Gems 20: This Beautiful Pain

By YroEno

24.8K 470 28

Si Danny ang natatangi at nag-iisang pag-ibig sa buhay ni Angela. Walang takot na ipinagkaloob niya rito ang... More

Amanda - This Beautiful Pain (Gems 20)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18 - Last Part

Chapter 13

1K 23 3
By YroEno


"ABDUL Jamiah Bin Ladden..." Pumalatak si Danny matapos banggitin ang pangalan ng lalaki. "Sigurado ka bang isang mayamang businessman iyang boyfriend mong arabo at hindi isang terorista?"

"Huwag na huwag mo ngang magawang biro ang bagay na iyan, Danny," naiinis na sagot ni Angela. Kung alam lang niyang pambubuska na naman ang gagawin nito ay agad na sana siyang umiwas nang maramdaman ito sa likuran niya. "Tinitiyak kong hindi siya isang terorista. Isa siyang mabuting tao. In fact, mas mabuti pa nga siya kaysa sa iyo."

"Why? Because he travels around the world in his private jet and sleeps with his money?" tanong nitong may kaakibat na pang-iinsulto. "Hindi mo ba alam na mas mapanganib ang mga taong nakukuha ang kanilang gusto sa isang kumpas lang ng kamay?"

"No," angil niya. "Mas mabuti siya kaysa sa iyo dahil hindi niya ako sinasaktan."

Muli niyang narinig ang palatak nito. "Paano ka masasaktan ng isang lalaking hindi mo naman mahal, Angela?"

"Mabait si Abdul at mahal niya ako. Hindi siya mahirap mahalin."

"Sa iyo na rin nanggaling... hindi siya mahirap mahalin. Kung gano'n, hindi mo pa siya mahal. Pag-aaralan mo pa lang siyang mahalin."

Hindi siya nakapangatwiran sa sinabi nito dahil totoo. Naggalit-galitan si Angela upang pagtakpan ang pagkatalo.

"Wala ka bang trabahong dapat asikasuhin kaya ka nandito o gusto mo lang akong bantayan? Hindi kita bodyguard, Danny. At hindi ko kailangan ang isa kapag kasama ko si Abdul."

Inakala niyang tatablan ang lalaki sa ginawa niyang pang-iinsulto ngunit hindi man lang ito naapektuhan. "Gusto mong hamunin ko ng suntukan iyang higanteng iyan nang makita mo kung sino ang lampa sa amin? Kung sino ang puwedeng magtanggol sa iyo, ha?"

"Are you crazy?" inis na angil niya. "Bakit mo siya hahamunin ng suntukan? Barumbado ka talaga, ano? Nakapag-aral ka na at lahat, hindi pa rin nagbabago iyang ugali mong walang urbanidad."

Pagkasabi niyon ay tinangka na niya itong talikuran ngunit mabilis nitong nahawakan ang kanyang braso.

"Kahit kailan ay hindi ako naging barumbado, Angela," sabi ni Danny sa magkalapat na mga ngipin. "Ayoko lang na ipinakikita mo sa akin na gustong-gusto mo ang Abdul na iyon, samantalang ang totoo, hanggang ngayon ay hindi mo pa rin ako nakakalimutan."

"Don't be so sure about it, Danny," ganti niyang nakataas ang noo. "Hindi lang ikaw ang magaling humalik. We were young then. Kaya ang mga ginawa namin ni Abdul ay walang-wala sa mga ginawa natin sa kuwadra."

"Putsa!" bulalas nito, malinaw na nagalit sa hindi direktang pagpapahayag niya na may namagitan na sa kanila ni Abdul.

Kahit ang totoo ay ginawa lang niya iyon upang pasakitan ito. Gusto lang niyang ipamukha sa binata na nakalimutan na niya ang nakaraan, kahit hanggang sa kasalukuyan ay alipin pa rin siya niyon.

"Gusto mong ikuwento ko sa iyo kung paano, saan at kung ilang beses, ha, Dan?" Itinuloy ni Angela ang inimbentong kasinungalingan.

Ngunit kung haharap lang siya rito ay makikita nito sa mga mata niya ang katotohanan. Na maging siya ay hindi makapaniwalang magagawa niyang sabihin ang mga iyon. "We were all over the place, Danny. At hindi niya ako kailanman sinaktan. Lalo niya akong minamahal tuwing magniniig kami."

"Si Abdul lang ba? O marami silang nagdaan sa mga kamay mo?" nagdidilim ang mukhang tanong nito. Naramdaman niya ang pagdiin ng mga daliri nito sa braso niya.

"Would you be happier kung sasabihin kong bukod sa iyo ay si Abdul lang ang hinayaan kong umangkin sa katawan ko? Siguro'y sapat na rin iyon para maniwala ka na mahal ko siya."

"Isa kang kaawa-awang sinungaling, Angela. Iyan ba ang ginawa sa iyo ng pagiging isang sikat na modelo? Ang magsinungaling para sa iyong kapakanan?"

Kapag kinakailangan lang, Danny, sa sarili lang niya sinabi iyon. Natutuhan kong magsinungaling dahil kung hindi ko gagawin iyon ay lalo mo lang akong sasaktan. "At iyan din ba ang ginawa sa iyo ng pagiging abogado? Ang maging mapanakit sa damdamin ng kapwa mo?" mayamaya ay tanong ni Angela.

"Ikaw ang nanakit sa damdamin ko, Angela. Ibinabalik ko lang sa iyo ngayon ang ginawa mo noon sa akin."

Pagkasabi niyon ay saka pa lang siya binitiwan ni Danny. Hinaplos niya ang brasong may bakas ng mga daliri nito.

"Uy, mukhang may private conversation kayo ni Attorney Mendoza, ha? May pahawak-hawak pa siya sa braso mo," sabi ni Kaye na hindi niya namalayang nasa likuran na niya.

Pinilit niyang ngumiti upang walang mahalata ang kaibigan sa paghihirap ng kanyang damdamin. Na-realize niyang ito ang dahilan kung bakit agarang tinapos ni Danny ang kanilang pag-uusap.

"We were just talking, Kaye. May tinatanong lang siya sa akin," kaila ni Angela.

"Hmm, about Abdul? Baka naman nagseselos," nakatawang sabi ng binabae.

"Dapat pala sa iyo, nobelista. Kasi magaling kang mag-isip ng kuwento. Hay, naku, halika na nga."

Niyaya niya ito sa kinaroroonan ni Abdul at ng kanyang abuela. Aware siya na mula sa kalayuan ay nakatingin pa rin sa kanya si Danny. At nang minsan siyang lumingon at magtama ang kanilang mga mata, napatunayan niyang tama ang kanyang kutob.

 

"I LOVE your granddaughter, Mrs. Gonzales..."

Narinig ni Angela na sinabi ni Abdul sa kanyang Lola Soledad. Nang makita silang papalapit ni Kaye ay ngumiti ito at bago itinuloy ang sinasabi ay hinintay pa muna sila.

Tumayo ito at ipinaghila siya ng upuan. Matapos niyang pasalamatan ay naupo itong muli sa tabi niya.

Hindi siya tumutol nang kunin nito ang kanyang kamay at gagapin ang kanyang palad.

"Angela is beautiful inside out. What more can I ask for? I've known her for years now, and everyday my feelings for her keep getting stronger. I don't know if I could find another woman with the same qualities."

Maluwang ang ngiting tinanguan ni Lola Soledad ang sinabi ng lalaki. Nasa mukha ng kanyang abuela ang pagmamalaki. Kung nasa harapang iyon kaya ang kanyang ina, ano kaya ang magiging reaksiyon nito?

"It's nice to hear how you admire my granddaughter, Abdul," ani Lola Soledad at tumingin sa kanya. "But like I said, she's the only one who could decide for her life, especially when it comes to affairs of the heart. We can only support her."

"I just want you to know that I would do anything to make her happy." Pagkasabi niyon ay pinisil nito ang palad niya.

She could only smile. Naisip ni Angela na kung naririnig lang ni Danny ang mga sinasabi ni Abdul ay tiyak na pagtatawanan nito ang huli. Maaaring sabihin nito na ang babaeng inilalagay ni Abdul sa pedestal ay una na nitong naangkin.

"I know that your money could buy you anything you want, Abdul," sabad ni Kaye, "but I only want you to promise that you will love her without condition."

"I promise," anitong itinaas pa ang kanang kamay sa pagsumpa.

"Parang nararamdaman ko na ang susunod na mangyayari, Angela darling," kinikilig na bulong sa kanya ng kaibigan. "Tiyak na aalukin ka na niya ng kasal!"

"Hindi ko alam kung handa na akong mag-asawa," pabirong sagot niya. ayaw niyang seryosuhin sa isip ang sinabi ng kaibigan. Natutuwa siya sa presensiya ni Abdul, dahil tinutulungan siya nito na maging matapang sa harap ni Danny.

Subalit ang ideya ng kasal ay hindi niya alam kung paano pakikibagayan. At paano siyang aalukin nito ng kasal gayong ni hindi pa nga niya ito nobyo?

"Lokah! Basta 'oo' ang isagot mo kapag inalok ka na niya."

Palihim niyang kinurot sa tagiliran si Kaye. Malakas ang tawang pinakawalan nito, ngunit pagkatapos niyon ay tumigil na ito sa pambubuska.

"Hija, ang mabuti pa ay ipadala mo na rito kay Mameng ang merienda. Puwede bang ikaw na ang pumunta sa kusina? Wala akong matanaw isa man sa mga kasambahay natin," mayamaya ay sabi sa kanya ng abuela.

Sapat na iyon upang maunawaan niyang gusto lang nitong ipagpatuloy ang ginagawang interogasyon kay Abdul. At si Kaye naman ay magiging isang malaking tulong upang makilala nito nang lubusan ang lalaki.

"Walang problema, lola," aniya. Kahit sa pagtayo niya ay nakaalalay pa rin si Abdul. Mabilis nitong nahila ang kanyang silya. Hindi niya naiwasang isipin na siguro ay ganoon din kay Mae Li si Danny.

Napabuntong-hininga si Angela. Kailangan bang minu-minuto ay ito ang laman ng kanyang isipan?

Bago pa muling pagharian ng emosyon niya ay lumakad na siya patungo sa villa. Hinanap ng mga mata niya si Danny. Nakita niyang wala na ito sa dating kinaroroonan.

Inakala niyang umalis na ito pero nakita niyang naroon pa ang Nissan Patrol. Luminga-linga siya sa paligid. Kung naroon pa ito ay tiyak na bigla na namang lilitaw para buskahin siya. Hanggang naroroon siya ay tiyak na hindi siya nito bibigyan ng katahimikan.

Pero nakapasok siya sa villa nang walang humaharang sa kanya. Nagpasalamat siyang nakarating sa kusina kay Aling Mameng nang hindi "naeengkanto."

Pero hindi rin siya nakaligtas sa "kapre" matapos niyang sabihin sa kusinera na dalhan na sila ng merienda. Paglabas ni Angela ng villa ay prente itong nakatayo sa kanyang daraanan. Eksaktong sinisindihan nito ang sigarilyong nakaipit sa mga labi nang magtama ang kanilang mga mata.

Ibig niyang umiwas, subalit ayaw rin naman niyang isipin nitong naduduwag siya. At maano ba kung nakatayo ito roon na parang sigang naghihintay sa kalaban? She was tougher. Pinatapang siya ng kanyang mga pinagdaanan.

"What do you really want from me, Danny?" galit na tanong niya nang sa pagdaan niya ay hagipin nito ang kanyang kamay.

"Hindi mo kailangang gamitin si Abdul para pasakitan lang ako, Angela," malumanay nitong sabi na para bang nagpapaalala sa isang kapatid. "Wala ka nang puwedeng gawin na makakasakit sa akin... kaya huwag ka sanang padalos-dalos sa mga pagpapasyang gagawin mo."

Umantig sa puso niya ang sinabi nito gayundin ang pagpapakita ng concern sa kanya. Pero hindi niya dapat hayaang maapektuhan niyon ang kanyang damdamin. Para kay Danny, ang lahat ay isang laro. Tahasan nitong sinabi ang gagawing paghihiganti, kaya hindi niya ito dapat paniwalaan sa kaunting pagpapakita lang ng kabutihan.

"I am not a user, Danny," maikling pahayag ni Angela. Tila may bikig ang kanyang lalamunan, na kung magsasalita pa siya ay tiyak na garalgal ang boses na dadaan doon. "Malalim na ang pinagsamahan namin ni Abdul, hindi ko siya magagawang gamitin para lang pasakitan ka, gaya ng inaakala mo."

"Hindi mo ako puwedeng lokohin, Angela. Nababasa ko sa mga mata mo ang katotohanan. Hindi mo na kailangang magsinungaling."

"Hindi ako sinungaling!" Pumiksi siya. Tinangka niyang bawiin ang braso mula sa pagkakahawak ni Danny ngunit parang bakal ang mga kamay nito.

"At gusto mong paniwalaan kita?" Pumalatak ito. "Ito ang sasabihin ko sa iyo, ha? Para sa akin, ang babaeng sinungaling ay hindi dapat pagkatiwalaan."

"Stop it, Danny!" galit na bulalas niya. "Stop it! Mahal ko man si Abdul o pag-aaralan pa lang mahalin ay hindi na importante. Ang mahalaga ay kung ano ang maibibigay niya sa akin... kung ano ang magagawa niya para mapaligaya ako. Tigilan mo na ang pakikialam mo sa akin. I don't need your advice."

Nakita niya nang magdilim ang anyo nito.

"Please, kung anuman ang binabalak mo ay huwag mo nang ituloy. Ngayon lang uli ako umuwi kaya nakikiusap ako sa iyo, bigyan mo ako ng katahimikan." Kaakibat niyon ang desperasyong nararamdaman niya.

"Ibibigay ko lang iyon sa iyo kapag naramdaman ko na sa sarili ko ang sinasabi mong katahimikan."

"Hindi kita ginugulo. Hindi kita pinakikialaman — kayo ni Mae Li. Kaya huwag mo kaming pakialaman ni Abdul."

"Do you really want him, Angela?" salubong ang mga kilay na tanong ni Danny.

"Yes. At hinihintay ko na lang na alukin niya ako ng kasal. Kapag nangyari iyon ay buong puso kong tatanggapin."

Nakita niya ang magkahalong pagkagulat, pagkalito, at galit na sabay-sabay na rumehistro sa mukha ng lalaki. Akala niya ay hindi na ito maaapektuhan kahit ano ang kanyang sabihin. Pero nang mga sandaling iyon ay malinaw niyang nabakas ang tunay nitong damdamin.

Continue Reading

You'll Also Like

42K 642 32
"Marry me, Wilda. I cannot be jilted the second time around." Brent Guttierez was tall, dark-and wow! She was also Wilda's boss. Sa loob ng isang ta...
3.3K 55 12
Dalawang linggo bago ang en grandeng kasal ni Lady sa milyonaryong si Joven Monteblanco ay dinukot siya ni Renzo Castro. "May kailangan ako sa boyfri...
47.3K 1.4K 20
Matagal nang isinara ni Adrian ang kanyang puso sa mga babae dahil sa isang pangyayari sa kanyang nakaraan. Until he met Jamelia. May kung anong espe...
23.9K 745 22
"Love can be measured by loving without measure..." Lumayo si Zaira para makalimot. Pumunta siya sa Baler, sa bahay ng isang kaibigan. Doon niya naki...