Forgive Me, Father...

Door theunknown_dreamer

218 8 0

(Mystery/Thriller Novel) Odesa Del Rosario is not your typical kind of main character. She's not smart, she's... Meer

Prologue
Chapter 01: History Sucks
Chapter 03: The Angel
Chapter 04: Florence
Chapter 05: Where it all Began
Chapter 06: Missing
Chapter 07: Footprints

Chapter 02: Villa Teresita

27 1 0
Door theunknown_dreamer

Chapter 02: Villa Teresita






Agad kong sinarado ang zipper ng jacket ko at niyakap ang sarili ko nang maramdaman ko ang hangin na sobrang lakas. Dumaloy sa buong pagkatao ko ang lamig ng simoy ng hangin. Paano ba naman hindi lalamigin ay alas-kwatro pa lang ng umaga ay nasa school grounds na kami. Kasama ko ngayon ay walang iba kung 'di si Dominic na laging present sa kwento ng buhay ko.


"May isa pa akong jacket dito, mukhang nilalamig ka na talaga." Saad saakin ni Dominic at nilahad saakin ang extra jacket niya.




"Bakit ka ba kasi nandito? Hindi ka naman bagsak sa history ah?" Saad ko sakaniya at pinatong sa katawan ko ang jacket na inabot niya.



"Eh kasi ho, nakiusap ang iyong nanay na bantayan daw kita. Sino ba naman ako para tumanggi 'di ba? Tsaka ayaw mo ba na ma-solo ako sa loob ng limang araw?"



Umirap ako sakaniya at tumalikod para itago ang nagbabadyang ngiti ko. Hindi ako kinikilig. Natatawa lang ako sakaniya dahil mahilig talaga siya sa kalokohan. Hindi ko talaga iniisip ang mga sinasabi niya saakin lalo pa't kilala si Dominic bilang isang babaero sa school namin. Marami kasing nagkakagusto sakaniya pero ang totoo ay ni minsan hindi siya nagkaroon ng girlfriend. Uhugin pa lang si Dominic ay kasama niya na ako sa buhay kaya alam ko ang bawat kwento ng buhay niya ni ultimo kung ano favorite niyang shirt na suotin ay alam ko.



"Good morning..." Napatingin ako sa bumati saakin at ito ay walang iba kung 'di si Clarissa. Fresh ang kaniyang itsura kasi may make up pa siya. Gusto ko ang dedikasyon na mayroon siya kasi panigurado maaga siyang gumising para lang makapagayos.




"Good morning." Bati ko sakaniya at ngumiti na para bang hindi ko siya hinusgahan sa isipan ko.

Ang call time raw namin ay alas-kwatro ng umaga pero si Ms. Gomez naman ay wala pa. Apat na kaming nandito na nagaantay sa sasakyan naming van ata o jeep, ewan ko ba sakanila basta may sasakyan daw. Si Krisha ay kasunod lang namin na dumating at katulad noong una ay tahimik lang siya. Nakasuot ang wireless na earphones at hindi nga kami binati nang dumating siya. May sarili talaga siyang mundo kaya hinayaan na namin. Kami naman ni Clarissa para mabawasan ang antok ay naguusap kami sa kung ano ang pwede naming gawin pagdating sa Villa Teresita. Nagkwento siya na ang kasambahay daw nila ay nakatira roon dati kaya nasabihan siya sa mga dapat puntahan namin.





Habang nagkw-kwentuhan kami ay saktong dumating ang van na lulan ay si Ms. Gomez at ang isang lalaki na halos kaedaran niya na hindi ko kilala.





"Magandang umaga sainyo. Pansin ko na kulang pa kayo ng dalawa kaya antayin muna natin sila bago tayo umalis," Tinignan kami ni Ms. Gomez at hinila papalapit sakaniya ang lalaki na kasama niya, "Siya nga pala, ipapakilala ko sainyo ang kapatid ko na si Lucas. Siya ang maggiging driver natin."





"Magandang umaga." Bati niya at nahihiya siyang ngumiti saamin.



Si Lucas ay hindi ganoon katangkaran pero 'di hamak na mas matangkad naman siya kay Ms. Gomez. Kapag pinagtabi sila ni Dominic ay mas matangkad si Dominic kaysa sakaniya. Wala lang nasabi ko lang kasi napansin ko. Mas gwapo padin sa paningin ko si Dominic at hindi na magbabago 'yon.



"Here, coffee." Tinignan ko ang inabot saaking tumbler ni Dominic




"Huh?" Lutang na tanong ko sakaniya



Agad niyang kinuha ang kamay ko at nilagay ang tumbler doon, "Sabi ko, ayan mag-kape ka para magising ka."




"Oo nga, pero 'di ba ininuman mo na 'to?"




Kumunot ang noo niya, "Bakit? Nandidiri ka na ngayon saakin? Parang dati lang nakikihigop ka pa sa softdrinks ko."



"Ewan ko sa'yo!" Naiinis kong sagot sakaniya at binalik ang tumbler niya na may lamang kape. Pero nagsisi rin ako na binalik ko kasi gusto ko naman talaga ng kape nakakahiya lang talaga at uminom na siya roon eh. Aba ano 'yon, indirect kiss? Pwede naman. Ano ba, Odesa! Utak mo!





"Uminom ka na, arte-arte mo." Saad niya saakin at inabot ulit ang tumbler.





Palihim akong ngumiti at kinuha ang tumbler niya. Uminom din naman ako at ang sarap sa pakiramdam ng mainit na kape na dumadaloy sa lalamunan ko. Habang nagkakape ako ay sakto namang dumating na ang dalawang tao na kanina pa naman inaantay— si Jimmy at si Remy.



Si Remy ay mukhang kagigising lang dahil suot pa ang panjama niyang SpongeBob ang design tapos naka-jacket lang at gulo-gulo pa ang buhok. Si Jimmy naman ay as usual, ma-porma. Tumingin siya saakin at inirapan ako kaya naman agad ko rin siyang sinuklian ng pantataray.




"Okay, since we're now complete, you can go inside the van so we can leave now." Saad ni Ms. Gomez at agad na nag-unahan ang ilan sa front row ng van kasi sa lahat ng pwesto ay doon ang pinaka-maluwag para sa mga matatangkad.






Hindi naman ako katangkaran kaya sa dulong row na ako umupo sa may bandang bintana. Huling pumasok si Dominic dahil kinausap pa siya ni Ms. Gomez at as usual, sa tabi ko na naman siya umupo. Kinuha niya ang bag ko at nilagay sa tabi niya kasi doon ay wala nang nakaupo. In total, 8 kaming lahat. Si Krisha at Clarrisa ay nasa second row ng van at ang dalawang ugok ay nasa front row seat. 4 rows kasi ang van na 'to at sa pangtalong row ay walang nakaupo pero doon nakalagay ang mga gamit ng mga kasama ko at sa dulo ay kami ni Dominic.




"Matulog ka muna, gisingin na lang kita kapag malapit na tayo." Bulong ni Dominic sa tabi ko kaya naman agad akong pumikit at sumandal sa may bintana. Aba! Minsan lang ganito si Dominic kaya sasamantalahin ko na at matutulog na lang ako sa buong byahe kaysa kulitin niya.






*****




Nagising ako nang may marinig akong tugtog sa kanang tenga ko. Kaya naman akong binuksan ang mata ko at lumingon kay Dominic at doon ay nakita ko na nilagay niya pala ang isang parte ng earphones sa kanan kong tenga. Hindi ko alam ang title pero pamilyar ako sa boses ng banda.




"Arctic Monkeys?" Tanong ko sa nakapikit na si Dominic at tumango siya.



Ngumiti ako at sumandal muli sa upuan at pinakinggan nang maigi ang kanta. Ang ganda ng vibe ng kanta dahil sumasabay ito sa lamig na nararamdaman ko ngayon dito sa loob ng van. Dahil hindi na ako makatulog muli ay tumingin na lang ako sa may bintana at pinagmasdan ang dinadaanan namin. Tahimik ang paligid dahil wala namang ibang sasakyan na dumaraan dito ni isa ay parang wala kaming nakasalubong. Pero hindi nakakaburyo dahil maganda ang tanawin na nakikita ko. Tumingin ako sa kabilang side at doon ay nakita ko ang harang sa gilid ng daan at sa baba ay ang dagat na pinapablibutan ng maninipis na hamog. Kita ko mula dito ang hampas ng malalakas na alon.


"Ang ganda..." Bulong ko sa sarili ko at napansin kong dumilat si Dominic kaya tumingin ako sakaniya.


Ngumiti siya at nagsalita, "Maganda nga."




Doon ko napansin na sobrang lapit pala ng mukha namin sa isa't-isa dahil umurong ako para silipin ang tanawin sa kabilang parte niya. Agad akong umayos nang pagkakaupo ko at tumingin sa bintana na nasa tabi ko. Leche ka talaga, Dominic! Namumula na kasi ako sa sobrang kilig. Ikaw ba naman tignan sa mata tapos sabihin 'yon, hindi ka ba kikiligin.



"Kinikilig ka na naman." Bulong niya saakin kaya naman agad ko siyang hinampas sa braso 



"Hindi! Tigilan mo nga ako!" Reklamo ko sakaniya at nilagay ang hood ng jacket sa ulo ko.




"Everyone, wake up! Malapit na tayo." Malakas na saad ni Ms. Gomez na naaa shotgun seat ng van. Agad din namang nagising si Remy at binatukan si Jimmy para magising. Si Clarissa at Krisha ay mukhang close na kasi naguusap sila nang magawi ang paningin ko sakanilang dalawa. Mukha namang mabait si Krisha.


"Look." Kinalabit ako ni Dominic dahilan para mapasilip ako sa front view ng van at doon ay nakita ko ang malaking arko. Huminto ang kotse sa tapat ng arko.


"Okay, students. Let's go out and take some pictures sa arko para mas maging memorable ang pagpunta niyo rito." Naunang lumabas si Ms. Gomez at nag-unat muna kami bago lumabas ng van.


Paglabas ko ay agad na humampas sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin. Nanginig ako katawan ko dahil sa sobrang lamig kaya agad kong nilagay ang dalawang kamay sa harap ko at nagmadaling lumapit kina Ms. Gomez.



"Para magakasya tayo sa frame ay ang mga lalaki sa baba tapos kaming mga babae ay tatayo sa likuran niyo." Saad ni Ms. Gomez kaya naman agad na kumilos ang mga boys at umupo sa may bandang paanan namin. Nasa paanan ko si Jimmy at si Dominic.




"Okay, stay still. 1, 2, 3, smile!" Malakas na sigaw ni kuya Lucas saamin at pinindot ang shutter ng camera na dala niya. Nang matapos kami mag-picture ay sinipat ko ang paligid. Hindi ko alam pero parang natatakot ako na ewan sa paligid. Siguro dahil nasa bundok kami ngayon at napapaligiran kami nang nagtataasang puno o dahil walang ibang tao dito kung 'di kami lang.

"Students, sakay na." Yaya ni Ms. Gomez kaya nagmadali akong sumakay sa van at umupo ulit sa pwesto ko. Pagpasok sa van ay naramdaman ko naman ang malakas na hangin ng aircon na tumama sa mukha ko. Kahit saan ata ako lumugar malalamigan padin ako.




Dumiretso ang kotse papasok sa loob ng arko at ilang sandali pa ay sumalubong saamin ang isang tulay. Maliit lang ito at kasya lang ang dalawang kotse pero kapag may dumaan na truck ay kailangan pang hintayin na makalabas ito bago ka tuluyang makadaan sa tulay. Ganoon kaliit ang daanan sa tulay pero mukha namang matibay ito. Dahan-dahang binagtas ni kuya Lucas ang tulay dahil mas mabuti na raw ang nagiingat kasi hindi naman daw kami nagmamadali.

Tumingin ako sa relos ko at ala-sais na pala ng umaga pero dahil sa hamog na nakapaligid ay nagmumukhang ala-singko pa lang. Maliwanag na madilim ang paligid. Hindi ko mapaliwanag pero basta ganoon ang itsura niya para saakin.




"Wow..." Rinig kong saad ni Clarissa at agad akong napasilip sa bintana at namangha rin ako sa nakita ko.


Nang makalampas kami sa hamog ay sumorpresa saamin ang mga bahay-bahay na parang katulad sa kung ano ang makikita sa Vigan. Luma man tignan pero napakaganda sa mata dahil bukod sa dikit-dikit ay may kaniya-kaniyang disenyo ang mga bahay. May iba na gawa sa purong kahoy, may iba naman na gawa sa bato. May iba na bahay kubo talaga.

Dumiretso ang van sa maluwag na kalsada at kapansin-pansin ang mga tingin ng mga residente sa van na sinasakyan namin. Sa sobrang tago ng bayan na ito, sigurado akong bibihira lang sila magkaroon ng bisita.

"Dederetso tayo sa simbahan dahil doon daw tayo kikitain ni Father Vicente." Saad no Ms. Gomez kay kuya Lucas at tumango lang ito.

Nagpatuloy ang byahe namin hanggang sa makarating kami sa malaking simbahan at mukhang nasa dulo kami ng bayan dahil sa likod mg simbahan ay ang mga nagtataasang puno na. Tumingin kami sa may pintuan ng simbahan at nakita namin doon ang isang lalaki na mukhang si Father Vicente dahil sa suot niyang pang-pari na damit at ang katabi niyang babae na mukhang kaedaran lang namin pero nakasuot siya ng pang-madre.


"Iwasan ang magkulitan sa tapat ni Father Vicente at ang kultura ng bayan na ito ay malayo sa kung ano ang kinagisnan natin. Respeto at pagpapahalaga ang gusto kong makuha sainyo, maliwanag?" Saad ni Ms. Gomez

"Opo." Sabay-sabay naming sagot sakaniya at nauna siyang lumabas ng van. Kinatok niya ang pintuan mg van at binuksan naman agad 'yon ni Clarissa. Sumenyas si Ms. Gomez at agad na lumabas ang mga nasa unahan namin. Huli akong lumabas dahil ako ang nasa dulong parte ng van at paglabas ko ay sinara ko ang pinto.

"Magandang umaga, Father." Bati ni Ms. Gomez at agad na nag-mano sa pari.

"Kaawaan ka ng Diyos," Ngumiti siya, "Magandang umaga rin, Ms. Gomez."


Tumingin saamin si Ms. Gomez at sinenyasan kami na lumapit sakaniya kaya agad naman kaming lumapit sakaniya. Tumingin ako sa dalawang tao na sumalubong saamin pero ang paningin ko ay naka-centro lang sa babaeng nakatayo sa tabi ni Father Vicente.


"Sila nga pala ang mga estudyante na sinabi ko po sainyo na magsasaliksik tungkol sa kultura at kasaysayan ng bayan ng Villa Teresita." Paliwanag ni Ms. Gomez


Tumingin saamin si Father Vicente at isa-isa kaming nilapitan. Sa paglapit niya sa bawat isa ay nilalagay niya ang kamay sa ulo namin at sinasambiy ang salitang Kaawaan ka ng Diyos.

Sa totoo lang ay nabigla ako dahil hindi naman ako relihiyosa at higit sa lahat hindi talaga ako palasimba. Nagsisimba lang ako kapag pinilit ako ni nanay na sumama sakaniya pero madalas ay iniiwan ako ni nanay at alam niyang mahirap akong gisingin. Paano ba naman kasi, sino ang kayang mag-simba ng ala-siyete ng umaga? Humihilik pa ako niyan dahil sa pagod sa pagtitinda sa palengke tapos si nanay gigising ng ala-sais para lang mag-ayos at makapagsimba ng ala-siyete.

"Ano ang mga pangalan niyo?" Tanong ni Father saamin. Kaya naman isa-isa kaming nagpakilala. Tumango si Father nang makilala niya na ang bawat isa.

"Siya nga pala, mga bata. Para naman hindi kayo maburyo saakin bilang tour guide niyo, may inimbitahan ako para tulungan ako para sa limang araw niyong pananaliksik." Lumingon si Father at sinenyasan ang babae na nasa likuran niya na lumapit.


"Ipakilala mo ang iyong sarili, Angel." Saad ni Father

Tumingin ako sa babae at bagay na bagay sakaniya ang pangalang Angel dahil ang aura niya ay sobrang gaan. Ang kaniyang mukha ay mala-Anghel at kapag ngumiti siya ay siguradong mahuhimaling ka. Maputi siya at matangos ang ilong. Mahahaba ang pilikmata at hindi kakapalan ang kaniyang kilay. Umagaw ng pansin saakin ay ang kaniyang mapupulang labi na kitang-kitang hindi dahil sa make-up o kahit anong lipstick dahil namamalat ng bahagya ito pero maganda padin tignan ang kaniyang mukha.

Ngumiti siya saamin at tinaas ang kamay para mag-hello.

"Magandang umaga sainyo! Ako nga pala si Evangeline Samonte pero tawagin niyo na lang akong Angel." Saad niya saamin at muli ay ngumiti siya.


"Ms. Gomez, ang ganda niya." Bulong ni Remy na narinig ko dahil nasa likuran ko lang siya. Agad na lumingon sakaniya si Ms. Gomez at pinandilatan siya ng tingin.

"Oh, bago tayo magsimula ay dumiretso muna tayo sa loob para naman mailagay niyo na ang mga gamit niyo. Mag-agahan muna tayo dahil panigurado gutom na kayo." Saad ni Father Vicente saamin

"Nako, Father, salamat po!" Masayang saad ni Ms. Gomez at sinenyasan kaming kuhanin na ang mga gamit namin sa loob ng van.

Inabot saakin ni Dominic ang bag ko at sabay kaming pumasok sa loob ng simbahan. Luma na ang simbahan kapag tinignan mo sa labas pero pagpasok mo sa loob ay sasalubong sa'yo ang magandang altar sa loob. Maraming upuan na mahahaba para siguro sa mga nagisimba tuwing Linggo at agaw pansin saakin ang mga glass window sa simbahan na iba't-ibang kulay ang nasa gitna. Sigurado ako na kapag natamaan ng araw ito ay may mga nabubuong disenyo sa lapag.

"Odesa, dito raw." Bumalik ako sa reyalidad nang hawakan ako ni Clarissa at marahan na hinila papunta sa kanan na hagdan na nasa gilid lang mg main entrance ng simbahan.


"Salamat." Saad ko sakaniya at umakyat na kami roon. Pagtapak namin sa pangalawang palapag ay sumalubong saamin ang isang pintuan.

"Dito po kayo." Malambing na saad ni Angel at binuksan ang pinto. Pagpasok namin sa loon ay sumalubong saamin ang maluwag na espasyo na may anim na single bed.

"Pasensiya na kayo kung hindi pa nalilinis ang kwarto pero sana maging komportable ang tulog niyo rito." Saad ni Angel na ngayon ay nakatayo sa may pinto.

Seryoso ba siya? Hindi pa bagong linis ito? Eh wala ngang ni isang dumi akong nakikita maliban na lang siguro sa mga kahon na nasa gilid ng kwarto pero kung tutuusin ay malinis ang buong kwarto. Ni wala ngang agiw sa mga sulok-sulok at mukhang kapapalit lang din ng bedsheets sa mga kama dahil wala akong makitang lukot sa bawat kama eh.

"Maraming salamat, Angel." Saad ni Ms. Gomez

Ngumiti ulit siya, "Walang anuman po at muli, maligayang pagdating sa Villa Teresita!"

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

9.2K 78 13
⚠️رواية منحرفة خاصة للبالغين⚠️ وَقَعْتُ بِحُبِ رَجُلٍ ثَلٰاَثِينِيٖ قَاٰمَ بِتَرْبِيَتِيٖ إِنَكَ مُتَزَوِجْ يَاسَيِدْ جُيُوٰنْ قَتَلَ كُلْ مَنْ حَا...
54.8K 7.2K 78
"Se refiere a la belleza de corta duración de la flor de cerezo" ╰──➢ Advertencias ✧ ⁞ ❏. Omegaverse < SLOW BURN ⁞ ❏. Todoroki Bottom! ⁞ ❏. Smu...
8.4K 150 26
A newly unemployed Yumiko (you) stumbles upon the same man every day in her town's convenience store since she moved in. Nonchalant towards these eve...