Her Asset

By Unnie_Corn0

2K 704 43

Amery Gem Thompson is a senior high school student in the ABM strand. She promised herself to focus on academ... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 43

21 6 0
By Unnie_Corn0

Kanina pa ako nakahiga sa kama pero kahit anong pilit ko ay hindi ako tinatablan ng antok. Ang mga kasama ko sa room ay tulog na.

Umupo ako at kinuha ko ang phone ko. Nakitang kong 10 pm na ng gabi. Dahan-dahan akong bumaba sa aking kama para hindi magising ang mga kasama ko.

Paglabas ko pa lang ng aming room ay sumalubong na sa akin ang malamig na hangin. Para itong yumayakap sa aking balat.

Kaunti na lang ang mga taong nakikita ko ngayon. Malamang ay natutulog na ang iba. Malalim ang iniisip ko habang naglalakad sa dalampasigan. Sumasalubong ang mga alon sa aking mga paa.

Wala akong dala na kahit ano ngayon. Iniwan ko ang phone ko sa kama ko. Umupo ako sa puting buhangin. Pinapakinggan ko lang ang tunog ng alon.

Habang nakaupo ako ay may umupo na isang lalake 'di kalayuan sa pwesto ko. Nakasuot ito ng hoodie kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Pero bigla kong iniwas nang mabilis ang mukha ko nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko. Naramdaman niya ba na nakatingin ako sa kanya? Hindi niya naman siguro ako nakita?

Nakakahiya!

Tumayo ako at tumalikod sa lalake. Napagpasiyahan ko na lang na bumalik sa room namin.

Pero hindi pa ako nakakalayo nang may humila sa kamay ko at pinaharap ako sa kanya. Nang makita ko kung sino ang humila sa akin, nanlaki ang mga mata ko.

"Ivan, anong ginagawa mo rito?"

Nakasuot ito ng hoodie. Naalala ko tuloy ang lalaki kanina na dahilan nang pag-alis ko. Wait...nakahoodie? Lumingon ako sa pwesto ng lalake kanina. Pero wala na siya roon.

"Ikaw ba 'yong lalake kanina na nakaupo ro'n?"

Tinuro ko ang pwesto kanina ng lalake. Tumayo naman siya sa akin. Si Ivan lang pala 'yon.

"Bakit gising ka pa?" Hindi niya pinansin ang naunang tanong ko.

"Hindi kasi ako makatulog. Nagpapaantok lang ako rito sa labas."

Binitawan niya ang hawak niya sa akin. "It's not safe for a girl like you to go out in the middle of the night. Paano na lang kung may mangyaring masama sa'yo?"

Binaba ko ang tingin ko sa aking mga mata. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.

"Eh, ikaw, bakit gising ka pa?"

"I can't sleep, too."

Tsk! Gano'n din naman pala ang dahilan niya!

Nagsimula kaming maglakad sa gilid ng dagat. Mas naging kaunti ang mga taong nandirito. Mas lumakas din ang tunog ng alon, mas tahimik kasi rito sa lugar na 'to.

"Dapat ay hindi mo iniwan si Claire ro'n."

Binulong ko lang ito, pero parang narinig niya ata ang sinabi ko dahil napahinto siya sa paglalakad.

Dapat talaga ay sinasarili ko na lang ang mga iniisip ko! Para hindi na ito lumabas sa bibig ko.

"Hindi ko naman siya iniwan."

Lumingon ako sa kanya. "Paanong hindi mo iniwan, nandito ka nga ngayon, eh? Baka magising siya at hanapin ka niya."

Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya. "Hindi ko siya iniwan dahil una pa lang, hindi ko siya kasama." Huminto siya sandali sa pagsasalita. "If you're thinking that we're on the same room, you're wrong, then. I booked another room for myself."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Pero ang sabi ni Claire..."

Umiling ako sa kanya. Ititikom ko na lang ang bibig ko.

"What did she say?"

Umiling ulit ako. "Hindi naman importante 'yon, Ivan. Huwag mo na lang isipin."

Pero hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa akin. Kaya naman kahit malamig ang simoy ng hangin, pinagpapawisan pa rin ako.

"Please tell me, Amery. What did she say to you?"

Kulit!

"A-ano...magkasama raw kayo sa iisang kwarto."

"Ayun lang ba?"

Binaba niya ang ulo niya para mapantayan ang akin. Bahagya ko naman inilayo ang mukha ko, mabuti na lang at madilim na ngayon dahil makikita niya ang mukha ko na namumula.

"Baka raw ano...may mangyari na ano..."

Puro ako ano! Hindi ko masabi ang tamang term para ro'n. Ramdam kong pinagpapawisan na rin talaga ako. Lalo na't nakatitig sa akin si Ivan.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Bumaba ang tingin ko sa buhangin at pinaglaruan ko ang mga daliri ko sa kamay.

"Don't believe in her, Amery. I'm not planning to do that with her. I just really want to break up with her. But I'm scared that she will take her own life."

Inangat ko ang mukha ko para harapin siya. "Paano kung bumalik ang alaala mo tapos naalala mo na siya 'yong girlfriend mo?
Makikipag-hiwalay ka pa ba sa kanya?

Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay sa bulsa ng kanyang pants. "Hindi ko nga alam kung girlfriend ko ba talaga siya. I'm not really interested in girls. Kaya nagulat na lang ako nang magpakilala ito bilang girlfriend ko."

Tumingin ako sa kawalan. "Wala ka pa bang naaalala na kahit ano sa past mo?"

Naramdaman kong lumingon siya sa akin. "Nothing. But there's this girl in my dream. I can't see her face, but I heard her calling me by my name."

Sino ang babaeng 'yon? May iba pa ba bukod kay Claire?

"Ivan, naaalala mo ba kung bakit ka nagkaroon ng amnesia?"

Umiling siya. "Sinabi lang sa akin ng Doktor na aksidente ang dahilan nito. Pero hindi ko maalala ang nangyari ng mga panahong 'yon."

Tumango ako. "Mabuti na lang at ligtas ka."

Umupo kaming dalawa sa buhangin. Sumakit na rin kasi ang paa dahil kanina pa ako nakatayo.

"Amery, is Christoff courting you?"

Bakit ba ang hilig niyang itanong sa akin si Christoff? Mukha ba talaga kaming magkasintahan?

"Hindi no! Kaibigan lang ang turing namin sa isa't-isa."

Tumango siya at kinagat ang labi niya. "I'm sorry for asking."

Umiling ako. "Ayos lang, hindi lang naman ikaw ang nagtanong niyan sa akin."

Tumawa pa ako nang bahagya sa sinabi ko. "I think he likes you, Amery."

Napangiti ako nang maalala na sinasabi rin ni Ivan dati na may gusto sa akin si Christoff.

"Kaibigan ko lang siya, Ivan."

"That's good, then."

Tumingin ito sa dagat na may ngiti sa labi.

"Naging kaibigan niyo rin ba si Claire?"

Umiling ako sa kanya. Inaaway niya ako lagi kaya bakit ko siya magiging kaibigan? "No, pero dati pa ay obsessed na sa'yo si Claire. Kahit no'ng umalis ka para pumunta sa New York, sinundan ka niya."

Nakita kong nagsalubong ang mga kilay niya. "Hindi pa kami noong pumunta ako sa New York?"

Tumango ako. Hindi talaga magiging sila no'n. Kaming dalawa pa ang magkarelasyon noon. Nasira lang naman dahil kay Claire.

"Inaantok na ako, Ivan. Hindi ka pa ba inaantok?" Tumayo siya at inilahad ang kanyang kamay sa akin. Iniabot ko 'yon at hinila niya ako para makatayo ako.

"Medyo inaantok na rin. Let's go, hatid na kita sa room niyo.

Umiling ako sa kanya at inalis ko ang natitirang buhangin na dumikit sa pants ko nang umupo ako sa buhangin kanina.
0
"Hindi na, Ivan. Malapit lang naman ang room namin. Kaya ko naman na."

Pero umiling lang din siya sa akin. "Gusto mo bang hindi ako makatulog lalo dahil sa pag-aalala sa'yo?"

Kinuha niya ang kamay ko at naglakad. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya dahil hawak niya ang kamay ko.

Tinambol din ang puso ko nang marinig ang sinabi niya. Huminga lang ako nang malalim para ikalma ang tambol ng aking puso.

Nang makarating kami sa tapat ng pinto ay binitawan niya na ang kamay ko.

"Thank you, Ivan. Good night."

Ngumiti siya sa akin."Good night, Amery."

Pumasok ako sa room namin nang dahan-dahan. Tulog na tulog pa rin sila. Humiga na ako sa aking kama at ipinikit ang aking mga mata.

Nagising na lang ako sa sinag ng araw na tumapat sa aking mukha. Ang sarap ng aking tulog!

Nakangiti rin ako habang naghihilamos ng aking mukha. Wala na ang mga kaibigan ko sa kanilang mga higaan. Hindi man lang nila ako ginising.

Paglabas ko ng banyo ay tinignan ko ang phone ko. Pagkakita ko pa lang sa oras ay lumabas na agad ako ng room. Malapit na palang mag-tanghali!

Gano'n kasarap ang tulog ko!

Nakita ko ang mga kaibigan ko ro'n. Pumunta agad ako sa kanila. Naghahanda pa lang sila ng aming kakainin.

Nagtaka ako nang hindi ko makita si Ivan doon. Si Claire naman ay nasa gilid lang at mukhang bad mood agad.

"Bakit hindi niyo ako ginising?"

Kunwari pa akong nagtatampo sa kanila. Hinampas naman ni Fatima ang braso ko. Aray! "Anong hindi ginising?! Apat na kami na gumigising sa'yo pero hindi ka gumising."

Late na kasi akong natulog kagabi!

"Natakot pa nga kami noong una dahil akala namin ay may nangyari nang masama sa'yo, nakahinga lang kami nang maluwag dahil humihinga ka pa noong i-check namin." Dagdag ni Julianna.

Ngumuso naman ako at tumulong sa paghahanda. Habang busy kami sa paghahanda ay biglang dumating si Ivan.

"I'm sorry, guys. I just woke up."

Tumabi sa akin si Mila. "Late ring nagising ang pinsan ko, bakit kaya?" Bulong niya sa akin.

Nagulat ako sa sinabi. Sinamaan ko naman ito nang tingin. Tumawa lang siya at lumayo na sa akin.

Wala naman kaming ginawang masama ni Ivan, ah?

Nang magtama ang paningin naming dalawa ni Ivan, ngumiti siya sa akin. Gumanti naman ako sa magandang ngiti na ipinakita niya sa akin.

"Good morning." Walang boses na sabi niya.

Gumaya rin ako sa kanya kaya mas lalong lumaki ang ngiti niya. Nawalan na rin siya ng mata dahil singkit siya.

Cute!

Hindi ko nga masabi kung morning pa ba. Magtatanghali na rin kasi kaya nagsimula na kaming kumain. Napansin ko lang na walang gana si Claire ngayon na kumain. Mukhang hindi nga maganda ang gising niya.

Nang makapagpahinga na kami ay pumunta na sa dagat ang iba naming kasama. Si Claire at Ivan na lang kasama ko ngayon.

"Ivan, let's swim, please!"

Umiling si Ivan sa kanya. Nakita kong ang paglingon ni Ivan sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"I'm still full, Claire. If you want to swim, then go." Nakita kong sumama ang mukha ni Claire.

"Excuse me, babalik lang ako sa room."

Nagpaalam ako sa kanila. May nakalimutan akong kunin sa loob ng room namin! Nang makalayo na ako sa kanila ay may humili ng kamay ko at sinampal ako sa mukha.

Uminit agad ang mukha ko nang makitang si Claire ang gumawa sa akin no'n."

"Ano bang problema mo?!"

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Bakit nilalandi mo si Ivan, huh?! Hindi mo ba naiintindihan na ako ang girlfriend niya?!"

Tanga ba siya? Wala akong ginagawa kay Ivan. Kung sino ang malandi sa aming dalawa, nasa kanya na ang korona!

"Girlfriend ka ba talaga niya? O baka naman nagpapanggap ka lang?"

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Pinaglaruan niya ang kanyang mga kamay. Parang kinakabahan siya. Mas lalo tuloy akong nagduda sa kilos niya.

"Baka naman sinabi mo lang kay Ivan na ikaw ang girlfriend niya? Tama ba ako, Claire?"

Nakita ko ang namumuong pawis sa kanyang noo. Kinakabahan nga siya. Ngumisi ako nang makita ang reaksyon niya. Hindi rin ito makasagot sa tanong ko.

"Your reactions seemed to answer all my questions, Claire. You're saying that Ivan is your boyfriend. But does his heart belong to you? Or are you just being delusional?"

Continue Reading

You'll Also Like

9.8K 82 36
| This story is dedicated to those who can't move on and and still longing for their past. | Reign Andrea Bernabe Alcazar is still in grief after lo...
513K 14.7K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?
206K 10K 56
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
10M 517K 43
|| Featured FREE story with exclusive paid chapters - previously a paid story || When Haley discovers the truth behind Xavier, whose silence holds a...