Two Steps Behind You

By Lilian_Alexxis

869 212 522

Ipinangako ni Caela Tingson sa kanyang sarili at maging sa mga magulang na magtatapos siya ng pag-aaral para... More

From The Writer
Inspiration
Chapter 1: Ang Reyna at Hari
Chapter 2: New School, New Friends
Chapter 3: Good Morning
Chapter 4: The Dance Club
Chapter 6: Acquaintance Party
Chapter 7: 16th Birthday
Chapter 8: The Science Quiz Bee
Chapter 9: Just You
Chapter 10: Pageant Heels
Chapter 11: Friends
Chapter 12: More Than Friends
Chapter 13: Respect
Chapter 14: Pre-pageant
Chapter 15: Competition
Chapter 16: Unethical
Chapter 17: Cappuccino and Arroz Caldo
Chapter 18: Take Care, Baby
Chapter 19: The Pageant
Chapter 20: Enthralled
Chapter 21: Special Friends Without Benefits
Chapter 22: Nightmare
Chapter 23: Check-up

Chapter 5: The Tryouts

26 7 12
By Lilian_Alexxis

"Sabing walang maglalaro dito sa salas!" Pasigaw kong saway kay Cloyd.

Humaba ang nguso ng bunso kong kapatid at saka laglag ang balikat na humarap sa akin. "Sorry, ate. Wala kasi ako kausap sa loob ng kuwarto."

Ewan ko ba naman kasi kung kelan ako nagmamadali ngayon sa paglilinis ng bahay at saka naman maaga siyang gumising gayung Sabado ngayon at walang pasok. "Bakit kasi ang aga mo gumising?"

"Eh kasi ate narinig kita kagabi sabi mo kina Tatay susunduin ka ng mga kaklase mo. Gusto ko lang naman sila makilala," mahaba pa rin ang nguso niyang sagot sa akin.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa sagot niya. Ganyan kasi ang ugali ni Cloyd gusto niya ay lagi siyang updated sa mga pangyayari sa aming pamilya kahit na anim na taon pa lamang siya. Minsan iniisip ko kung may pagka-lalaking Maritess hetong kapatid ko.

"Ipapakilala kita sa kanila kung hindi ka magpapasaway. Sa kuwarto ka na lang muna please, bunso?" Malambing na sabi ko sa kanya dahilan upang masaya itong nagtatatalon pabalik ng silid nila ni Clarence na maaga ring gumising upang samahan si Nanay sa palengke.

Matapos walisin ang sahig, kinuha ko ang magic mop sa likod para masigurong walang maiiwang alikabok sa linoleum. Tinapatan ko pa ng electric fan ang sahig upang mabilis na matuyo habang kumukuha ako ng pamalit na kurtina at throw pillow cases sa cabinet.

Nang matapos ako sa paglilinis sa salas, dining area at kusina, isinunod ko naman ang aking silid. Kailangan kong matapos bago dumating sila Nanay. Nangako ako sa kanila ni Tatay na maglilinis muna ng bahay at aking silid bago ako gagala kasama nina Bradley at Mia. Nais din daw nilang makilala ang dalawa kaya imbes na sa school na kami magkikita ay iminungkahi ni Bradley na susunduin na lamang nila ako ni Mia. Siguro ipagda-drive si Mia ng kanilang driver.

Nang masiguro kong maayos na ang buong bahay, naligo na ako at pinili kong isuot ang plain black tee at wide leg denim na regalo sa akin ng aking mga magulang noong Pasko na pinarisan ko ng luma kong black vans na hindi halatang imitasyon. Naglagay lang ako ng loose powder at lipgloss at saka tinalian ang mahaba kong buhok. Narinig kong tumunog ang luma kong phone sa ibabaw ng aking study table na gawa ni Tatay. Nang silipin ko iyon, isang mensahe ang aking natanggap mula kay Mia.

Mia: OTW na kami.

Hindi na ako sumagot dahil pagdating pa nila Nanay ako magpapaload. May narinig akong tumigil na tricycle sa harap kaya nagmamadali akong lumabas para salubungin sila Nanay. Nakasalubong ko si Clarence na bitbit ang isang ecobag na naglalaman ng mga gulay.

Tulad ng turo nila Nanay sa aming magkakapatid, nagmano ako sa kanya at saka kinuha ang ecobag sa kanyang kamay. Tumalikod na ako para dalhin sa kusina ang kanilang napamili.

"Anong oras ka susunduin ng mga kaibigan mo?" Narinig kong tanong niya na nakasunod sa aking likuran.

"Papunta na po sila," sagot ko habang inilalapag ang kanilang ipinamalengke.

"Ako na ang bahala riyan, baka mag-amoy palengke ka pa," suway niya sa akin nang makitang inilalabas ko ang laman ng ecobag.

Napangiti ako sa kanya at saka naghugas ng kamay. "Sige po. Kape po gusto ninyo?"

Lumuwag naman ang ngiti ni Nanay. "Gustong-gusto, 'nak!"

Nangingiti akong kumuha ng tasa sa paminggalan at saka nilagyan iyon ng kape, asukal at gatas bago sinalinan ng mainit na tubig mula sa Thermos.

"Ang linis ng bahay, ate. Sana lagi kang may lakad," nang-aasar na sabi ni Clarence.

"Gagawin ko 'yan every week para lagi kang gigising ng maaga at sasamahan mong mamalengke si Nanay," pang-asar ko ring sagot.

"Ay 'wag ka na pala gumala, ate. Mas masarap matulog," natatawa nitong sagot dahilan upang matawa rin kami ni Nanay.

Pagkuwan ay narinig namin ang paghinto ng sasakyan sa labas kung kaya't sumilip ako sa bintana. Isang pulang kotse ang nasa labas at nang bumukas ang pinto ng driver ay nakita ko si Bradley kasabay naman nang pagbaba ni Mia sa kabilang side. Agad akong lumabas upang i-welcome sila.

"Hi, Caela!" Nakangiting bati ni Bradley na sinabayan pa niya ng pagkaway.

"Good morning," napangiti ako kay Bradley at saka magiliw na kinawayan si Mia na papalapit na sa akin. Napakaganda nito sa suot na military cropped jacket na pinarisan ng itim na cropped top, skinny jeans at boots.

"Ang ganda mo, Mia!" nakangiti kong bati rito.

"Sus, basic," sagot nito at saka humagikgik.

"Maganda ka rin naman, Caela," taas baba ang mga kilay na sabi ni Bradley.

"True," nakangiting segunda ni Mia.

Natawa ako nang bahagya at saka naalalang papasukin ang mga ito sa bahay. "Tara, pasok!"

Sumunod naman ang dalawa sa akin. "Pagpasensiyahan n'yo na ang bahay namin. Upo kayo."

"Kayo ba sina Bradley at Mia?" saad ni Nanay dahilan upang lingunin namin siya.

Mabilis naman tumayo ang dalawa kong kaibigan kahit hindi pa halos sumasayad ang mga puwit nila sa upuan naming kawayan. Nagulat ako nang lumapit si Bradley kay Nanay at saka nagmano. "Good morning po, Tita."

Ngunit mas nagulat ako nang lumapit si Mia at bumeso kay Nanay na ikinagulat ng huli. "Naku, ang baho ko pa at galing akong palengke."

Napangiti si Mia. "Hindi naman po tita."

"Mag breakfast muna kayo, kumakain ba kayo ng pansit at pandesal?" pagyaya ni Nanay sa kanila.

Bahagyang lumaki ang mga mata ni Bradley. "Paborito ko po ang mga iyan, tita."

Kuminang naman ang mga mata ni Nanay na halatang natuwa sa sinabi ni Bradley. Hindi na ako nagulat nang lingunin ko ang hapag at ang nakalatag na mga plato ay ang mas matatanda pa sa aking babasaging plato na tinatago ni Nanay. Lumalabas lang kasi ang mga iyon sa tuwing may bisita kami. Naupo kami sa monobloc chairs at walang arteng kumain ang mga kaibigan ko kahit plastic lamang ang aming mesa habang masayang nakikipagkwentuhan kay Nanay. Nang mabusog kami ay nagpaalam na rin kami dahil 10:30 sasalang sa basketball tryouts si Bradley at hiniling niya sa amin ni Mia na samahan namin siya bilang suporta.

"Mag-iingat ka magmaneho, Bradley," bilin pa ni Nanay bago kami sumakay sa kotse.

"Opo, tita. 'Wag po kayo mag-alala, iingatan namin si Caela," nakangiti pang sagot ni Bradley.

Sabay kaming sumakay ni Mia sa likod. Napatingin sa amin si Bradley sa rearview mirror. "Baka gusto ng isa sa inyo na lumipat sa harap, ano ako driver ninyo?"

Sabay kaming humagikgik ni Mia.

Ngumuso sa akin si Mia. "Caela, ikaw na sa harap."

"S-sigurado ka?"

Tumango ito kaya napilitan akong bumaba at lumipat sa harap.

"Seatbelt, Caela," halos sabay na sabi nila Bradley at Mia kaya hinila ko ang seatbelt sa aking kanan at saka hinanap sa kaliwa ang susuksukan nito.

Wala pang 30 minutes ay narating na namin ang SDC. Ipinarada ni Bradley ang kanyang sasakyan sa parking lot for students at saka kami nagmamadaling naglakad patungo sa aming building. Mula sa baba ay sumakay kami ng elevator. Tatanggi sana ako dahil takot talaga ako sumakay ng elevator dahil pakiramdam ko ay hindi ako makakahinga, pero nahihiya akong aminin iyon kina Mia at Bradley lalo na nagmamadali kami dahil kailangan pa magbihis ni Bradley. Napahawak ako sa bakal sa gilid upang kalmahin ang aking sarili. Mabuti na lamang at mabilis kaming nakarating sa itaas. Pagbukas ng pinto ng elevator nagmamadali akong lumabas upang makasagap ng hangin. Napahawak ako sa dingding upang subukang kumalma. Dahil nagmamadali si Bradley, hindi na nila napansin ni Mia na naiwan ako sa labas.

"Are you okay?"

Kinabahan ako sa pamilyar na boses na aking narinig mula sa aking likuran. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang pamilyar na kamay sa aking likod. Ganitong-ganito ang pakiramdam ko noong siya ang naging escort ko sa Santacruzan.

"Caela, answer me," pautos nitong sabi na may halong pag-aalala.

Tumango ako. "O-okay na ako, Emrys"

Hindi ko alam kung paano pero iniikot niya ang katawan ko at ngayong ay nakaharap na ako sa kanya habang ang kamay niya ay nananatili sa aking likod. Tinitigan niya ang aking mga mata at saka hinawakan ang aking kanang pisngi. Nilingon niya ang elevator at saka niya dinukot ang kanyang tumbler sa kanyang duffle bag. Doon ko lamang napansin na nakasuot siya ng jersey at basketball shoes.

"Drink some water," pautos na naman niyang sabi dahilan upang sundin ko na lamang siya. "Next time, tell your friends that you're claustrophobic. Admitting your weakness is also a strength."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Paano niya nalaman na takot ako mga lugar na saradong-sarado?

"There, bumalik na ang kulay mo. Halika na sa loob," pagyaya nito sa akin na salubong pa rin ang makakapal na kilay.

Napatango ako at nagpatianod sa paggiya niya sa akin patungo sa pinto ng gym. Aabutin na ni Emrys ang hawakan ng pinto nang bumukas ang double door at iluwa noon si Mia. Sandali itong natahimik nang makita si Emrys at muling ibinalik ang tingin sa akin.

"Girl, salita ako ng salita. 'Yun pala wala akong kausap," sabi ni Mia at saka nito dinampot ang kamay ko. "Halika na!"

Sumikip naman ang hawak ni Emrys sa beywang ko dahilan upang manigas ako at mapahinto maglakad. Umuwang ang mga labi ko sa pagkagulat.

"Don't drag her. She's still recovering from tachycardia and shortness of breath," madiin na sabi ni Emrys kay Mia.

Nanlaki ang mga mata ni Mia at saka ako tiningnan na parang nagtatanong kung anong nangyari. Bahagya lamang akong umiling.

Bumaba ang tingin ni Mia sa kamay ni Emrys na nakahawak sa beywang ko at bahagyang tumaas ang kilay nito. "Aalalayan ko na si Caela. Remove your hands from her waist."

Akala ko ay tatanggalin na ni Emrys ang kanyang kamay ngunit lalo niya akong hinigit papalapit sa kanya. Sinamaan niya ng tingin si Mia.

"E-emrys, okay na ako. Mauuna na kaming pumasok."

Nang maramdaman kong lumuwag ang kamay niya sa beywang ko, humakbang na ako palayo sa lalaki habang nakasunod naman si Mia sa akin. Pagpasok sa loob ay hinila na ako ni Mia sa bench malapit sa kinauupuan ni Bradley na nakikinig sa instruction ng coach.

Ngumiti si Bradley nang mapansin niyang papalapit kami sa puwesto niya at saka muling ibinalik ang atensyon sa nagsasalitang coach. Sa ikatlong row sa itaas kami naupo ni Mia.

"Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni Mia.

Tumango ako. Napatingin ako sa pinto kung saan kami pumasok kanina ni Mia nang lumitaw ang bulto ni Emrys at dumiretso ito sa isang umpukan ng mga lalaki.

"Sorry hindi ko agad napansin na wala ka na sa likod ko," narinig kong sabi ni Mia sabay hawak sa aking likod at saka ako tinapik. "Ano ba kasi ang naramdaman mo?"

"Ano kasi... claustrophobic ako. Kaya nahirapan ako huminga kanina sa elevator," nahihiya kong pag-amin kay Mia.

"Sorry, Caela. Alam ni Emrys na claustrophobic ka?"

Napailing ako. "Hindi ko alam, pero mukhang naghinala siya dahil tiningnan niya ang elevator."

"Baka galing siya sa West wing at nakita niya ang paglabas natin," saad ni Mia habang nakatanaw sa court. Tinawag na si Bradley sa gitna at pina-pag free throw.

Sabay kaming pumalakpak nang pumasok ang three-point shot ni Bradley. "Baka."

Dahil na-shoot lahat ni Bradley ang bola sa bawat area na inutos ng coach, pumasok siya sa next level ng tryout. Proud ang lalaki na lumingon sa kinauupuan namin, nag thumbs up naman si Mia sa kanya. Napangiti ako sa kanilang dalawa. Halatang-halata ang closeness nila.

Kasama si Bradley sa unang limang grade 11 na binuong grupo upang maglaro, nagulat ako nang tawagin ang grupo nila Emrys bilang kalaban nila Bradley. Habang naglalaro, isa sa mga teammate ni Bradley ang panay ang lingon sa aming kinauupuan lalo na kung magshu-shoot ito ng bola. Magaling ito at mismong kami ni Mia ay tuwang-tuwa dahil siya ang nagpanalo sa kanilang laban.

Matapos ang laro, sandali kaming iniwan ni Bradley para maligo at magbihis. Nagdesisyon kami ni Mia na lumabas na ng gym.

"Gusto mo ba mauna na tayo bumaba at pasunurin na lang natin si Bradley?" Tanong ni Mia habang tinuturo ang hagdan.

Sasagot sana ako nang lumabas sa pinto ang grupo nila Emrys kasunod ang lalaking ka-grupo ni Bradley kanina na magaling maglaro. Ngumiti ito kay Mia at lumapit.

"Hi! I'm JD delos Santos, you are?" nakangiting tanong niya na hindi tinatanggal ang tingin sa aking kaibigan habang nakalahad ang isang kamay.

Bahagyang namula ang pisngi ni Mia at saka nahihiyang inabot ang kamay ng lalaki. "Mia."

Ibinaling naman ng lalaki ang tingin sa akin at saka muling inilahad ang kanyang kamay. "And you are?"

Akmang hahawakan ko ang kamay ng lalaki ng biglang tumabi sa akin si Emrys at inabot ang kamay ni JD. "Emrys, pare. Ang galing mo maglaro kanina. Minsan one on one tayo!"

Nagkatinginan kami ni Mia.

"S-sige," alanganing sagot ni JD kay Emrys sabay kamot sa kanyang ulo.

Tinanguan siya ni Emrys at saka pumihit upang harapin ako. "May lakad pa kayo?"

Napalunok ako nang makita kong tila iritable ito. "O-oo. Pupunta kami ni Mia sa mall."

Tumango ito. Nakita kong kumaway si JD kay Mia at saka pumasok na sa loob ng gym.

Tiningnan ni Emrys si Mia at saka muling ibinalik sa akin ang kanyang atensyon. "Maghagdan kayo pababa."

Hindi naman nagustuhan ni Mia ang asta ni Emrys. "Ano bang akala mo sa amin, walang pakialam kay Caela?"

Hindi niya pinansin ang aking kaibigan at saka hinawakan ang aking baba dahilan upang mapatingin ako sa kanyang mga mata. Doon ko lang napagtanto na hindi kulay brown ang kanyang mga mata kungdi berde na may pagka-ginto.

"Ingat ka," pabulong na saad nito ngunit parang pautos pa rin. Naamoy ko ang tila mint niyang hininga.

Napalunok ako nang maramdamang wala na si Emrys sa harap ko. Nang lingunin ko ang lalaki ay may ilang metro na ang layo nito sa amin.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 80K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...
79.1K 3K 37
แด…ษชแด แด‡ส€ษขแด‡ษดแด›; แด›แด‡ษดแด…ษชษดษข แด›แด ส™แด‡ แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แดส€ แด…แด‡แด แด‡สŸแดแด˜ ษชษด แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แด…ษชส€แด‡แด„แด›ษชแดษด๊œฑ.
394 100 3
Two hearts beat as one, until one stops beating.
2.4K 111 13
open letters to myself