Forgive Me, Father...

By theunknown_dreamer

218 8 0

(Mystery/Thriller Novel) Odesa Del Rosario is not your typical kind of main character. She's not smart, she's... More

Prologue
Chapter 01: History Sucks
Chapter 02: Villa Teresita
Chapter 03: The Angel
Chapter 04: Florence
Chapter 05: Where it all Began
Chapter 07: Footprints

Chapter 06: Missing

19 0 0
By theunknown_dreamer

Chapter 06: Missing



"Okay lang ba ang suot ko? Hindi ba parang ang boring tignan?" Tanong ko kay Clarissa matapos kong ayusin ang sarili ko sa harap ng salamin.



Tinignan ko ang sarili ko suot ang sleeveless na black dress na hindi fit sa katawan. Fit siya sa upper part kasi garterized pero pagdating sa baba or yung skirt niya ay maluwag kaya kapag gumalaw ako ay parang naalon ang dress ko dahil nasunod siya sa kilos ko. 'Yon lang ang suot ko tapos nilagyan ko lang ng clip ang magkabilang gilid ng buhok ko at nilaglag ko ang kulot kong buhok. Naglagay lang ako ng manipis na make up tapos wala na. Hindi kasi ako palaayos kaya hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong ayos sa sarili ko.




"Wait, kulang pa..." May kinuha siya sa bag niya at agad na lumapit saakin at pumwesto sa likuran ko. Naramdaman ko ang malamig na metal na dumampi sa balat ko sa leeg ko. Agad akong tumingin sa salamin at nakita ko ang gold na necklace na may angel wings na pendant.




"Ayan! Ang simple tignan pero hindi ka siya boring. Ang ganda talaga ng buhok mo!" Saad niya saakin at marahan na hinawakab ang buhok ko. Hindi ko madalas nilalaglag ang buhok ko dahil pakiramdam ko ay panget siya tignan pero ngayon ko lang nakita na bagay pala saakin ang style na nakalaglag ang buhok.




"I like your hair." Agad kaming napalingon ni Clarissa sa may pinto at nakita namin si Krisha na nakatayo roon. Nakasuot siya ng white tennis skirt at black na polo cropped top. Nakatali rin ang buhok niya pero may ilan na nakalaglag sa harapan. Tapos nakasuot siya ng black wedged sandals.




"Thank you." Saad ko sakaniya at ngumiti




"You know what, bagay sa'yo ang tight fitting dress. Gusto mo hiramin 'yong akin?" Tanong saakin ni Krisha at napatingin lang ako sakaniya. Ito kasi ang unang beses na nag-usap kami dahil madalas puro tinginan at ngitian lang.




"Ha? Krisha, mas malaki ang katawan ko kaysa sa'yo." Saad ko sakaniya



Umiling siya, "Ano ka ba! This dress can fit sa bigger sizes and boo, you're a midsize naman."



Lumapit siya saakin at inabot ang isang black dress na hindi ganoon kahaba, "Try mo muna, dali!"



Tumingin kay Clarissa at nakangiti lang siya na para bang inuudyukan din ang sinasabi ni Krisha kaya naman agad akong pumasok ng banyo at hinubad ang suot ko na dress. Nang masuot ko na ang dress na inabot niya saakin ay nabigla ako nang makitang fit na fit ang dress sa katawan ko. Hindi siya masakip kasi nakakagalaw pa naman ako. May manggas ang dress at square neck siya, tapos bodycon kaya body hugging talaga siya. Hindi ko nga inaasahan na may curves pala ako dahil sa sobrang dalas kong magsuot ng malalaking t-shirts.



"Wow! Ang ganda sa'yo!" Agad na saad ni Clarissa paglabas ko ng banyo.




"Talaga?" Tanong ko sakaniya at tumingin ako sakanilang dalawa. Sabay pa silang tumango saakin.



"You look great! Sabi ko na eh, that will fit you." Lumapit si Krisha at ngumiti saakin, "Sa'yo na lang 'yan. I don't really like wearing black clothes."



Nanlaki ang mata ko, "No, hindi ko matatanggap 'to, Krisha..."



Umiling siya, "I like you, Odesa, and we're friends na 'di ba? So, that's my first gift for you as my friend!"



"Uy! Seryoso ka ba?" Tanong ko sakaniya at tumango siya ulit.



"Don't worry, I don't really like the dress sa katawan ko. Ang payat ko masyado tignan. Mas bagay talaga sa'yo."



Tumingin ako sa salamin at napangiwi, "Meh, hindi ko alam kung flattering ba tignan. Hindi naman kasi ako payat."



"No! Don't say that. Ang flattering mo kaya tignan. You're pretty, Odesa, whatever your shape and your size. Maganda ka, okay?" Saad ni Clarissa saakin dahilan para mapangiti ako.



"Let's cut the drama na nga! Tara na!" Yaya ni Krisha at sabay-sabay kaming lumabas ng simbahan para pumunta sa Town Square.




******



"Ang ganda mo, Odesa..." Bati saakin ni Remy dahilan para mapangiti ako.



"Salamat..." Nahihiyang sagot ko sakaniya.



Kasalukuyan kaming nasa Town Square ngayon at hinahanap ng mata ko si Florence pero wala siya sa paligid. Nag-text kasi siya na hindi niya raw ako masusundo dahil may aasikasuhin lang daw siya. Ayos lang naman saakin 'yon dahil may mga kasabay naman akong pupunta rito. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at wala talagang Florence sa kahit saan.




"Sino na namang hinahanap mo? Si Florence?" Agad akong napalingon sa nagsalita at napasimangot ako nang makita ko ang mukha niya.



"Wala! Wala ka nang pake roon." Saad ko sakaniya at tumalikod para lapitan sina Clarissa pero agad naman siyang humabol at naglakad sa tabi ko.



"Gusto mo 'yong lalaki na 'yon noh?" Tanong saakin ni Dominic dahilan para mapahinto ako sa paglalakad at humarap sakaniya.



"Ano naman kung gusto ko siya?" Mayabang na tanong ko sakaniya. Napatitig ako sa reaksyon niya pero wala akong makitang kahit ano. Hindi man lang siya ngumiti o kaya napangiwi sa sinabi ko. Kilala ko si Dominic, kapag may sinabi ako sakaniya na ganitong bagay unang reaksyon niya lagi ay ngumiwi at tatawa mamaya pero ngayon ay wala ni isa.



"Nasisiraan ka na naman ng bait. Paano mo naman nagustuhan 'yon? Eh hindi naman gwapo." Saad niya saakin at inirapan ako na parang babae.



Napakunot ang noo ko, "Ha? Anong hindi, eh mas gwapo pa nga 'yon kaysa sa'yo."


And that wasn't a lie. Mas gwapo talaga si Florence kaysa sakaniya. Kung pagtatabihin sila, mas nakakaagaw ng pansin ang hubog ng mukha ni Florence pero kung papipiliin ako, laging si Dominic ang pipiliin ko. Bakit? Hindi ko rin alam eh. Baka tanga talaga ako pero kay Dominic lang.



"Huwag na si Florence. Hindi ka naman magugustuhan ng lalaking 'yon. Tsaka isa pa sasaktan ka lang ni Florence." Saad niya sa tabi ko dahilan para mapalingon ako.



"Anong sabi mo? Hindi ako magugustuhan ni Florence, dahil? Dahil ano? Panget ako? Kaya siguro ganyan ka saakin. Alam mong gusto kita pero you're always confusing me. Minsan hindi ko alam kung gusto mo ako o kaibigan mo lang ako, Dominic. Kaya kung magustuhan ko man si Florence, siguro hindi dahil sa gwapo siya kung 'di dahil mas tinuring niya pa akong babae kaysa sa'yo." Saad ko sakaniya at agad na tumalikod para itago ang namumuong luha sa mata ko.

Binilisan ko ang paglalakad dahil ayaw kong may makakita saakin na umiiyak. Ang mabilis na paglakad ay naging takbo. Gusto ko na lang bumalik sa simbahan at magkulong sa kwarto dahil sa sobrang sama ng loob ko kay Dominic.




"Odesa?"



Agad akong napahinto nang may humawak sa braso ko. Tinakpan ko ang mukha ko dahil ayaw kong makita ng kung sinuman ang humawak saakin na umiiyak ako.




"Uy, bakit ka naiyak?" Parang biglang tumigil ang mundo ko nang makilala ko kung sino ang nagsalita. Agad akong sumilip at biglang nagtagpo ang mga mata namin dahilan para mapaiwas agad ako.



"W-Wala, okay lang ako ah!" Saad ko sakaniya at alam kong hindi tatalab sakaniya 'yon dahil nanginginig akong nagsalita.




Marahan niyang tinanggal ang kamay ko na nasa mukha ko at pinunasan ang luhang napatak mula sa mata ko. Ngumiti siya saakin at may kinuha sa bulsa niya. Agad niya namang inabot saakin ang panyo na kinuha niya.




"Use this, ang ganda-ganda mo ngayon tapos umiiyak ka?" Inayos niya ang buhok ko at nilagay sa likod ng tenga ko ang ibang buhok na humaharang sa mukha ko.




"Ayan, kita ko na ng buo ang mukha mo. Tignan mo, ang ganda mo! Bakit ka ba umiiyak?" Saad niya saakin at ramdam na ramdam ko ang concern sa boses niya.



Umiling ako, "Wala, huwag na natin pag-usapan 'yon," Tumingin ako sakaniya at napangiwi ako sa suot niya, "Bakit ganyan ang suot mo?"



Nakasuot kasi siya ng black na jacket, tapos black shirt sa loob, tapos ang pantalon niya ay ripped jeans na itim din. Hindi ko alam kung fiesta ba ang pinuntahan niya o Halloween party.





Ngumiti siya, "You will see. Alam mo tara na nga! Malapit na mag-simula ang kasiyahan sa bayan. Huwag ka na umiyak diyan at samahan mo na ako."




Hinila niya ang kamay ko kaya agad naman akong tumayo at sumunod sakaniya. Dumiretso kami sa parang food park dito sa Town Square. Madaming pagkain dito, syempre kasi nasa food park kami 'di ba? Alangan namang may magbenta ng gulong sa food park.




"Anong gusto mo?" Tanong niya saakin




Tumingin ako sa paligid at isa lang ang napansin ko. Ice-cream stand na nasa dulo.




"Ice-cream?" Saad ko sakaniya at agad naman niya akong hinila papunta sa ice-cream stand.




"Anong flavor?" Tanong niya saakin




"Puwede ba dalawa? Avocado at Cookies and cream" Saad ko sakaniya




"Orderin ko po 'yong sinabi niya. Avocado at Cookies 'n cream." Saad niya at agad naman mg kumilos ang bantay sa stand. Hindi rin nagtagal ay inabot niya na ang ice-cream saamin at nagbayad si Florence.




"Thank you sa libre." Saad ko sakaniya habang kumakain ng ice-cream. Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa may malaking stage sa gitna ng Town Square. Ang sabi ay may banda raw na kakanta dito mamayang gabi.




Malapit na rin namang dumilim kaya siguradong maya-maya lang ay magsisimula na ang kasiyahan sa bayan na 'to. Excited ako dahil hindi ako madalas nakakapunta sa ganito dahil kapag fiesta malamang malakas ang kita dahil marami ang maghahanda.




"Teka diyan ka lang ha? May pupuntahan lang ako." Paalam saakin ni Florence at inabot ang isang ice-cream na hawak niya. Kaya naman tumango lang ako at hinayaan siyang umalis.




"Uy! Saan ka— I mean, kayo galing? Bakit kasama mo si Florence?" Agad akong napalingon at nakita si Krisha na may hawak na cotton candy at si Clarrisa na may hawak na kwek-kwek na nasa baso.




"Ah, nilibre niya ako ng ice-cream tapos may pupuntahan daw siya." Sagot ko sakanila




"Nilibre ka? Aba! Baka mamaya may gusto na sa'yo 'yon ah!" Saad ni Clarrisa na nasa tabi ko dahilan para mapairap ako sakaniya.




"Lahat na lang binibigyan niyo ng meaning! Mabait lang talaga si Florence!" Sagot ko sakanilang dalawa 




"Mabait? Pero ikaw ang laging kinakausap? Mabait? Tapos hindi nangiti saamin? Hmmm, sige sabi mo eh." Saad ni Krisha at nagpatuloy sa pagkain ng cotton candy niya.




"Alam niyo si Florence ay—"




"Magandang gabi, Villa Teresita!"




Agad akong napatingin sa stage dahil sa nagsalita at agad na nagsibukasan ang mga ilaw. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang nakatayo sa gitna ng stage at may hawak ng mic.




"Florence?" Tanong ko at agad namang ngumiti si Florence at tumingin sa mga tao. Huminto ang tingin niya nang makita ako at kumaway siya.




"Hindi nga ata siya gusto." Sarcastic na saad ni Clarissa sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin dahil namamangha padin ako sa nakikita ko.




"Masaya ba ang lahat ngayong gabi?" Malakas na tanong ni Florence at agad na naghiyawan ang mga tao sa paligid.



"Ano pang inaantay natin? Simulan na ang kasiyahan!" Malakas na saad niya at agad na pinatunog ng kasama niya na may hawak ng electric guitar. Hanggang sa sunod-sunod nang nadagdagan ng beat at umagaw ng pansin ko ang babaeng drummer nila. Kulay pula ang buhok niya na nakakabigla dahil siya pa lang ang unang babaeng nakita ko na may kulay ang buhok sa bayan na 'to.




"We're going to sing, Everything Black..." Saad ni Florence sa pagitan ng tunog ng banda.



"Shadows fall over my heart
I blackout the moon
I wait for you to come around
You got me dancing in the dark
I've closed my eyes
But I won't sleep tonight"




"Ang ganda ng boses niya." Saad ni Krisha sa tabi ko at ako eto, nakatulala sakaniya.



Ang ganda ng boses niya. Bagay sakaniya ang kanta dahil malalim ang Florence ni boses. Kita kong masaya siya sa ginagawa niya dahil napapapikit pa siya kapag kumakanta siya.



"Baby, you
Should come with me
And we can kill the lights, hit the lights
With a blackout, blackout
Hit the lights with a
Blackout, blackout, woo"



Dumilat siya at tumingin sa mga tao na tumatalon at sinasabayan siyang kumanta. Hindi ko alam ang kanta pero pakiramdam ko matagal ko nang napakinggan ito dahil sa ganda ng flow ng pagkanta ni Florence. Hindi lang siya basta-basta nagk-kwento kung 'di parang kinakausap niya kami.


"Black bird, black moon
Black sky, black light
Black, everything black
Black heart"


"Black Keys, black diamonds
Black out, black, everything black
Black, everything, everything
Black, everything, everything
Black, everything, everything
Black, everything, everything black!"



Malakas na kumanta ang mga tao sa paligid namin at sa totoo lang ay gusto ko ring sumabay pero hindi ko alam ang lyrics ng kanta. Agad akong namula nang makita kong tumingin saakin si Florence at ngumiti. At ang susunod na linya ay kinanta niya habang nakatingin saakin. I've never seen someone as passionate as him. Kitang-kita ko ang litid sa leeg niya kapag bumibirit siya sa kanta niya.




"Crush ko na siya!" Saad ni Krisha sa tabi ko at lumingon ako sakaniya. Tumingin siya saakin at ngumiti habang kinukuhaan ng picture si Florence na sumasayaw sa stage habang ineenjoy ang freestyle ng beat ng kanta.




Hindi ko maiwasan na mapatitig na lang kay Florence. Para bang nabighani ako sa kung ano ang nakikita ko sakaniya ngayon. Kapag ngumingiti siya ay bumibilis ang tibok ng puso ko na para bang sasabog dahil sa tuwa. Hindi ko na rin tuloy maiwasan na hindi mapangiti sa nakikita ko.




"Uy! May ngumingiti oh, mukhang may bago na siyang crush." Panunuksong saad ni Clarrisa saakin kaya naman agad ko siyang napalo sa braso.




"Hindi ah! Tumigil nga kayo!" Saad ko sakanila pero hindi nila ako tinigilan. Tuloy-tuloy padin ang panunukso nila at si Krisha ay sinusundot pa minsan ang tagiliran ko. Habang naghaharutan kami ay hindi namin namalayan na natapos na pala ang kanta.


"I hope you liked that song and now—"



"TULUNGAN NIYO AKO!"




Agad na natigilan ang lahat nang marinig namin ang malakas na sigaw. Ang boses ay pagmamayari ng isang babae dahil matinis ito. Agad kong nilibot ang mata ko sa paligid para hanapin ang sumisigaw pero hindi ko siya makita.



"Ayon!" Malakas na sigaw ng isang lalaki sa likuran ng stage at agad na nagkumpulan ang mga tao roon. May ilan pa nga na umakyat sa stage dahil open stage lang naman ito.




"Tulungan niyo ako! May humahabol saakin!" Malakas na sigaw ulit ng babae at hindi ko makita kung sino ang babaeng 'yon pero pamilyar na pamilyar saakin ang boses niya. Madilim kasi ang daan sa likod ng stage dahil daan lang naman 'yon papunta sa kabilang bahagi ng bayan.




"Ms. Gomez?!" Malakas na sigaw ni Remy kaya naman agad siyang tumakbo at nilapitan si Ms. Gomez. Napatakbo na rin kami nina Krisha sa lugar kung saan nakita ni Remy si Ms. Gomez at agad namang bumagsak ito sa sahig.



"Oh my God!" Malakas na saad ni Krisha sa tabi ko nang makita namin nang malapitan si Ms. Gomez.



"Ma'am?" Nanginginig na saad ni Clarrisa at agad na lumapit kay Ms. Gomez na nakaupo sa sahig at duguan.




Suot ang puting t-shirt niya na panay bahid ng dugo. Ang kaniyang tagiliran na hinahawakan niya na mukhang may sugat dahil sobrang lala ng umaagos na dugo mula roon.




"Tulong! Tulungan niyo kami! May duguan dito!" Malakas na sigaw ni Dominic at agad na lumapit para tulungan na itayo si Ms. Gomez.


Nang tamaan ng liwanag ang mukha ni Ms. Gomez ay agad akong nagulat nang makita ko ang kaniyang mukha na duguan din. May dugo na umaagos mula sa noo niya at may sugat din siya sa leeg na para bang nadaanan ng kung anong matalim ba bagay.



"Anong nangyari sa'yo?!" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Father Vicente na hingal na hingal. Nilapitan niya agad si Ms. Gomez.



"N-Nawawala..." Mahinang saad niya




"Ano? Sinong nawawala?" Tanong ni Father sakaniya




"S-Si L-Lucas... N-Nawawala..."

Continue Reading

You'll Also Like

126K 12.8K 32
Athulya Singhania has spent her entire life in solitude, yearning for the love of a family. Over the years, she mastered the art of concealing her em...
178K 8.8K 42
After going through a number of disasters I realized that actually I am reborn as the villainess character, more of a brat, Chloe Bourgeois, in a chi...
149K 31K 98
Title - Dangerous Personality Author - Mu Gua Huang MC- Xie Lin x Chi Qing Chapter 161 + 2 extras ထူးဆန်းသည့် ပြန်ပေးဆွဲမှုတစ်ခုအပြီးတွင် ချီချင်းတစ်...