The Love Of Homophobic (BXB)

By maryrosepaloma11

29.9K 1.7K 447

I'm Greyson Castro, son of Jaime and Casthan. How can I have the love of a homophobic? More

The Love of Homophobic
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15

Chapter 8

1.2K 90 6
By maryrosepaloma11

Library

Pakiramdam ko ay ilang oras na ang nakalipas dahil sa katahimikang nangyari.

"My name is Damien," maangas na sagot ng katabi.

Napapikit ako mg mariin at hinawakan ang braso niya, trying to stop him.

Napatingin siya sa akin kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Hindi niya iyon pinansin at tumingin lang sa harapan, tila ba hinihintay ang sagot ni Zeus.

Dahan-dahang akong napatingin sa lalaki at natakot ako sa madilim na tingin niya sa amin, lalo na sa kamay kong nakahawak kay Damien.

I unconsciously removed my hand.

Ngumisi si Zeus at tinignan ang katabi ko, "Oh, the repeater."

"Anong sinabi mo?!"

"I don't have to repeat myself, and I don't need to answer your question. Focus on your studies and stop meddling with my life." seryosong sagot ni Zeus.

I can sense the anger of Damien beside me. Nakakuyom ang kamao niya at masama ang tingin ngunit hindi na siya sumagot pabalik.

"If you don't have other questions, we'll be leaving. And oh, just to let you know, you have to avoid that guy," sabay turo sa akin, "he's gay." at ngumisi siyang lumabas ng room.

Habang ako naman ay parang gusto nang bumaon sa lupa. My face is burning, and my eyes have started to sting.

I want to go home. I want to disappear.

"You're the gay one, Zeus!" pagkalakas-lakas na sigaw ni Damien kaya nabaling sa kaniya ang atensyon ng aming mga kaklase mula sa akin.

Bumaling sa akin si Damien pagkatapos at hinawakan ang mukha ko. Sa takot na mahusgahan ay nahampas ko ang kamay niya palayo sa mukha ko.

He was shocked by what I did.

"I-I'm sorry," naiiyak kong sinabi at dali-daling tumayo palabas ng room habang dala ang bag ko.

Dumiretso ako ng banyo at agad nagkulong sa cubicle. That's where I poured my tears, my embarrassment, and my frustration.

"Grey?" I gasped and immediately dried my tears. Hindi ako sumagot at pinakiramdaman lang si Damien.

"I know you're here, sinundan kita." 

Hindi parin ako sumasagot.

"Zeus is an asshole. I know him since I was in middle school, and I hate his guts ever since. And I'm sorry about what happened earlier." Humugot siya ng malalim na hininga at narinig ko ang paglapit niya pa kung nasaan ako.

"You don't have to hide just because your gender was revealed. We're not homophobic like him, trust me. And we're already friends, right?"

Nagulat ako nang kumatok siya kung nasaan ako nakatago. "We have to go; hinahanap na tayo ng professor for sure."

Isang beses pa ay pinunasan ko ulit ang mukha ko at siniguradong walang trace ng luha bago ako tumayo.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng banyo ngunit ang mata ko ay nasa sapatos lang niya.

"Thank you..." mahina kong sinabi.

"Thank you ka diyan. May bayad pag comfort ko 'no." aniya at tumawa.

Napangiti narin ako at sinalubong ang tungin niya, "Ano 'yon?"

"Sandwich ni mama mo." aniya at tumawa. Sumeryoso din siya pagkatapos ng ilang segundo at tumitig sa mata ko.

"Did you cry?"

Iniwas ko ang tingin ko, "Tara na,"

"Itatago mo pa 'e halata sa pamumula ng mata mo."

"Hayaan mo na 'yan..." 

Tahimik kaming umakyat sa room at pagkadating namin ay nandoon na nga ang professor kaya lahat ng mata ay nasa amin nang dumating kami.

"Sorry, I'm late," ani ko.

Tumango ang teacher, "That's fine. Go back to your seats."

Natapos ang maghapon nang matiwasay, parang walang nangyari kanina. Though, napapansin ko ang malisyang tingin nila sa amin ni Damien.

"Saan ka pala umuuwi?" tanong niya habang naglalakad kami palabas ng building.

"Sa may Forbes Park,"

"I have a car, gusto mo bang sumabay? Doon din ang daan ko."

"Thank you na lang. Susunduin din ako 'e."

He chuckled at me. "What are you? 5 years old?"

Sumimangot ako at pabirong sinuntok ang balikat niya, "Baliw."

DUMAAN ang mga ilang linggo na naging mapayapa ang araw ko as a freshmen. Naging kaibigan ko si Damien at Alija, ang babaeng tumulong sa akin noong araw na natapon ang pagkain ko sa pantry dahil sa pagbangga namin ni Zeus.

Who thought na gusto pala ni Damien 'tong babaeng 'to?

At sa mga araw din na dumaan na iyon ay hindi ko nakita si Zeus. Hindi ko alam kung ikakalungkot ko iyon o ikakatuwa dahil walang masamang nangyayari sa akin.

Busy ang mga nagma-manage ng school dahil sa welcome party na paparating. Dahil malaki ang stadium ng school na ito ay pinili na lang na dito na lang ganapin sa halip na magrent pa ng venue, and of course, it's much safer.

Ang magiging theme pala ng party ay retro at gaganapin next week na. At hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung pupunta ako dahil masama ang palagay ko sa mangyayari.

I'm not woman and yet I have this intuition always.

"Alijah..." tawag ni Damien sa babae na kasalukuyang kumakain.

Nandito kami ngayon sa pantry at sabay-sabay na kumakain. Kahit second year na si Alijah ay nagkasama parin kami dahil same schedule ang breaks namin tuwing Monday hanggang Wednesday.

I still remember how Damien stared at her when he first met her. Kinamusta niya kasi ako noon at kung ginugulo pa ako ni Zeus.

She is one of his classmates since freshmen kaya kilala niya ang ugali nito. But they never became friends dahil ayaw din niya sa ugali ng lalaki.

"Tigilan mo 'ko sa kalandian mo, Damien. Mag focus ka sa studies mo." she answered at dinukdok pa ang noo ng lalaki.

Tumawa ako nang bumusangot si Damien. "I'll focus on my studies once you let me court you,"

"Sige, hahayaan kita pero hindi kita sasagutin. Gusto mo 'yon?"

Lumakas ang tawa ko.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Damien, "Is there something funny? Nakita mong bina-basted na ako ng harap-harapan 'o!"

"Bagay sa 'yo 'yan. Prove yourself first before you court her." ani ko at tinapos ang pagkain ko.

"Mauuna na ako, guys. Pupunta pala ako ng library, I have to check some references for my outputs."

"Okay. See you later then," ani Alijah habang si Damien ay tumango lang, masungit parin ang tingin.

Kumaway ako at tumalikod na. I was smiling while walking to the library. Deep inside, I'm supporting their love story. Damien might be annoying, but he's a great guy.

"Good morning, Mrs. Anna." I greet the librarian as I listed my name on their form.

"Good morning to you too, Grey. How can I help you?" 

"Just looking for references, and I can manage. Thank you so much!" ngumiti ako at pumasok na sa loob. 

Kaunti lang ang mga estudyanteng pagkapasok ko ng library. Some are studying, some are sleeping, and some are... flirting. 

Napangiwi ako sa huli. Well, that's a student's life. At least they chose to be here.

I walked into the reference section and looked for topics I could use for my research. Marketing research, to be exact.

I was busy checking the books when I unconsciously bumped into someone at narinig kong may bumagsak.

Tumama ang noo ko sa isang matigas na parte kaya napapikit ako sa sakit. Agad akong napahawak sa noo ko.

"I-I'm so sorry..." ani ko habang hinihilot ang noo ko. Yumuko ako at umupo para kunin ang mga librong nahulog.

"Why the fuck are you here?" I frozed and slowly looked up to the guy in front of me.

Parang nanghina ang tuhod ko nang masalubong ang galit na naman niyang mata.

"Z-Zeus..." I muttered. Lalong dumilim ang mata niya at pinantayan ako ng upo.

Hindi pa ako handang makita ulit siya pagkatapos ng mga nangyari noong nakaraan.

I'm not ready and yet my heart is beating so fast to the sight of this greek god in front of me.

God, I missed him.

"I said, what are you doing here?"

"Uh... I'm looking for references?" I answered honestly na mukhang hindi nagustuhan ni Zeus ang tono ko dahil mas lalong nagalit ang mga mata niya.

Napasinghap ako ng marahas niyang hawakan ang mukha ko. He was holding my jaw so tight that I held onto his arm to stop it.

"Are you mocking me, stupid?" he menacingly said, ignoring my hand on his arm.

Agad akong umiling at hinihila parin palayo ang kamay niya. I was on the verge on crying.

Bakit ba laging galit siya sa 'kin?

"When will you ever learn? I told you to get out of my sight, but you always choose to mess with me.  Are you really that stupid?"

"N-Nasasaktan ako, Zeus. Let go of me..."

"No. Answer me. Why are you fucking with me?" His eyes were staring deeply at my soul, almost devouring it.

I bit my lip to prevent myself from crying. Ayoko na ulit umiyak pa sa harapan niya.

Bumaling ang mata niya sa labi ko dahil sa ginawa ko. And his eyes flickered with something I can't recognize.

Napapikit ako nang lalong dumiin ang hawak niya, "Are you seducing me?" he asked like it's the most sickening thing in the world.

Lumaki ang mata ko kasabay ng pag patay ng mga kulisap sa tiyan ko.

Oh, lord. Save me.

Continue Reading

You'll Also Like

Mío By Yiling Laozu

General Fiction

107K 2.8K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
12.1M 536K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
580K 40.8K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...