Between The Lines

By Mixcsjam

317K 11.7K 2.5K

At a very young age, Gino Romualdez suffered from a heart disease which caused him to be very careful for his... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty - One
Chapter Twenty - Two
Chapter Twenty - Three
Chapter Twenty - Four
Chapter Twenty - Five
Chapter Twenty - Six
Chapter Twenty - Seven
Chapter Twenty - Eight
Chapter Twenty - Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty - One
Chapter Thirty - Two
Chapter Thirty - Three
Chapter Thirty - Four
Chapter Thirty - Five
Chapter Thirty - Six
Chapter Thirty - Seven
Chapter Thiry - Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three

Chapter Eight

6.3K 276 11
By Mixcsjam









Chapter Eight


Umagang umaga, wala kaming pasok kasi sabado. Kahit wala pa sa wisyo at alam kong tulog pa yung buong pagkatao ko, lumabas na ko para bumili ng pandesal. Busy kasi si Ate sa pag luluto ng almusal namin, may trabaho pa siya mamaya kaya ako na lang nagpresintang bumili.


Pero pagkalabas ko nakita ko yung magiting kong kaibigan na ngiting ngiti habang nakatingin sakin, aga naman niya nagising? "Ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya ng makalapit ako.


"Makikikain ako, umalis sila Mama eh. Naka day off pa si Nay Tess, sa lunes pa balik." Sumabay sakin yung kumag maglakad.


"Kaya ka dito pupunta samin? Lakas lakas mo kumain eh. Wag ka nga."


"Grabe naman to. Natural, matik na yon. Pag walang pagkain sa bahay, dito ako sainyo. Saka almusal pati tanghalian lang naman, Gino." Ay wow.


"Wow tol, may plano ka pa talagang magtanghalian samin ha?" Naiiiling iling kong sambit.


Bahagya siyang natawa, "Oo, planado na yon. Yaan mo, tutulong naman ako sa gawaing bahay."


Tinignan ko siya, "Aba dapat lang! Kaya ka iniiwan sa inyo eh, lakas mo ng kumain tapos alagain ka pa." Ngumisi ako.


Sinuntok niya ko sa braso, "Wow naman nagsalita ang masipag." Tumawa siya habang umiiling.


Dumeretso na ko sa bakery ni Manong Ben, "Talaga. Mang Ben! Magandang umaga po! 30 pesos pong pandesal yung medyo tustado po."


Ngumiti si Mang Ben, "Maganda Umaga din mga hijo. Aba't ang aga niyo namang magkasama niyan ni Denver."


Ngumiti ng malaki si Dens saka kumaway kay Mang Ben, "Good Morning Mang Ben! Oo nga po eh, makikikain po kasi ako kila Gino. Naiwan na naman po ako nila Ermats sa bahay eh."


Tumawa si Mang Ben, "Paano ba naman kasi, ang lakas mo kumain."


Tinignan ko si Dens saka nginisian, "Sabi ko sayo, pabigat ka lang eh." Tinawanan ko siya saka inabot ung mga pandesal.


"Una na po kami, Mang Ben." Paalam ko na sinuklian naman niya ng tango na may kasamang ngiti. Nagsimula na ulit kaming maglakad, "Diba, lahat tingin sayo pabigat." Pang aasar ko.


Ngumiwi siya saka kinuha ung pandesal, "Lanya naman tol eh, ako na maghahawak nakakahiya naman sayo."


"Aba dapat lang! Ikaw na nga tong makikikain eh." Natatawa kong sabi pero agad akong napatigil ng bigla siyang kumuha ng isang pandesal saka kinagat. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinanguan niya lang ako.


"Alam mo tol, kung pabigat ako edi sana hindi na tayo magkasama ngayon. Saka natitiis mo naman ako eh. Aanhin ka na lang kung wala ako diba? Parang sa mga superhero, ikaw si Batman ako si Robin. Kaya wag kang mareklamo jan na pabigat ako." Kumagat pa siya sa pandesal, ang kapal talaga ng mukha nitong lalaking to, talaga naman oo!


"Tigilan mo ko, bakla ka." Naglakad na ko at iniwan siya pero napatigil ako bigla ng maramramdaman ko na naman yung pagsakit ng dibdib ko. Mariin akong napapikit saka hinawakan yung dibdib ko.


Ahh! Hindi ako makahinga para na namang may umiipit sa dibdib ko. Lanya.


"Tol, kung bakla ako edi sana tayo na ngayon." Narinig ko yung papalapit na boses at mga yabag ni Dens, kahit diring diri ako sa mga pinagsasabi niya hindi ko magawang magreact kasi konting galaw ko lang feeling ko bibigay na ko.


Ano ba tong nararamdaman ko?!


Lumapit sakin si Dens, matagal niya kong tinitigan saka tumaas ung kilay niya. "Oh? Anong nanyari sayo? Mukha kang constipated, tol." Aniya na nagpipigil ng tawa.


Napangiwi ako saka hinawakan siya sa braso para maging alalay ko. "Gago." Sabi ko pero ramdam ko yung pagka hina ng boses ko na parang ako na lang ata nakarinig. Hindi talaga ako makahinga.


Parang biglang bumagal yung tibok ng puso ko. Kinagat ko yung labi ko saka tinignan yung nagtatakang mukha ni Dens.


"Gino, okay ka lang? Namumutla ka na." Tumingin siya sa pandesal na hawak niya, "Oh, kainin mo na to. Baka nagugutom ka na, sus dapat kanina mo pa sinabi para binigyan na kita." Nilagay niya sa kamay ko yung pandesal. "Teka, bibili muna akong tubig parang constipated ka talaga pare. Ang pangit mo." Natatawa siyang naglakad papunta sa tindahan.


Pinilit kong huminga ng malalim pero nahihirapan talaga ako kaya umupo muna ako sa sementadong upuan malapit sa tindahan saka pinikit yung mga mata ko.


Ang sakit ng dibdib ko shet.


"Pucha." Bulong ko sa sarili ko ng maramdaman ko yung unti – unting pagkawala ng kirot sa dibdib ko.



"Oh tol," nakita ko yung bote nang mineral na binili ni Dens, kinuha ko ito saka ininom. Nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman ko yung unti – unting pag ginhawa ng pakiramdam ko. "Ayan, hindi ka na mukhang constipated."


Nginisian ko siya saka tumayo, "Tara na nga, ang dami mo pang sinasabi jan eh." Inakbayan ko siya saka kami dumeretso ng bahay.


"Ate Sabrina! Good Morning!!" Bati ni Dens ng makapasok kami sa loob.


Napatingin si Ate samin at ngumiti, "Oh Denver, dito ka mag aalmusal?" Tanong ni Ate saka kinuha yung mga pandesal kay Denver.


Tumango siya at ngumiti, "Oo Ate Sabrina, wala kasi sila Mama eh. Hanggang tanghalian na ko dito ha Ate? Ha?" Nagpa cute pa si loko, bahagya namang tumawa si Ate habang nakatingin sa kanya.



"Oo naman, gusto mo hanggang hapunan pa eh." Natatawang sabi ni Ate.


"Ayon naman pala—"


"Loko! Wag kang abuso hanggang tanghalian ka lang." Sabi ko ng makita kong kumislap yung mga mata ni kumag sa alok ni Ate. Hays.


Nginisian niya ko, "Sorry pre, sabi ni Ate Sabrina hanggang hapunan na daw ako. Wala ka ng magagawa. Ha!" Sus.


Umiling na lang ako saka dumeretso sa kwarto ko pero bago ko pa mabuksan yung pinto, napatigil ako sa sinabi ni Dens.


"Nga pala Ate Sabrina, si Gino kanina parang may sakit. Alam mo yon? Mukha siyang constipated, ang pangit nga niya eh kaya medyo natagalan kami. Para siyang hindi makahingang ewan eh." Kwento ni Dens.Minsan talaga walang naitutulong yung pagiging madaldal neto eh.


Napatingin ako kay Ate na nag – aalalang nakatingin sakin, kaya ayako nagsasabi ng nararamdaman ko kay Ate eh, masyado siyang nag – aalala. Hindi ko pa naman gusto na makita siyang ganto.


"Okay ka lang, Gino?" Tanong niya habang nakatingin deretso sa mga mata ko pero bakas dito yung pag – aalala niya.


Gusto ko mang sabihin na hindi pero ayokong lalo siyang mabagabag. Ayoko ng dumagdag sa mga iniintindi niya, masyado na siyang madaming problema ayoko na umekstra. Mahal na mahal ko si Ate kaya lahat gagawin ko para mapagaan yung loob niya.


Kahit magsinungaling pa ko tungkol sa nararamdaman ko.


Ngumiti ako, "Wag kang mag – alala, Ate. Okay lang ako."





Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...