Assasino Playground (Complete...

By imangelaxwp

1.1K 182 2

"This is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND... If you want to surv... More

Panimula
Disclaimer
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Wakas

Kabanata 04

40 9 0
By imangelaxwp

KABANATA 04

(ZETA'S POINT OF VIEW)

Nakalabas na ako ng canteen pero dala-dala ko parin ang kaba. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong takot kanina.

Huminto muna ako para mahimasmasan nang biglang may bumangga sa likuran ko. Sa kaiisip ng nangyari kanina ay hindi ko na pala napansin ito.

Nilingon ko ang taong bumangga sakin at nakita ang isang lalaki na nakaakbay sa isang babae. Amoy alak. Lasing ang lalaki at wala na itong malay.

"Pasensya na, Miss. Lasing kasi itong kasama ko. Pasensya na," paumanhin ng babae.

Tumango lang ako at ngumiti para ipahiwatig na ayos lang ako. Nginitian niya din ako bago maglakad buhat-buhat ang lalaking kasama niya.

May konting dugo sa labi ng babae kanina. Sinaktan kaya siya ng lalaking kasama niya? Inalala ko ang nakita ko kanina. Sa tingin ko ay may relasyon ang dalawang yun. Halata kasi ang sobrang pag-aalala sa mga mata ng babae. Ingat na ingat din siya habang buhat-buhat ang lalaki. Hindi sana tama ang iniisip ko.

Nakarating na ako sa dorm at diretso akyat lang papunta sa room ko. Agad kong hinubad ang jacket ko.

Nahiga ako sa kama at tinitigan ang kisame. Andaming nangyari sakin ngayong araw na ito. Hindi na kinaya ng utak ko ang lahat ng mga nalaman ko.

Lumalalim na ang gabi nang sumilip ako sa bintana. Alas syete na ang oras. Katatapos ko lang na kumain at paniguradong nabusog ako. Unti-unti ko na ring nakakalimutan ang mga nangyari kaninang umaga.

Nag-shower ako at nagsuot ng damit pantulog. Naisipan ko ng matulog ng maaga kaya nagtungo na ako sa may pintuan para isara ito ng mabuti.

Hahawakan ko palang sana ang door knob nang biglang magbalik sa alaala ko ang mga sinabi ni Casano kaninang umaga.

"May welcoming party mamayang gabi para sa mga freshmen. Here's my advice, lock your room and don't let anyone in no matter what they do."

Nagkusa agad ang kamay ko na ilock ng mabuti ang pintuan. Namumuo na naman ang takot at kaba ko. Baka biglang may pumasok dito at patayin ako.

Agad kong pinatay ang ilaw at umupo sa upuan para mag-isip ng pwede kong gawin. Nawala na ang antok ko at parang wala na akong panahon pa para matulog. Kung totoo ang mga sinasabi ni Casano ay hindi dapat ako nakaupo lang dito.

Tahimik akong naglakad at naghanap ng kutsilyo. Sa kasamaang palad ay wala pala akong nadala. Masyado kasi akong bilib sa sarili ko nang pumasok ako rito pero ang totoo naman talaga ay wala akong ideya kung anong klaseng unibersidad itong pinasukan ko.

Wala akong makita na pwede kong magamit na panlaban kung sakali mang may sumugod sa akin. Isa lang ang pwede kong maging sandata ngayon at yun ay ang spatial awareness ko. May kakayahan akong magkaroon ng kamalayan sa mga bagay sa paligid ko at posisyon din ng mga taong malapit sa akin. Nahasa ko ng husto ang pandinig at paningin ko para sa mga ganitong sitwasyon. Hindi naging normal ang kinalakihan kong buhay kaya tinuruan ko ang sarili ko na gamitin ito sakaling nasa panganib ang buhay ko.

Naalerto ako nang makarinig ng mga yapak sa labas. Mahina ito kaya malamang ay papalapit pa lang ito. Nagtaka ako nang wala na akong marinig na tunog.

Maya-maya ay bigla akong nanginig sa sigaw na narinig ko. Babaeng sumisigaw. Base sa pagkakarinig ko ay may kalapitan ito sa kinaroroonan ko.

May tumutulak sa akin na lumabas at puntahan ang taong sumisigaw pero pinangungunahan ako ng takot na baka hindi ito totoo at pakana lamang ng mga taong gustong pumatay sa akin. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Hahayaan ko lang ba na may mamatay dahil nagpadala ako sa takot o lalabas ako kahit na alam kong may posibilidad na ako naman ang patayin nila?

Pinaghalong takot at awa ang nararamdaman ko para sa babaeng sumisigaw.

Mag-isip ka Zeta...

Anong gagawin ko? Wala na akong marinig na sumisigaw.

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil pakiramdam ko ay isa akong malaking tanga. Hindi ko inaasahan na nakatayo ako ngayon at nakaharap sa pintuan. Unti-unti kong hinawakan ang door knob at napapikit na lang habang binubuksan ito.

Huwag sana akong magsisisi sa gagawin kong ito.

Nasa labas na ako ng room ko at nilingon kung saan nanggagaling ang sigaw kanina ng isang babae. Wala akong makitang tao. Multo kaya yun? Hindi e, hindi na kayang magsalita ng patay.

Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko habang hinahanap ang taong sumigaw. Wala parin akong makita kaya nagsimula na akong makutuban sa nangyayari.

Hindi ako gumalaw at inoobserbahan lang ang paligid gamit ang mga mata ko. Mas lalo kong tinalasan ang pandinig ko para maging handa man kung may susugod sakin.

Nagbago na ang ihip ng hangin dito. Nagdududa na ako kung totoo ba talagang may babaeng sumisigaw. Hindi ba tama ang desisyon ko na lumabas? Paano kung nanatili na lang ako sa loob??

Kahit hindi ako sigurado sa kaligtasan ko ngayon ay pilit akong nagpakatapang. Wala na akong magagawa kundi maging handa sa pwedeng mangyari.

Ilang saglit lang ay may naaamoy akong mabango. Hindi ko malaman kung saan nanggagaling ang mabangong amoy na ito. Iniisip kong pakana nila ito para libangin ako at hindi ko mapansin ang mga susunod nilang gagawin.

Nakarinig ako ng parang lumilipad na bagay papalapit sa pwesto ko. Daglian akong napaupo at buti na lang ay nakailag ako. Tumingala ako sa bagay na tumama sa pintuan ko.

Kutsilyo. Maliit pero alam kong matalim dahil sa lalim ng pagkakabaon nito. Anong nangyari? Paano napunta ang kutsilyong yan sa pintuan ko? Yan ba ang narinig kong lumilipad kanina?

Nakaamoy na naman ako ng mabango malapit sa akin. Kapareho ito ng amoy kanina. May kinalaman kaya ito sa kutsilyong nasa pintuan?

Tumayo ako nang masiguro kong wala ng panganib. Nilapitan ko ang kutsilyo at inamoy ito. Ito ang pinanggagalingan ng mabangong amoy. Pero bakit? Kung naaamoy palang ito sa malayo ay maaaring magsilbi itong babala sa makakaamoy nito. Yun ba talaga ang gusto ng taong gumawa nito o baka masyado niya akong minaliit para hindi ito mapansin??

Mabuti na lang nakailag ako agad dahil narin sa malakas na pandinig ko at mabilis na reflexes. Sino namang tao ang gagawa ng ganto sa akin? Sigurado akong wala pa akong kaaway dahil bago palang ako dito. Maliban na lang kung pinagtitripan lang nila ako at gustong takutin.

Kung sino man ang taong ito, kailangan kong malaman kung anong rason niya. Magsisilbi na itong babala sa akin na kailangan ko ng mag-ingat anumang oras.

Akma ko na sanang hahawakan ang kutsilyo nang makarinig ako ng naglalakad papalapit sakin.

"Huwag mong hahawakan yan. It could be poison," bungad nito. Nanlaki ang mga mata ko at saglit na natulala. Lumayo ako ng kaunti sa pintuan at tinitigan ang kutsilyo.

"Interesting smell... coming from a poison. I wonder how they created this stuff." Ang weird talaga ng lalaking ito dahil mukha pa siyang nag-eenjoy habang sinusuri ang kutsilyo.

"Are you okay?" hinarap niya ako.

"Eto buhay pa naman," sagot ko. Ang totoo, hindi parin ako makapaniwala na hinagisan ako ng kutsilyong may lason. Kung nasaksak ba ako nun, diretso na ba ako sa kabaong?

"Based on what I've observed, the poison's not deadly. But it can paralyze its victim for few hours. They're not planning to kill you, they want to torture you," seryoso ang pagkakasabi nito ni Casano na syang ikinabahala ko ng husto.

Wala akong naalala na may nakaaway ako. Ano namang makukuha nila sakin e kabago-bago ko palang dito, natataranta na ako sa loob-loob ko.

"Torture is worse than death. They can't enjoy if you're already dead. That's a welcome gift from your enemies but never bite their trap." Napalunok ako sa sinabi ni Casano. Mas lalo niyang akong tinatakot.

"But it seems that you're skilled enough to fight them. I saw your quick reaction when that knife came at you and I must say that you impressed me."

"Kanina ka pa nanonood? At bakit ka naman nandito ng gantong oras na?" sunod-sunod na tanong ko. Nainis lang ako dahil parang wala siyang intension na tulungan ako. Paano na kapag hindi ako kaagad nakailag kanina? Panonoorin niya lang ako na mamatay?

"I was checking if the new students are still alive. Fortunately, wala pa naman akong nakikitang dugo sa mga nadaanan ko." Guard ba siya dito??? Ang dali-dali lang para sa isang katulad niya na maglakad-lakad kahit gabi na.

Naalala ko naman bigla ang sumisigaw kanina na syang dahilan ng paglabas ko.

"May narinig akong sigaw kanina kaya lumabas ako. Narinig mo ba ito?" tanong ko naman.

"Kanina lang ako dumating dito. Naabutan lang kita nang umilag ka sa kutsilyong hinagis sayo," sagot ni Casano.

Kung ganon ako lang ang nakarinig nito. Hindi pa ako baliw. Alam kong totoo ang sigaw na narinig ko. Sigaw ng babaeng nahihirapan.

"Ilang oras ang itinagal ng narinig mo?"

"Ilang minuto lang. habang tumatagal ay pahina ng pahina ang sigaw na parang lumalayo ang taong ito," kinilabutan ako habang kinukwento ito. Alam kong matino pa ang isip ko nang mga oras na ito.

"Sana naman hindi pa ito patay..." hindi ko namalayan na nasabi ko na pala ito. Nag-aalala ako ng sobra ngayon. Kung warning lang ang ginawa nila kanina, ano pa kaya ang pwede nilang gawin sakin sa mga susunod na araw?

"Walang mamamatay, dahil wala naman talagang biktima. Remember what I told you, I was checking the new students and I didn't see any blood or victims on my way. That is very unusual."

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko.

"The scream that you heard wasn't from a real person," lumingon-lingon si Casano para masigurong kami lang ang nandito. Kinakabahan ako sa mga susunod niyang sasabihin. Ang seryoso na ng mukha niya at mukhang hindi maganda ang nangyayari.

"It's been years since they used that whistle..." Whistle? Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

Nilapitan ako ni Casano at tinitigan ng mabuti.

"Listen, I believe you heard the Death whistle. It serves as a warning or threat. They're planning something. Hindi lang isa kundi madami ang papatayin nila. Starting tonight, we're no longer safe."

Nadagdagan ang takot ko lalo dahil sa narinig ko. Gulat ako at hindi makapaniwala na totoo pala ang bagay na ito. Ang death whistle. 'The whistle that screams a painful death.' Akala ko gawa-gawa lang ito ng iba para manakot.

Tumaas ang mga balahibo ko nang mapagtanto kong narinig ko ang mismong tunog ng death whistle. Hindi namin alam ang binabalak nila at kung kelan sila aatake. Yun ang mas nakakatakot. Nasa paligid lang sila at nagmamasid.

Nagulat ako nang hawakan ni Casano ang ulo ko at ipinantay ang mukha niya sa mukha ko. Nakangiti siya na parang ipinapahiwatig ng mga mata niya na huwag akong matakot.

"I'm glad you're okay," kalmado ang pananalita niya. Pinapakalma niya ako dahil alam niyang kanina pa ako nanginginig. Masyadong mabigat ang mga nalaman ko ngayon kaya sobra na lang ang takot na nararamdaman ko.

"By the way, I have delivery for you. Someone wants to give this gift to you." May kinuha siyang paper bag sa gilid.

"Gift? Kanino galing?"

"I dont know. I'm just here to deliver this gift. It's a dress."

"Para saan? Wala naman akong paggagamitan nito."

"For tomorrow. The real welcoming party is tomorrow at the gymnasium. It will happen during the night so you should be excited."

"Teka, hindi ko alam yan ah!" reklamo ko naman.

"Nakalimutan kong sabihin kaninang umaga. Fortunately, may isusuot ka ng dress kaya hindi kana mamomroblema." Sinamaan ko siya ng tingin. Makakalimutin din pala ang taong ito.

"Pakisabi sa nagbigay, salamat."

"I will."

Kinuha ko na ang paper bag at pumasok na sa room ko. Si Casano ang nagtanggal ng kutsilyo sa pintuan ko at pagkatapos ay umalis na din siya.

Sa mga di inaasahang pangyayari, lagi na lang siyang sumusulpot. At kapag dumadating siya, parang unti-unti ng nagiging maayos nag sitwasyon. Ganun ang pakiramdam ko kapag meron siya. Yung tipo bang nasa ilalim ng kanyang control ang lahat ng mga bagay na nasa paligid. Walang masamang nangyayari dahil nandun siya.

Continue Reading

You'll Also Like

42.9K 1.5K 52
"SHE WAS SOFT LIKE AN ANGEL BUT OH., SHE FIGHTS FURY OF A DEMON" A most popular Mafia organization.,with the most Mysterious leader., What if the fra...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
3.3K 663 48
What if mangyari yung mga napapanood lang natin sa mga movies? Mararamdaman pa rin ba natin sa tuwing pinapanood natin 'yung movies na 'yon ang saya...
52.4K 2.4K 40
[Completed but not yet edit] A world do magic exists, A world has different creatures, A world lived by immortal people, and A world that is full of...