Beware of the Class President

By JFstories

1.7M 99.5K 57.1K

FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na... More

INITIUM
...
CAPITULO 1 - Pervert
CAPITULO 2 - Zero
CAPITULO 3 - Boys
CAPITULO 4 - Alone
CAPITULO 5 - Oppression
CAPITULO 6 - Awakening
CAPITULO 7 - Speech Delay
CAPITULO 8 - Decoy
CAPITULO 9 - Depression
CAPITULO 10 - You
CAPITULO 11 - Unfolding
CAPITULO 12 - Body Contact
Capitulo 13 - Let's Go
CAPITULO 14 - Joyride
CAPITULO 15 - First Step
CAPITULO 17 - Fever
CAPITULO 18 - Nun
CAPITULO 19 - Luggage
CAPITULO 20 - Something/Someone
CAPITULO 21 - Rosary
CAPITULO 22 - Crushed
CAPITULO 23 - Imminent
CAPITULO 24 - Companions
CAPITULO 25 - Trip
CAPITULO 26 - Wake
CAPITULO 27 - Brave
CAPITULO 28 - Confidant
CAPITULO 29 - Seized
CAPITULO 30 - Taken Over
FINE TEMPORE UNUM
CAPITULO 31 - Ataraxia
CAPITULO 32 - Boyfriend

CAPITULO 16 - Incense

40.6K 2.9K 2.4K
By JFstories

CAPITULO 16 


ANG MATANDANG ITO AY SI FEL?!


Napaatras ako habang hawak pa rin ang picture frame kung saan naroon ang picture ng isang matandang babae. Parang habang tumatagal, mas kumukulubot at dumarami ang gatla sa mukha nito. 


At bakit nakikita ko? Madilim pero nakikita ko?!


Napaatras ako at hindi mabitiwan ang frame. Sa aking pag-atras ay may nabangga ako. Malaking bagay. Parang katawan, pero matigas. Malamig. Parang amoy ng isang aso na matagal na hindi napapaliguan ng amo. Ang taas ay lampas hanggang sa ulo ko. 


Ang buhok ko sa tuktok ay nagtatayuan. Para bang iniihipan. Hindi malamig ang tumatamang hangin, kundi mainit. 


Nanubig ang aking mga mata nang marinig ang malumanay at baritong boses na pamilyar. "Kena."


Doon lang bumalik ang lakas na sandaling tumakas kanina sa katawan ko. Pumihit ako palingon kung saan galing ang boses. May liwanag mula sa bukas na pinto at sa labas niyon ay nakatayo ang isang matangkad na lalaki na may maamong mukha.


Napasibi ako. "El..."


Bigla akong nagkaroon ng tapang dahil alam ko na hindi naman na ako nag-iisa. Nandito si El. Nang maalala ang nasa likod ko, sinamantala ko ang liwanag para alamin kung ano ba iyon. Nilingon ko ang likod ko. Ang kaso, bigo ako. Wala ako roong nakita. Wala roon kahit kahit ano!


Humakbang si El patungo sa kinatatayuan ko. "Kena, bakit ka nandito?" Hinawakan niya ako sa aking magkabilang balikat para magkaharap kami. Natigilan siya dahil naramdaman niya ang panginginig ko. "Kena, what's wrong with you?" 


Napatingala ako sa kanya habang nagluluha ang aking mga mata. "Si Fel... Si Feli..." Parang biglang umurong ang dila ko. Parang may pumipigil sa akin na masabi ang gustong sabihin. Hindi ako makapagsalita! 


"Huh?"


Itinaas ko ang picture frame na hawak-hawak dahil hindi ako makapagsalita. 


Nagtataka si El kaya kinuha niya na lang sa akin iyong frame at siya na mismo ang tumingin. Nang mabasa niya ang nakasulat sa baba ay napabuga siya ng hangin. "This is Felicidad? She's old."


Umiling ako. Hindi matanda si Felicidad! Hindi ko alam. Matanda nga ba siya? Pero hindi, eh. Ewan ko. Nalilito na ako. 


Nakita ko na ang babae dati. Ang nasa alaala ko ay isang babaeng bagaman wirdo ang paraan ng pag-aayos ay maganda ito. Makinis ang mukha, wala ni isang gatla. Sa pagkakaalam ko rin, kaedad lang ito ni Mama. Naging magkasama pa ang dalawa noong college days nila. Hindi talaga ito matanda!


"Woy, ano gawa niyo?" Boses mula sa sala.


Napapiksi ako sa gulat. Si El na lang talaga ang sumasalo sa akin. Sabay kaming napatingin sa binatilyong bata lang sa amin ng dalawa o tatlong taon. Mula sa liwanag mula sa nakabukas naming kuwarto, nakita namin si Ekoy. Pupungas-pungas na nakatayo ito sa bungad ng sala. 


"Ekoy!" Napatakbo ako rito. "Ekoy, sino iyong nasa picture frame sa altar?!"


"Picture frame?" ulit ni Ekoy matapos maghikab.


Ha? Hindi nito alam na may picture frame sa altar?


Si El ay ibinalik na sa altar ang frame saka sumunod sa amin. Pasimpleng hinagod niya ang likod ko, tila sinasabi na kumalma ako. 


Kinapa ni Ekoy ang switch ng ilaw sa sala. Nang bumaha ang liwanag ng fluorescent light ay nakita ko ang oras sa wall clock. 3:00 a.m. na pala. 


"Hindi ba kayo makatulog?" tanong ni Ekoy. "Ako rin, e. Putol-putol ang tulog ko. Naninibago siguro ako na may bisita kami."


Naupo kami sa mahabang sofa na gawa sa Narra. Napapagitnaan nila akong dalawa. Si El ay nakahalukipkip lang habang nakasandal. Mukhang sumama lang para samahan ako, pero walang balak makipag-bonding kay Ekoy.


Si Ekoy ay tumingin na naman nang lampasan sa amin ni El. Nasa mga labi na naman nito naglalaro ang isang pilyong ngisi. "Siguro gumawa kayo ng milagro, ano?!"


Ngali-ngali ko itong tuktukan sa ulo.


"Hindi?" Napabungisngis ito lalo. "Naririnig ko sa radyo at sa mga palabas sa TV, pagmagkasama ang magsyota, hindi nakakatiis na hindi mag-kiss. 'Pag nag-kiss na, mauuwi na sa—" Hindi na nito natuloy ang sinasabi dahil kinotongan ko na ito.


"Hindi nga kami magsyota, kulit mo, ah!"


"E kahit na." Lumabi si Ekoy at ngumisi ulit. "Paano nakakatiis si El na katabi ka? Siguro pangit ka?"


"Excuse me?!" Muntik ko na itong sabunutan, kung di lang ako hinawakan ni El sa balikat.


"Ikaw, El." Si El ang tinatanong ni Ekoy. "Okay lang sa 'yo may katabi kang babae? Natitiis mo? Dapat tiisin mo, magagalit si Sister Gelay pag gumawa kayo ng milagro. Pero bawal ka rin kahit magsarili. Mas masama raw iyon!"


Ang kaninang kalmadong ekspresyon ni El ay nawala na. Salubong na ngayon ang mga kilay niya. "Pumasok ka na sa kuwarto, Kena."


Si Ekoy naman ay nagpatuloy sa pagdaldal. "Ginagawa mo ba iyon, El? Normal lang daw iyon lalo sa mga kabataang lalaki na tulad natin. Pero masama pala iyon. Noong isang beses nga na nahuli ako ni Sister Gelay na nagaganoon, pinagalitan niya ako nang matindi."


Napangiwi ako. Si El ay masama na ang tingin sa akin dahil hindi pa rin ako tumatayo para bumalik sa kuwarto namin.


Tuloy pa rin naman ang binatilyo sa pagkukuwento. "Nagalit si Sister Gelay sa akin nang mahuli niya ako. Ang sabi niya, masama raw iyong ginagawa ko. Nag-iimbita ng demonyo o iyong mga nilalang."


Aliw talaga magkuwento si Ekoy, kaya kahit off ang topic ay natukso ako na pakinggan ito. Sabi nito, kapag nagaganoon daw ang isang tao, ay may mga uri ng nilalang na sumasali rito. 


People might be thinking that they were just pleasing themselves, but the truth was... there was someone else with them. 


When you masturbate, you were having sex with a sex demon called the Incubus or Succubus.


Kapag daw lalaki ka na nagsasarili, ang kasama mo ay babaeng demonyo na tinatawag na succubus. Kapag babae ka naman na nagsasarili, ang kasama mo naman ay iyong lalaking demonyo na tinatawag na incubus. At delikado iyon... dahil maaaring merong mabuo.


"Si Sister Gelay ang nagbabasa ng bibliya para sa akin. At sabi sa libro ng buhay, na tinutukoy sa 1 Corinthians 3:17. 'For God's temple is holy, and you are that temple'. Sexual immorality is a sin that defiles one's body. Ingatan ang katawan dahil hiram lang natin ito." 


Hindi ko magawang salungatin si Ekoy. Palaki siya ng isang madre, kaya sino ako para sabihin sa kanya na hindi buo ang aking paniniwala sa bibliya o kahit sa Panginoon?


"May kuwento ako!" Biglang lumiwanag ang mukha ni Ekoy.  "Ayaw itong paksa ni Sister Gelay, pero sasabihin ko sa inyo. Hindi lang basta kasalanan ang pagawa ng ganoong bagay, alam niyo ba na posible rin na may mabuo?"


"Anong mabuo?" curious naman tanong ko.


"Kena!" Napataas naman na ang boses ni El.


Hindi ko siya pinansin. Mas inabangan ko ang sagot ni Ekoy sa akin. Kataka-taka lang na biglang bumangon ang interes sa loob ng dibdib ko.


"Mabubuo. Mabubuntis. Mabubuntis ng incubus ang babaeng tao. Mabubuntis siya kapag may syota na siya o asawa, tapos iisipin niya na sa syota o sa asawa niya iyong pinagbubuntis niya. Hindi niya alam, isang uri na ng nephilim iyong anak niya. Isa sa mga batang malaki ang magiging ambag sa kaguluhan ng mundo."


"Masasama ang mga ito?" tanong ko. 


"Sabi nga ni Sister Gelay, wala namang ipinanganak na masama agad, kaya hindi siguro. Pero matatalino raw ang mga ito. May kakaibang talento. Ang tawag sa kanila, 'nephilim'."


Nakabasa na ako ng ganoon noon sa lumang bibliya ni Mama. Nephilim. The offsprings of fallen angels and humans. Based on the book of Genesis, nephilim are superhumans. Higante, malalakas, pero hindi kasing lakas ng fallen angels. Pero kung wangis tao ang mga ito ngayon at nakakasalamuha namin, paano ba ang mga ito makikilala?


"Mula nang sabihin iyon sa akin ni Sister Gelay, palagi na akong nagtatanong tungkol doon. May paniniwala na nagkalat na ang mga nephilim sa mundo. Namumuhay na walang kaalam-alam kung ano ba ang totoo. Iyong naman iba siguro ay alam na, dahil madalas ay hinahanap sila ng mga kauri nila."


Karamihan daw sa mga ito ay mga sikat na personalidad dahil nga sa likas na magagaling at telantado. Sabi-sabi lang, pero kadalasan naroon daw sa Hollywood. Iyong iba naman ay nasa politika dahil nga matatalino. Merong mga nagiging pinuno pa ng bansa. Merong ding mga henyong siyentipiko. At merong mga mayayamang tao. Meron din namang mga simpleng tao lang. Iyong mga hindi kilala. Napakarami ng mga ito sa iba't ibang panig ng mundo. 


Hindi lahat masasama. Pero dahil nephilim sila, hindi sila makakatakas sa kung ano sila. Nasaan man sila, ano man ang propesyon nila, magkakaroon at magkakaroon sila ng ambag sa kaguluhan sa mundo. Sa nakaraan man, sa kasalukuyan, o sa hinaharap. Para sa nalalapit na katapusan. Ang magtatatag ng tinatawag na New World Order.


"Sandali, Ekoy." May isa pa akong gustong itanong. "Pero paano naman pala kung ang tao ay lalaki? Mabubuntis niya rin ba ang succubus? Kung mabubuntis nga ang succubus, eh di hindi tao ang ipapanganak nito dahil demonyo ito?"


Napahimas ng baba ang binatilyo. "Ewan. Hindi nabanggit ni Sister Gelay 'yan sa akin. Pero siguro nga, kapag nabuntis ng tao ang succubus, demonyo o kaya ay spiritual being ang ipapanganak nito. Iyong naiinggit sa mga tao dahil hindi nila nararanasan ang mga nararanasan natin."


Padabog nang tumayo si El. Iniwan niya na kami ni Ekoy sa sala. Problema niya?


Tumayo na rin ako. "Ekoy, susundan ko lang si El. Baka inaantok na. Ikaw, matulog ka na rin dahil madaling araw na."


Sa kuwarto ay naabutan ko si El na nakahiga na sa foam na nasa loob ng kulambo. Hindi pa siya tulog. Nakapatong ang kaliwang bisig sa noo. Nakatulala sa kisame, pero noong pumasok ako sa pinto ay bigla siyang pumikit.


Pumasok na rin ako sa kulambo matapos i-lock ang pinto. "El..."


"Matulog ka na, Kena," tipid na sabi niya.


Tumabi ako sa kanya at tumagilid para makita siya. "El, naniniwala ka ba sa kuwento ni Ekoy?"


Hindi siya umimik. Nakapikit siya.


Nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Alam mo, noong bata pa ako, narinig ko sa kuwentuhan ng kapitbahay namin na si Hitler daw ay nephilim. Siya ang leader ng Nazi na nagpasimula noon ng World War II kung saan maraming nasawing tao."


"Stop thinking about useless things, Kena."


"Curious lang naman ako, ah? Paano nga kung may nakakasalamuha na pala tayong ganoon? O kaya iyong spiritual being na naging anak ng isang lalaking tao sa isang succubus?"


Tinalikuran niya na ako at nagtalukbong na siya ng kumot. Napakasuplado!


Nakatulog na rin ako mayamaya pa. Nagising ako na maliwanag na sa labas. Lumalagos na sa siwang ng saradong bintana ang sikat ng araw.


Tiningnan ko muna ang aking phone kung may text si Tito Randy. Pagka-On ko ng phone, sumalubong agad sa akin ang maraming missed calls mula kay Joachim.


Napangiwi ako dahil bukod sa magdamag nitong pagtawag, may mga messages din ito. Hindi ko na muna binasa. Ang hinanap ko ay text ni Tito Randy. May text ito ngayon-ngayon lang, okay naman daw si Mama mula nang ma-confine... o dahil dinasalan ito ng hilot kahapon?


Mayamaya ay nakaamoy ako ng usok. Parang nagsisiga pero may iba pang amoy. Sinulyapan ko si El sa aking tabi. Natutulog pa siya pero bahagyang nangunot ang kanyang noo. Siguro ay naaamoy niya na rin ang usok.


Sinipat ko ang oras. 10:00 a.m. na pala. Bumangon na ako at iniwan muna si El sa kuwarto. Tulog na tulog pa siya. Napagod talaga siguro kahapon. Paglabas sa kulambo ay napaubo ako dahil mas nalanghap ko ang usok. Doon pala iyon pumapasok sa siwang ng bintana.


Saan ba kasi galing ang usok na iyon? Hindi naman ganoon kalala at hindi rin naman mabaho. Lumabas ako ng bahay. Nakita ko sa bakuran si Ekoy na nagsusunog ng kung ano sa lupa.


"Ekoy, ano 'yang ginagawa mo?"


Lumingon ang binatilyong bulag pero sa ibang direksyon nakatutok ang hindi nakakakitang mga mata. "Nagsisiga. Sinusunog ko ang basura. Ang gamit ko ay kamanyang para deretso pausok na rin ng kabahayan. Sorry, nagising ko ba kayo ng syota mo?"


"Kamanyang?"


"Frankincense." Si Sister Gelay na pumasok mula sa gate. May bitbit itong supot ng pandesal. Hindi nakasuot ng uniporme ng madre. Ang suot nito ay damit na mahaba at kulay puti. Ang buhok ay hinas na hinas na nakapuyod sa likod. May suot na kwintas na krus sa dibdib. Ngumiti ito sa akin.


"Frankincense?" ulit ko. Gumanti rin ako ng ngiti kay Sister Gelay. "Insenso po?"


Tumango ang madre. "Oo, Kena. An incense from the Almasiga tree. Ginagamit sa perfume pero kadalasan ay pangsuob sa mga may post-partum, pang-alay sa mga yumaong kamaganak, pantaboy ng malas, o kahit ng... masasamang espiritu."


Napayuko si Ekoy. "Sorry po, Sister!"


Nilapitan ito ni Sister Gelay at ginulo ang buhok ng binatilyo. "Hindi naman kita pinagbabawalan sa ganitong paniniwala mo, Ekoy. Naniniwala rin naman ako sa ganitong pagpapausok. Ang sa akin lang, mas damihan mo sana ang pagdarasal mo sa Panginoon. Mas makakatulong iyon."


"Bakit po ba nagpapausok si Ekoy?" tanong ko kay Sister Gelay.


"Hindi raw siya mapakali kagabi. Bulag itong batang ito pero malakas ang pandama. Meron daw siyang nararamdaman na kakaiba. Bihira namang mangyari kaya siguro nanibago siya."


"At makakatulong po ang insenso para maalis ang kung ano mang nararamdaman ni Ekoy?"


Bumungisngis si Ekoy. "Kahit anong uri ng demonyo o nilalang pa iyan, basta hindi siya tao, asahan mo na tepok silang lahat dito sa insenso ko!"


Nakangiti ako nang mula sa pinto ng bahay ay lumabas si El. "Kena..."


"El, gising ka na pala—" Napahinto ako sa pagsasalita dahil sa nakitang itsura ni El. Pawis na pawis siya ang kanyang mukha hanggang leeg, at ang kulay niya ay sobrang putla. 


"Kena, h-hindi ako makahinga..." Hindi na niya natapos ang sinasabi dahil nawalan na siya ng malay tao at pahandusay na bumagsak sa lupa!


jfstories

#JFBOTCP16

Continue Reading

You'll Also Like

4.2K 121 27
Because of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who...
15.1M 357K 62
Sequel of Famous Meets Bad Girl: "I can admit, I'm a different person now than I was three years ago.." she said. She was intently looking at the man...
41.3M 686K 61
Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng buong school yung status mo. Wait, nasabi...
14.5K 477 32
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hi...