HOT HEELS AND HOT WHEELS (com...

Galing kay lhime_romanban

83.2K 1.7K 36

HOT HEELS AND HOT WHEELS Written by: (NOAH) lhime_romanban Liana, is a chick who feels hot on her heels. Ito... Higit pa

HOT HEELS AND HOT WHEELS
CHAPTER 1
Chapter 2
Chapter 3
CHAPTER 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
CHAPTER 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
Chapter 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22 (END)

Chapter 13

2.7K 64 0
Galing kay lhime_romanban


         

Ayon sa instruksyon ni Liana ay hindi sila uuwi ng Maynila ngayon, tutuloy umano sila ng Iba, Zambales. Hindi na inalam ni Dunn kung saan sila at kanino magpapalipas ng magdamag, sumunod na lamang siya sa direksyon na itinuturo ng kasama, kung saan umano sila patungo.

Ala siyete y medya na ng marating nila Dunnhill ang isang mansion na ayon sa kanyang pagkakabasa sa mga nadaanang signs ay nasa lalawigan ng Iba, Zambales.

          Palibhasa puro out of the country ang gawang paggala ni Dunn kung kaya wala siyang kaalam alam sa lugar na ito. Naririnig na niya madalas ang lugar na ito sa mga empleyado niya, ngunit ni minsan ay di pa niya narating. Ngayon pa lamang.

          "Come on down there buddy! Here we are. Pagpasenyahan mo na lamang kung anong meron dito. This is our home. Tuwing 7am till 6pm nandito sina Tatay Lorenzo at nanay Mina, wag kang mag-alala may pagkain na riyan sa loob. Tumawag kasi ako bago tayo dumating dito eh."

          A mansion in the wild ang dating ng bahay na iyon. Sinadya na pagmukhaing gubat ang buong paligid, ngunit ang bahay sa gitna nito ay hindi gawa sa kawayan, sa halip ay isa itong modern Korean style home.

          "Ang ganda naman dito. Parang collision ng Alice in the wonderland at tsaka ng isang futuristic world."

          "Thanks. But we need to get in na, para makakain na tayo."

          "Ok."

Sino ba naman ang hindi magugutom sa nakahain sa hapag kainan. Inihaw na tuna, inihaw na tarian, kamatis with onion at bagoong, itlog maalat, pritong tuyo, inasal na manok, sinangag na kanin at buko juice.

         

          "Nay Mina bakit po hinintay niyo pa kami, sana ho ay nagpahinga na kayo ng maaga. Alam ko naman hong pagod kayo sa mga trabaho rito."

          "Gusto din naman naming kayong makita. At nang mabantayan na rin ng maayos ang pagkain niyo, anak."

          "Salamat po pala kung ganoon. Kumusta po rito?"

          "Maayos naman ang lahat. Mabuti na lamang nga at umuwi ka, labis kaming nag- aalala sayo eh.matagal tagal na rin kasi ng huli kang pumarito. At hindi lingid sa aming kaalaman ang naganap sa inyo ni Raven." Mangiyak ngiyak na pahayag ng matandang babae na siya ng tumayong care taker ng mansion mula pa ng maliit si Liana. Napamahal na rin sa kanya ang mag-asawa kung kaya napakalapit ng mga ito sa kanya. At kahit naman kasi noong nabubuhay pa ang mga magulang niya, ay hindi nila itinuring na iba ang mag-asawang ito.

          "Salamat po sa concern Nay, pero kilala niyo po ako. Amazona yata to noh. Nakamove on na ako Nay. Ako pa?!" Pampawi alalahanin na banat ni Liana sa dalawang matanda.

"Siya nga po pala siya si Dunnhill."

          Maagap namang kinamayan ni Dunn ang mag-asawa. "Ikinagagalak ko po kayong makilala."

          "Aba, eh di hamak naman palang mas guwapo at mas matipuno ang ipinalit mo kay Raven hija. O sige at bababa na kami para makakain na kayo at makapagpahinga na rin. Bukas na lamang kami makikipagkuwentuhan ng nanay Mina mo sa iyo."

Hindi na nagawang itama ni Liana ang hinala ni Tatay Lorenzo tungkol sa kanila ni Dunnhill sapagkat mabilis na silang umalis.

          "Pagpasensiyahan mo na kung napag-isipan ka pa nila na nobyo ko ha. Tinamad na din kasi akong magpaliwanag dahil sa pagod e."

          Yun naman talaga ang gusto ko e. "Ayos lang iyon. Tara kain na tayo, nakakatakam ang mga to e."

          "Sige. Kanina ka pa siguro gutom, noh?"

          "OO e, kung makakain nga lang ang mga gulong dun kanina ay binanatan ko na ang mga iyon e. ahahaha"

        Matapos ang masarap na hapunan ay kapwa na sila nakatulog agad sa kani-kanilang mga silid. Laking pasalamat pa ni Dunnhill ng makitang may mga damit ng lalaki na naka-stock sa guest room at sa katunayan ay bago pa ang mga iyon. Ipinabili kaya ito ni Liana para sa akin o mga dati itong gamit ng kanyang ex?

 

        Hindi. Para sa akin toh. Hmmp. Kahit pa sabihing kay Raven ito, hindi ito babagay sa isip talangkang iyon no? Mas hot kaya ako doon.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

10K 208 28
Pwede ba 'yun? Hindi naman pala kayo para sa isa't isa pero palagi kayong pinagtatagpo ng tadhana. How to unloved? How to deal with a deceiving lov...
222K 13.3K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
27K 178 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...