Varsity Boys #1: Best Mistake

Da Lovethemtoloveyou

336 24 1

Those blue eyes, i can't remember where and when did i see it. Nang aakit ang mga matang yon and when i stare... Altro

BEST MISTAKE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43

Chapter 33

6 0 0
Da Lovethemtoloveyou


Monthsorry? •




Paguwi namin ng bulacan ay nagpasya kaming ipacheck up si tatay. Nag reseta sila ng gamot at pinayuhan si tatay na wag na munang magkikilos at magpahinga. Kaya hindi na namin siya pinagtinda ni ate kendi.

Balak ko sanang puntahan ngayong araw si jules dahil hindi na siya tumatawag sakin. Akala ko nga nung nasa probinsya ako ay hahanap hanapin niya ako dahil kinuha ni alliah ang phone ko at hindi niya ako macocontact pero hindi niya naman pala ako tinatawagan.

Nakaupo ako sa sala ngayon at binabatayan si tatay. Maya maya na ako aalis pag dating ni ate kendi. Para may magbabantay parin kay tatay kapag umalis ako.

Kailangan namin bantayan si tatay dahil maya't maya namin siya pinapainom ng gamot. Kinukuhanan din namin siya ng bp para mas masiguro naming maayos ang lagay ng dugo niya.

"Hindi niyo naman na ako kailangan alagaan" sabi ni tatay at nakangiti naman akong umiling sa kanya.

"Kahit hindi ka namin kailangan alagaan, aalagaan ka padin namin" nangingiting sabi ko sa kanya at wala siyang nagawa

Nahiga nalang siya sa sofa at nanood ng tv. Sakto namang pasok si ate kendi mula sa labas ng bahay.

"Ate aalis ako ngayon" paalam ko "May lalakarin lang ako saglit" sabi ko

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Sa mall lang, kasama ko si aya" pagsisinungaling ko.

Alam kong hindi niya ako papayagan kapag sinabi kong sa bahay nila jules ako pupunta. Malaki parin ang galit ni ate sa kanila kaya maging ako ay hindi na niya pinapayagang makipagkita kay jules.

Hindi ko alam kung nakikisama lang ang panahon pero maging si jules ay wala paring paramdam sakin. Hindi niya ako tinatawagan o tinetext. Hindi niya rin ako naiisipang bisitahin or puntahan dito sa bahay.

Wala akong balita o salitang naririnig mula sa kanya. Kahit kay aya at raze ay wala akong naririnig tungkol kay jules. Hindi ko alam kung ano na ba ang nangyayari sa kanya.

"Siguraduhin mo lang bellatrix" seryosong sabi niya at nakangiti naman akong tumango.

Nakangiti akong lumabas ng bahay dala ang cellphone ko. Sinubukan ko munang tawagan si jules pero walang sumasagot. Baka busy siya ngayong umaga kaya maya maya ko nalang ng onti tatawagan.

Medyo madilim ang kalangitan pero hindi niya ako mapipigilan sa pagalis ko ngayong araw. Hindi narin ako nakapagdala ng payong dahil malayo na ako sa bahay nang mapansin ko ang madilim na kalangitan.

Dumaan muna ako sa isang cake shop dahil gusto kong icelebrate ang monthsarry namin. Hindi kami nakapagcelebrate ng november dahil nasa probinsya ako. Kaya ngayon nalang namin icecelebrate ang monthsarry namin.

Pinili ko ang chocolate cake na pareho naming favorite ni jules. Pinalagyan ko din yon ng dedication na 'happy 3rd monthsarry'. Nang matapos ay masaya ko yong binayaran at kinuha.

Nang makalabas sa cakeshop ay agad akong dumiretso sa sakayan ng tricycle. Binilisan ko na ang paglalakad ko dahil medyo umaambon ambon na din.

Nagsimula nang umandar ang tricycle at nakangiti lang ako habang nakatingin sa cake na hawak ko. pero nang malapit na kami kila jules ay biglang huminto ang tricycle na sinasakyan ko. Taka ko namang tinignan si kuyang driver at ngumiti naman siya sakin.

"Nasiraan po ako, makakapagantay po ba kayo?" tanong niya at binigyan ko lang siya ng maliit na ngiti.

"Wag na po, malapit na din naman ako sa pupuntahan ko" nakangiting sabi ko at inabot ang bayad sa kaniya.

No choice ako kung hindi maglakad papunta sa bahay nila jules. Nang makarating ay agad akong nag doorbell. Yung maid na madalas akong pagbuksan ang lumabas.

"Andyan po si jules?" nakangiting tanong ko at nagaalangan naman siyang tumango.

Bahagya niyang binuksan ang gate kaya nginitian ko siya at pumasok na sa loob. Madalas tambay si jules sa pavilion kaya sa likod ng bahay na nila ako dumiretso.

Naglakad ako papunta sa pavilion nila jules habang may ngiti sa labi. Nakangiti ako habang nakatingin sa cake na hawak ko. Masyado akong excited para sorpresahin si jules ngayon dahil nakauwi na ako from province.

"Sur-" napatigil ako sa pagsigaw nang makita ko si jules sa pavilion "prise..." malungkot na dagdag ko.

Halos manlabot ang tuhod ko nang makita si jules sa pavilion. May kayakap siyang babae habang umiiyak. Hindi ko maiwasang mainggit dahil ako dapat ang kayakap niya.

Balak ko siyang sorpresahin ngayong araw dahil bukod sa nakauwi na ako, icecelebrate din sana namin ang monthsarry namin. Hindi ko naman inaasahang ako pala ang masusurprise.

Dahan dahan naman akong humakbang paatras. At lumabas ng bahay nila.

Huminga ako ng malalim at ngumiti. Kunyari ay wala akong nakita. Dito nalang muna ako sa labas at aantayin kong sunduin niya ako dito.

Agad naman akong napangiti nang magring ang cellphone ko at ang pangalan ni jules ang bumungad. Busy lang talaga siya kanina. Ngayon hindi na.

"babe" bungad ko nang masagot mo ang tawag.

Tinaggal ko sa utak ko lahat ng mga iniisip ko. Ang mga mangyayari nalang ngayong araw ang iisipin ko. Kagaya nalang ng pagcecelebrate namin ng monthsary namin ngayon.

"Bella..." umiiyak na tawag niya sa pangalan ko "I'm sorry..." muling sabi niya.

"A..no ka ba! Bak..it ka nagsosorry?" kinakabahang tanong ko.

"Mahal ko pa si courtney..." mahinang sabi niya "Let's break up" dagdag niya at pinatayan ako ng tawag.

Muli kong tinawagan ang number ni jules pero mukhang binlock na niya ang number ko. Mabilis akong lumakad palapit sa gate nila pero naka lock na yon. Nag doorbell ako ng nagdoorbell pero walang nagbubukas ng gate.

"JULES!!" sigaw ko "KAUSAPIN MO AKO!" muling sigaw ko.

Bigla nalang bumuhos ang mga luha ko. At kasabay ng pagbuhos ng luha ko ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Sinubukan kong maghanap ng masisilungan pero wala akong makita

Dumiretso nalang ako ng tayo sa tapat ng bahay nila jules. Basa naman na din ako kaya susulitin ko na.

"Jules!! Kausapin mo ako" muling sigaw ko "Kahit wag kana magpaliwanag about sa mga nangyari nung nakaraan basta kausapin mo lang ako please!" pagmamakaawa ko pa.

Sinubukan kong magdoorbell ulit pero wala talagang lumalabas para pagbuksan ako ng gate.

"Tita cynthia! Tito carl!" sigaw ko nagbabakasakali na maririnig nila ako "Jules please magusap tayo" muling sigaw ko.

Halos mamaos na ako kakasigaw pero wala pading lumalabas para pagbuksan ako ng gate. Nanghihina nalang akong napaupo sa gitna ng kalsada ng village nila jules dahil sa panghihina.

Napatingin ako sa cake na dala ko kanina. Ang kaninang masarap tignan na cake ay durog durog na ngayon at naliligo na sa malakas na ulan. Maging ang cellphone ko ay basa na din.

Muli akong tumayo at nagsisigaw ulit. Napangiti ako nang may magbukas ng gate at iluwa non si tita cynthia na nakapayong at tinitignan ako. Agad naman akong lumapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo dyan sa labas ng bahay?" takang tanong niya at tinignan ang paligid "Sigaw ka pa ng sigaw, hindi mo ba alam na nakakaistorbo ka sa mga kapitbahay?" biglang taray na tanong niya.

Pinigilan ko ang emosyon na kumakawala sa mukha ko. Pinilit kong ngitian si tita cynthia. Alam kong mabait siya, alam kong hindi niya magagawa ang mga sinasabi ni ate kendi. Alam ko yon!

"Pwede ko po bang makausap si jules?" nagbabakasakaling tanong ko.

"Kasama niya ang girlfriend niya ngayon kaya sigurado ay busy sila" sagot ni tita kaya napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang muling pagtulo ng luha ko.

"Tita ako po ang girlfriend ni jules.." mahinang sabi ko.

"Hindi ba't nakipagbreak na siya sayo?" sarkastikong tanong niya "Umalis ka na dahil nakakaistorbo ka lang. Wala kang mapapala dyan kung sisigaw ka nang sisigaw" dagdag pa niya at sinaraduhan ako ng gate.

"Pwede pong wag niyo nalang ibenta ang lupa na kinatitirikan ng bahay namin?" mabilis na tanong ko na nakapagpatigil sa kanya.

Dahan dahan siyang humarap sakin at tinitigan ako. Huminga siya ng malalim at umiling. Para bang sinasabi niyang wala na akong magagawa para mabago ang isip at desisyon niya.

"Hindi niyo na mababago pa ang isip ko" matigas na sabi niya at dire-diretsong pumasok sa bahay nila.

Dahan dahan naman akong napaatras mula sa gate nila. Hinawi ko ang mga buhok kong nakaharang na sa paningin ko. Basang basa na ako pero wala parin akong planong umuwi ng bahay.

Inangat ko ang paningin ko sa bahay nila at tumama yon kay jules. Nakasilip siya mula sa bintana ng second floor. Nginitian ko siya at pinulot ang cellphone ko para tawagan siya na sinagot naman niya.

"Jules please magusap tayo, kahit dalawang minuto lang" pagmamakaawa ko "Namimiss na kita oh" dagdag ko pa nang hindi siya magsalita.

Nagangat ako ng tingin sa second floor pero wala na siya doon. Hindi siya nagsasalita kaya akala ko ay namatay na ang tawag.

"Hindi ko na hihingin ang paliwanag mo basta wag ka lang makipagbreak sakin jules parang awa mo na" pagmamakaawa ko ulit "Nasanay na ako sa presensya mo kaya wag mo naman akong iwan sa ganitong paraan" dagdag ko pa.

Wala parin akong nakuhang sagot mula sa kanya. Naninikip na ang dibdib ko at medyo nahihilo na ako pero hindi ko yon ininda.

"Jules please..." pagmamakaawa kong muli.

"Umalis kana" malamig na sabi niya "Ayoko nang makausap at makita kang muli" dagdag pa niya at pinatay ang tawag.

Napaupo naman ulit ako sa sahig at napahawak sa kwintas na suot ko. Sobrang saya pa namin ng binigay niya ang kwintas na to sakin. Bakit naman umabot kami sa ganitong punto? Hindi ko alam kung ano ba ang mga nagawa kong mali.

Nakaupo lang ako sa gilid ng kalsada at nagaantay na baka labasin ako ni jules. Baka maawa siya sakin at labasin niya ako. Hindi ako aalis dito hangga't hindi kami nagkakausap ni jules.

Malakas parin ang ulan at nilalamig na ako. Hindi ko na rin masyadong makita ang paligid dahil nagsasabay ang alikabok na nagagambala ng bawat patak ng ulan sa pagbuhos nito.

Bigla nalang akong nakaramdam ng hilo at paninikip ng dibdib. Napahawak ako sa noo ko at maya maya lang ay bigla nang nagdilim ang paningin ko.

Nagising ako nang may maramdaman akong malamig na bagay ang dumadampi sa balat ko. Nakita ko ang seryosong mukha ni ate kendi. Nilibot ko ang paningin ko at napagtantong nasa kwarto ko ako.

"Si jules ate.." sambit ko at pinilit tumayo pero pinigilan ako ni ate kendi.

"Pagpahingahin mo ang sarili mo" seryosong sabi niya kaya muli akong nahiga "Masyado kang nababad sa ulan ng matagal, sumabay pa ang pagod mo kaya nawalan ka ng malay" imporma niya niya at bahagya naman akong napatango.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay. Basta ang alam ko lang ay biglang nagdilim ang paningin ko at paggising ko ay nandito na ako sa bahay.

"Nang tinawagan ko si aya sinabi niyang nasa bahay siya nila kaya alam ko kung saan ka na agad pupunta" sabi niya "Nang magpunta ako sa bahay nila jules ay naabutan kitang nakahiga sa sahig at walang malay" dagdag pa niya.

Si ate kendi pala ang naguwi sakin. Hindi sana ako aalis sa bahay nila jules hangga't hindi niya ako hinaharap pero masyado palang mahina ang katawan ko. Simpleng ulan lang ay hindi pa nakayang labanan.

"Nagalala si tatay sayo at alam mong bawal sa kanya ang maistress. Baka yan pa ang maging dahilan ng pagsakit ng puso niya" sabi ni ate kendi at napayuko naman ako "Wag munang matigas ang ulo mo bellatrix, parang awa mo na" pagmamakaawa niya kaya tumango naman ako

Sa mga susunod na araw ko nalang ulit pupuntaha si jules at magbabakasakaling kausapin siya. Baka mainit lang talaga ang ulo niya ngayon

Continua a leggere

Ti piacerΓ  anche

467K 13.3K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?
80.3K 3.1K 38
α΄…Ιͺᴠᴇʀɒᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅΙͺΙ΄Ι’ ᴛᴏ ʙᴇ α΄…Ιͺκœ°κœ°α΄‡Κ€α΄‡Ι΄α΄› ᴏʀ α΄…α΄‡α΄ α΄‡ΚŸα΄α΄˜ ΙͺΙ΄ α΄…Ιͺκœ°κœ°α΄‡Κ€α΄‡Ι΄α΄› α΄…ΙͺʀᴇᴄᴛΙͺᴏɴꜱ.
1.1M 35.1K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #1 in overprotective #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her ent...
140K 1.8K 56
Well i mean its just imagines of walker sooooo Also request are open so if you want one just let me know!