Chapter 6

3.4K 76 1
                                    


          Paglabas na paglabas ni Dunnhill ng opisina ay tinawagan niya agad ang mga magulang at ang kapatid upang sabihin na may mahalaga siyang sasabihin sa mga ito.


          "What! You're going to file an infinity leave? Are you nuts kuya? There are lots of work loads there and you're leaving me alone just for a goddamn vacation?"


Halatang inis na inis na wika ng nakababatang kapatid ni Dunnhill. Pero natatawa pa rin siya kahit galit na ito, he always find it cute kasi kapag ganoon na ang reaksyon ng kapatid. Para itong nagmamaktol na bata. Dunnhill knows na Marriane now is in her mid twenties pero ewan, parang hindi pa rin siya ready kapag bigla na lamang itong mag- aasawa. Baby pa rin kasi ang tingin niya dito no matter how matured she acts like now.


          Nasa Veranda sila ng mansion. His Tag huer watch read 6:05 pm. Pinalitan niya ang dalang Omega watch knina ng Tiger woods edition ng tag. Paborito niya kasi ito. Almost dinner na, pero heto sila ngayon at nagpapaalamanan sa isa't isa.


          "Son, what made you decide for this. Ano namang klaseng break to? Anong klaseng pag-a-unwind yan?" naguguluhang tanong ng ama ni Dunnhill paano kasi sa hinaba-haba ng panahon, ngayon lamang nagkaganito ang anak. Madalas nga ay sunod lamang ng sunod ito sa anumang ipag-uutos ng ama. Kahit na bakasyon ay nagtatrabaho si Dunnhill, and all of a sudden hihingi ito ng leave? Confusing nga talaga.


          "Dad, I had found her. I had found the one that I wanna grow old with, and I don't wanna lose this opportunity. I've been working hard for so long just to provide my future family the life that they deserve, and now that I had found her I just can't le her go. Sinabi ko sa sarili ko na magiging kagaya niyo ako, well prepared before settling down. And now is the time." Tahimik, mahinahon at puno ng sinseridad na sinabi ni Dunnhill iyon sa ama habang nakatingin sa malalamlam nitong mga mata. Matanda na rin ang ama niya the wrinkles on the eyes tell him so. At gusting gusto na niya itong makitang Masaya kasama ng magiging mga apo.


          Nangislap naman ang mga mata ng Don ng malaman ang dahilan ng anak. Bigla siyang napatayo sa upuan at sumigaw upang tawagin ang mga kasambahay. "Celia, Bering pumarito kayo. Dalian ninyo."


          Patakbo namang nagsilapitan ang mga kasambahay. Humihingal pa nga ang mga ito ng makalapit sa Veranda. "Bakit po sir?" magkasabayang wika ng dalawa.


          "Ihanda niyo ang mga gamit ng Sir niyo, magbabakasyon siya at aalis ngayon din. Bilisan ninyo. Kailangan walang makalimutan ha? I-check niyong mabuti ang lahat. Mahirap na baka mapurnada pa ang lahat." Kara-karang utos ni Don Manuel sa kanila.


          Bigla namang na-guilty si Marriane sa ginawang pagtataray sa kapatid pagkarinig ng dahilan nito. Ngayon lamang niya nakitang ganoon kaseryoso ang kanyang kuya. Kung kaya lumapit siya sa kapatid, niyakap ito at naglambing. "Kuya, wish you all the best, I'll be missing you. Be sure to bring my future ate ha? I promise to love him. And I'm sorry sa behavior ko kanina."


          "It's okay and Thanks sis."


          Nakiyakap na rin ang mommy ni Dunnhill. Shock ito sa narinig ngunit masayang masaya para sa anak. "You never stop making me proud son. I love you. And wish you luck din."

HOT HEELS AND HOT WHEELS (completed)Where stories live. Discover now