan kami rito. "Naliligaw na yata tayo," biglang sambit ni Paul. "Hindi ko na makita yung mga nilagay kong palatandaan sa sanga ng puno."

"Ano na'ng gagawin natin? Dapat talaga hindi na lang kayo nagbalak na pumunta rito," naiinis kong sambit.

"Oh? Kasalan ba namin? Hindi ka naman namin niyayang sumama ahh," pagtataray sakin ni Brenda.

Ilang sandali lang bigla na lamang kumulimlim ang kalangitan. Hudyat na babagsak ang malakas na ulan. Tiningnan ko sila isa-isa, katulad ko labis din ang pagkadismaya sa kanilang mukha.

"Patawarin nyo ako. Hindi ko na rin alam ang gagawin." Napaupo si Anton sa lupa. "Ako ang may kasalanan kung bakit nangyayari sa atin 'to. Hindi ko rin kabisado ang gubat pero niyaya ko pa kayong pumunta rito. Patawin nyo ako." Dahan-dahang bumagsak ang luha sa kaniyang mga mata.

"Huwag mo na yun alalahanin pre. Naniniwala ako na makakalabas pa tayo rito," pagtahan ni Paul.

Bumuhos na nga ang malalakas na patak ng ulan. Tumungo muna kami sa may malaking puno para sa pansamantalang masisilungan.

Pinagmasdan ko ang aming paligid. Hindi na maaninag ang daraanan dahil sa sobrang lakas ng ulan. Nakakapit sa aking braso si Trisha at ramdam ko na nilalamig na ito. Nasa kanan naman namin si Brenda bitbit pa rin nito ang basket, at nasa kaliwa naman ang dalawang lalaki. Pansin kong nilalamig na rin si Paul dahil salawal lamang ang suot nito. Napansin ko ring iisa na lang pala ang dala naming basket, naiwan ito o baka sadyang iniwan lang talaga ni Paul.

"Pre, tingnan nyo yun," saad ni Anton habang may tinuturo sa 'di kalayuan.

"Alin?"

"Iyang puno ba?"

Pilit naming inaninag kung ano man ang itinuturo niya hanggang sa naging malinaw na sa akin ang bagay na yun.

"Bahay ba yun? Tara puntahan natin." Agad kaming tumalima sa winika ni Paul. Sinuong namin ang malakas na ulan upang mapuntahan ang mas maayos na masisilungan.

Nang malapitan na namin. Agad na pumasok ang mga kasamahan ko habang pinagmasdan ko muna ang labas ng maliit na bahay na ito. Nakapagtataka lang kung bakit merong ganito sa gitna ng gubat. Sino naman ang mangangahas na manirahan sa ganitong lugar?

Pagkapasok ko sa loob, bumungad sa 'kin ang liwanag mula sa isang gasera. Nakapatong ito sa isang maliit na mesa katabi ng isang higaan.

Napatingin ako sa aking mga kasama. Nakatulala lang sila sa pader, pinagmamasdan ang iba't ibang anting-anting na nakasabit dito.

Nahihiwagaan ako sa bahay na ito.

"Bakit kaya andaming nakasabit na anting-anting dito?" tanong ni Trisha sabay hawak sa mga anting-anting. Tiningnan lang namin siya dahil maging kami ay hindi rin alam ang sagot.

Nagsiupuan na kami sa higaan, samantalang nakatayo lamang si Paul sa aming harapan. Pansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo.

"Ano 'to?" saad ni Brenda. May kinakapa siya sa ilalim ng higaan. Inusisa na rin namin kung ano yun. Merong iba't ibang klaseng kutsilyo, pana, at sibat kaming nakita. Natigilan lang ako nang may pulang likido akong nahawakan. Sariwa pa ito.

"ANONG GINAGAWA NYO RITO!!!"

Parang kulog ang sigaw na yun mula sa aming likuran. Paglingon namin isang lalaki na may malaking pangangatawan ang bumungad sa 'min. Meron din itong malaking peklat sa kaniyang mukha.

"AAAAAAAAAAHHHHHHHH" sabay-sabay na sigaw namin.

Biglang sumugod ang lalaki. Hinarang naman ni Paul ang kaniyang sarili. "Tumakbo na kayo. BILIS!!!"

Hinawakan ko ang kamay ni Trisha at tumakbo na kami palabas. Wala na akong ibang naiisip ngayon kundi ang kaligtasan naming dalawa. Di ko na alintana ang lakas ng ulan kahit pa basang-basa na ang buo kong katawan, makalayo lang kami sa lugar na 'to.

"Sandali lang Lora. Paano sila?" Napatigil kaming dalawa sa pagtakbo. Tiningnan ko ang aking kaibigan. Hindi na mapigil ang pagpatak ng kaniyang mga luha.

Muli kong nilingon ang maliit na bahay. Nakita ko si Brenda at Anton. Paika-ikang tumakbo si Anton habang nasa may di kalayuan si Brenda. May sinasabi ito kay Anton ngunit hindi ko marinig at labis na rin ang pag-iyak nito.

"Umalis na tayo dito, Trisha." Hindi ko na rin mapigilan ang pagpatak ng aking mga luha. "Mas gugustuhin din ni Paul na mailigtas natin ang ating sarili. Hinihintay ka pa ng nanay mo"

Napahagulhol kaming dalawa at niyakap na lang ang isa't-isa. Hindi ko alam kung bakit ba sa amin nangyayari 'to. Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makita si tatay.

Nagpatuloy na kami sa pagtakbo at nilisan na ang lugar na yun.

|| End of chapter 4





Continue Reading

You'll Also Like

192M 4.6M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
48.6K 1.2K 18
"I love you... it's ruining my life." SCREAM VI SAM CARPENTER X FEMALE OC
143K 20.2K 90
အရိုးစုသရဲပန်းချီ「骷髅幻戏图」kūlóuhuànxìtú ခူးလိုဟွမ့်ရှိထူ စာရေးသူ - 西子绪 ရှီးကျစ်ရွှိ အပိုင်းပေါင်း - ၁၁၄ ပိုင်း + အချပ်ပို ၇ ချပ် ထွက်ရှိခဲ့သည့်နှစ်...
99.3K 2.9K 44
Anna was a complete mess when her mom died. She became a clam and suicidal. After an attempt on her life, sixteen year old Anna is sent to an instit...