Endless Vigor of Vices (The D...

By JosevfTheGreat

231K 2.9K 548

WARNING: Mature Content | R18 The Del Monfrio Family begins here. Cassandra Lyrene Astor or Caly suffered f... More

Endless Vigor of Vices
Synopsis
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32

Kabanata 17

4.5K 60 9
By JosevfTheGreat

Apoy

It was a swift and unexpected turn. Mukhang tama naman pala 'yung ginagawa ko? Sa tingin ko. Dahil sa ginawa kong desisyon na i-pursue si Wilon, mas nalalapit ako sa kung ano 'yung totoo sa akin. Kung ano ba kaya talaga 'yung nangyari noon.

Nagsimula sa nalaman kong si Wilon ang pumatay sa mga magulang ko, hanggang sa napagdesisyunan kong mag-apply kung nasaan siya nagtatrabaho.

Hindi naging maayos 'yung unang pagkakausap namin dahil mukhang nangangapa pa rin naman siya kung bakit ako gano'n kahit naalala naman talaga niya ako.

Hanggang sa mas nagtuloy-tuloy ang pagkakaroon namin ng koneksyon at nagresulta sa kung ano kami ngayon. May kung anong nararamdaman na ako lalo sa tuwing tumitingin ako sa mga mata niya. At tila sa tuwing nagpa-panic ang isip ko o hindi ko na alam kung anong dapat pag-focus-an, naging si Wilon 'yung taong kayang pakalmahin ang buong sistema ko.

Pero bago 'yon nangyari ay nabuo ang kung ano-anong mga tanong sa isip ko. Ang mga pagtataka ko ay lumalala habang mas tumatagal. Hindi ko na lalo alam kung ano ba talagang ginagawa ko. Nagawa ko na ring pagdudahan ang sarili ko kung tama ba talaga 'tong pinili ko...

Sa kabila ng lahat nang 'yon, dinala ako no'n dito. Sa kalinawan na... tama ang nilalakaran ko. Na si Wilon nga ang magiging sagot sa hinahanap kong katotohanan. Na lahat ng dapat kong malaman ay konektado kay Wilon.

Napasinghap ako at napatingin sa labas ng coffee shop kung nasaan ako. Sunday ngayon at ngayon ko lang napagtanto na dapat nagde-day off pala ako. Ni hindi sumanggi sa isip kong mag-day off dahil masyado akong na-focus sa pagtatrabaho.

Ngayon nakaupo ako at nakahinga... napag-isip-isip kong hindi ko na rin pala namamalayan kung ilang buwan na ako sa Gertys. At hindi ko na rin namamalayan 'yung sahod ko dahil so far wala rin naman akong binabayaran. Lahat kasi ng atensyon ko ay naka-focus sa kay Wilon.

Puro siya ang inaatupag ko. Lahat ng iniisip ko ay tungkol sa kaniya. Nakakalimutan ko na rin palang kumustahin ang sarili ko at mag-unwind din.

So far, I'm doing fine pala... nakakahipo ng pakiramdam. Na parang hindi ko na na-imagine na magagawa kong maupo sa isang coffee shop habang umiinom ng Spanish Latte at kumakain ng Carrot Cake.

Hindi ko na rin na-imagine ang sarili kong makakapagtrabaho at kikita para sa sarili ko. Dahil no'ng nasa hospital ako ay sukong-suko na rin talaga ako. Hindi ko na alam kung ano 'yung buhay. O kung ano pa bang dapat kong maging dahilan para mabuhay.

What's worth living for, anyway?

That's what I thought. I didn't know what else to do but just to stay alive. Dahil somehow may parte sa akin na baka isang araw, I could turn tables. Na baka isang araw, papabor din sa akin 'yung mundo. Na deserve ko rin naman palang sumaya. Na magkaroon something for myself.

Dahil mula no'ng nagising ako sa hospital hanggang sa araw na finally makakalabas na ako, iniisip ko na ano kayang pakiramdam magkaroon ng pamilya? 'Yung pamilyang kaagapay sa kahit na anong problema. Kagaya ng pamilya ni Felicia. 'Yon gano'ng klaseng pagmamahalan...

Or ano kayang pakiramdam maging elementary, high school, or mag-college. Sino kaya 'yung magpapaalala sa akin no'n? Kaya minsan iniisip ko, sa sobrang tagal ko sa hospital... naiisip kong baka wala naman na akong deserve sa mundong 'to.

Baka nabigyan na lang ako ng pangalawang pagkakataon mabuhay para ma-realize kong wala na akong pag-asa. Para mas malasap ko kung gaano kapait ang buhay. Siguro kasi isa ako sa magpapa-balance ng mundo. Na may mga swerte at bukod tangi sa lahat. At isa ako sa mga taong sawing-sawi... walang pamilya. Saradong-sarado na para sa tinatawag nilang pangarap o tagumpay.

Nakakawala ng gana mabuhay kapag puro gano'n 'yung pumapasok sa isip ko sa loob ng limang taon kong pananatili sa hospital na 'yon. Minsan bago ako matulog, wini-wish ko na last night ko na 'yon para hindi na ako magising bukas. Gano'n kabigat. Gano'n kasakit.

'Yung kahit imagine-nin kong maganda 'yung buhay or may pamilya akong kasama sa room ko pagkagising ko... hindi ko magawa, e. Dahil hindi ko alam kung anong pakiramdam no'n. Ni hindi ko sila kilala no'ng mga panahong 'yon.

Ang naiiwan lang sa aking pag-asa... ay sa tuwing nakikita kong may mga gumagaling na pasyente o hindi kaya ay may kadi-discharge lang. O hindi kaya 'yung mga katatapos lang manganak.

Naiisip kong... baka isang araw... magbago na rin 'yung ihip ng hangin at baka naman magkaroon din ako ng para sa akin. Kasi kahit isa, walang-wala ako. Wala akong kaibigan na makakausap, wala akong pamilya na masasandalan, wala akong alam na hobby ko o kahit mga paborito ko. Wala akong alam kung ano kayang itsura ng kwarto ko noon. Kung ano kaya 'yung mga designs na mga hilig ko. O hindi kaya ay kulay...

Mahilig kaya ako sa teddy bear? Masipag kaya ako mag-aral noon? Ilan na kaya naging boyfriend ko? Ano kayang pakiramdam no'ng nagkaroon na ako ng first kiss? O tumakas na kaya para gumawa ng kalokohan?

Wala akong magawa kundi paulit-ulit tanungin 'yung sarili ko sa mga bagay na sana nasasagot ko... na sana nasasagot ng pamilya ko o kahit ng mga kaibigan ko.

Pinunasan ko ang mga luhang kanina pa pala bumubuhos. Hindi ko na naman napigilan na malungkot para sa sarili ko. At kung gaano ako natutuwa sa maliit kong progress.

Na finally, I've found something to live for. Hindi man malinaw lahat sa akin kung ano ba talagang mangyayari o kung may malalaman pa kaya ako tungkol sa buhay ko noon. Ang mahalaga, I'm making progress kahit maliit lang.

May nagsabi kasi sa akin na hindi ko naman kailangan kontrolin lahat ng bagay sa paligid ko para lang masabi kong tama 'yung ginagawa ko. May mga bagay nga pala talagang dapat hinahayaan lang tumakbo nang natural.

Sabagay... ano nga ba ang buhay kung alam na natin lahat ng mangyayari? May matututunan pa kaya tayo kung alam na natin mangyayari bukas?

Hindi ko rin inaasahan na mararamdaman ko 'tong hindi ko maipaliwanag na emosyon towards kay Wilon. Hindi ko alam kung saan 'to nanggagaling lahat. It's just... he makes me feel safe.

Sa paraang hindi ko rin alam, basta sa tuwing naririnig ko 'yung boses niya o hindi kaya ay tumititig ako sa kaniya—parang nagiging kalmado na lahat sa akin. It just happens... I really don't know why. Basta... 'yon ang nangyayari.

Naisip ko tuloy, kapag ba mas tumagal pa 'yung ganito... mas lalalim pa kaya 'yung nararamdaman ko? O hindi na?

Hindi ko rin alam.

Napasinghap ako at napangiti na lang. Sumimsim na lang ako sa iniinom ko at saka nilantakan ang cake na inorder ko rin. Ipinagkibit-balikat ko na lang ang huli kong naisip. Mas mabuting hindi ko na i-overthink.

Whatever happens, happens. May mga bagay naman na kaya kong kontrolin, at 'yon ang gagawin ko. Kapag hindi ko kaya kontrolin, bahala na 'yon tumakbo sa sarili niya. 'Yon na lang ang gagawin ko.

"Caly?"

Napatingin ako sa biglang lumapit sa akin at nakangiti. It was Nico.

"Why're sitting alone?" aniya habang nakakunot ang noo pero nanatili ang kaniyang gwapong ngiti.

I smiled back. "Wala naman. Gusto ko lang maging mag-isa. At saka busy rin naman 'yung friend ko. Nagwo-work kasi sa hospital. Busy rin naman 'yung mga ka-work ko. Hindi ko rin sila gaano ka-close."

He nodded and smiled bitterly. "Then do you mind I sit here? I'm with my girlfriend. She's ordering... naka-order na ako, e. Matagal talaga siya um-order." Tinuro niya ang isang babaeng hindi katangkaran pero sumisigaw naman 'yon ng kagandahan.

She has a curly hair. Mukhang model din ata katulad ni Nico dahil maganda ang kaniyang posture at katawan. Kung sa pananamit lang din ay mukhang dress ang go-to wear niya.

"Sure... why, do you have something to tell me?" sabi ko.

"Yeah, sort of. Isang linggo na rin kasi lumilipas simula no'ng pictorial natin. It's nice to see you again. How are you?" aniya at umupo na sa kaharap kong upuan.

"I'm fine. Busy rin sa work. Ngayon lang ako nakapag-day off. Nawala sa isip ko. Since kahit Sunday pumapasok din naman sila kaya pumapasok din ako. Kaya pala minsan konti lang 'yung tao kapag Sunday. Baka na-focus ako masyado sa work..." sabi ko at mahinang natawa.

"I see." He chuckled. "That's nice. It's therapeutic to sit in a coffee shop on your day off. Sorry for breaking your silence... natuwa lang ako na nakita kita dito."

"No worries. Date niyo ng girlfriend mo?" sabi ko para maiba ang topic dahil hindi ako sanay gaano pinag-uusapan sarili ko.

"No, punta ako ng studio after. Gusto niya lang magkape at kumain ng sweets. Kaya matagal kasi ang tagal na niyang nagke-crave. Pinagbigyan ko kasi ang tagal ko rin busy dahil sunod-sunod 'yung schedule ko," sabi niya.

Napatingin kami sa girlfriend niya nang nakalapit na 'yon sa pwesto namin. Nakangiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik. She looks nice and kind. Sobrang ganda niya rin. At saka may vibe rin siya nina Lisa... kaso parang mas in better way. Minsan kasi ang hirap pakisamahan nina Lisa. Hindi ko rin alam kung paano sila minsan i-handle.

"Baby, this is Caly, siya 'yung sinasabi kong taga-Gertys na nakasama ko sa pagmo-model..." maligayang pagpapakilala ni Nico sa akin.

"Hi! I'm Rachel!" naglahad siya ng kamay kaya tumayo ako para magalang ko 'yon na matugunan.

"Hello! I'm Caly," sabi ko habang nakangiti.

"Ang ganda mo naman! Buti naging model ka. Sayang naman kasi 'yung ganda mo if hindi, 'di ba?" aniya at mahinang tumawa. "Can I sit here?"

Tumango ako at umupo na rin. "Yes, yes. Sure," sabi ko at suot pa rin ang friendly kong ngiti.

"Actually, hindi naman ako model. Nakita lang nila na pwede akong maging model. I'm actually their marketing assistant. And nag-prepare sila ng one-time contract for me for that project para iba 'yung payment do'n at iba 'yung sa work ko talaga."

Naka-O ang bibig niya at sumimsim agad sa kape niya. "Wow! That's really good! Buti naman kung gano'n. Kasi if ako rin, I'll get you as a model. Nakita ko nga pictures niyo ni Nico, ang ganda mo!"

I chuckled out of shyness. "Hindi naman... nahihiya nga ako. Pero buti na lang nando'n si Nico. Ginuide niya ako kahit hindi ko talaga alam gagawin ko. Ando'n din naman 'yung COO pati 'yung Manager namin kaya talagang na-boost din confidence ko kahit papaano."

"Actually, she's looking for a job din. She has the same profession as you. Marketing Assistant din siya before. Kaso nag-resign sya para mag-rest. And now she's looking for a job again. By any chance, may bakante ba sa inyo?" sabi ni Nico.

Napanguso ako at napaisip bigla kung mayroon. "Ah! Meron ata! Wala kasing laman 'yung katabi kong table. I think meron. Pwede kong sabihin sa sir ko. Pwede naman kita i-recommend. Alam mo na kasi matrabaho naman talaga kasi kung magse-schedule pa sila ng hiring ulit para sa iisang bakante. Baka pwede kita i-pitch." I smiled.

"Huy! Talaga ba? Thank you! Mabuti na lang pala nakita ka ni Nico. Kasi isang buwan na ako naghahanap. Need ko na rin ng work. Nahihiya na ako na puro ako hingi sa Dad ko. Okay lang naman sa kaniya kaso nahihiya akong gumastos nang hindi ko pera. No choice, need ko humingi kasi walang pambayad ng condo pati ng mga pagkain ko. Naiintindihan naman niya 'yung pag-resign ko before kaya siguro tinutulungan niya ako."

"Sige, i-pitch kita. No worries! At saka mukhang makakasundo rin naman kita. Feeling ko... ikaw pinaka magiging close ko sa mga ka-work ko." I chuckled.

Nanliit ang mga mata niya habang nakangisi nang pagsang-ayon. "Alam mo, nafe-feel ko na rin 'yan. Feeling ko magma-match tayo sa mga damit."

Kahit may mayaman siyang vibe, may vibe rin siya ni Felicia na parang maarte at mahinhin pero mukhang game din sa kalokohan. At siya 'yung tipong mukhang maiintindihan niya kung anuman ang maari kong sabihin. Tulad ni Felicia.

"Mukha ngang magkakasundo kayo. Sa mukha palang nito ni Caly, mukhang mahilig na mang-asar, e..." sabi ni Nico at humalakhak.

Napatawa rin ako. "Hindi naman! Grabe ka! Medyo lang. At saka... hindi talaga ako magaling on making friends pero sa tingin ko magiging friends kami ni Rachel."

"True. Feeling ko rin. Siguro ngayon, medyo formal pa tayo sa isa't isa tapos sa susunod baka pinagtitripan mo na rin ako..." She made face then rolled her eyes.

Mahina akong natawa. "Hoy, grabe kayong dalawa! Tingin niyo ang hilig-hilig kong mang-asar. Tahimik nga lang ako sa office. Hindi ko kasi gano'n ka-close 'yung mga ka-work ko. Pero... okay naman sila."

Napatingin kami sa phone ni Nico nang tumunog 'yon. Nagkatinginan kaming tatlo at mukhang alam na namin na tungkol 'yon sa trabaho. Nagpaalam na sa amin si Nico dahil bago niya pa sagutin 'yung tawag ay alam na niyang pinapapunta na siya sa studio.

Napasinghap si Rachel. "Ang hirap din magka-boyfriend nang sobrang busy. Pero, he makes time. He always makes time. Wala na akong mahihiling pang iba kay Nico. 'Yon nga lang minsan, hindi niya naiintindihan 'yung nararamdaman ko."

Ngumiti ako nang magaan. "Gano'n talaga, e. Hindi lahat ay kaya niyang kuhanin. Ang mahalaga naman ro'n, marunong siyang makinig at makipag-communicate sa 'yo. Wala akong alam totally sa mga ganiyan pero... sa tingin ko 'yon 'yung pinakamahalaga sa lahat. 'Yung pakikipag-communicate."

Nangunot ang noo niya. "Really, girl? Wala ka pa talagang nagiging boyfriend? Kasi tama ka ro'n..." She chuckled. "'Yon talaga 'yung dapat meron sa isang couple."

Napanguso ako at nag-isip-isip if sasabihin ko 'yung tungkol kay Wilon sa kaniya. Pero hindi siguro lahat. Gusto kong sina Felicia lang nakakaalam ng pinakaplano ko kay Wilon.

"What is it? Mukhang may gusto kang i-share. It's okay. I'm all ears. I like to hear stories and put them in my heart because you trusted me with them." She gave me a soft, sweet smile.

That eased me. Magaan naman loob ko sa kaniya. Kaya sinabi ko sa kaniya 'yung nangyari. Pati 'yung nangyari sa amin sa meeting room. She didn't flinch. Natatawa lang siya na ang bilis nag-escalate. Pero hindi naman na raw 'yon nakakapagtaka dahil usually gano'n naman talaga. Mabilis talaga mag-escalate ang mga connections lalo na 'pag nag-click. 'Yon daw talaga ang reality.

Sa teleserye lang naman daw kasi 'yung pabebe na dapat ganito muna at pa-cute muna bago mag-kiss. Unless siguro kung minor pa at mga high school student pa. Although, may mga minor din naman na mabilis din mag-escalate in terms of relationship. Siguro dahil na rin sa environment.

"So, may something sa inyo... pero hindi niya sinasabi kung gusto ka niya. Walang gano'n?" aniya at mukhang hindi siya payag sa ideyang 'yon.

Umiling ako. "It's okay. Feeling ko naman, nape-pressure siya kapag gano'n. Maybe he'll tell me in time. Kasi sabi niya, 'wag ko raw kontrolin 'yung mga bagay-bagay. Which is tama, kapag minadali ko o tinry kong pangunahan 'yung mga nangyayari... mapapagod lang ako tapos maste-stress na bakit hindi umaayon sa gusto ko 'yung nangyayari."

Napanguso siya. "Hmm... well, may point. Pero at the same time, wala. If nag-sex na kayo, sana may something na ro'n na nag-hit sa kaniya to develop something more kasi hindi ka niya nilubayan. Tapos sabi mo naging sweet na rin siya these days. Hindi niya ba naisip na baka confusing 'yon for you?"

Bigla ko rin tuloy naisip kung gusto ba ako ni Wilon. Pero ang mas malamang sa akin na kaya siya gano'n kasi may relasyon na kami noon tapos naputol lang dahil nga sa naging insidente. Kaso nga lang, babalik na naman ako sa question na... kung loyal siya sa akin at mahal niya ako—paano niya 'yon nagawa sa parents ko?

Ayan talaga 'yung hindi ko masagot. Kasi nakakalito talaga. Pero for now, focus na lang muna ako ro'n sa baka nga may something kami. Intuition pa lang naman 'yon, kasi baka wala rin namang something sa amin at ngayon pa lang siya nade-develop. Kaso... knowing na may nagawa siya sa akin noon—paano niya nagagawang ma-develop sa akin nang hindi niya 'yon naalala?

Napasinghap ako sa loob-loob ko at tinuon na ulit ang isip ko kay Rachel dahil naliligaw na naman ako sa unlimited thoughts ko. Pero ang kaibahan ngayon, parang mas naiisaayos ko na 'yung mga iniisip ko. Hindi na siya sabog-sabog dahil siguro dinadahan-dahan ko 'yung pag-insert sa isip ko. Mas naproseso ko na rin nang maayos.

"Confusing rin kasi hindi ko alam 'yung pinaka-intention niya. 'Yon din 'yung pinakakinalilito ko. Kasi hindi ko alam kung paano nagsimula 'yung gano'n niyang actions..." sabi ko.

"And she's your boss. Tapos if matanggap ako, boss ko na rin. Baka naman mahilig siyang mang-agaw ng titig!" Humalakhak siya. "Gwapo siya for sure. Ang gwapo rin kasi ng name. Parang kakaiba ang kaniyang tindig and vibe."

Tumango ako. "Gusto ko rin naman siya, e. Willing din akong mas ma-develop..." I lied. Kasi hindi ko rin naman sigurado. If doon ako dadalhin sa gano'n sitwasyon.

Pero totoong parang... gusto ko siya? Dahil may kakaiba akong nararamdaman. Nawawala rin ako bigla sa hulog kapag nandiyan siya. Lalo na ngayong nagiging sweet siya. Hindi ko maiwasang kiligin. Hindi ko maiwasang hindi madala. Which is fine, I guess? Kasi mas nagiging natural ako.

Gusto kong tuparin 'yung plano ko, pero ayaw kong pangunahan 'yung mga bagay-bagay. Dahil baka mamaya bumalik sa akin. One thing's for sure, itutuloy ko 'yung balak ko. Isang araw, I'll confront him about it. Buo pa rin talaga 'yung desisyon kong bawiin kay Wilon lahat.

At baka sa paraang 'yon, mas mahanap ko rin 'yung totoo. Kung ano 'yung katotohanan sa buhay ko. Kung ano ba talagang nangyari para hindi na ako napupuno ng mga katanungan. I know, in time, lahat ng katotohanang hinahanap ko ay lalabas din.

"Ang tanong willing rin ba siyang magustuhan ka pa? Baka naman ginagawa ka lang niyang parausan. Imposibleng hindi mo 'yon naiisip, na baka ginagawa ka niyang parausan. It could be. Kasi gano'n naman talaga 'yung mga lalaking gano'n. Mag-act na sweet pero walang words. Puro actions at dini-direct sa iba kapag pinupunta mo 'yung topic do'n." Umiling-iling siya at napasinghap.

Hindi ko na gaano inintindi 'yung sinabi niya. May point siya dahil baka 'yon nga lang ang gusto ni Wilon sa akin. Dahil pwedeng wala naman talaga kaming relasyon noon kaya siya sweet ngayon. It could be he's pretending. Dahil siya ang mas nakakaalam sa nangyari noon. Pwede niya 'yon gawing advantage sa akin. Para lituhin ako. Wala naman din akong basehan ng mga nafe-feel kong nabibigay niyang hints sa nangyari noon—o yung katotohanan.

It's just me—connecting everything into pieces.

Ang pinaka hindi ko sure is kung ano rin 'yung intention ni Wilon. But I already chose to play with fire. Wala na akong choice but to walk on this endless path.

Kung ano-ano na ang napag-usapan namin ni Rachel. Naging maagan din talaga agad ang loob ko sa kaniya at gano'n din siya sa akin. Nagpasalamat siya nang mabuti sa akin dahil sa gagawin kong pag-pitch sa kaniya kina Sir Chris. Kinuha din namin ang number ng isa't isa.

After kasi no'ng nangyari sa office, sinabi ko na lang na hindi ako 'yon. Baka kamukha ko lang at kapangalan ko lang. Hindi sila naniwala pero hindi naman nila malalaman ang totoo dahil wala akong sasabihin. It doesn't feel right telling them. Wala akong tiwala gaano sa kanila.

Kaya hindi na rin ako nagkaroon ng interest mag-create ng social medias. Tutal, wala rin naman akong hilig do'n. I prefer phone calls and text message. Or if ever, I'll create viber. I'll go with business type.

Dumating ang Lunes, ngayon kami aalis nina Sir Chris papunta sa La Grandeza. Hindi ko inasahan na ngayong Lunes na 'yon dahil nga wala rin naman sinabi sa akin si Sir Chris na final na date kung kailan 'to. Ang last na na-nudge niya ako about this ay bago pa 'yung event.

"Tayo lang ba, sir?" sabi ko habang nakapila kami sa cashier sa may 7-Eleven.

Nilingon niya ako. "No, we will be with Sir Wilon, Sir Calvin, Miss Eunice, and Miss Jennifer. They are associate of Sir Calvin. More like, secretary niya 'yung isa then 'yung isa part din ng marketing." Ngumiti siya sa akin.

Napa-Ah ako. Oo nga pala, nakalimutan kong kasama si Calvin. Hindi ko tuloy siya nasabayan. Ang aga ko kasi kumilos dahil baka maging mag-isa si Sir Chris dito. Dahil pag-uwi ko kahapon nag-check ako ng email. Saturday pa pala 'yung email ni Sir Chris, hindi ko alam.

Sabi niya bawal daw ma-late. Before 5 a.m. ay dapat nandito na sa 7-Eleven. Iisa lang daw kasi 'yung gagamitin na kotse. Fortuner na 6-seater. Baka si Sir Chris ang magda-drive.

Paglabas namin ng 7-Eleven ay niyakap ko mabuti sa akin ang suot kong hoodie na puti. Ang lamig ngayon... ber months na rin kasi. Nakaupo kami sa bench ni Sir Chris habang hinihintay ang mga magigiting naming mga boss.

Bumili lang kami ng snacks at maiinom ni Sir Chris. Baon na rin sa biyahe. Backpack ang dala ni Sir Chris at ako naman ay duffel bag. Naghanda agad ako ng maraming damit at kung ano-ano pang emergency cases dahil nakakahiya if mamoblema ako ro'n.

Ilang araw din ata kami ro'n kaya... tama rin naman ang nagawa ko.

Napatayo na kami matapos nang ilang minuto dahil sabay-sabay na silang dumating. Bumaba sila sa magkaibang taxi. Tulad ko ay duffel bag din na itim ang dala ni Wilon. Naka-round shirt lang siya na itim. Maluwag ang style ng shirt niya pero maigi pa rin ang pagkakayakap no'n sa kaniyang braso habang sa bandang katawan niya ay sakto lang.

Naka-shorts lang siyang puti na hindi aabot ng tuhod at sa ibaba ay sneakers siyang puti. He looks really handsome. Napalunok agad ako nang nagtama ang mga mata namin...

Hinahangin-hangin pa ang malambot niyang buhok. Ang mga labi niya ay nakaawang nang kaonti. At may kaonti siyang buhok-buhok sa pisngi pababa sa baba. Nakakanginig ng kalamnan 'yung kagwapuhan niya.

"Sorry, we're late!" bungad ni Calvin sa amin.

Tama rin na hindi kami nagsabay dahil may hihintayin pa siyang dalawang girls.

"Good morning," simpleng bati ni Wilon sa amin.

Ngumiti ako sa kaniya. "Good morning, Sir Wilon."

Bumaba ang mga mata niya sa suot ko. Sa ilalim ng hoodie ko ay puting shirt lang din na maliit ang manggas. Naka-tucked in 'yon sa hinigh-waist kong skinny jeans. Tulad niya naka-sneakers din akong puti.

I can't believe he's checking me out right now. Right in front of them...

"Anyway! Tara na po? Wala po kayong bibilhin? Para along the way..." pag-iiba ko ng hangin.

May binili lang sina Calvin saglit bago kami dumeretso sa Fortuner. Sa harap 'yung Miss Eunice katabi ni Sir Chris. Magkatabi sa pangalawang row sina Calvin at 'yung secretary niyang si Miss Jennifer. Sa dulong row kami ni Wilon.

So... we're going to La Grandeza. After those thoughts and talks Rachel and I had... I think 'yon ang pinakabaon ko ngayong araw.

Kung ano pa nga ba ang maaring magpalito sa akin... o kung ano na lang ang mga hahayaan kong mag-flow nang natural.

Ang sigurado ko na lang ngayon ay magkadikit na kami ni Wilon ngayon. At mula no'ng plinano ko 'tong balak ko hanggang sa ginawa ko ng action, 'yon na ang simula ng pakikipaglaro ko sa walang katapusang apoy. 

At wala na akong balak umatras. 

____

Leave a vote, thank you! 



Continue Reading

You'll Also Like

22.1M 713K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
15.8M 595K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
158K 11.8K 35
Hindi naniniwala si Joella sa true love. Para sa kanya hindi nag e-exist sa mundo ang true love. Dahil kung totoo ang true love bakit iniwan nang tat...
29.7M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...