Campus Queen

By PrinsesaFever

2.3M 63.5K 9.8K

Book two. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Authors Note
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue
Till next time! :)
Special Chapter 1
Announcement
BOOK THREE

Chapter 34

28.9K 713 125
By PrinsesaFever

Hello! Dun sa chapter 32 diba ang nakalagay anniversary nila sa March 23? Mali 'yun. Ang anniversary nila ay november 23. I'll edit it soon. :)

Pumasok ako ng maaga kinabukasan. Tulala habang iniisip pa din ang nangyari kahapon.

"Wala. At kung meron man, para lang 'yun sa nararamdaman niya. Para sakaniya at para samin. Aakuin ko lahat. 'Wag lang siya masaktan."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakatingin lang ako sakaniya.

"Sana iniisip mo muna kung nasasaktan na ba siya. Dahil hindi mo alam, kung ilang beses siyang umiyak." Sabi sakaniya ni Jules.

Tumikhim si Blake at tinignan ako. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko kaya napatingin ako doon.

"Baby, I'm sorry." Sabi niya at niyakap ako.

Niyakap ko siya pabalik ngunit ilang segundo lang ay kumalas ako.

"Jules, tara na."

"Wait, wh--"

Pinutol ko siya. "I said let's go." Sabi ko at tumalikod na.

Ewan ko kung bakit ako tumalikod agad. Para kasing hindi ako naniniwala sa sinabi ni Blake na wala siyang tinatago.

Pagdaan ko sa room namin ay nakita ko ang mga kaklase ko na nakayuko. Anong meron sakanila?

Pumasok ako ng nagtataka pa din.

"Anong meron, guys?" Tanong ko sakanila ngunit walang sumagot saakin.

Dumiretso na lang ako sa upuan ko at tinignan sila Ara na nakangiti saakin.

"Ano bang meron? Ang weird grabe." Tanong ko sakanila.

Hindi rin sila kumibo. Pagkatapos ng ilang segundo ay tumingin sila sa harap kaya napatingin din ako.

Isa isang tumayo ang mga kaklase kong lalake at pumunta sa harapan pagkatapos ay humarap sila at tinapat sa dibdib ang mga illustration board.

I'm so sorry, baby.

Ayan ang nakasulat sa illustration board. Tinignan ko naman sila Ara.

"Kanino sila nags-sorry?" Tanong ko sakanila.

Tinignan ako ni Ara ng nakapoker face.

"Slow," Sabi niya at tumingin muli sa harapan.

Slow? Ano? Hindi ko magets!

Napatakip ako ng bibig ko ng makita kong pumasok si Blake at nakasabit sakaniya ang illustration board na nakalagay ay ':(' pinasadahan niya ng kamay ang buhok niya at kinuha mula sa kaklase ko ang bouquet.

Nilapitan niya ako at lumuhod siya sa harapan ko.

"I'm sorry for being a jerk. I'm sorry for getting mad at you easily that day. I'm just at the bad mood that time. I'm sorry, baby." Sabi niya at nilahad sakin ang flowers.

"Napaka bipolar mo. Bakit ba kasi mahal na mahal kita?" Sabi ko at niyakap siya.

"So, okay na tayo?" Tanong niya ng humiwalay ako.

Tumango ako, "Oo, kahit inis na inis ako sayo. Kahit galit na galit ako sayo wala naman akong magawa e. Mahal na mahal kita. Hindi kita kayang tiisin." Sabi ko at ngumiti.

"I love you." Sabi niya.

"I love you too." Sabi ko pabalik.

Hinalikan niya ako sa noo at niyakap akong muli.

Kinantyawan naman kami ng mga kaklase ko pati nila Ara.

"I'll see you later?" Ngisi niya.

"Ofcourse."

He pinched my nose kaya napa-aray ako pero tinawanan niya lang ako.

"I love you so much, Mrs. Garcia." Sabi niya bago lumabas.

Inasar ako ng mga kaklase ko pati na din nila Ara.

"Ikaw na teh!" Sabi nila saakin kaya tumawa na lang ako.

Inamoy ko ang bulaklak na bigay ni Blake. Ang bango.

**

Napaaga ang uwi namin dahil wala ang last two teachers namin. Nagkaroon daw ng conflict sa graduation namin kaya kailangang ayusin.

"San tayo?" Tanong nila Ian ng magkita kita kami sa labas ng room namin.

Inakbayan naman agad ako ni Blake habang nakatingin kila Ian.

"Dun tayo kay Manang? Kain tayo ng tusok tusok! Ang tagal na simula nung kumain ulit tayo dun." Alok ni John.

"Saan 'yun?" Tanong ni Ara sakanila.

"Basta, tara!" Sabay hila samin ng mga lalake.

Nakarating kami sa park na may mga stall ng mga fishball at may mga tindahan pa.

"Manang!" Sigaw nila Ian.

Lumingon samin ang matandang nasa 60+ pagkalapit namin sakaniya ay niyakap siya agad nila Ian.

"Ay naku 'tong mga batang ito. Bakit ba ngayon lang kayo uli bumalik ha? Ang tagal ko kayong hinintay." Sabi ni Manang pagkatapos siyang yakapin nila Ian.

Nagkamot ulo naman sila Bryan.

"Sorry po, manang. Sobrang busy po e kasi alam niyo na po, graduating po kami." Sabi ni John.

Tumango naman si Manang at napatingin siya sa gawi namin.

"Oh! Sino naman itong magagandang dalaga na ito?" Sabay lapit samin ni Manang.

Nagmano kami sakaniya at siya naman ay ngumiti saamin.

"Naku! Kegaganda naman nitong mga batang ito. Ano bang mga pangalan niyo?" Tanong niya saamin.

Nagpakilala naman agad sila Ara. Ako ang nahuli dahil nanguna nguna 'tong mga 'to.

Bumaling saakin si Manang at parang sinusuri niya pa ang mukha ko. Nagulat ako ng ngumiti siya at pumalakpak ng isang beses.

"Ikaw ang anak nila Piolo Dela Vega at Anna Dela Vega diba hija?"

Sasagot na sana ako ng bumalik siya sa stall niya at dali daling pumunta ulit sa harapan ko pinakita niya sakin ang isang magazine na nakacover kaming lima.

Ang caption doon ay 'Dela Vega Family' nakaupo si Tita at Tito habang kami nila Ate ay nasa likod nakatayo at nakangiti.

This were the times that I'm still a Dela Vega.

Tinignan iyon ni Manang at bumaling muli saakin.

"Ikaw nga!" Masaya niyang sabi.

Tumingin ako kila Ara at kita ko ang tingin nila na parang naaawa saakin. Ngumiti ako sakanila at tumingin kay Manang.

"Hindi po." Sabi ko kay Manang.

Tumawa naman si Manang, "Ikaw talaga hija. Tinatanggi mo pa. Kitang kita naman na dito na ikaw ito oh. Bakit? Bawal ka bang magpakita ka sa mga lugar na ganito?" Tanong ni Manang.

Umiling ako, "Hindi po talaga nila ko anak."

Binaba ni Manang ang magazine at tinignan ako.

"Paano nangyari iyon, hija?"

"Uhm, manang. Pwede na po ba kaming umorder? Nagugutom na po kasi kami. Hehehe," Sabi ni Bryan at humawak siya sa tyan niya.

"Ay oo nga pala. Pasensya kana hija. Hindi lang kasi ako makapaniwala na hindi ka anak eh lagi ka nilang kasama. Huwag kang magalala hindi ko naman ipagkakalat na nakapunta kana dito." Sabay ngiti sakin ni Manang at punta sa stall niya.

Agad naman lumapit sakin sila Ara.

"You okay?" Tanong nila saakin.

Nginitian ko sila, "Ofcourse. Bakit naman hindi?"

"Okay lang ba sayo na pinaguusapan 'yun?" Tanong ni Doms.

Umupo ako sa kainan nila Manang. Table lang siya na good for 5 pero pwedeng ipagdikit.

Pinagdikit nila Ian ang dalawang table at umorder na sila kay manang pagkatapos ay tinignan nila akong lahat ng may bahid na pagaalala sa mata.

"Bakit ba ganiyan kayo makatingin?" Tanong ko sakanila at tumawa.

"Nagaalala lang kami sayo." Sabi sakin ni Jai at hinawakan ang kamay ko.

Umiling ako.

"You don't need to, guys. Okay lang naman sakin."

"Are you sure?" Tanong sakin ni Blake.

Tinignan ko siya, "Of course. Accepance is one of the most important things to do in every situation."

"Basta, kapag may problema ka sabihin mo lang samin ha?" Sabi nila Ian.

"I will. Kayo din. One team tayo. Magtutulungan." Sabi ko.

Dumating si manang at 'yung apo niya kaya natigil kami sa paguusap.

"Eto na ang order ninyo." Sabi ni manang at nilapag ang mga inorder nila.

Napanganga na lang ako sa dami ng fishball, kikiam at chicken balls na order nila.

"Salamat po, nang. Eto po bayad namin." Sabay abot ni Blake kay Manang.

Ngumiti naman si manang habang ako ay tinikman agad 'yung chicken ball.

"Sharap." Sabi ko habang ngumunguya.

"Ay naku, salamat hija. Mabuti ka pa hindi ka maarte. Hindi tulad nung sumunod dito noon na babae na ang kintab ng mga alahas ay ubod ng kaartehan. Sino nga ba iyon Blake?"

Napatingin naman ako kay Blake at sumubo pa ulit ni chicken ball.

"Ah, si Vanessa po 'yun."

"Vanessa?" Tanong ko.

"Oo," Sagot ni Ian.

Uminom muna ako ng tubig bago bumaling sakanilang muli.

"Pumunta na siya dito? Kasama niyo pa? Kelan?"

Tumawa naman sila.

"Chill, Kylie. Matagal na 'yun intrams natin nung 3rd year tayo. Nagaway pa nga sila ni manang dahil sobrang sama ng ugali niya nun. Pati ba naman si manang sinasagot sagot." Sabi ni John at umiling.

Tumingin ako kay manang, "Hala. Sorry po manang. Sorry po sa ginawa nung babaeng 'yun. Tsk."

"Naku hija. Ayos lang 'yun. Sabi ko nga eh 'wag lang siya ulit magpapakita saakin." Sabi niya at tumawa, "Osiya sige. Iwan ko na muna kayo diyan ha? Babalik muna ako doon." Sabi niya at tumalikod na.

Napabuntong hininga naman ako.

"Hays. Grabe talaga 'yung babaeng 'yun." Sabi ko.

"Ang tagal na nun, by. Kaya hayaan mo na." Sabi ni Blake saakin.

"Hindi. Matanda pa din 'yun kaya dapat nirespeto niya!" Inis kong sabi.

"Chill, Kylie." Tawa nila Ian.

"Eh--"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng nilagyan ako ni Kinah ng fishball sa bibig.

"Shattap. Kumain kana lang." Sabi niya.

Tumawa naman silang lahat habang ako ay bumusangot na lang.

"Say ahh, hon." Sabi ni Ian kay Jai.

Ngumanga naman si Jai, "Ahhhh." Sabi niya.

Sinubo naman sakaniya ni Ian 'yung kikiam, "Uhhhhh."

Namilog ang mata naming lahat ng sinabi iyon ni Ian.

Binatukan siya bigla ni Jai at tinignan ng masama.

"Umayos ka! Kalibugan mo!" Inis na sabi ni Jai kay Ian.

"Ay, hehehehe. Sorry na hon. Eh kasi ang sayang pakinggan e." Suyo ni Ian.

"Leche." Sabi ni Jai at kumain na lang.

Nagtawanan na lang kami dahil sa pinairal ng dalawa.

Pagkatapos naming kumain ay nagkayayaan na umarkila ng bike.

"Bago lang 'to dito ah! Try natin." Aya ni Ethan.

"Game!" Sabi naming lahat.

Kukuha na sana ako ng bike ng hinawakan bigla ni Blake kamay ko para pigilan.

"No. Aangkas ka sakin." Ngisi niya.

"But--"

"Come on." Sabi niya at hinatak ako.

Nakabusangot ako habang pinapaandar niya ang bike. Walang thrill!

"Hey, baby?" Tawag sakin ni Blake.

"What?" Inis kong tanong.

Narinig ko ang halakhak niya, "Chill." Sabi niya.

"Chill? Paano ako makakapagchill kung angkas lang ako?"

"Ayoko kasing ikaw magpedal. Mahirap na, baka magalusan ka."

"Ang OA mo. Kaya ko naman e!"

"No."

Binelatan ko na lang siya mula sa likod niya. Bwisit.

Pagkatapos kong umangkas (note the sarcasm please -.-) sakaniya ay hinawakan niya agad ang kamay ko at naglakad kami patungo sa swing.

Umupo kaming dalawa dun at ako naman ay dinahan dahan ang pag andar gamit ang paa ko.

"By, pano kung magkaron tayo ng problema? 'Yung kailangan nating maghiwalay. Bibitaw ka ba?" Tanong niya bigla.

Napatingin naman ako sakaniya, "Bakit mo naman natanong 'yan?"

"Wala. Sumagi lang sa isip ko e. Sagutin mo na."

Bumuntong hininga ako at tumingin sa mga batang naglalaro.

"Hindi. Dahil lahat ng problema nasosolusyunan sa paraan na hindi kailangan maghiwalay ng dalawang tao."

"Pero pano kung 'yun ang solusyon dahil buhay ng isa ang nakasalalay? Paano kung kailangan talaga nilang maghiwalay dahil ayaw nung isa na masaktan 'yung karelasyon niya? Hindi ka pa din ba susuko?"

Naweirdohan ako sakaniya kaya tinignan ko na siya ulit.

"Bakit ganiyan mga tanong mo? May problema ba?" Tanong ko.

Umiling siya at tumayo sa harapan ko. Lumuhod siya at seryoso akong tinignan.

"Wala, by. I just want to say that I love you so much. No other girl can replace you in my heart." Sabi niya at may kinuha sa bulsa ng pants ng uniform niya.

Napatakip ako ng bibig dahil sa kinuha niya.

Sinuot niya sakin ang silver na singsing na may nakasulat na "BlakeLie ∞ 11.23.14"

Niyakap niya ako pagkatapos niyang isuot sakin iyon.

"'Wag kang bibitaw kahit anong mangyari. We'll fight together, right?"

Tumango ako at niyakap siya.

Vanessa's Pov

March 15 na. Naligo na ako't nagbihis at bumaba sa parking lot. Sumakay ako sa sasakyan ko at pinaharurot agad ito sa bahay nila Rachelle.

"Elle!" Sigaw ko mula sa bintana ng kotse ko.

Nakita ko siyang nagsusuklay pa lang palabas at kasunod niya doon si tita.

"Eto na!" Sigaw niya.

Umirap ako at bumaba. Nagmano kay tita at nagpaalam.

"Osige, ingat kayo ha." Paalala ni tita.

"Opo." Sabi ko at sumakay ng muli.

Sumakay na din si Rachelle sa tabi ko at agad ko naman itong pinaandar.

Buong byahe patungo sa EU ay kinekwento niya lang ang kapitbahay niya na crush niya.

Siya si Rachelle. Ang totoo kong kaibigan at scholar ng EU. Hindi naman kasi siya gaanong kayaman hindi din gaanong kahirap. Middle class naman ang pamilya niya.

Pagdating sa EU ay agad kong pinark ang sasakyan ko at lumabas na kami.

"Tapos, alam mo ba, nakasabay ko siyang bumili ng toyo sa tindahan! Omg lang! Nung una inis ako kay Mama dahil paulit ulit niyang utos sakin 'yun pero nung nakasabay ko si crush ay jusme! Kilig ako ng bongga paguwi! Ngumiti pa siya saakin omg lang!" Sabay hampas niya sakin.

"Aray ah!" Reklamo ko.

"Eh kasi ang pogi niya! Tas pinauna niya pa ko..." Patuloy lang siya sa pagkwento ng mahagip ko ang limang tao na nandoon sa dulo. Malapit sa dagat.

Hinila ko agad si Rachelle papunta doon at nagtago kami sa likod ng pader.

Hindi ko masiyadong marinig ang pinaguusapan nila kaya binalingan ko si Rachelle na patuloy pa din sa pagkwento.

"Tapos hanggang paguwi hina--"

Tinakpan ko ang bibig niya.

"Shh!" Inis kong sabi.

"Ay, sungit. Ano bang meron at nakatingin ka... diyan. Ow?" Sabi niya at ng makita niya limang tao na tinitignan ko ay napahinto siya.

"Omg! Si ano 'yan diba?"

Dahan dahan akong tumango.

"You're getting married soon do it or else, tuluyang babagsak ang iniingatan mo." Sabi sakaniya ng isang lalaki.

Halos maiyak ako sa narinig ko.

"Shit..." Sabi ko at napatakip sa bibig ko.

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 182K 38
Completed [Book 2 of HGP] || Tyler was not Adrienne's star but her whole sky. Everything was flawless for the both of them but what if "Tragedy" will...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
58.9K 547 36
Bestfriends, turned to be enemies, and turned to be lovers.. Young love perhaps? :)
8.2M 93.7K 45
This story is already edited. Thank you for reading :)