Be My Endgame

By Miss_Terious02

15.9K 299 51

Wala pa sa isipan ni Kiera Buenaventura ang pumasok sa isang relasyon. Bukod sa pinagbabawalan siya ng nakata... More

Be My Endgame
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Dedication
Thank You!

Kabanata 7

351 8 2
By Miss_Terious02


Enjoy reading!

Madilim na nang dumating si Kuya Edward sa bahay nina Jack Jendrick. Inaya na rin kami ng mga magulang niya na dito na rin kumain ng hapunan ngunit tumanggi si Kuya Edward at nakakahiya raw.

"Alis na po kami, tita, tito." Magalang na paalam ni Kuya Edward sa mga magulang ni Jack Jendrick.

"Sige, mag-ingat kayo sa pag-uwi. Edward, minsan ay isama mo rin dito ang kapatid mo sa bahay kapag bibisita ka." Bilin ng mama ni Jack Jendrick na ikinangiti ko.

"Sige po, tita. Hindi po ba naging pasaway 'to sa inyo kanina?" Pagtatanong ni kuya kaya sinulyapan ko siya at sinamaan ng tingin.

"Hindi naman. Alam mo naman na matagal ko ng gustong magkaroon ng babaeng anak at natutuwa ako sa kapatid mo." Nakangiting sabi ng mama ni Jack Jendrick.

"Sige po. Salamat po ulit." Sagot ni Kuya Edward at hinawakan ako sa ulo upang sabay kaming naglakad. Kumaway pa akong sa mag-asawa bago kami lumabas ng bahay.

Habang naglalakad kami patungo sa gate ay agad kong tinanggal ang kamay niya sa ulo ko.

"Kumusta practice?" Napalingon ako sa dahil biglang nagsalita si Jack Jendrick. Hindi ko alam na sumunod pala siya sa amin.

"Okay na. Ready na bukas para bumagsak." Natatawang turan ni kuya na ikinatawa rin ng kaibigan niya.

Nauna akong lumabas ng gate at sumunod naman silang dalawa.

"Good luck bukas." Sabi ni Jack Jendrick na ikinatango lang ni kuya. Agad naman siyang tumingin sa akin.

"Bye, Ki." Paalam niya at ngumiti.

"Bye." Paalam ko at ngumiti. Pagkaraan ay pumasok na ako sa front seat at pumasok na rin sa driver's seat si kuya.

"May practice ka ulit bukas?" Tanong ko habang bumibiyahe kami pauwi.

"Wala na. Bukas na ang reporting namin. Bakit?" Tanong niya habang nakatingin sa daan.

"W-wala lang. Nagtanong lang." Walang gana kong sagot at tumingin sa bintana ng kotse. Sayang, si Jack Jendrick sana ulit ang susundo sa akin bukas!

Pagdating namin sa bahay ay naroon na sina mama at papa. Nakahanda na rin ang pagkain sa lamesa at ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Akmang kukuha ako ng isang pirasong manok nang hinampas ni Kuya Edward ang kamay ko.

"Magbihis ka muna. Akala mo naman isang linggong hindi kumain." Saway niya sa akin.

"Edward." Saway ni mama sa kaniya na ikinangiti ko. Agad akong umalis ng kusina at umakyat sa hagdan patungo sa kuwarto ko.

Inilapag ko ang aking bag sa kama at mabilis na nagpalit ng damit at nang matapos ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina upang kumain.


Kinabukasan, pagpasok ko sa loob ng classroom ay nakatingin na agad sa akin si Jasmin at Mojica. Sinundan nila ako ng tingin hanggang sa makaupo ako sa tabi nila. Nagtaas ako ng kilay habang tinitingnan sila.

"Hindi ba kaibigan iyon ng kuya mo?" Tanong ni Jasmin. Noong una ay hindi ko maintindihan ang sinasabi niya ngunit agad kong naalala si Jack Jendrick na sumundo sa akin kahapon.

"S-si Jendrick iyon. Oo, kaibigan ni kuya." Turan ko. Agad namag naningkit ang mga mata niya.

"E bakit ka sinundo kahapon?" Tanong niya. Kapag talaga sila ang kasama ko ay kailangan kong magpaliwanag dahil binibigyan nila ng issue.

"May pinuntahang practice kasi si kuya kahapon kaya nakisuyo siya kay Jendrick na sunduin ako." Paliwanag ko at mukhang naniniwala naman sila sa sinabi ko.

At dahil may event ang school ay halos wala rin kaming klase na ikinatuwa ko. Halos buong maghapon lang kaming nagkuwentuhan dahil ang daldal ni Jasmin habang kaming dalawa ni Mojica ang nakikinig.

"Tapos alam niyo ba si Judy sa Stem? Iyong sexy na matangkad na maputi hindi niyo ba napapansin hindi na pumapasok?" Pagkukuwento niya. Dati kong naging kaklase iyon noong Grade 9 kami at maganda nga ang mukha pero kasing panget naman ng ugali.

"O, bakit nga ba hindi na pumapasok?" Tanong ni Mojica.

"Baka lumipat ng school." Turan ko.

"Hindi. Mali ka. Nabuntis ba naman no'ng dati niyang boyfriend kaya ayon tumigil sa pag-aaral." Kuwento niya.

Walang tigil ang pakikipag daldalan niya sa amin hanggang sa pinauwi na kami nang maaga dahil maaga ring natapos ang event.

At katulad ng palagi naming ginagawa ay sabay kaming apat kasama ang boyfriend ni Mojica sa paglalakad palabas ng school. Mabuti na lang at hindi sumabay sa amin si Lennox dahil siguradong aasarin naman ako ng dalawa.

Nang tuluyan na kaming makalabas ng gate ay agad na rin akong nagpaalam sa kanila. Agad akong naglakad papalapit sa nakahintong kotse ni Kuya Edward.

At pagbukas ko ng pinto sa front seat ay mayroon siyang kausap sa selpon kaya tahimik akong pumasok sa loob at inayos ang seat belt ko.

"Oo, pero hindi pa ako sigurado kung sasama sina mama at papa. Alam mo naman napaka-busy nilang dalawa." Sabi niya sa kung sino man ang kausap niya.

"O, eto si Kiera kausapin mo kung sasama 'to." Sabi niya muli kaya napatingin ako sa kaniya at inabot niya sa akin selpon. Agad kong tinanggap iyon.

"H-hello?" Pagkausap ko sa kabilang linya.

"Hello, Ki? Sasama ka ba sa sabado sa Batangas?" Agad kong nakilala ang boses ni Jack Jendrick. Tumingin ako kay Kuya Edward at tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Sasama po ba si kuya?" Tanong ko.

"Oo. Sa ayaw at sa gusto niyan sasama 'yan kaya sumama ka na rin. Pinapasabi kasi ni mama na sumama raw kayo at kung hindi busy sina tita at tito ay puwede rin silang sumama. Birthday kasi ni mama." Turan niya mula sa kabilang linya na ikinangiti ko.

"Sige, sasama ako." Sagot ko.

"Thank you, Ki. Sige na, ingat kayo sa pag-uwi." Paalam niya na ikinangiti ko muli.

Nang matapos na ang tawag ay ibinalik ko kay Kuya Edward ang selpon niya.

"Huwag kang pasaway sa sabado. Pauuwiin kita nang maaga kapag pasaway ka ro'n." Sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ba ang tingin niya palagi sa akin may gagawing hindi niya magugustuhan?

Sa bawat araw na dumaan ay mas lalo akong na-excite na mag sabado. Feeling ko tuloy napaka bagal ng bawat araw dahil hinihintay ko na agad na sumapit ang sabado. Isang linggo ko rin siyang hindi nakita dahil hindi rin siya bumibisita sa bahay. Hindi rin aki sinasama ni Kuya Edward sa tuwing pumupunta siya sa bahay nina Jack Jendrick.

Kaya pagsapit nang sabado ay maaga akong gumising. Agad konh inayos ang susuotin ko pati na rin ang dadalhin kong pampalit na damit. Ang sabi sa akin ni Kuya Edward ay mag-o-over night daw kami roon sa resort nina Jack Jendrick sa Batangas.

Handang handa na ang lahat ng gamit ko ngunit sa hapon pa kami susunduin ni Jack Jendrick dito sa bahay.

Paglabas ko ng kuwarto ay naabutan ko sina mama at kuya na nag-uusap sa sala.

"Pakisabi na lang na happy birthday, nak. Pakibigay na lang din itong regalo namin." Sabi ni mama at may inabot kay kuya na isang malaking paper bag.

"Sige, ma. Kailangan ko pa dalhin si Kiera?" Tanong ni kuya. Mahina siyang hinampas ni mama sa braso.

"Oo, syempre. Alangan naman mag-isa lang 'yan dito sa bahay." Sabi ni mama na ikinatawa ko kaya napatingin sila sa akin. Agad akong bumaba ng hagdan at lumapit sa kanila.

"Deserve." Pang-aasar ko sa kaniya at ang loko inirapan pa ako.

"Sige na, mag-ingat kayo mamaya sa biyahe. Mag message ka sa 'kin, Edward kapag naroon na kayo." Bilin ni mama. Tumango lang si kuya. Agad naman kaming hinalikan ni mama at papa sa pisngi bago sila umalis patungo sa trabaho.

Pagsapit nang hapon ay napabangon ako mula sa pagkakahiga nang sumigaw si Kuya Edward mula sa labas ng pinto ng aking kuwarto.

"Ki! Tara na, nandito na su Jack!" Sigaw niya.

"Palabas na!" Pasigaw kong sabi at agad na kinuha ang bag ko na may lamang mga gamit. Patakbo akong pumunta sa pinto at agad na lumabas.

Pagbaba ko ng hagdan ay agad kong nakita si Jack Jendrick kaya lihim akong napangiti.

"Tara na." Sabi ni Kuya Edward at naunang naglakad kaya sumunod ako at panghuli si Jack Jendrick.

Ini-lock muna ni Kuya Edward ang pinto ng bahay at ganoon din ang gate namin. Meron namang susi ng bahay sina mama kaya mabubuksan naman nila mamaya kapag umuwi na sila.

Si Jack Jendrick ang driver namin habang nasa front seat si Kuya Edward at ako lang mag-isa sa back seat.

Habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe ay nag-uusap silang dalawa habang ako ay nilalabanan ang antok sa likod. Kanina pa ako hikab nang hikab habang tumitingin sa labas ng bintana.

"Ki, sabihin mo kapag nahihilo o nasusuka ka. May dala akong plastic." Biglang sabi ni Jack Jendrick habang nakatingin sa rear view mirror at pagkaraan ay tumingin muli sa daan.

"H-hindi ako nasusuka. Ayos lang ako rito." Turan ko at ngumiti. Tumango lang siya at hindi pa muling nagsalita.

Hindi naman ako nahihilo o nasusuka. Saglit pa lang naman ang biyahe namin at malapit lang naman ang Batangas kaya sigurado akong hindi ako masusuka sa daan. Antok ang nararamdaman ko ngayon dahil ang aga kong naggising para mag-ayos ng mga gamit na dadalhin ko ngayon.

Pero lihim akong napangiti dahil pinaghandaan niya ako ng plastic para kung sakali man na sumuka ako ay meron akong masukahan.

"Sa 'yo na 'to. Binili ko 'yan kanina dahil baka mahilo ka sa biyahe." Sabi niya at inabot ang isang vicks sa akin kaya inabot ko iyon.

"Thank you." Sabi ko at binuksan ang binigay niyang vicks at inamoy. Tumingin ako sa rear view mirror at nahuli ko siyang nakatingin sa akin ngunit agad din siyang ngumiti at tumingin sa daan. Huwag kang ganiyan, please! Mas lalo akong nahuhulog!

Halos isa at kalahating oras din ang naging biyahe namin bago nakarating sa resort nila sa Batangas. Naroon na rin ang mga magulang ni Jack Jendrick at sinalubong nila kami nang makababa kami ng sasakyan.

"Hija, mabuti at sumama ka." Salubong sa akin ng mama ni Jack Jendrick.

"Hello po. Happy birthday po." Magalang ko pagbati sa kaniya.

"Thank you, hija. Sumunod kayo sa akin doon tayo." Sabi niya at nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad patungo sa isang silong kung saan maraming mga upuan at may maliit na kusina.

"Tita, pinapabigay po pala ni mama at papa. Pasensiya na po at hindi sila nakasama." Sabi ni Kuya Edward at binigay ang isang paper bag.

"Nako, nag-abala pa talaga sila. Pakisabi sa mga magulang mo salamat. Sana sa susunod ay makasama naman sila." Nakangiting sabi ng mama ni Jack Jendrick.

"Maupo na muna kayo. May inihanda akong meryenda." Sabi niya at aalis na sana nang magsalita ako.

"Tulungan na po kita." Sabi ko at tumayo na nang hawakan niya ang balikat ko at muli niya akong pinaupo.

"Hindi na, hija. Maupo ka lang dyan." Sabi niya at naglakad patungo sa maliit na kusina at may kinuha sa ref.

"Mukhang mas mahal ka na ni mama kaysa sa 'kin." Nakangiting sabi ni Jack Jendrick na kaharap ko lang.

"Magpa-ampon ka na, Ki." Biro ni kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Huminto lang ang pag-uusap namin nang bumalik na ang mama ni Jack Jendrick habang dala ang ginawa niyang macaroni salad.

"Ito ang sa 'yo, hija. Alam mo ba favorite 'yan palagi ng Kuya Jack mo." Pagkukuwento niya at binigay sa akin ang isang mangkok na macaroni salad.

"Thank you po." Sabi ko at ngumiti sa kaniya.

"Tikman mo, Ki masarap 'yan." Sabi naman ni Jack Jendrick at nagsimula ng kumain kaya kumain na rin ako.



••••

Thank you for reading!

Miss_Terious02

Continue Reading

You'll Also Like

278K 9.8K 37
Synopsis "CHILD HOOD LUST" -Lander Montiguido [Mpreg] Kester had always been receptive to people, especially since his own family had neglected him a...
4.6K 182 43
XyƱa Velazco, a young woman who always felt miserable even after having everything she wants, everything she needs. Ever since she was a little girl...
312K 6.1K 37
(COMPLETED)āœ“ Billionaire Series#03: Revance Wagner "I'll win her heart no matter what, no matter when, where and how. I'll even play dirty if needed...