Forgive Me, Father...

By theunknown_dreamer

218 8 0

(Mystery/Thriller Novel) Odesa Del Rosario is not your typical kind of main character. She's not smart, she's... More

Prologue
Chapter 01: History Sucks
Chapter 02: Villa Teresita
Chapter 04: Florence
Chapter 05: Where it all Began
Chapter 06: Missing
Chapter 07: Footprints

Chapter 03: The Angel

28 1 0
By theunknown_dreamer

Chapter 03: The Angel


Evangeline Samonte. Hindi ko maiwasan na mapatanong sa sarili ko kung kilala ko nga ba si Evangeline. Kapag nakikita ko siya ay parang pamilyar ang hubog ng kaniyang mukha. Siguro nababaliw lang talaga ako dahil kakaiba talaga ang ganda ni Evangeline at siguro kaya ako ganito ay dahil mukha talaga siyang Anghel kapag tinitignan ko siya.



"Ang ganda niya talaga." Bulong ni Remy sa tabi ko habang nakatitig kay Evangeline na nakatayo sa harap namin. Nagsasalita si Evangeline at nagk-kwento ng history ng simbahan.

"Oo nga eh, kakaiba ang ganda niya." Gatong ni Dominic dahilan para mapakunot ang noo ko.



Maganda? Si Evangeline? Totoo naman. Siguro kaya hindi ako magustuhan ni Dominic ay dahil ang katulad ni Evangeline ang type niya. Pero, okay lang, hindi naman ako mamamatay kung hindi ako type ni Dominic, masasaktan lang. Wala ako sa mood ngayon para isipin 'yon dahil mas pinoproblema ko la ang paper works na ipapasa ko kay Ms. Gomez.




"Bakit nga ba pinangalanan na Saint Anastasia ang church dito sa Villa Teresita? Si Saint Anastasia kasi ay kilala as a Saint of Martyrs. Siya ang symbol of hope para sa mga taong nawawalan ng faith. She's one of the Saint na selfless. Kaya pinili ng bayan na ito na ipangalan ang simbahan sa isang Saint na katulad niya para ipaalam sa mga tao na may liwanag tayong makikita kahit na sobrang dilim na ng daan na tinatahak natin." Paliwanag ni Evangeline at kada matatapos siya sa pagpapaliwanag ay ngumingiti siya.





"Evangeline, itatanong ko lang, kumusta naman ang pamumuhay niyo rito sa Villa Teresita?" Tanong ni Ms. Gomez na nakaupo sa unahan malapit kay Evangeline.



At katulad kanina, ngumiti ulit siya, "Mabuti naman po, Ms. Gomez. Sa katunayan ay kilala rin ang bayan namin bilang isang crime free town. Nababalitaan niyo po ba 'yon?"

 

"Crime free?" Nagtatakang tanong ko at aad na lumingon saakin si Evangeline. Hindi siya ngumiti pero pinagmasdan niya ako. Kinilabutan ako sa lalim ng tingin niya pero agad din namang nawala nang ngumiti siya saakin.



"Oo, crime free ang bayan ng Villa Teresita. Walang kahit anong klase ng krimen ang nagaganap dito dahil mahigpit sa mga patakaran ang namumuno sa bayan. Mababait ang mga tao rito kaya sinusunod nila ang mga nararapat na patakaran para sa kaligtasan din nila." Saad niya at muli ay ngumiti




Isa lang ang pumapasok sa isip ko. Hindi ba siya napapagod na ngumiti? Kasi ako ang napapagod para sakaniya. Ngiti siya dito, ngiti doon. Para bang wala siyang problema sa buhay dahil sobrang lapad ng ngiti niya na parang mapupunit na ang kaniyang mga labi.



"Naniniwala ka ba sa Diyos?"



Muntikan na akong mapamura sa sobrang gulat. Agad akong lumingon sa kaliwang bahagi ko at doon ay nakita kong nakatayo si Evangeline sa tabi ko.



"Ha?" Lutang na tanong ko sakaniya



Ikaw ba naman magulat, hindi ka ba malulutang?



At ito na naman siya sakaniyang malapad na ngiti, "Naniniwala ka ba sa Diyos?"



"Oo?" Nagaalangan kong sagot sakaniya



Hindi ko alam kung anong meron sa bayan na 'to pero may kung ano sa sistema ko na nagsasabi na kapag sinabi kong hindi ako naniniwala ay pakiramdam ko sasakalin nila ako at sasabihin na dapat maniwala ako sa Diyos.



"Hindi ka sigurado? Sabagay, may mga tao talagang hindi naniniwala sa Diyos hanggang sa sila mismo ang nakaranas ng isang himala. Siya nga pala, 'di ba ikaw si Odesa?"




Tumango ako sakaniya, "Ako nga, bakit?"



"Wala lang, maganda kasi pakinggan ang pangalan mo. Odesa..." Tumingin siya saakin at nilahad ang kamay niya sa harapan ko, "Kinagagalak ko ang makilala ka."




"Ganoon din ako." Tinanggap ko ang kamay niya at nakipagkamay sakaniya.



"Siya nga pala, nasa likuran ng simbahan ang mga kasama mo. Tinitignan ang estatwa ni Saint Anastasia. Pumunta ka na lang din doon." Saad niya saakin bago siya tuluyang nagpaalam na papasok sa likod ng altar.




Tumingin ako sa pintuan palabas sa likuran sa simbahan. Nakita ko roon na nakatayo si Jimmy kaya naman agad akong dumiretso roon. Nang maramdaman ni Jimmy ang prinensiya at agad siyang lumingon. Nag-cross arms pa siya at sinandal ang likuran sa may gilid ng pinto at tumingin saakin. Ngumisi pa talaga ang ugok.




"Ano na namang problema mo?" Bati ko sakaniya at tumayo sa tapat niya at nag-cross arms din.



"Wala, gusto ko lang sabihin na ang panget mo na nga lalo ka pang pumapanget sa paningin ko kapag natabi ka kay Evangeline." Natatawang saad niya kaya naman agad ko siyang binatukan. Malakas na batok na parang matatanggal na ang ulo niya sa sobrang lakas ng pagkakadali ko.




"Aray! Nagbibiro lang naman eh!" Saad niya saakin pero inirapan ko siya at nilayasan.





Sa totoo lang, napikon ako. Hindi naman talaga ako madalas na naapektuhan sa mga sinasabi ng ibang tao pero ayaw ko sa lahat ang nakukumpara ako sa ibang tao. Alam ko naman na mas maganda talaga si Evangeline saakin. Maputi siya, ako katamtaman lang ang kulay. Balingkinitan ang katawan niya, ako ay may katabaan. Straight ang buhok niya, ako kulot. Matalino siya, ako ito, bagsak sa history. Kaya hindi ako na ako nagtataka kung bakit puring-puri si Evangeline ng mga tao rito. Hindi na rin ako magtataka kung magugustuhan ni Dominic 'yon, pero kung kasing ganda siguro ako ni Evangeline ay panigurado hibang na rin saakin si Dominic.




"Ang lalim naman ng iniisip mo." Agad akong napalingon sa nagsalita at ito ay walang iba kung 'di si Clarissa. Ngumiti siya saakin at may inabot na tinapay.





"Kanina ka pa kasi tulala kaya kinuhaan na lang kita ng tinapay. Mauubusan ka kasi kapag hindi ka pa kumuha." Saad niya at tinuro ang mahabang pila sa may counter kung saan may nag-aabot ng libreng meryenda sa mga tao.



"Salamat, Clarissa." Saad ko sakaniya matapos kong kunin ang tinapay at juice na inabot niya saakin.




Habang nakain ako ay hindi ako iniwan ni Clarissa. Tahimik lang kaming dalawa sa lamesa. May hawak siyang libro at nagbabasa habang ako ay hinahanap ng paningin ko si Dominic dahil ito ata ang unang beses na hindi ko siya kasama. Nilibot ko ang paningin ko hanggang sa nakita ko siya sa kabilang table. Nakaupo at may kasama. Tumatawa at mukhang sobrang saya niya sa kausap niya.


"Nagseselos ka noh?" Mahinang tanong saakin ni Clarissa dahilan para agad akong mapalingon sakaniya at umiling.

"Hindi ah, bakit ako magseselos sakanila?" Saad ko sakaniya at tinuloy ang pagkain ko sa tinapay.

"It's okay to admit the truth daw, Odesa. May gusto ka kay Dominic, 'di ba?" Nabigla ako sa tanong niya dahil wala naman akong pinagsabihan na gusto ko si  Dominic bukod kay Dominic mismo.

"Walang sinabi saakin si Dominic pero pansin ko— pansin namin ni Krisha." Dagdag pa niya


"Ha? Pinaguusapan niyo ba ako?" Tanong ko sakaniya

Ngumiti siya at tumango, "Oo, gusto ka kasing kaibiganin ni Krisha pero nahihiya raw siyang lumapit sa'yo."

Agad kong ginala ang paningin ko para hanapin si Krisha at nakita ko siya roon sa kabilang table kasama sina Jimmy. Dumadaldal siya at tumatawa. Sa tingin ko, close sila ni Jimmy at Remy kasi varsity ang dalawa at cheerleader si Krisha.


"Sabihin mo sakaniya hindi naman ako nangangain ng tao, pwede niya ako lapitan." Saad ko kay Clarissa at tumango siya saakin.


Hindi kami naguusap masyado ni Clarissa pero hindi naman weird. Busy akong nakatingin kay Dominic at Evangeline na hanggang ngayon ay naguusap padin. Grabe ang karisma ni Evangeline, napapatawa niga na agad ang kaibigan ko.

"Alam mo ba anak ng mayor ng bayan na 'to si Evangeline?" Saad ni Clarissa dahilan para agad akong mapalingon sakaniya.


"Ha? Anong sabi mo?"


"Si Evangeline, kako ko anak siya ng mayor. Mayor ng Villa Teresita. Hindi mo alam?" Saad niya saakin at kumunot ang noo niya.


Umiling ako, "Hindi. Paano mo nalaman?"


"Research, research." Sagot niya saakin


"Paano? Eh wala ngang signal dito." Sagot ko naman sakaniya


"Bago tayo pumunta rito syempre. Research sa bahay. Ayon nga, anak siya ng mayor. Mayor Alejandro Samonte ang pangalan ng tatay niya tapos ang nanay niya ay si Cristina Samonte. Ang sabi, iisang anak lang daw talaga si Evangeline." Saad niya saakin

Tumingin ako kay Evangeline at pinagmasdan siya. May kakaiba talaga sakaniya. Hindi ko alam kung ano pero sa loob-looban ko may sikretong tinatago ang pamilya nila. Kumbaga, dinadaan na lang nila sa ngiti ang lahat.



"Pero alam mo, ang weird." Dagdag ni Clarrisa


"Anong weird?" Tanong ko sakaniya


"Sabi kasi sa lumang website na nakita ko, may kapatid daw si Evangeline," Nakatingin siya sa cellphone niya at agad na tinapat naman saakin, "Ito kasi ang family picture nila. Sigurado naman ako na si Evangeline 'yang bata na 'yan kasi si Mayor Alejandro 'yang nasa likuran nila noh."

Tinignan ko ang family picture na black and white ang kulay. Apat silang nasa picture. May dalawa bata sa harapan at dalawang matanda sa likuran na sa tingin ko ay magulang ni Evangeline na sinasabi ni Clarrisa kanina. Pero na-stuck ang tingin ko sa batang babae na nasa tabi ni Evangeline. Maikli ang buhok niya at may bangs. Para bang si Dora. Pero payat siya at 'di hamak na mas matangkad si Evangeline na nasa tabi niya.

"Hindi ko alam kung alin ang totoo kasi may isa pang picture sa website na katulad niyan pero tatlo lang sila. Baka totoong solo lang siya tapos alam mo na gumagawa ng kwento ang ibang tao kasi sikat ang bayan nila at sikat ang mga magulang niya." Dagdag ni Clarrisa at muling tinago ang cellphone sa bulsa niya.

"Pero paano kung may kapatid nga talaga siya?" Tanong ko kay Clarrisa

"Si Evangeline? Hindi ko rin maisip eh. Tsaka mukhang imposible naman na magkakaroon siya ng kapatid at alam mo ba si Evang—"

"Anong pinaguusapan niyo?"

"Ay kabayo!"

Sabay kaming nagulat ni Clarrisa nang may magsalita sa likuran niya na hindi ko na napansin na nakatayo dahil sa sobrang seryoso ng pinaguusapan namin. Agad akong napatingin sa likuran ni Clarrisa at parang nawala lahat ng dugo ko sa katawan nang makita ko siyang nakangiti at nakatingin saamin.

"H-Ha, wala po." Malambing na sagot ni Clarissa sa tanong niya.


"Pinaguusapan niyo ba ako?" Tanong niya saamin pero hindi ko alam kung galit ba siya o hindi dahil ang lambing niya parin na nagsalita.


"Ano... Hindi naman po sa ganoon... Bale—"


Umupo siya sa tabi ni Clarissa, "Pwede niyo naman akong tanungin. Kung tungkol sa pamilya ko, ang tatay ko ang Mayor ng Villa Teresita. Tapos ang nanay ko naman ay tumatayong Mayora ng bayan. Bale iisang anak ako ng mga magulang ko tapos ayon..."


Nagkatinginan kami ni Clarissa na para bang hindi na alam ang susunod na gagawin dahil sa totoo lang nabigla kami kay Evangeline. Pakiramdam ko kanina niya pa kami pinagmamasdan na para bang kung kaming tatlo lang ang nandito ay nilamon niya na kami.

"Alam niyo, kung may tanong kayo tungkol saakin o sa bayan namin huwag kayong mahiyang magtanong. Walang sikreto sa bayan na ito." Dagdag ni Evangeline

"Pero bakit hindi namin nakikita ang parents mo?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Clarissa at kung wala lang si Evangeline ay nahampas ko na 'to. Wala ba namang preno ang bibig.

"Madalas kasi silang nasa city hall. Pero sakto ang punta niyo kasi sa Sabado ay pista ng bayan. Makikita niyo sila sa mga events na gagawin dito." Ngumiti siya saamin

"Events?" Tanong ko sakaniya

Tumango siya, "Oo, maraming mangyayari sa araw ng pista ng bayan kaya inaasahan ko na makikita ko kayo roon. Huwag kayong magalala, mababait ang mga tao rito at siguradong-sigurado akong magsasaya kayo."


Tumayo na siya at tumingin muli saamin, "Halina kayo, pupunta pa tayo sa Museo ng Bayan."

Agad naman kaming tumayo at nilinis ang lamesa at agad na sumunod sakaniya. Nasa labas na kami ng simbahan at katabi ko si Clarrisa. Humawak siya sa braso ko dahilan para mapatingin ako sakaniya.

"That was creepy." Mahinang saad niya

Kumunot ang noo ko, "Ha?"

"Siya, paano niya nalaman na pinaguusapan natin siya eh ang layoayo ng pwesto niya saatin noh! Atsaka, kung paano siya magsalita kanina. May diin. Parang ano, may tinatago siya."

"Pansin mo rin?" Tanong ko sakaniya

Tumango siya saakin, "Oo, hindi ko alam pero kapag ngumingiti siya ay tumataas ang balahibo ko sa katawan at nanginginig ang kalamnan ko."

Hindi na ako sumagot sa sinabi niya at pinagmasdan si Evangeline na nasa unahan namin. Kasabay niya si Ms. Gomez na naglalakad at naguusap sila. Pero kada may madadanan kaming residente ng bayan ay kumakaway siya at binabati niya ang mga 'yon. Para siyang kumakandidatong politiko. Kaway dito, kaway doon. Ngiti rito, ngiti roon. Sa totoo lang, kapag tinitignan ko siya ay ako ang napapagod sa paggiging mabait niya.


Nabigla ako nang lumingon siya saakin at ngumiti. Pero bigla akong kinilabutan sa ngiti niya. Parang may ibig sabihin ang ngiti na pinakita niya saakin. Nababaliw na ba ako? Baka dala lang 'to ng pagod pero hindi... May kakaiba talaga.

Continue Reading

You'll Also Like

126K 12.9K 33
Athulya Singhania has spent her entire life in solitude, yearning for the love of a family. Over the years, she mastered the art of concealing her em...
46.3K 1.3K 7
فَتاه قوية و لكِن القدر أقوى مِنها غدرت مِن اقرب الناس ، تعذبت و ضلمت مِن اشباه الرِجال كانت تحب لكن طعنت فدخل رجال آخر رغما عِنها هل ستقع في الحُب...
66.5K 1.3K 12
❝ feels like we had matching wounds, but mine's still black and bruised snd yours is perfectly fine. ❞ ──── the exit , conan gray in whic...
158K 6.5K 82
A girl whom I thought as my best friend standing before me with a knife to kill me. She stabbed the knife onto my chest and told me "He will not like...