The Wrong One (BOS: New World...

By JFstories

10.5M 392K 94.3K

Hendrix Ybarra is your college professor by day, your manager in your part-time job by night, and your gorgeo... More

Prologue
Rix Montenegro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22 [Part 1]
Chapter 22 [Part 2]
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
EPILOGUE
New World

Chapter 26

32.4K 1.3K 106
By JFstories

"OH, ANONG NAKAKATAWA?" sita ko kay Marlon nang mapansin kong nangingiti siya habang nakahiga sa hospital bed.


Kamuntik nang mabali ang buto niya sa leeg dahil kay Rix. Ilang sipa, sapak, tadyak. Iisang tao lang ang gumulpi sa kanya, pero kung pagmamasdan ang kalagayan niya, aakalaing ginulpi siya ng sampung katao.


Mahina siyang napahalakhak. Meron siyang neck brace sa leeg at bukul-bukol ang mukha niya kaya hirap siyang ngumiti. "Thankful lang ako dahil ginulpi ako ng boyfriend mo."


Boyfriend? Umangat ang isang kilay ko.


"Bakit parang masaya ka pa na nagulpi ka niya?"


"Kung hindi niya pa kasi ako ginulpi, hindi ako magkakaroon ng one million pesos, Martina."


Napasimangot ako. Matapos dalhin si Marlon sa ospital ng ambulansiya, may lawyer na dumating at nagbigay ng one million cheque sa kanya. Bayad sa kanya para manahimik siya at wag nang magdemanda. At tinanggap niya iyon agad. 


Biglang sumeryoso ang mukha ni Marlon. "Siya ang bago mo, di ba? Siya rin ang boss mo. Hindi na ako nagtataka ngayon kung bakit ang dali ka niyang pabalihin ng ganoong halaga noon. Imagine, wala ka pang one month sa coffee shop niya, nakabale ka na agad nang malaki." 


"Boss ko lang siya noon," sabi ko agad dahil baka isipin niya pang niloko ko siya noon. "H-hindi ko pa alam na may gusto siya sa akin..."


"Ngayon na wala na tayo, puwedeng-puwede na kayo." May pait sa boses ni Marlon. "'Wag mo nang pakawalan, Martina. Ang swerte mo na nagustuhan ka niya."


"Anong maswerte roon? Masyadong posseidon!"


"Possessive, hindi poseidon. Sabihin mo nga sa kanya, ikuha ka ng tutor. Siguro mga sampu. Kaya niya iyon tutal mayaman naman siya."


"Eh, kung ako kaya gumulpi sa 'yo?"


Natawa na naman siya. "Whoa, may ganyan ka palang side, Martina. Sana noon pa, ginaganyan mo na ako. Baka sakaling tinubuan ako ng takot sa 'yo."


"Wala, tanga kasi ko magmahal." Katulad ngayon, natatanga na naman ako kay Rix. Umaasa ako kahit ayaw ko na sana. Natatakot ako na sumubok ulit at masaktan ulit, kaya lang tanga talaga ako mula ulo hanggang paa. 


"Paggaling ko, pakisabi papagulpi ulit ako para yumaman pa ko."


Inirapan ko siya. "Ewan ko sa 'yo."


Nagpakawala siya ng hangin sa bibig. "Bakit nga pala tinatanong sa akin ni Shena ang mga favorites mo?"


Hindi ako sumagot. Alam ko ang pakay ng kapatid niya na si Shena. Gusto nitong alamin ang mga bagay na gusto ko, dahil siguro ay balak nitong gayahin para lalo itong magustuhan ni Rix. Nagsasayang lang ito ng panahon. Sawa na sa isang katulad ko lang ang lalaking iyon. Nauntog na sa katotohanan na maliban sa cuteness ko, wala na siyang iba pang mapapala sa akin.


"Eh, Martina, bakit pala magpapatayo ng sariling bahay ang babaeng iyon? Ganoon ba kalaki ang sahod niya sa pinagtatrabahuhan niyo?" tanong ulit ni Marlon.


Namilog ang mga mata ko. "Ano kamo?!"


"Si Shena kako, bigla na lang bumili ng maliit na lupa malapit sa amin. Seventy square meters. Ang sabi niya, sinuwerte raw siya. 'Tapos kahapon lang, patatayuan na raw niya ng bahay na hanggang third floor. Nagtataka kami ni Mama kung saan niya nakuha ang pera, pero hindi naman nasagot sa tanong namin. Nag-aalala na kami kasi baka kung ano na ang pinasok niyon. Imposible naman kasi na dahil lang sa pagtatrabaho niya sa cofee shop ay yayaman siya kaagad."


Kumuyom ang mga palad ko. May kung anong pait ang gumuhit sa loob ng dibdib ko. Hindi na ako magugulat kung kay Rix galing ang pera, lalo ngayon na ang babaeng iyon na ang paborito niya. Siguro sobrang nasiyahan siya kay Shena na higit na maganda, matalino, at baka mas lumiligaya siya rito kaya gabi-gabi silang magkasama.


"Martina..." biglang tawag sa akin ni Marlon.


Tiningnan ko siya gamit ang blangko kong mga mata.


"Doon sa Rix Montenegro na iyon galing ang pera ni Shena, di ba?" Ang tanong niya ay parang hindi tanong. Sigurado na siya pero gusto niya pa ring marinig ang sagot mula sa akin.


"Wala akong alam sa kanilang dalawa," matabang na sagot ko lang.


Napangisi nang mapait si Marlon. "Gusto ka ng lalaking iyon, di ba? Kung si Shena ay binigyan niya ng ganoong pera at ako ay binigyan niya ng isang milyon, malamang na may ibinigay rin siya sa 'yo. Para patahimikin ka, binayaran ka rin niya, di ba? Magkano?"


Tumayo na ako at lumayo mula sa hospital bed ni Marlon. "Uuwi na ako."


Pero nahuli niya ang pulso ko. "Imposibleng hindi ka rin niya binigyan. Martina, saan mo ginamit ang perang binigay niya sa 'yo?"


Mayamaya ay kusa ng kumalas ang palad niya sa pulso ko. Mukhang alam na niya ang sagot sa tanong niya. Mahina siyang napamura.


Nilingon ko siya. "Goodbye, Marlon. Baka ito na ang huli nating pagkikita."


Mapait siyang ngumiti sa akin. "Sorry, Martina." Pumiyok siya. "G-good-bye."


Lumabas na ako ng pinto. Tulad dati, napasandal ako sa pintong isinara ko. Napabuga ako ng hangin matapos mapatingala sa kisame.


Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Naghahalo ang takot at galit ko kay Rix. Paano kung makapatay siya ng tao sa harapan ko? Paano kung dahil sa akin, makapatay siya ng kung sino?


Napapikit ako matapos pumatak ang mga luha ko. Ano ba talaga ako kay Rix? Bakit ganoon siya sa akin na para bang ayaw niya akong mawala sa kanya? Pero ano rin ba si Shena sa kanya? Hanggang saan itong relasyon namin na sa umpisa pa lang, wala nang kasiguraduhan?


Biglang sumulpot si Gracia. Pagliko niya sa hallway ay nakita niya agad ako at nilapitan. "'Insan, ayos ka lang? Hindi kita ma-contact. Patay ba ang phone mo? Mabuti na lang at nasabi ni Shena sa akin na dito ka raw nagpunta."


"Wala na 'kong cell phone."


"Ha? Nasira na ba? Naku, pinag-ipunan mo pa naman iyong bilihin, di ba? Tsk, 'yan na nga ba ang problema sa mga second hand, eh. Swertehan lang."


"Sinira ni Rix."


Napanganga siya. "S-sinira?!"


Tumango ako at matamlay na tumingin sa kanya. "Ibinato ni Rix noong nagalit siya. Pero ang sabi niya, bibilhan niya ako ng bago."


Napakamot siya. "Hayan na nga ba ang sinasabi ko sa 'yo. Layuan mo na kasi ang lalaking 'yan! Sa akin na lang siya!"


Kinunutan ko siya ng noo. "'Insan?"


"Char." Iniba niya ang usapan. "'Nga pala, bakit tinatanong sa akin ni Shena ang mga favorite mo?"


"'Wag mo siyang pansinin." Pati pala kay Gracia ay nakaabot na si Shena. Mukhang desidido talaga ito.


Napatutop siya sa bibig niya. "Naku, lagot. Nasabi ko na sa kanya ang mga favorite mo."


....


SINASABI ko na nga ba, susulpot itong si Loraine. May kutob kasi akong sinusundan ako ng babaeng ito. Naupo lang ako sa restaurant na ito kung saan ko siya nakilala, at heto na nga siya, kandauntog sa glass door na pinasukan niya. Ang dami niyang kasing bitbit na paper bag.


Umupo siya sa upuan kaharap ako. "I can't believe na magkikita tayo ulit." Nakangisi siya sa akin.


Ang ganda-ganda pa rin ng babae. Mukhang manikin. Ang suot na hapit na damit ay bagay sa makurba na katawan. Mataas ang takong ng sapatos na tumutunog sa bawat hakbang. Parang kahit anong oras, puwedeng rumampa. Modelong-modelo ang dating niya saan mang anggulo tingnan. Ganito ang klase ng babaeng naghahangad kay Rix. Isang malaking tanong talaga kung bakit minsan niya akong nagustuhan.


"Hi, cutie! How are you and Rix?" malambing ang boses na bungad sa akin ni Loraine pagkaupo na pagkaupo niya sa kaharap kong upuan.


Cutie? Bakit dahil sa naka-jumper ako na pangbata? Dahil maliit lang ako kumpara sa kanya? Hindi rin kalakihan ang aking dibdib at balakang? Hmp! Alam ko naman iyon, hindi na kailangang ipagdikdikan.


Hindi ko sinagot ang tanong niya dahil mas gusto kong magtanong kaysa sumagot. "Marami akong mga tanong tungkol kay Rix," simula ko.


Dumi-quatro siya kaya kitang-kita ko kung gaano kakinis at kakintab ang kanyang mga hita at binti. Wala kahit manipis na balahibo. Parang sa laruang Barbie. "Hmn, okay. Bring it on."


"Nagka-girlfriend na ba si Rix?"


"Never. Hindi siya pumapasok sa isang relasyon. Sex lang talaga."


Napayuko ako. "I-ibig sabihin, sex lang talaga ang habol niya sa akin?"


Tinitigan niya ako pagkuwa'y napangiti siya. "You're cute, girl. Ibang-iba sa mga babaeng nali-link o mga kaagaw ko kay Rix. Maybe he sees you as a new interesting species. But there is an end to that. Once he gets you, he will surely lose interest in you. Do you know why? Because he likes that. He's always been like that."


"Listen to me very carefully." Biglang sumeryoso ang nguso niya. "Kung ako sa 'yo, layuan mo na siya. O kaya magpakama ka na para tigilan ka na niya."


Pero nakuha niya na ako...


"He is not the type of man to stay with a woman. The only reason he allows women to get close to him once in a while is to fulfill his physical needs. Sex lang. Walang usap. Walang init. But, you'll be satisfied. Of course, it's Rix Montenegro. And he's very generous. Mababa ang half a mil na cheque na magigisnan mo sa kama kinabukasan."


Sa sinasabi ni Loraine ay para bang napakalamig talaga ni Rix sa ganoong aspeto. Pero iba at malayo iyon sa mga naranasan ko. Bakit iba? Dahil ba sa kakaiba rin ako? Dahil nga nakikita ako ni Rix na endanger species? Este, interesting species pala?


"Malinaw naman sa mga babaeng katulad ko ang pinapasok namin. Rix didn't promise us anything. Ni hindi nga iyon nagsasalita, mangangako pa kaya? But still, we are his victims. Victims of love. Ang sakit lang kasi hindi siya umuulit, gusto niya iba-iba. Kapag may lumapit ulit na bago sa kanya, iyon na ang bagong biktima. Biktima na aasa na puwede niyang mahalin, pero aasa lang sa wala. Because that man has no feelings."


Isusunod na biktima? Pumasok tuloy sa isip ko si Shena. Siya na ba ang susunod na biktima?


"A-anong dapat kong gawin?"


Pumungay ang mga mata ni Loraine dahil sa tanong ko. "You know the answer to your question, cutie."


Oo, alam ko. Na hindi si Rix ang tipo na papasok sa isang relasyon. Mas lalong hindi ako ang tipo ng babae na puwedeng seryosohin ng isang lalaking katulad niya. Sobrang layo ng agwat namin sa isa't isa. Inisip ko noon na balewala iyon kung talagang mahal niya ako, ang kaso, mali ako sa paniniwala ko. Gusto niya lang akong makuha dahil naaliw lang siya at nanibago sa pagiging iba ko. Pero ang atraksyon na saglit niyang naramdaman sa akin noon ay hindi pangmatagalan. Tapos na. At tapos na rin ang maliligayang araw ko.


Hinaplos ni Loraine ang pisngi ko. "Para hindi ka tuluyang madurog at masaktan... you should wake up from your little dream now. Patayin mo na kung ano man ang nararamdaman mo sa kanya." 


jfstories

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 24.4K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
853K 42.8K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
129K 4.5K 17
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
2.2M 87.1K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.