Dapit Hapon (ONE SHOT)

By ayllabyu

5 0 0

Paano ka makakausad sa isang bagay na nakasanayan mo na? Ang mga bagay na bumuo sa pagkatao mo. Paano mo kaka... More

Dapit Hapon

5 0 0
By ayllabyu

Dapit hapon ang isa sa paborito kong panuorin at tanawan pagkatapos ng nakakapagod na araw. Hindi na yata mawawala sa routine ko kada araw ang pagpunta sa tabing dagat at panuorin ang paglubog ng araw. Siguro ganito talaga kapag nakasanayan mo na ang isang bagay hindi mo na ito mababago pa. Nakakalungkot lang isipin na dati ang saya ko sa tuwing sasapit ang dapit hapon ngunit ngayon wala na akong maramdaman pa, sa sobrang sakit. Bakit kailangan niya akong sanayin sa isang bagay na akala kong gagawin namin sa habang buhay yun naman pala mag-isa ko na lang gagawin sa kasalukuyan.

"Galing ka na naman sa tabing dagat noh? Hanggang kailan mo ikukulong ang sarili mo sa isang bagay na matagal ng wala sayo?" sabi ng pinakamatalik kong kaibigan na kasama kong naninirahan dito sa Condo.

"Hayaan mo lang ako. Mapapagod din ako at titigil sa tamang panahon." Sagot ko at nagtungo sa kwarto ko para magbihis ngunit sinundan ako ng kaibigan ko.

"Girl, ilang beses ko ng narinig sayo yan. It's been 5 years girl pero hanggang ngayon ganyan ka pa rin. Jusko, di na alam nila Tita ang gagawin sayo para bumalik ka sa dating ikaw. Kahit ako di ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko sayo para magising ka sa katototahanan na wala na talaga siya at hindi na babalik pa kahit magpabalik balik ka pa sa tabing dagat tuwing dapit hapon"

Hindi ko alam kung paano ko pa dedepensahan ang sarili ko mula sa kaniya kasi tama naman siya eh. Tama lahat ng sinabi niya na kahit anong gawin ko hindi na siya babalik pa. Kahit hilingin ko pa ng ilang beses na sana bumalik siya, Malabo na eh, sobrang labo na.

"Hoy Selene Rhaine Hernandez, ano forda mukmok ka na naman ngayong Valentines?" sigaw ni Erin. Ang pinaka matalik kong kaibigan. Magkakilala na kami simula pagkabata namin.

"Hoy ka din Erinna Louisse Gomez, ang corny kaya ng mga ganap ng Valentines sa school. Mas gugustuhin ko pang matulog." Sabi ko kasi tinatamad talaga ako pumasok para sa Valentines event ng school kasi for sure maya't maya na naman ako sa Jail Booth.

"Selene, hindi corny yun tsaka andaming nag aaya sayo para maging date nila sa Party mamayang gabi and for sure madami kang marereceive na flowers, chocolates at gifts." Litanya niya pa.

"I can buy it myself Erin. Tsaka ang hassle umattend ng Party mamayang gabi kasi may quizzes pa ako bukas kaya magrereview na lang ako dito."

Sa totoo lang hindi ko hilig ang mga ganitong event. Wala din sa isip ko ang mga date na yan. Mas focus ako sa acads ko. Hindi naman sa broken ako or bitter ha pero wala talaga sa isip ko ngayon.

"Paano kung sabihin kong hiniintay ka lang naman ng boy bestfriend mo slash ultimate crush mo?" Hays. Syempre ibang usapan na kapag si Ethan.

"Tigilan mo nga ako Erin, idadamay mo pa si Ethan para lang mapapayag mo akong pumunta sa school. Wag nga ako!" Kilala ko itong si Erin eh para-paraan lang to.

"Baliw, seryoso ako. Nakita ko siya kagabi nung nagdinner kami sa labas ng fam ko and he asked me if pupunta ka and I said no. Sabi niya sakin pilitin daw kita pumunta pero kung ayaw mo naman talaga sasabihin ko na lang busy ka"

"Oo na pupunta na. Tabi dyan" sabi ko at binangga ko sya ng slight nakaharang sa daan eh.

Si Ethan Villaflor ay ang boy bestfriend ko na crush ko din. Ideal guy naman kasi talaga siya. Lahat ng babae sa Campus nagkakagusto sa kanya kasi bukod sa gwapo siya sporty pa siya tsaka matalino, mabait, family oriented person, god-fearing, masipag, matulungin, friendly at matalino. Sobrang perfect niya kaya kahit sino nahuhumaling sa gaya niya at isa na ako dun pero I treasure our friendship kaya wala akong balak umamin sa kaniya maliban na lang kung magugustuhan niya din ako.

"Selene I'll wait you na lang downstairs. Don't be so mabagal ha?" Sigaw ni Erin bago lumabas sa kwarto ko.

Pagdating na pagdating namin sa University kung saan kami nag-aaral ni Erin ay sinalubong na kami ng mga kalalakehan na may dalang mga bulaklak, tsokolate at iba pang regalo. Isa to sa dahilan kung bakit ayaw kong pumunta kasi panigurado mapupuno na naman ang car namin mamaya ng mga ito.

"Shocks girl, wala ka talagang kupas simula highschool tayo madami kanang admirers at palaging madaming nagbibigay sayo ng gifts hanggang college ganun pa din, mas dumami pa nga ata eh." Sabi ni Erin na parang di pa makapaniwala ang ekspresyon.

"Buti na lang Van yung dala nila Manong kung hindi wala na akong uupuan mamaya." Bulong ko sa kaniya habang nakangiting tinatanggap ang mga binibigay sa akin.

Aabutin ata kami ng hapon bago makaalis sa pwesto namin sa dami ng mga estudyanteng nagbibigay samin ng kung ano-ano. Hays, kung si Ethan to kahit magdamag pa kami dito ayos lang kaso hindi eh.

"SELENE!!!!" tawag ng isang pamilyar na tinig at biglang nahawi ang mga tao sa harap ko na parang nagbigay daan sa taong sumigaw.

Parang nagslow motion ang buong paligid habang naglalakad papalapit sa akin ang lalakeng sumigaw kanina. Pakiramdam ko kami lang ang tao sa lugar na ito kahit napapalibutan kami ng napakaraming tao na akala mo'y nanunuod ng isang palabas ng isang sikat na loveteam.

Hindi ko maanig kung sino itong naglalakad dahil sa araw at sa bungkos ng tulips na kaniyang dala. Mygosh alam niya ang paborito kong bulaklak. Tanging malalapit na tao lamang ang nakakaalam ng mga hilig at paborito ko.

Nahinto ang pagbagal ng paligid ko na yugyugin ako ni Erin at magtilian ang mga kababihan.

"Flowers for you Selene!" nakangiting sambit ni Ethan. OO si ETHAN ang lalakeng may bitbit ng bouquet of tulips. Pero bakit? Never niya akong binigyan ng flowers noon maliban na lang noong debut ko.

Kahit nagtataka ako kung bakit binigyan niya ako ng bulaklak ay tinanggap ko pa din.

"Thank you Ethan! First time to ah" sabi ko na may halong pang aasar sa kaniya at natawa naman siya.

"Meet me in the Garden" sabi niya at umalis na lang bigla. Weird?

"Kakaloka ang eksena niyo girl. I didn't expect it. Ano kayang hangin ang dumampi dyan sa bestfriend mo? Sa tagal niyong magkaibigan ngayon ka lang niyan binigyan ng bulaklak maliban na lang nung sa debut mo." Sabi ni Erin.

"Ewan ko dyan. Baka naman may isa sa mga tropa niya ang nagpapabigay." Sabi ko at tinawagan ko ang bodyguards at driver ko para kuhanin lahat ng natanggap ko at pupuntahan ko pa si Ethan.

Ayokong mag-assume ng kung ano mula kay Ethan pero lately talaga kakaiba kinikilos niya. Kung dati sweet sya sakin mas naging sweet siya sa akin. Ito pa, hindi naman kami madalas magchat, text or call pero lately medyo napapadalas which is fine with me kasi crush ko siya pero kasi hindi siya ganto noon.

"Let's go Erin" sabi ko pagkabigay ko sa mga bodyguards ko ng mga natanggap ko.

"Saan?" tanong niya pa.

"Sa Garden."

"Hala! Isasama mo pa ako? Ikaw lang naman sinabihan ni Ethan na pumunta doon ah."

Minsan talaga gusto kong magpalit ng kaibigan. Masyado kasing literal itong isa na ito.

"Sasama ka o sasabihin ko kay Kuya na ikaw ang secret admirer niya na nag-iiwan ng kung ano-anong gifts sa locker niya?"

Nanlaki naman agad mata niya at medyo namutla na may kasamang konting pawis. Alam ko panakot sayo girl.

"Tara na pala baka naghihintay na sayo si Ethan. Masamang paghintayin ang gwapong tulad niya."

At siya na mismo ang naghila sakin papunta sa Garden. Actually madaming Garden dito sa University. Sa laki ba naman nito at madaming department. Minsan nga kailangan mo pang sumakay ng shuttles na meron ang University para makapunta sa class mo o building mo. Pero sa dami ng garden ng University may paborito kaming tambayan na garden kasi wala gaanong natambay doon kaya parang nagging special place naming nila Erin yun.

Habang palapit kami ng palapit sa Garden nagtataka ako sa dami ng taong nakapaligid dito dahil kahit kalian hindi dumami ang taong tumatambay dito kahit pa may mga event.

"Anong meron dito?" takang tanong ni Erin. Napakibit balikat na lang ako. Out of nowhere bigla na lang tumugtog ang paborito kong kanta ngayon which is ang kantang Pasillyo by Sunkissed Lola.

Dahil sa kuryosidad ko ay mas lumapit pa ako at binigyang daan naman ako ng mga taong nakapaligid doon. Roses petals ang aisle na nilalakaran ko at madaming balloons din ang nasa sahig. Grabe napakaganda, napakaswerte naman ng susupresahin ng may gawa nito. Isa din ito sa pangarap ko. Sa dulo ng aisle ay doon nakatayo si Ethan na nakangiti sakin. Siya ba may pakana nito?

Sa dulo din ng aisle may mga nakasabit na photos namin together simula ng magkakilala kami. Pagdating ko sa harap niya ay humina ang tugtog at nakatingin lang siya sakin. Ako ay puno pa rin ng mga katanungan kung para saan ito?

"Selene, alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayare ngayon. Kung iniisip mo na may kaibigan na naman akong nagpapatulong sa akin pwes nagkakamali ka kasi wala. Lahat ng ito ay ako ang may plano. Simula ng magkakilala tayo never pa kitang sinurpresa o binigyan ng bulaklak during valentines or special occasion kaya alam kong gulat na gulat ka sa bulaklak kanina." Sabi niya at tumango lang ako kasi totoo naman yun.

"We know each other for almost a decade. Nasaksihan mo na lahat ng kalokohan ko noon, mga failures and success ko pati ang mga failed courtships and relationships ko. Kilala mo na ako mula ulo hanggang paa at ganun din ako sayo kahit minsan nagugulat pa din ako sa mga habits mo." Tumawa pa siya kaya hinampas ko siya ng slight at umakto naman siyang nasaktan.

"Pero may isang bagay akong matagal ng nilihim sayo."

"Ano yun? Bawal secrets diba?" medyo galit na turan ko. Pero kahit naman ako may secret sa kaniya.

"Oh, wag kang magalit dyan. Pagpaliwanagin mo muna ako." Tumango lang naman ako.

"Hindi ko gustong ilihim to pero natatakot akong sabihin sayo kasi baka magbago pakikitungo mo sa akin which is ayaw kong mangyare."

"May nagawa ka bang krimen?" at tinawanan niya ako na nagpakunot ng noo ko.

"Sige tawa pa maubusan ka sana ng hininga"

"Hahaha nakakatawa ka kasi, sa tingin mo ba makakagawa ako ng ganung bagay ha?"

"Hindi pero kasi yung mga linyahan mo parang napakatindi ng lihim mo na to the point na magbabago pakikitungo ko sayo."

"Okay sorry, my fault. Hayaan mo akong sabihin ng buo para malinawan ka na." tumango lang ako sign na Okay, go.

"Hindi ko kasi alam kung anong mangyayare after kong sabihin sa iyo itong lihim na ito. Natatakot din kasi akong mawala ang pagkakaibigan natin. Sobrang mahalaga ka sakin to the point na di ko kakayaning mawala ka sa buhay ko. Simula ng makilala kita nadagdagan ako ng rason para mabuhay at ipagpatuloy ang mga pangarap ko. Noon, hindi ako naniniwalang pwedeng maging magkaibigan lang ang isang babae at lalake. Nang makilala kita naniwala ako na pwede pero napatunayan ko rin na tama nga sila. Hindi pwedeng maging magkaibigan ang isang babae at lalake."

"Huh? Bakit? Anong pinagsasasabi mo? Pwede yun noh? Isa nga tayo sa patunay diba?" Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi nito ni Ethan. Napakaagulo.

"Hindi talaga pwede kasi............" Kasi? Ano to naghang? Nakatingin lang siya sa may likuran ko kaya napatingin din ako na nagpagulat sa akin. Napatakip na lang ako ng bibig ko

"Selene Rhaine Hernandez, ito ang matagal ko ng lihim sayo at ang dahilan kung bakit hindi pwedeng maging magkaibigan tayo. I like you! No, I love you Selene matagal na."

Ano yung nakita ko? Placards lang naman na nagsasabing I fell inlove with you Selene.

"I know na nangako tayo sa isa't isa na hindi tayo pwedeng mainlove sa isa't isa but I'm sorry kasi I broke that promise. I fell for you my bestfriend."

I don't know what to say. Sobrang nakakagulat to. Ang Ultimate Crush ko ay may gusto sakin? Totoo ba ito? Baka naman nanaginip na naman ako. Mygosh!

"Selene Rhaine Hernandez, can I court you? Please let me court you." Sabi niya pa.

Naestatwa ako sa pwesto ko dahil sa tanong niya. Oo madaming nag aadmire sa akin pero walang naglalakas loob na manligaw sakin.

"Girl, pagkakataon mo nayan oh! Nacrushback kana ng crush mo ohh wag mo ng palagpasin pa." Bulong ni Erin na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.

"Okay, I'll allow you to court me but in one condition." Sabi ko.

"Ano yun?" tanong niya.

"Let's keep it private for now please. Lowkey kumbaga para walang mangingialam sa atin."

"Okay that's fine with me."

Grabeeeeeee. I can't believe it. Si Ethan Villaflor ay may gusto sakin. Mygosh! Ako lang to si Selene Rhaine Hernandez. Iba na ang beauty ko hahaha.

We're enjoying the event now. Of course, with our friends. Ewan ko ba di ko man lang masolo si Ethan. Para naman kasing walang mga lovelife tong mga kaibigan namin at nakabuntot samin. Pero ayos lang din naman as long as nag eenjoy kami. Hindi tumagal iniwan din kami ng mga kaibigan naming.

"Tara Marriage Booth" aya nya sakin.

"Gagawin natin dun?" tanong ko pero namumula na ako sa kilig.

"Papakasal tayo."

"Wala ngang tayo."

"Ouch" humawak pa sya sa dibdib nya na parang nasasaktan talaga kaya hinampas ko sya at tinawanan.

"Siraulo"

"Kain muna tayo?"

"Busog pa ako."

"Horror Booth tayo?"

"Tara."

Magkahawak kamay pa kaming pumasok sa horror booth.

After namin sa horror booth nag ikot ikot pa kami. Nagkakasalubong nga kami ng barkada eh. Pero dedma muna sa isa't isa kasi Valentines and time ito para magka-alone time kami ni Ethan kasi lagi naman kaming magkakasama ng barkada tsaka kakaconfess niya pa lang kaya gusto kong masolo muna siya ngayon.

Nang sumapit na ang gabi ay nakahanda na ako para sa Heart's day Party parang Prom lang din naman ito. Which is may mag magpeperform sa simula ng program then in the middle of the night is may sweet dance party party na.

Kung hindi nagconfess si Ethan at kung di niya ako inayang pumunta, baka nagmumukmok lang ako sa bahay ngayon. Magrereview na lang siguro ako para naman sa mga Quizzes naming bukas. Pero pagkakataon na ito para makasama si Ethan at makasayaw siya sa buong gabi. Andito din ang buong barkada.

Isa ako sa kilalang mag-aaral sa University na ito, hindi dahil sa madami akong admirers kundi sa isa ako sa mga matatalinong mag-aaral ng aming departamento. I'm an Accountat student while Ethan is a Civil Engineering student and Erin is a Business Ad student major in Operational Management. Actually iba't iba kami ng course magkakaibigan. Pero karamihan sa boys ay Criminology at IT student. Si Nick nga lang ata ang naligaw at nag Accountancy din haha.

Kasalukuyan nang nagsisimula na ang Party which is puro slow dance and sweet ang music kaya inaya na ako ni Ethan sumayaw at hindi naman na ako tumanggi pa. Syempre pabor sakin na makasayaw siya kahit magdamag pa.

Sabi nila makikita mo sa mata ang tunay na nararamdaman ng isang tao at masaya ako na nakikita ko sa mga mata nya na masaya sya. Masaya din ako para sakanya. Sa kanya lang ako sumaya ng ganito at alam kong di na ako magiging ganito kasaya sa piling ng iba.

"Are you happy?" tanong niya.

"Ofcourse. I didn't expect you to do that kind of surprise but super happy ako sa ginawa mo and being with you makes me more happy." sabi ko at nginitian siya.

"I'm more than happy seeing you happy and knowing na napasaya kita sa surpresa ko."

"Thank you Ethan!"

"Always remember that no matter what happen I will be always be here for you. Supporting you."

"I'll always keep that in mind. Thank you Ethan"

"Kahit ano basta para sayo Selene."

Hinalikan niya naman ako sa noo at napapikit lang ako. Sheeeshhh kung panaginip man ito ayoko ng gumising pa.

"Ayieeeeeeeee!!!!" sigaw ng barkada namin. Mga loko loko talaga. Napaka-iingay na nilalang.

Sumasayaw din sila sa tabi namin. Natawa na lang kami ni Ethan at nagsayaw na lang. Being with him is one of the best moments that I will never forget and I will treasure it forever magkatuluyan man kami o hindi.

Simula noon mas naging sweet at clingy sa akin si Ethan to the point na every vacant ko pinupuntahan niya pa ako kahit fifteen minutes lang ang vacant na meron siya. Until now hindi pa din ako makapaniwala na nagustuhan din ako ni Ethan.

"Grabe girl, anong sekreto mo ha at nacrushback ka? Pakishare naman para magamit ko din sa kuya mo." Sabi ni Erin. Siya na naman kasama ko sa vacant ko. Mamaya pa kasi vacant ng iba naming kaibigan.

"Ganda at dasal lang ito girl." Sagot ko at tinawanan siya.

"Hoy Selene, maganda din naman ako ah. Sadyang di lang talaga napapansin ng Kuya mo."

"Since the day na lokohin siya ni Ate Ericka di na yun nagkagusto pa sa babae. Naging laro na lang dun ang pag-ibig nayan kaya kung ako sayo hanap kana ng iba dyan. Andyan naman si Mark ah"

"Sus pass. Bff lang kami, hindi ako tutulad sa inyo ni Ethan. Hindi ako gaya gaya noh!"

Napakamanhid ng isang ito eh. Hays kawawang Mark.

"Kamusta na pala status niyo ni Ethan? Two weeks na siyang nanliligaw sayo ah. Hindi ka pa rin naamin na mas nauna kang nagkagusto sa kanya?" biglang tanong ni Erin.

"Syempre hindi, gusto ko munang damhin ang panliligaw niya. Tsaka hindi naman ako nagmamadali eh." Sagot ko sa kanya.

Sa ngayon, masaya akong nakakasama siya. Masaya ako sa kung anong meron sa amin.

Ilang araw kaming hndi magkikita ni Ethan dahil ilang araw siyang mawawala para sa seminar nilang Engineering students. Masaya akong nagustuhan niya ako at nasanay na talaga ako sa mga efforts niya pero parang may mali. Parang hindi ako ganun kasaya, parang may kulang. Baka naninibago lang ako sa mga nangyayare sa amin. Isang buwan pa lang naman simula nung umamin siya sa akin. Siguro dapat masanay na ako sa lahat at enjoyin itong meron sa amin.

Kasalukuyan akong nag-iikot dito sa resort kung saan kami magcecelebrate ng birthday ng pinsan ko. Cousin time naman ako ngayon, wala munang bebetime kasi naextend ang seminar nila Ethan kaya baka next week pa kami magkita.

So far nag eenjoy naman kaming magpipinsan dito sa resort na napili nila Tito at Tita. Every birthday kasi ng pinsan ko nagtatravel kami kung saan saan. Mas trip kasi nilang magtravel kung saan saan. Every year nagtatravel kami ngayon lang hindi na gaano.

Humiwalay muna ako sa mga pinsan ko na busy kakatingin ng mga makakain. Magfofoodtrip daw kasi mamaya in short mukbang. Tatry daw kasi nilang magvlog or maglive mamaya baka daw sumikat sila.

Naglakad lakad muna ako sa buong resort at nakakita ako ng garden tapos may pavillion sa gitna kaya nagtungo ako dun. Napakaganda talaga dito. Nakakarelax. Madaming puno at mga halaman.

Mahilig talaga ako sa nature kasi nakakarelax siya ng mind at nakakawala ng stress.

Maya maya may naramdaman akong papalapit mukang gusto din niya ang ganitong view. Puro plants at mga bulaklak.

"Hi" bati nito sa akin kaya humarap ako dito para ngumiti sa kanya at ngumiti din naman sya.

"Hello" sabi ko naman. Isang lalakeng mala anghel ang kagwapuhan lang naman ang nasa harapan ko mukhang guest din ito sa resort na ito.

Shocks, di ko alam kung paano ko sya kakausapin. Hindi ko naman kasi siya kilala atsaka hindi ako basta basta nakausap ng lalake noh? Si Ethan lang talaga yung inapproach ko na guy kalimitan iniignore ko ang boys maliban na lang kila Ethan at sa barkada namin.

"Ahm, pasensya kana. Naistorbo ata kita." sabi niya. Ang ganda ng speaking voice niya ang lumanay lang pero manly.

"Oh no. It's fine. Tinitignan ko lang naman ang mga bulaklak dito at nag-iikot ikot lang din naman ako" sabi ko.

"Akala ko kasi walang tao"

"Ahahha that's okay."

"Nagbabakasyon ka lang ba dito sa resort?"

"No. Nagcecelebrate lang kami ng birthday ng cousin ko"

"Oww kayo pala yung may ganap sa function hall mamaya."

"Yes. Yung parents kasi ng cousin ko ang nag-ayos ng birthday celebration ng cousin ko kasi every year we celebrated it by travelling to other countries."

"Ahh kaya pala."

"Ikaw ba? Guest ka din ba dito? Parang may ganap din sa seaside eh dun kasi dapat kami eh."

"No. I'm just visiting my parents here. Hindi ko na kasi sila nakikita sa bahay namin eh"

"Oww. Sa inyo pala itong resort na ito? Napakahands on naman ng parents mo at hindi na sila nakakauwe para lang icheck ang takbo ng resort nyo."

"Yeah kaya ako na lang ang nagpupunta dito kasi miss ko na din naman sila tsaka wala na akong allowance hahaha" biro nito. Hindi ko alam pero masarap siyang kausap.

"Ayun forda hingi ng allowance ang ferson siguro puro ka gala at party dun kaya ubos na allowance mo." Pagbibiro ko sa kaniya at tinawanan niya lang ako.

Muka naming harmless siya at friendly lang kaya naman hindi ko siya dinedma.

"Muka namang nag-eenjoy ka sa resort namin at mahilig ka sa nature."

"Oo naman, kaya nga andito ako sa garden eh. Tahimik tsaka relaxing."

"So mahilig ka sa halaman?"

"Kind of."

"Bakit ka mag-isang nandito sa Pavillion Garden?"

"Wala lang gusto ko lang muna lumayo layo sa mga pinsan ko ang gugulo eh."

"Nasan ba sila?"

"Andun sa mga food stall. Foodtrip daw. Ikaw, may kasama ka?"

"Meron, kasama ko yung ibang friends ko. Andun din sila sa food stall. Foodtrip din." Sabi niya.

Ang sarap niyang kausap and parang matagal na kaming magkakilala sa paraan ng pag-uusap naming. Nakakapanibago ito hindi ko basta basta nakakagaanan ng loob ang isang tao sa unang pagkikita at pag-uusap lamang pero siya kakaiba, komportable agad ako.

"Ahm, I'll go ahead baka hinahanap na nila ako." sabi ko.

"Ahh okay. By the way, I'm Z, Zyann Joshen Cortez." sabi niya tapos inoffer niya ang kamay niya for shake hands at tinanggap ko naman yun.

"Nice to meet you Z. I'm Rhaine, Selene Rhaine Hernandez." sabi ko ng nakangiti.

"Nice to meet you too. See you around. I hope you'll have fun on your stay here in our resort."

"Of course I will enjoy my stay, see you. I'll go ahead"

Umalis na ako at iniwan siya sa Pavillion. I don't know why but magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Sana makita pa kita ulit at mas makilala pa kita Z.

After ng celebration ng pinsan ko ay balik na naman ako sa realidad ng buhay. Focus na naman ako sa mga gawain sa school. Hindi madali ang maging Accountancy student. More on analyzation ang course na ito hindi solving.

Kasalukuyan nga akong nagbabasa ng mga topics namin sa major subject ko. Andito ako sa pavilion ng school, mas tahimik kasi dito at presko. Mas maiintindihan mo ang lahat ng binabasa mo. Mag-isa lang ako ngayon dahil may klase sila Erin and si Ethan naman ay hindi ko pa nakikita simula ng makabalik siya from the seminar. Nagkakachat naman kami minsan kaso saglit lang kasi hindi nagtutugma ang oras namin.

"Hindi ko alam kung coincidence ba ito o sinadya ng tadhana na magkita ulit tayo sa isang Pavillion." Sabi ng lalakeng umupo sa tabi ko kaya napatingin ako dito.

"Zyann?" gulat kong sambit at napangiti siya sa reaksyon ko.

"Ako nga. Small world. Same University pa pala tayo Rhaine."

"Small world nga."

"Tinadhana ata tayo haha" biro niya.

"Baliw. Vacant mo?"

"Yes, so I'm here to read some cases."

"Cases?"

"Yes cases."

"Criminology student ka ba?" At natawa naman siya sa tanong ko. May mali ba dun?

"I'm a Legal Management student" wooaah future lawyer pala kaya magaan loob ko.

"Wow! Future lawyer ka din pala."

"Why? Ikaw din ba?" tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya. "Anong Pre-law course mo?"

"Accountancy."

"Wow gusto pala ng double license. Isa bilang Public Accountant at isa bilang abogado."

"We have a business kasi so it's a big help to our company."

"You're right. By the way bakit mag-isa ka na naman?"

"Nag aadvance reading kasi ako para sa major subject namin and my friends have a class kaya mag-isa lang ako."

"Sakto mag-isa lang din ako. Do you mind if I sit beside you?"

"I don't mind at all."

After that conversation ay nagbasa na siya ng mga cases niya and napakaseryoso niya doon to the point na parang wala siyang naririnig o nararamdamang tao sa paligid niya. Nagbasa na lang din ulit ako kasi may isang oras pa ako na vacant.

Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pagbabasa ko. Nagulat na lang ako ng magring ang cellphone ko pati si Zyann nagulat kaya tumingin ako sa kanya at nagsorry tsaka tumayo at lumayo ng konti para sagutin ang tawag.

"I miss you Selene, where are you? Vacant ko now. We can have some meryenda." Sabi agad ni Ethan na wala man lang Hello.

"Sorry Ethan pero I'll go to my next class na kasi. Kanina pa kasi vacant ko." Sagot ko.

"Oww, okay. I'll call na lang mamayang gabi. Study well."

"Okay. Ikaw din study well."

Inend ko na ang call at tinignan ang oras at ten minutes na lang magsisimula na ang class ko kaya need ko ng umalis. Niligpit ko na agad ang mga libro at notes ko at nilagay sa bag ko.

"Aalis ka na?" tanong ni Zyann. Muntik ko ng makalimutan na may kasama ako.

"Oo eh. May klase nako in ten minutes." Sagot ko.

"Ahh okay. Can I get your number and can I add you on your social media accounts?"

"Oww sure."

Binigay niya naman agad ang cellphone niya at nag exchange kami ng number. Inadd na din namin ang isa't isa sa social media.

"Thank you for letting me stay with you. Study well Rhaine"

"You too. Goodluck on your cases."

I waved goodbye and run to my next class. I don't know why but I'm interested in him. There's something about him. Never akong naging interesado sa isang guy pero kakaiba siya sa lahat.

Simula ng araw na iyon madalas ko na siyang nakakachat or call. Depende sa availability namin. Busy din kasi siya sa mga cases na need nilang basahin at may mga recit pa sila. Samantalang ako busy sa pagbabasa ng book na Obligation and Contract. Kailangan kasi naming maintindihan yun at magbabasa na din kami ng mga cases

Habang tumatagal din hindi na kami nakakapag usap ni Ethan. Mas nagiging busy na kasi sila. Andaming plates and floor plan ang pinapagawa sa kanila. May mga convention pa silang pinupuntahan. Madalas din na hindi nagtutugma ang oras namin. Kapag pinupuntahan ko naman siya sa kanila kapag weekend may practice naman siya sa soccer.

Lately parang narerealize ko na tama ang sabi ni Lola sa akin noon na "Alam mo apo ang pagkakaroon ng crush ay masaya at walang masama pero kapag dumating sa point na nagustuhan ka ng crush mo unti unti kang mawawalan ng interes sa kaniya kasi mapapaisip ka na baka ka lang niya nagustuhan kasi nalaman niyang may crush ka sa kaniya. Kaya hangga't maaari wag mong eentertain yung ganun kasi at the end siya lang ang masasaktan"

Ewan ko ba? Pero ito ata ang maling nararamdaman ko nung una. Ito siguro yung parang may kulang. Honestly, habang tumatagal nawawalan na talaga ako ng interes kay Ethan hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko maling magkagustuhan kami. Iniisip ko kasi na kapag hindi kami nagwork ay hindi lang ang relasyon namin ang mawawala kundi pati ang pagkakaibigan naming at magiging awkward ang lahat sa aming magbabarkada. Ayoko namang masira ang barkadahan namin dahil lang sa ginusto namin ang isa't isa.

ZJcortez has a message for you

ZJcortez

Hi. You have class today?

Wala. Why?

Let's eat lunch together.

Wala ka bang class today?
Tsaka ang layo ng sainyo.

I'm just around your subdi. Wala
akong training this morning.

Kakagising ko lang.

Bangon kana. Tapos maligo
kana so we can eat lunch.

Punta ako sa Univ ngayon.
Need to talk to my org. mates.

Bago ka pumunta. Tsaka for
sure di ka pa nagbebreakfast.
Knowing you.

Okay fine. San ba?

Grills lang.

Okay wait for me.
Liligo lang ako.

Okay. See you. Ingat.

Bumangon na ako at dumiretso sa banyo ko para maligo. Ayokong paghintayin yung tao. After kong maligo nagbihis na agad ako. White high waisted short and my green archer hoodie crop top then white cap and white sneakers.

I put some powder to my face. Tapos nagkilay ako kahit makapal na yung kilay ko. Para naman nakaayos. I put mascara and curl my eye lashes. I put a lip&cheek tint then good to go. Kinuha ko yung maliit kong backpack at chineck if andun yung wallet ko, iphone 8plus ko, powerbank ko, earphone, connector, and pouch ng pang retouch ko. Then sinukbit ko na yung backpack ko

Nagpahatid na lang ako sa driver naming sa Grills which is malapit lang din naan sa University naming kaya hindi na hassle sakin mamaya.

When I went inside I look at the table and saw Z waving his hand para makita ko sya. Lumapit naman agad ako sa kanya at umupo sa harap nya.

"Sorry for keeping you wait" sabi ko at nilagay yung backpack ko sa vacant chair sa tabi ko at nilapag ko din yung cap.

"It's okay. Pormang porma ah parang may date ah" sabi nya.

I look at him. He's wearing a white short and blue shirt.

"Ikaw din naman. Pormadong pormado. Wala ba kayong training?" tanong ko habang umoorder kami.

"After this diretso na ako dun."

Umorder na kami ng pagkain namin. So while waiting nagkwentuhan muna kami.

"Ano nga palang ginagawa mo sa subdi namin?" tanong ko.

"Hindi ako umuwe kagabi sa bahay. I went out with my cousins." sabi nya.

"Sabi mo kagabi umuwe kana."

"Umuwe naman ako to only found out that my cousins are waiting for me."

"Then you go out?"

"Yes. So di na ako nakauwe. I'm a bit tipsy last night kaya sa condo na lang kami ng pinsan ko nagstay which is nasa loob ng subdi nyo."

"May cousin ka pala sa subdi namin?"

"Yeah. Siguro di mo sya nakikita pero same course kayo. Senior mo nga yun eh"

"Siguro nga most of the time kasi blockmates ko at mga barkada ko lang nakakasama ko sa University"

"Balita ko Dean's Lister ka diba? Why don't you join to their Org?"

"I already have my Org na eh."

"Anong org?" he lean to the table.

"Writers Org. Kami din ang gumagawa ng school newspaper"

"Wow! So kayo pala ang nagsulat ng article about sa basketball team namin last year?"

"Yung President ng Org namin last year ang nagsulat nun. Sa ibang sports ako naassign eh"

Dumating na yung pagkain namin so we started eating while talking some random things. Na di namin namalayan na. 1pm na pala.

"Oh shoot. I'm sorry but I need to go may training pa ako. Panigurado late na ako nito." sabi nya habang nakatingin sa phone nya.

"Okay lang. Thanks for the lunch and for the time." sabi ko.

"No problem. So see you tomorrow?"

"Yeah I'll support you." May friendly game kasi sila ng mga pinsan ko bukas.

Tumayo na kami parehas at lumabas na ng Grills then I waved to him and he drive away from me dala kasi niya yung kotse niya. Habang tumatagal parang siya pa ang nanliligaw sa akin kasi mas nakakasama ko pa siya kaysa kay Ethan. Madalang na kaming magkita tapos pag nagkausap pa kami ay nagkakaroon pa kami ng mga pagpapatalo. Hays.

Naglakad na ako papasok ng University kasi may meeting kami ng 1:30, ayoko namang malate at Vice President ako ng org naming. Habang naglalakad ako sa hallway may napansin akong pamilyar na tao sa Garden ng Department of Architecture.

"Si Ethan ba yun?" sambit ko. Hindi ako pwedeng magkamali si Ethan yun.

Anong ginagawa nun dito? Tsaka mag isa lang siya? Malapitan kaya.

Lalapitan ko sana siya ng mapansin kong may kasama siyang babae. Anong ginagawa nila? Bakit may kasamang babae si Ethan? Nanlaki ang mata ko ng halikan si Ethan ng babae at hindi man lang siya pumalag at mas diniinan pa ang halikan nila.

All this time akala ko busy sya sa mga plates and floor plans nila yun pala iba pinagkakabusyhan niya.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at tinawagan siya sa cellphone niya. Nakita ko ang gulat niya ng magring ang cellphone niya sumenyas pa siya ng sandali sa babae at sinagot ang tawag ko.

"Hi Selene! Miss me?" sabi niya pa.

"Nasan ka?" tanong ko.

"Nasa coffee shop kasama mga blockmates ko. Bakit? Wanna hang out?"

"Coffee shop?"

"Yes. May mga pinag uusapan lang kami about sa mga gagawin namin sa isang major subject namin. Gusto mo bang magkita tayo? Alam kong namimiss mo na din ako." sabi niya pa habang nakikipaglampungan sa babaeng kasama niya. Hindi ko akalaing magagawa niya ito at nagsinungaling pa talaga siya sakin.

"Parang hindi ko na ata magagawang humarap pa sayo pagkatapos ng nakita ko Ethan."

"Huh? What do you mean? Anong nakita?" medyo natataranta na siya sa kinauupuan niya ngayon.

"Coffee shop na pala ang Garden ng Department of Architecture. Pag uusap na pala about sa gawain sa isang major subject ang pakikipaghalikan at lampungan sa isang babae."

Nanlaki ang mata ni Ethan at napatingin sa paligid. Nagtama ang mata namin at kitang kita sa mata niya ang takot at pagsisisi bago pa siya makakilos ay umalis na ako at pinatay ang tawag. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero nagpatuloy lang ako sa pagtakbo para hindi niya nako maabutan pa. Hindi ko akalaing magagawa niya akong traydurin at lokohin ng ganito. Bestfriend ko siya tapos ganito ang gagawin niya. Pwede naman niyang sabihin ng diretso kung ayaw na niya eh pero yung lolokohin niya ako ha mali na ata yun.

All this time kahit hindi kami gaanong nagkikita at nagkakausap tinuturing ko pa din na nanliligaw siya sakin at iniintindi ko na baka busy siya. Yung pagkikita namin ni Zyann wala lang yun. Kaibigan ko si Zyann at kaya madalas ko siyang nakakasama dahil lagi siyang isinasama ng mga pinsan ko sa mga lakad namin. Aaminin ko attracted ako kay Zyann pero hindi ko siya nilandi dahil alam kong mali yun at masasaktan ko si Ethan pero siya pala ang kung ano anong pinaggagawa sa likod ko. I feel so betrayed.

Dahil sa nangyare na yun hindi nako sumama sa basketball game ng mga pinsan ko kinabukasan at nagmukmok sa bahay. Nakablock na sa akin si Ethan, ayoko ng makausap pa siya. Hindi ko kailangan ang paliwanag niya, sapat na ang nakita ko. Naikwento ko na din ang lahat kay Erin kaya galit na galit din siya kay Ethan. Buong barkada galit kay Ethan dahil sa ginawa niyang panloloko kaya kahit anong pagmamakaawa niya hindi siya tinulungan ng mga ito na makausap ako. Hindi niya din ako tinigilan sa University pero hindi ko siya pinapansin at tinutulungan din ako ng barkada para maiwasan siya kaya hinding hindi siya nakalapit sa akin para magpaliwanag.

Mas pinili ko pang sumama kay Zyann kada hapon. Nagpupunta kami sa tabing dagat at pinapanuod ang paglubog ng araw. Mas naging malapit kami sa isa't isa at mas nakilala namin ang isa't isa. Doon ko nalaman na isa pa lang naging girlfriend niya at niloko daw siya nito kaya simula noon naging mailap siya sa mga babae. Sa pagiging malapit namin ni Zyann napansin ko na madami kaming pagkakatulad at mas lalo akong naattract sa kaniya. Iba na ata ito.

"Selene, umamin ka nga sa akin. Gusto mo na yung si Joshen noh?" tanong sakin ni Erin. Mas kilala talaga siya sa tawag na Joshen.

"Huh? Pinagsasasabi mo dyan?" sagot ko.

"Naku girl, kahit hindi mo sabihin nakikita kong gusto mo na siya. Halos lagi kayong magkasama. Sabay magreview at may sunset routine pa. Aba! Iba na yan."

"Ang issue mo naman. Magkaibigan lang kami nun."

"Diyan naman nagsisimula lahat. Hindi naman porket niloko ka ni Ethan ganun na din ang ibang lalake noh? Alam mo bang sabi ng barkada na bagay kayo ni Joshen at nararamdaman nilang magiging kayo."

"Malabo yun. Natrauma na yun kaya nga hanggang ngayon wala pang nagugustuhang babae yun."

"Naku girl ako na nagsasabi sayo may gusto yun sayo kasi ikaw lang ang bukod tanging babaeng inapproach niya. Snob yun sa lahat eh."

Hindi na ako umimik pa. Ayokong maging feelingera na magugustuhan niya ang gaya ko. Nagpatuloy kami ni Zyann sa afternoon routine namin. Hanggang sa umabot ng taon na kaming magkakilala at aaminin ko na mahal ko na siya. Siya yung tipo ng lalakeng napakamature at masarap kasama. Kaya niyang sumabay sa trip naming magbabarkada. Pinakilala ko na din siya sa barkada ko at nakasundo naman niya lahat.

One time magkakasama kaming magkakaibigan at sinama ko siya, napagtripan nilang maglaro ng truth or dare at puro kalokohan na naman ang nangyare hanggang sa natapat sa kaniya ang bote.

"Truth or Dare?" tanong ng barkada.

"Truth." Simple niyang sagot at tuwang tuwa ang barkada.

"May gusto ka na ba kay Selene?" tanong ni Erin.

"Hoy ayan na naman kayo. Issue ha." Sabi ko.

"Quiet ka dyan. Hindi mo pa turn." Sabi ni Jem.

"I wanted to tell this to her in a romantic way but andito na tayo so, Rhaine" sabi niya at humarap siya sakin, hinawakan ang kamay ko at tinitigan ako sa mga mata. "Selene Rhaine Hernandez, I love you and I wanted to court you. Wala ng tanong tanong liligawan na kita."

Naghiyawan ang mga barkada ko at namula ako sa sinabi niya hindi ko alam kung anong irereact ko at nginisian niya lang ako. Simula nun naging sweet and touchy na siya sa akin. Nang malaman yun ng mga pinsan ko grabe ang tuwa nila to the point na nagpaparty pa sila.

Naging smooth naman ang lahat sa amin. Pumunta pa siya sa bahay namin para magpaalam formally sa parents ko na manligaw at sobrang natuwa sa kaniya ang parents ko pati mga kuya ko. Pinakilala niya din ako sa parents niya one time na naisipan niyang dalhin ako sa resort kung saan kami unang nagkakilala at masaya ang parents niya at mga kapatid niya na sa wakas may pinakilala na siyang babae sa kanila.

Sobrang swerte ko kay Zyann kasi kitang kita ko kung paano siya mag alaga ng mga taong mahalaga sa kaniya at mahal niya. Never niya ding pinaramdam sa akin na hindi ako kamahal mahal. Never siyang nawalan ng time sa akin. Kaya everytime na may laro sila ay nandun din ako para suportahan siya.

"Matatalo na ata sila Vince ngayon ah." Sabi ni ate Veronica

"Oo nga nandito lucky charm ni Joshen eh." Sabi ni Ate Kath kaya natawa ako.

Kanina pa nila ako inaasar lalo na suot ko ang isa sa mga jersey ni Zyann. Pinasuot niya sa akin and willing naman akong isuot yun. Syempre proud nililigawan haha. Kahit sino namang babae mapaproud sa isang gaya niya.

Pagkatapos nga ng laro sa akin agad ang diretso niya at niyakap agad ako.

"Hays. Tanggal pagod talaga pag ganito. Nakakagana pa maglaro pag may ganitong kagandang nagchicheer sayo." Sabi niya at natawa naman ako at hinampas siya ng mahina.

"Naku, nambola pa. Tama na ang yakap punasan ko na ang pawis mo." Sabi ko at bumitaw naman siya agad sa yakap at pinunasan ko pawis niya.

"Tama na ang kasweetan nilalanggam na kami." Sabi ni Kuya Vince at natawa naman kami.

"Bitter alert na naman si Vince" sabi ni Brix.

"Ikaw naman kasi Joshen ginalingan mo masyado ayan talo na nga bitter pa. Double kill." Sabi ni Kuya Zeus kaya nagtawanan kami lahat.

Ganito lagi kami pag kasama namin ang mga pinsan ko. At walang katapusang pang aasar lang naman ang natatanggap namin. Masaya na ako sa buhay ko ngayon at hindi naman na ako ginugulo pa ni Ethan at wala naman na kaming balita sa kaniya.

"Gagawin na natin to habang buhay ha. Papanuorin natin ang paglubog ng araw at uuwe tayo pag madilim na." sabi ni Zyann.

"Habang buhay talaga?" sagot ko

"Oo habang buhay. Nakita ko na future natin eh. Magkasama tayong tatanda."

"Wow ha! Siguradong sigurado kana ata."

"Oo naman. Simula nang mahalin kita naging sigurado na ako sa maraming bagay. Isa kana dun. Sigurado akong ikaw na ang para sa akin."

Lagi niyang sinasabi sa akin yan. Na sigurado siyang kami na ang magkakatuluyan hanggang sa huli. Kahit hindi pa naman kami. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Mahal ko na din siya pero hindi ko alam paano ko yun sasabihin sa kaniya kaya naghihintay ako ng tamang pagkakataon.

Nang magchampion sila Zyann sa basketball ay nagkaroon ng celebration sa resort nila. Ininvite niya ang family, friends and cousins ko kaya sinarado ang resort that day. Nagkakilanlan na ang mga parents namin. Kala mong pamamanhikan na eh.

During the dinner may mga palaro ang mga loko lokong pinsan ko kaya tuwang tuwa ang parents namin ni Z. In the middle of their mini concert daw sabi ni Brix ay biglang namatay ang mga ilaw at may spotlight na nakatapat sa akin at kay Zyann na may hawak ng mic ngayon. Anong pakulo na naman to?

"Rhaine, we known each other for a year and ilang months na din ang nakalipas ng umamin ako sa harap ng mga kaibigan mo tungkol sa nararamdaman ko sayo. Pormal din akong nagpaalam sa parents mo na manliligaw ako. Kilala ka na din ng buong pamilya ko at ngayon magkakilala na ang mga pamilya natin. Selene Rhaine Hernandez alam mo kung gaano ako nasaktan sa unang babae kong minahal at kung anong trauma ang idinulot nun sa akin pero ng dumating ka sa buhay ko naging masaya muli ang puso ko at nagkakulay ang mundo ko at handa akong magtake ng risk para sa iyo. I love you so much Rhaine, will you be my girlfriend?" sabi niya at napatakip na lang ako ng bibig habang umiiyak dahil sa speech niya. Ito na yung matagal ko ng hinihintay.

"I love you too Z and yes from now on girlfriend mo na ako." Sabi ko at niyakap siya. Nagpalakpakan naman lahat at naghiyawan naman ang mga kaibigan ko at pinsan ko. Isa yun sa hinding hindi ko makakalimutang araw.

Naging smooth and happy ang relasyon namin. Isa kami sa kilalang couple sa University namin dahil nga kilala din si Zyann sa University kasi varsity siya ng school at ako naman ay manunulat sa dyaryo ng school at isang Hernandez.

"Happy 1st monthsary Love" bati sa akin ni Z at inabot sa akin ang bouquet ng tulips.

"Happy monthsary Love." Bati ko.

"I love you. More months to celebrate with you" at niyakap niya ako.

"I love you too."

Simple celebration lang pag monthsary namin. Maglalakad lang kami sa tabing dagat ng magkahawak kamay hanggang sa paglubog ng araw. Ganun ang routine naming dalawa. Magkasama naming hinarap ang pagsubok sa pag aaral namin. Nakasuporta kami sa isa't isa sa bawat landas na tinatahak namin.

"Happy Anniversary my Love. Biruin mo yun isang taon na agad tayo. Habang tumatagal tayo ay mas lalo kitang minamhal. I love you so much my love" bati niya sa akin sa araw ng Anniversary namin. Gaun kabilis lumipas ang araw. Sabi nga nila kapag masaya ka hindi mo na namamalayan ang oras.

"Happy Anniversary Love. More years with you. Magkasama nating aabutin ang lahat. I love you too." Sabi ko. Hindi ko akalain na si Z pala ang lalakeng para sa akin. Napakaswerte ko at binigay siya sa akin ng may kapal.

Kasalukuyan kaming nagdidinner kasama ang family namin to celebrate our Anniversary. Ganito kasi ang gusto namin kasama ang family namin sa pagcelebrate ng unang taon namin bilang isang couple.

Magkasama kami sa bawat milestone namin sa buhay. Isa na dun ang graduation namin dalawa.

"Congratulations to us My Love. Another achievement unlocked. Next naman ang pagiging Lawyer natin." Sabi niya habang yakap ako.

"Congratulations mahal. May naachieved na naman tayo together. Samahan mo din ako sa pagtake ko ng board exam ko before tayo magproceed sa pagiging Lawyer." Sabi ko.

"Oo naman my Love. Kasama mo ako sa lahat. Trough ups and downs tayo ang magkasama tayo."

"I love you Z"

"I love you more Rhaine" we kissed after those sweet words.

Sabi nga nila may hangganan ang kasiyahan ng bawat isa. Akala ko noon basta magkasama kami ay magiging okay at masaya ang lahat yun pala hindi.

Dumating ang araw na hindi ko makakalimutan at tatapos ng kaligayahan namin. Isang bangungot ng buhay ko na paulit ulit akong hinahabol.

"Ethan?" gulat kong sambit. Nagulat ako sa biglaang pagpapakita niya sa akin. Kakalabas ko lang kasi mula sa review center kasi nga naghahanda ako para sa board exam ko.

"Ako nga. Buti naman naaalala mo pa ako." Sabi niya at ngumiti.

"Oo naman. Ang tagal mong nawala ah. Hindi kana nagpakita sa amin. Alam kong medyo hindi maganda yung nangyare sa atin pero matagal na yun Ethan at kaibigan kita kaya matagal na kitang napatawad."

"Hahahaha napatawad? Hindi ko na kailangan yun Selene."

"Huh?"

"Dahil sa nangyareng yun naging miserable ang buhay ko Selene. Ilang beses akong bumagsak Selene dahil sa kakaisip kung paano mo ako mapapatawad sa nagawa ko. Pero yun pala noon pa man may nakakausap at nakakasama ka ng iba tapos sa akin lang ang sisi sa dulo? Ako lang ang naging miserable? Habang kayo nagpapakasaya sa buhay niyo ay ako naman ay nagpapakahirap para mabuo ulit ang nasira kong pangarap? Ang unfair nun."

"Hindi ko na kasalanan yun at para sabihin ko sayo nakakasama ko nga si Zyann pero hindi ko siya nilandi na gaya ng ginawa mo behind my back. Wala kaming ginawang masama sayo."

"Hindi pwedeng maging masaya kayo!" sigaw niya at naglabas ng patalim. Nagulat ako at sa sobrang takot ko ay napatakbo ako sa labas. Madilim pa naman at walang katao tao. Sa sobrang taranta ko ay nadapa ako.

"Wag ka ng tumakbo pa dahil wala ka ng pupuntahan pa at huwag mo ng subukan humingi ng tulong kasi walang tutulong sayo" sabi niya ng maabutan ako

Hindi na siya yung Ethan na nakilala ko. Ibang tao na ang nasa harap ko. Naiiyak na lang ako ngayon sa takot.

"Goodbye Selene" sabi niya at itinaas ang patalim para bumwelo at napapikit na lang ako. Lord sorry po sa lahat ng kasalanan ko. Kayo na po bahala sa pamilya ko at kay Zyann. Mahal na mahal ko po siya at alam kong masasaktan siya sa pagkawala ko, kayo na po ang bahala sa kanya huwag niyo po siya papabayaan.

Ilang minuto na ang lumipas pero wala akong maramdamang sakit o patalim na nakasaksak sakin kaya napamulat ako at doon ko nakita na nakikipagbuno ang lalakeng pinakamamahal ko sa lalakeng gustong tumapos ng buhay ko.

"Zyann!!!!" sigaw ko at napalingon siya sa akin.

"Tumakas kana Rhaine. Tumawag ka ng pulis. Dali!!!!" utos niya sa akin kaya agad akong tumawag sa pulis at sinabi sa kanila ang nangyayare ngunit pagkalingon ko doon gumuho ang mundo ko.

"ZYYYYYAAAAAANNNNNN!!!!!!" sigaw ko at napahagulgol. Ilang beses siyang pinagsasasaksak ni Ethan. Kumuha ako ng bato sa tabi ng daan at pinukopok ito kay Ethan at humandusay siya sa daan.

Lumapit naman agad ako kay Zyann na wala ng malay.

"Zyann! Zyann! Mahal... Mahal... gumising ka mahal. Padating na ang pulis mahal. Mahal!" hagulgol kong pagyugyog sa kanya para gumising siya. Naimulat niya ang kaniyang mata at hinawakan ang pisnge ko.

"Love...... h-huwag ka ng u-umiyak. L-ligtas ka na. Wa-wala ng makaka-panakit sa iyo" sabi niya pa kahit hirap na hirap na siyang magsalita at may dugo ng lumalabas sa bibig niya.

"Mahal wag ka ng magsalita. Dadating na ang tulong. Maililigtas ka pa nila"

"Se-Selene Rhaine Hernandez Co-cortez m-mahal na mahal kita" at pumikit na siya at nabitawan na ang mukha ko at dun na ako umiyak ng umiyak.

Huli ng dumating ang mga pulis at hindi na siya naisalba pa.

"Selene! Umiiyak ka na naman. Naaalala mo na naman ang nangyare noh? Selene tama na ohh. Parang awa mo na palayain mo na ang sarili mo sa nangyare. Huwag mo ng sisihin ang sarili mo sa mga nangyare. Hindi mo kasalanang mas pinili ni Joshen na iligtas ka kahit buhay niya pa ang kapalit. Mahal na mahal ka niya eh kaya handa niyang gawin ang lahat para sayo." Sabi sakin ni Erin at nilapitan ako para yakapin at umiyak lang ako ng umiyak sa balikat niya.

Habang buhay ko na atang dadalhin to. Hindi man nagalit sa akin ang pamilya niya pero hindi ko mapatawad ang sarili ko sa nangyare. After nun ay inadmit na sa mental hospital si Ethan dahil nagkaroon pala siya ng mental issues dahil sa nangyare kaya nagawa niya yung bagay na yun.

Tanging ang dapit hapon na lang ang ala-alang hawak ko sa greatest love ko na dadalhin ko habang buhay. Siya ang lalakeng una at huli kong mamahalin. Siya lang. Si Zyann Joshen Cortez lang.

~THE END

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
22.9M 802K 69
"The Hacker and the Mob Boss" ❦ Reyna Fields seems to be an ordinary girl with her thick-framed glasses, baggy clothes, hair always up in a ponytail...
7.8M 231K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.9M 159K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...