XXL VILLAGE SERIES #2: Zheore...

By 11Zwrite

337 14 1

In the midst of your darkest clouds, is there still someone who will make your sky stand? Even if you got hi... More

DISCLAIMER
SYPNOSIS 🟦
PROLOGUE 🟦
Z.Z CHAPTER 1 🟦
Z.Z CHAPTER 2 🟦
Z.Z CHAPTER 4 🟦
Z.Z CHAPTER 5 🟦
Z.Z CHAPTER 6 🟦
Z.Z CHAPTER 7 🟦
Z.Z CHAPTER 8 🟦
Z.Z CHAPTER 9 🟦
Z.Z CHAPTER 10 🟦
Z.Z CHAPTER 11 🟦

Z.Z CHAPTER 3 🟦

16 1 0
By 11Zwrite

"UMUWI ka raw ng maaga, nagluto si Adzralyn ng mga masarap na putahe para sa atin."

She's on call with Caoimhe. Bigla itong tumawag sa kaniya sa kalagitnaan ng trabaho. "What's the event?"

"Adrzralyn solved another major case," Caoimhe informed. "To celebrate, nagluto siya ng masarap na mga ulam."

Umukit ang proud na ngiti sa labi niya. "Wow, sige, sige. Aagahan ko pag-uwi para makatulong na rin ako sa paghanda riyan."

"Kay. Bye."

Adzralyn Jaziri, one of her friends, is an NBI agent. Sa kanilang magbabarkada ay ito ang may pinakadelikadong trabaho. Her life is always at risk. Hindi alam kung anong pwede mangyari rito. But she knew Adzralyn can handle and deal with that very well.

It's already 5 in the afternoon at tapos niya ng inakaso ang mga files. Tama lang pagtawag ni Caioimhe sa kaniya. "Vera, pasa ko lang 'to sandali ang mga files kay Sir Zheorem ha para sabay na tayo palabas."

"Sige, sige."

Tumayo na siya para ibigay ang mga files kay Zheorem. Pagtapat niya sa pintuan ng opisina nito ay kaagad niyang pinihit ang doorknob pero sana hindi niya na lang ginawa.

Zheorem and a woman straddling his lap, her back is facing her direction. Just from the position itself, she knew they're eating each other's faces. Rinig niya pa nga ang mga tunog ng halikan nito.

She froze as her orbs fell for the two. Words left her mouth as she was just standing there. It's as if it's the wrong time stepping in Zheorem's office.

Not in her living years she would see Zheorem so intimate and so lewd towards a woman. Alam niya lang ito na palaging may tinitirang babae pero hindi niya nakikita sa personal. For some reason, something tugged and pinched her heart now that she saw it in front of her eyes.

Malakas niyang kinatok ang pinto kahit alam niya naman useless dahil nakapasok na siya. Gumawa ito ng kalabog na halos magiba ang pinto.

"Excuse me, SIR ZHEOREM," wika niya, sinuguradong idiniinan ang pangalan nito sa dulo.

Natigil naman ang dalawa sa ginagawa. Zheorem's hair was messy, same goes for the woman's hair even her lipstick was smudged.

"What are you doing?" The unknown woman asked. Halatang hindi nagustuhan ang biglang pag interupt niya rito. "Hindi ka ba marunong kumatok?"

She had a dry smile on her face. Mariin niyang pinag-krus ang braso bago ito tinaasan ng kilay. "Ikaw PO, hindi ka PO ba marunong umupo sa tamang upuan?" Diinian niya ang 'po' para may galang kuno siya kahit wala naman.

"Aespa, what are you doing?"

Hindi niya pinakinggan si Zheorem. Naiinis siya sa babae dahil hindi man lang ito umalis sa pagkakandong kay Zheorem pero mas nagagalit siya kay Zheorem dahil parang wala itong balak paalisin sa kandungan.

"Hindi mo ba ako kilala? I'm Kaisa De Quezos, the most famous and highest paid model in the world,"

Galit ang pagpakilala nito sa kaniya pero tinapatan niya rin ito. "I don't care Miss Kaisa De Quezos, kahit presidente ka pa ng buong earth ay wala talaga akong pake pero kung meron man, ikaw na lang maghanap. You slu-"

Zheorem immediately cutted her off. He pushed Kaisa off his lap before standing up. His agate eyes are now stern and cold. "Leave, Kaisa."

Kahit nasubsob si Kaisa sa sahig ay nagpumilit ito. "Huh? Hindi pa tayo tapos sa ginagawa na 'tin. Please, let's continue," nagbabaga lumipat ang tingin nito sa kaniya. "Paalisin lang natin 'tong bruha mong empleyado."

"She's my fucking secretary! Now, leave!" Sigaw ni Zheorem habang turo ang pintuan. "I don't need you anymore."

"Our moment is ruined because of you!" Nanggagalaiting tumayo si Kaisa.

Akmang sasampalin pa siya nito ngunit mabilis niyang nailagan at nahawakan ang pulso nito. "Try mong sampalin ako Miss Kaisa, hahambalusin kita ng bangko para naman matuto kang umupo ng matino." Marahas niyang binitawan ang kamay nito.

"Arghhh!" Kaisa walked out the room after she shuffled her hair in anger. She shut the door with full of force.

She glued a tight grin on her face after her gaze fell on Zheorem again. "So, Did I disturb something?" Nilapitan niya ito at nilapag ang mga files sa mesa. "'Yan na lahat ng mga files na kailangan mo. All done."

Zheorem only stared at her. Walang ekspresyon ang mukha. But his eyes speaks so loud that she almost hear it, Zheorem was amused on what she did.

Bilib ka sa akin ngayon, 'no? Nagdiriwang ang isipan niya habang iniisip 'yon pero huminto kaagad 'yon nang may lumabas na salita galing kay Zheorem.

"Really, Aespa? You really just barged in and broke our moment just togive that fucking files?" His voice was laced with irritation. "Can't you just fucking wait?"

Bahagyang napaawang ang labi niya. Halos mapamaang siya. "Wow! Sorry sir ha na sinabi mo sa akin kaninang umaga na dapat mapasa ko 'yang mga files ng alas 5."

Sana na lang pala ay hindi ko tinapos ang mga files na 'yon at sana hindi na lang ako pumasok sa opisina niya. Napaaway tuloy siya. "Kung gusto mo naman pala magkantutan buong araw edi sana motel na lang ang pinatayo mo at hindi isang building. Napaka-fuck boy mo."

Malamig niyang tinalikuran ito. Wala siyang pakialam kung boss niya pa ang sinabihan niya no'n, and she doesn't care if she get fired.

Palabas na sana siya sa kabila ngunit bigla siyang hinatak pabalik sa loob ni Zheorem at sinandal sa pintuan. Wala sa isip niyang mariin siyang sinunggaban ng halik ni Zheorem.

His dominating body framed her. His hands were just right above her head while his lips were pressed against hers. He was claiming her mouth but she was just standing there feeling his soft lips covering her. She doesn't know what to do.

Kumawala si Zheorem sa halik. "What's your deal?! Halik ko rin ba gusto mo?! Naiingit ka ba sa mga babae ko, ha?! Are you jealous?!" Zheorem was in rage. His mood flipped.

Zheorem's yell filled her ears. Walang pahintulot na tumulo ang luha niya. Narinig niya na naman ang ayaw niyang marinig.

"Y-You shouted at me again..." Her voice quivered in fear as her hands were sweating uncontrollably.

Lumambot ang mukha ni Zheorem. Lumakbay rito ang pagsisisi. "A-Aespa..." He tried to touched her but she pushed his hands very harshly.

"H-Hindi ka pa nga nakahingi ng tawad kahapon sa s-sigaw mo... sinigawan mo na naman ako." Her eyes were glassy, tears brimmed in the corner. ang labi niya ay sumasabay na rin sa panginginig.

Kahit habol ang hininga ay dumaan pa rin ang palad niya sa mukha nito. "Fuck you, Sir Zheorem. 'Wag mo akong igaya sa mga babae mo," nanggagalaiti niyang sabi.

Pansamantala niya naramdaman ang mainit na hininga nito sa noo niya bago ito matagumpay na itinulak. Her heart ached when his eyes glimmered with guilt but she washed it off.

Zheorem almost fell down. He doesn't know what to say to Aespa. He was just staring at his slightly shaking hands. Napatungo ito at gusto sapakin ang sarili.

"Napakabastos mo, Zheorem." Muli niya itong sinampal bago iniwan. Walang lingon-lingon niyang nilisan ito.

Pinunasan niya muna ang mga nagbabadyang luha para hindi mapansin ni Vera 'yon. "Tara na, Vera. Pagabi na." Pinilit siyang ngumiti rito bago kinuha ang bag.

Nang makalabas na sila ay naghintay sila ng taxi. Malapit nang bumababa ang araw dahil unti-unti ng binabalot ng kadiliman ang kalangitan.

"I saw a woman earlier." Asked Vera. "New?"

"Yeah, new. Nagalit dahil sinira ko ang moment nila ni Sir Zheorem." Mapait na umangat ang labi niya.

"Hindi talaga matago ni Sir Zheorem ang libog sa katawan." Dismayadong napailing si Vera.

Natuon ang mata niya sa palad, namumula pa ito mula sa pagkakasampal niya kay Zheorem kanina. You still deserve those slaps.

Her shoulder fell as a sigh passed her lips. Mabuti na lang at mabilis naagapan ang panic niya kanina.

When she finally got home, her body relaxed. Doon pa lang gumaan nang tuluyan ang sistema niya. Nakita niya ang mga kaibigan na abala sa dinner nila. "Good evening guys," she greeted them.

Si Mahika ang naunang lumapit sa kaniya at kumaway. She gestured a 'Hi' sign.

Binayaran niya rin naman ito ng kaway. "Good evening, Ika."

"Nasa kusina sila," Turo ni Quetzal sa kusina. Nakahilata lang ito kasama si Yawi at Pardon na nakasandal pa ang mga ulo sa paanan nito.

Nilapag niya ang sling bag. "Tapos? Hindi kayo tumulong?"

"E sabi nila Hackett sila na lang daw," tugon ni Pardon.

Napamewang siya. "Kahit na. Kayo talaga gusto niyo lang kumain."

"Hoy, nagtabang ko uy." sabat ni Laban na siyang nakahawak sa remote ng tv. Komportable itong nakahiga sa kabilang sofa.

"Ano raw?" Tumingin siya kay Pardon para i-translate ito. Ito lang kasi ang nakakaintindi ng bisaya ni Laban.

"Tumulong raw siya."

"At ano naman 'yon, aber?" Tumaas ang kilay niya kay Laban.

Malapad munang ngumiti si Laban. "Naghugas ako ng pinggan."

Ngunit umiling at nag hand sign naman si Mahika sa tabi niya na isang pinggan lang ang hinugasan nito.

Nagpakawala siya ng hininga. "Tumayo kayo riyan at tumulong kayo doon. Ngayon na!"

Walang pagdadalawang-isip at takot na tumayo ang apat matapos patayin ang tv. Nang mawala sila ay sumalubong naman ang tatlo pang boys galing sa taas na naglalaro pa ng lato-lato.

"Howitzer! Saif! Whom! Ang ingay-ingay!" Sigaw niya sa mga ito.

"Oh shit! The boss got home," mabilis na itinago ni Saif ang lato-lato.

"Oh, c'mon! I'm winning," Howitzer aggressively reacted but then smiled when his eyes landed on her. Binulsa kaagad nito ang lato-lato.

Taranta at wala naman sa oras natapon ni Whom ang lato-lato nito sa 2nd floor. He innocently displayed a grin at her.

"Tumulong kayo sa kusina," mariin niyang utos.

"Sabi ni Hacket 'wag na raw dahil sagabal lang kami," ani Saif.

"Wala akong pake basta tumulong kayo doon." Tinulak niya ang mga ito sa direksyon ng kusina.

"Mahika, saan sina Czeslaw at Bodhi?"

Mahika motioned her hands that they were doing makeup in Bodhi's room. Tinahak niya naman agad ang silid.

"Mga bakla, anong ginagawa niyo?"

Bumungad sa kaniya ang nakaupo na sina Kazui at Molotov sa upuan habang nakaharap sa vanity table. Mini-make up-an ito nina Bodhi at Czeslaw.

"Hi dams, ito kinokoloretehan sila Kazui dahil may okasyon," sabi ni Bodhi na busy sa paglagay ng make up kay Kazui.

"Ay wow? Required pala may make up?"

"Oo naman, mads," bato naman ni Czeslaw na siyang naglalagay ng make up kay Molotov. "Atsaka minsan lang ito."

Smirk pasted on her lips. "Mabuti at napapayag niyo 'yang si Molotov?"

Molotov grimaced. "I was forced, okay?" He huffed. Kanina pa ito nakasimangot.

"Galit na galit talaga ang big boy namin," Bodhi chuckled.

"Ang gwapo kaya natin, dre." Nagpogi-pogi sign si Kazui sa salamin.

"Tumulong na ba kayo sa baba? Ang daming pang gagawin do'n," pagbabalik sadya niya.

"Hindi dams, sabi kasi ni Hackett na hindi na raw kami kailangan doon dahil kontento na raw sila kay Givenchy kaya hindi na lang kami umangal," pagpapaliwanag ni Czeslaw.

She mumbled. "Ano ba 'tong si Hackett." Tinanaw niya muli ang mga ito. "Basta bumababa na kayo pagktapos niyan ah? At dahil hindi kayo tumulong sa paghanda, kayo ang maghuhugas ng mga plato mamaya."

"Wha-"

"I don't-"

"The fu-"

"Baki-"

Mabilis niyang dinuro ang mga ito at nilatagan ng mahigpit na ngiti. "May reklamo ba?" Nilagay niya sa tainga ang kamay para ipagpatuloy ng mga ito ngunit tumikom na lang bibig ng apat bago umiling na walang pumapalag sa kanila.

"Good."

Bumungisngis si Mahika sa kanila bago sila lumabas. Pareho na silang tumungo sa kusina. Kita niya naman na tumutulong na ang lahat ng boys.

"Hi Aespa. Sa wakas nakauwi ka na rin," bati ni Laufey nang mapansin siya.

"Yeah, thanks to heaven." Salamat rin sa boss ko dahil napauwi ako nang maaga.

Naglakad siya patungo sa direksyon ni Adzralyn at Givenchy na sobrang busy sa paghanda at pagluto. Niyakap niya sa likod si Adrzralyn. "Congratulations, Ad."

"Awe, thank you so much, Aespa." Mariin rin siyang tinugunan ng yakap ni Adzralyn.

"You're so cool," she complimented.

"Baka hindi sila matapos sa pagluluto Aespa kung para kang linta na nakakapit kay Adzralyn," wika ni Wisteria. Katulong nito sina Saif, Paradon, at Howitzer sa paglagay ng mga plato sa mesa.

Bumitaw naman agad siya bago tumawa. "Ano ang matutulong ko?"

Givenchy answered for that, "Nothing dahil patapos na rin kami."

"Eh? Maglalagay na lang ako ng mga kubyertos sa plato."

"Kami na." May mga kutsara at tinidor na sina Quetzal, Yawi, at Whom. Nilalapag na ng mga ito sa plato.

"Ako na lang maglalagay ng mga ulam sa mesa."

Akmang hahakbang na sana kaso hawak na nina Laban, Dahlia, Odyssey, Edelweiss, at Kxiel ang mga putahe at nilapag ang mga 'yon sa mesa. "Here's all the food."

"Shit! Anong maitutulong ko nito ngayon? E inubos niyo na ang trabaho." Her eyes twitches a bit.

"Ayan, masyado kasing play safe galing sa pangsisita sa amin, ikaw tuloy ang walang naitulong," saad ni Pardon.

Sinamaan niya ito ng tingin. Bumagsak naman ang balikat niya. Gusto niyang talagang tumulong pero pinakyaw ng mga kaibigan niya ang trabaho.

"Don't beat yourself about it, Aespa. Saka galing ka lang sa trabaho kaya ayos lang," pagpapagaan loob ni Odyssey sa kaniya.

"It's not like it's the end of the world dahil hindi ka nakatulong," dugtong ni Vahana. Umupo na ito sa isang silya.

"Ikaw na lang magdasal," Caoimhe suggested in monotone voice.

Natahimik ang lahat pero binasag 'yon kaagad ni Yeshua. "Why does it feel wierd when you said that?"

"Because she doesn't have any emotion in her tone?"

Caoimhe Cash in her friends is the coldest and has an emotionless personality. Caioimhe is not a normal person you could talk to everyday because she has emotional unavailability.

"Sige, ako na lang ang magdadasal." Ngumiti siya kay Caioimhe.

Dumating naman ang apat kanina sa taas sa kusina. Tapos na ito sa pag makeup.

"Grabe ang lolo niyo, may pa make up pa sa dalawa," saad ni Soojin

Tumawa lang silang lahat. Sa 30 na silya ay kaniya-kaniya na sila ng puwesto. Siya naman ay nasa unahan umupo na tabi ni Adzralyn sa harapan. Of course, Adzralyn is in front because it's her occasion.

Nagdasal na sila at pinangunahan niya 'yon. They sincerely bowed down their heads and put themselves in the presence of the Lord. Una niyang pinagdasal ang mga pagkain na nasa harapan nila bago ang matagumpay na kaso na naisolba ni Adzralyn. Pinagdasal niya ang ang mga kalusugan nilang magkakaibigan sa pang-araw-araw at hiniling niya na mas tumatag pa ito sa bawat taon na lilipas. Hiniling niya rin na hindi papabayaan ni God ang mga pamilya nila kahit nasa malayo at hiwalay ito sa kanila. Nang matapos ay sabay-sabay nilang sinambit ang, "Amen."

"Salamat makakakain na rin," mabilis na tinangay ni Edelweiss ang isang buong tilapia sa escabecheng luto ni Adzralyn.

"Ay wow! Ano, ikaw lang kakain?" Tanong ni Vahana kaso binelatan lang rin ito ni Edelweiss at hindi nakinig.

"Shut up na, Vahana. Marami pa namang putahe diyan e. Mauubos niyo kaya 'yang 20 na putahe sa mesa," puna ni Xiomara sa dalawa.

Tumalon ang tingin niya sa direksyon ni Hackett. Kanina pa siya may gustong itanong rito. "Bakit hindi mo pinatulong ang mga boys?"

Tumugon naman ito pagkatapos sumubo ng chicken cordon bleu. "Ah? Kasi alam ko naman talaga na hindi sila tutulong kaya sinabi ko 'yon. And that's a part of my plan because I know for sure you boss them around when you got home. So, yeah." She shrugged and just continue eating.

Ang kaluskos ng mga kubyertos sa dinning area ay sakop ang buong silid. Lahat sila ay puno ang bibig ng mga pagkain. They're munching their own foods to fulfill their appetite.

Ang mesang pinagkakainan nila ay sobrang haba dahil sa rami nila. 30 ba naman sila sa isang bubong lang.

"Pa-extend na ba tayo ng bahay?" Saoirse asked. "Parang ang sikip na e." Inaantok na ito kahit kumakain pa.

"Anong extend? Ang laki-laki kaya nitong bahay natin atsaka maluwag pa, pwede pa nga tayo maghabulan rito e," sabi ni Odyssey habang ginagala ang paningin sa buong parte ng bahay.

"Naku, nanaginip na naman siguro 'yan dahil sa kakatulog, nanaginip na lumiit ang bahay natin," biro ni Howitzer.

Ang All For One House o ang bahay na tinutuluyan nila kapag weekends ay hindi lang talaga bahay ni Odyssey kundi sa kanilang lahat. Kaniya-kaniya nilang pera ang pinambayad sa pagpapatayo ng bahay subalit sinimulan kasi nilang tawagin itong bahay ni Odyssey dahil ito may may pinakamalaking nagastos na pera sa kanila which is 2 million pesos. They are all part owner of the house. Moreover, they named the house All For One because inside their circle of friends, there are different nationalities among them. So, the house really belongs to each one of them.

"Siya nga pala, i-ready niyo na ang 500 ninyo dahil bibili na ako ng mga konsumo rito sa bahay natin," paalala ni Quetzal sa kanila bago sumubo ng bagong kanin.

Then Hackett raised her hands. "Yes guys, tapos 500 niyo na rin para bukas dahil magbabayad na ako ng kuryente. Ico-collect ko tomorrow ha."

Tumango naman silang lahat nang walang angal.

Rajah butted in. "Sa tubig na rin guys, magbabayad na kami ni Laufey dahil malapit na due date."

Walang pumalag na kahit isa sa kanila at pumayag na lang dahil alam naman nila na nakikinabang sila sa buong bahay. Each month 1.5K or more ang nagagastos ng bawat isa sa kanila para lang sa pangangailangan ng bahay. They all shared money for all the expenses.

"Paano si Tadgh?" Tanong ni Molotov na kakahigop lang ng sabaw ng tinola.

"Yeah, wala naman siya dito ng mga ilang buwan," dugtong ni Whom.

"Duh, syempre magbabayad pa rin siya dahil makikinabang na rin naman siya kapag nakauwi na. Besides, narinig ko mula sa kaniya na malapit na raw dadaong ang barko nila pabalik dito sa Pinas," kibo ni Wisteria.

Odyssey ordered Laban, "Laban, pakikuha nga ng remote."

"Asa man ang remote?" tanong ni Laban.

As usual, si Pardon ang sumagot rito. "Nasa taas ng ref."

Kinuha naman kaagad ni Laban 'yong ref saka binigay kay Odyssey."

In-on ni Odyssey ang tv nila sa dining area. Tinawagan nito si Tadgh.

"Hindi ba siya busy? Pagtatanong niya. Kakatapos niya lang masimot ang laman ng crab.

Matagal bago nakasagot si Tadgha gawa na rin siguro sa pagkawala-wala ng signal sa gitna ng karagatan.

"Hello? Good evening buddies," Tadgh displayed his charming smile when he saw all his friends. "I missed you all guys. Kumpleto kayo ah? Ano meron?"

"Alam mo na." Tinuro na lang ni Caoimhe si Adzralyn.

"Ohh, congrats Ad. Dang, sana nandiyan rin ako. Kitang-kita ng dalawang mata ko na ako lang kulang sa inyo." Tadgh's shoulder fell, his lips curved downward.

Kumaway siya sa harap ng TV. "Hi, Tadgh. We missed you too. Uwi ka na."

"Kunting araw na lang Aespa, makakauwi rin ako diyan." Lumukot muli ang mukha nito. "Nakakapagod pa lang ang maging seaman pero buti na lang pogi at macho ako." Sabay pakita sa biceps nito.

That's the time the boys intervened in the conversation. Saif talked first. "Excuse me, Mr. Ochoa. Actually, tumawag lang kami para singilin ka sa 1.5K mo para dito sa bahay natin."

"Atska, ulol mo! Hindi ka namin miss 'no!" Yawi crossed his arms.

Komontra naman si Yeshua. "'Wag kang maniwala diyan, Tadgh. Sa kwarto mo nga 'yan natutulog dahil miss na miss ka na raw niya. At alam mo ba? Yakap-yakap niya pa 'yong unan m-"

Hindi na natapos ni Yeshua ang gustong sabihin dahil tinapunan na siya ng ubas at saktong na-shoot ito sa bibig, mabuti na lang at hindi ito nabulunan. "Ang daldal mo talaga kahit kailan. You promised me na that's our little secret!" Angil pa nito.

Tawa na lang ang naging reaction ni Tadgh. "Don't worry, bro. Uuwi rin ako riyan."

"Sino magtatapal ng 1.5K mo?" Sawsaw naman ni Czeslaw sa usapan.

Mabilis na umiwas ng tingin si Quetzal dahil alam niya na ang mangyayari.

"Quez, pare, you I know I love you so much, right? Tapalan mo naman ako oh," pangungumbinsi ni Tadgh sa kaibigan.

Humaghikhik silang mga kababaihan dahil sa modus naman ni Tadgh kay Quetzal.

With a harsh blow, Quetzal sighed. "Sige pero may tubo na pag babayaran mo ako."

Malaking ngisi ang tumapat sa mukha ni Tadgh. "Edi hindi na lang ako magbabayad para walang tubo pero tatapalan mo pa rin ako."

Binigyan ito ng gitnang daliri ni Quetzal. "Fuck you ka! Ano ka sinuswerte?"

"Biro lang. Kahit kailan 'di ka talaga madaan sa biro." Tadgh's face turned into a thin line. "Magkano ba tubo?"

"1K. So, 2.5K ang ibabalik mo sa akin."

They all groaned. "Grabe parang hindi tropa. Babaan mo naman."

Disbelief danced in Quetzal's eyes as he watched his friends protest. "Sige, 2K na lang." Sumimangot siya.

"Babaan mo pa, grabe ka naman kay Tadgh."

"1.8K."

"'Yan ba talaga 'yong tunay na kaibigan?"

Napasigaw na lang si Quetzal sa inis. "Tangina! Wala ng tubo! Ayan, masaya na kayo?"

Dumaan ang tawa sa mga labi nila dahil sa reaksyon ni Quetzal. Nawala rin agad 'yon at kumalma nang binigyan ito ng lollipop ni Edelweiss.

Kumawala na lang ang magaang buntong-hininga sa labi niya habang pinagmamasdan ang mga barkada na nagkukulitan. Ang lahat ng bagay, sakit, at pait na iniisip niya kanina ay umimpis at biglang naglaho.

She's grateful to her friends because even with their different race and nationalities that didn't bound their friendship, it tied them stronger instead. That gives her an ecstatic feeling within her.

She knows in her heart, even without telling them what's bugging her, they unconsciously uplift her mood. She always knows her safe place. She's home... She's home being with her friends.

Thank you everyone.





















I SHOULDN'T HAVE said that to her. I'm such an asshole.

Normally, a scene like that was just nothing to him but with Aespa earlier feels a little different.

It's been hours since he had an argument with Aespa and his head has been running to that moment for a while now. He felt disoriented and bothered. He's not in the right state of mind.

"Why do you look so dejected after you had a fight with your secretary?" August asked at the same time he swung his club at the perfect momentum. The ball didn't hesitate to go straight down the hole.

"I don't fucking know." He gritted his teeth. It's his time to swing his golf yet he just carelessly hit the ball. Hindi nagbibigay pakialam kung mahuhulog ba sa butas ang bola o hindi.

He's currently in his own private golf course with his friends, The Old Hero Golf Links.

"Do you like your secretary, Zheorem?" Gorgeous casually leaning her back on the chair while watching her friends play. Ang imbento niyang human robot na si Ai-don ang pinapalaro sa turno niya.

"No fucking way!" But his eyes closes when Aespa's face appeared.

'Y-You shouted at me again..."

'H-Hindi ka pa nga nakahingi ng tawas kahapon sa s-sigaw mo... Sinigawan mo na naman ako.'

Her fragile eyes and trembling voice strangled him earlier. It was suffocating to look at. Gusto niyang bugbugin ang sarili nang makitang nanginginig si Aespa sa harapan niya. "N-No... I don't like her."

Ichiro intently fixed his gaze on him. Just from the looks, he already knew Ichiro was observing him, being a great detective again.

"You should go to your dad..." Ichiro uttered, removing his niton tactical gloves and putting his magnifying glass in his pocket. Tumungo ito sa kinatatayuan niya nang walang ekspresyon sa mukha. "Before I blurt out something about your..." nilagay nito ang hintuturo sa dibdib niya.

Hinila ito ni Jiwoo papalayo sa kaniya. "Leave him alone, detective."

"He's right. I should really go now." Itinapon niya ang susi kay Abcxyz. "Pakibalik ng golf car at i-lock mo ang bahay bago kayo umalis."

Tinalikuran niya ang mga kaibigan na walang lingon-lingon sa kanila. Mabilis siyang pumaloob sa sasakyan nang makaabot bago nahulog ang mata sa dibdib na tinuro ni Ichiro kanina.

Why? What's wrong with me heart?

He knew from the start if he stepped in Wise Strong Hospira his breath would hitch. Standing in front of a hospital makes him want to get back on his feet. His vision starts to rotate uncontrollably.

Mahirap sa kaniya humakbang papasok ngunit ginawa niya pa rin. He just encouraged himself. "This is just a hospital, Zheorem." The structure in front of him truly makes him sick. "You're dad is in there. You need to be there for him."

He slowly motioned his feet. Kahit may pag-alinlangan ang paghakbang ay sinigurado niyang makapasok siya sa hospital kahit mabagal. Dali-dali niyang tinahak ang bawat pasilyo kahit wirdong pinagtitinginan siya ng mga tao sa loob.

Mas lalo lang nagkakarera ang dibdib niya. He started seeing things, people's heads inside the hospital turned into syringes.

"Shit! Shit! Shit!" He smacked his head repeatedly. Napahawak na siya sa pader bilang suporta. Binuksan niya ang pinto ng silid ng dad niya.

Matutumba na sana siya nang may tumawag at yumugyog sa kaniya, "Sir Zheorem!"

Kita niya ang paglatay ng pag-aalala sa mukha ni Fsion. Tila natauhan siya sa tawag na 'yon ni Fsion. Napunta kaagad ang titig niya sa natutulog na ama. He immediately calmed down.

Pinaupo siya ni Fsion sa kalapit na couch. "Are you okay, sir? Your hands are shaking" Tinungo nito ang pitsel at sinalinan siya ng tubig. "Drink this."

He let Fsion guide the glass into his lips. Mabilis na nauuhaw niyang nilagok ang lahat ng tubig at doon tuluyan nang humupa ang atake niya.

"I'm sorry..." halos walang lakas niyang sabi. His phobia really triggers everytime he sets foot in a hospital. His nosocomephobia or his fear of hospitals started when his dad got hospitalized. He was still 15 years old at that time.

The only thing that calms him down is seeing his dad or people he cared so much about.

"You should see a doctor, sir. You've been enduring this for 15 years. Your panic attack is getting worse," may matinding pag-alala bawat salita ni Fsion.

"I'm fine, Fsion. I don't need a doctor. Nawawala naman kaagad pag nakikita ko si dad." Nilapitan niya ang ama. Kinuha ang stool bago umupo sa tabi nito. His dad is sleeping peacefully.

Fsion La Salle, is his paid caregiver for his dad. Ito nag-aalaga sa dad niya kapag nasa trabaho siya. He need Fsion to look after his dad because he's busy earning money for his dad's future operations and medications

"You can go now, Fsion. Ako na bahala rito kay dad," anang niya rito ngunit hindi ito kumilos.

"What if your panic attack triggers again?"

"You know what I said earlier. I'm feeling well now."

Pilit na lang na kumilos si Fsion palabas ngunit tinawag niya rin ito. "Be early tomorrow, okay?"

"Yes, sir."

Nang mawala na ang bulto ni Fsion ay bumalik na ang mata niya sa kaniyang dad. He gently caresses his dad's sleeping face. "I'm still fueling myself to work more, dad. Mailalabas rin kita rito sa hospital na ito."

Dahan-dahang umangat ang pilikmata ni Zheorid, pahiwatig na nagising ito. "Hey... You're here."

Kumurba ang isang ngiti sa kaniya. "How are you?"

"Well, as you can see, your old man is still breathing. What's up?" Inangat nito ang kamay at nilagay sa ulo niya. Zheorid gently shuffled his hair.

"Nothing." Marahang pumikit ang mata niya habang dinadama ang hagod ng kamay ng dad niya. "Dad, I want to play golf with you again."

Natigil bahagya ang kamay ni Zheorid sa paghagod ngunit kumilos ulit 'yon. "Soon, hijo. Your old man is still healing."

His dad was diagnosed with chronic obstructive pulmonary disease or COPD. 15 years have passed but his dad is still bedridden. Hindi ito makalabas sa hospital dahil pabalik-balik rin ang kondisyon nito. Mas minabuti niyang sa hospital na lang ng kaibigan niya manatili ang dad niya.

"You look tired today. Are you okay? You should go to sleep by now." Nilagay ni Zheorid ang kamay sa baba ng anak upang obserbahan ang mukha nito.

Umiling lang siya. "I'm not going to sleep. Babantayan lang kita rito."

"E, kumain ka na ba?"

Bigla siyang hindi napakibo sa tanong ng dad niya. Bumuntong-hininga si Zheorid at masama siyang tiningan nito. "I always tell you to eat on time and never starve yourself, Zheorem. Hindi ka na naman nakikinig."

Napatungo siya. "Sorry. Mamaya lang ako kakain."

"No, order food right now."

"Dad, busog-"

"Sige, huhugutin ko 'tong mga apparatus sa katawan ko. Ayaw mo kumain?" Zheorid shouted.

Sa isang iglap ay tinubuan siya ng takot. "Okay! Okay! Okay! Don't do that." Dali-dali siyang nag-order ng pagkain dala ng pangamba na baka hugutin talaga ito ng dad niya.

Nang makarating ang order niya ay kumain na kaagad siya.

"Busog pala ah pero ang takaw kumain," banggit ni Zheorid na ma-obserbahan siyang parang hinahabol kumain. "Dahan-dahan lang sa pagnguya, son. Baka malunok mo ang kutsara."

Nilinisan niya ang pinagkainan nang matapos siya. He then talked to his dad again. "You're not going to sleep again? It's already 10 pm, dad."

"Nope. Ikaw yata ang kailangan matulog e."

"Then, can I sleep beside you?" Tanong niya na siyang ikinalikot ng isang matamis na ngisi sa mukha ni Zheorid.

He chortled for a bit because Zheorid know Zheorem was just joking. "You're a man yet you still want to sleep beside me?"

"Can't I?" His face holds nothing but pure sincerity. He was not joking at all.

"Okay then," Zheorid tapped the space beside him. "You can sleep now."

Marahan siyang kumilos na tumabi sa dad niya. He comfortably lied down his back. His arms wrapped around his dad's stomach. He then closed his eyes as he let his father gently stroking his head.

"Inatake ka na naman ba?" Hindi mapigilang magtanong ni Zheorid sa kaniya. Nakapikit lang siyang itinango ang ulo.

"I'm sorry, son. Because of me you got that phobia."

Humigpit lang ang yakap niya sa ama. "It's not your fault..." it's mom's fault.

"I can take and manage my fears dad as long as I see you living and fighting." He moved just to kiss the side of his dad's head. "So, don't leave me, okay? We still have to fulfill the things we haven't do yet. You promised me that."

"Yes, big boy." Zheorid teased.

"Don't call me that, old hero." He fired back.

They both laughed synchronously.

I don't know how much it cost me an arms and legs to pay all the treatments but I promised that you'll live longer, dad.

To Be Continued...

Continue Reading

You'll Also Like

172K 4K 49
To be published under BibliothΓ©que Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, st...
955K 16.1K 106
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...