Her Asset

By Unnie_Corn0

2K 704 43

Amery Gem Thompson is a senior high school student in the ABM strand. She promised herself to focus on academ... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 40

24 7 0
By Unnie_Corn0

Bumuhos ang luha sa aking mga mata. Iniwan ako ni Ivan. Iniwan niya ako para kay Claire.

Nangako siya na ako ang magiging tahanan niya, pero iba ang kanyang inuwian.

Paano na ako?

Sa kanya ko binubuhos ang lahat, pero ngayon...siya na ang iniiyakan ko. Akala ko siya ang taong sasamahan ako sa pagtanda, pero mali ako. Ang taong akala kong sasamahan ako, iniwan ako.

Gusto kong itanong kay Ivan ang lahat. Pero wala siya rito sa tabi ko.

Iniwan niya na ako.

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Nananaginip na naman pala ako. Kinapa ko ito para patayin dahil nakapikit pa rin ang mga mata ko. Inaantok man, bumangon pa rin ako dahil kailangan. 

Simula nang iwan ako ni Ivan, 'lagi akong nananaginip sa pag-iwan niya sa akin.

Dumiretso agad ako sa cr para maghilamos ng mukha. Kailangan ko ito para tuluyan akong magising. 

Pagtapos kong maligo ay agad akong kumain ng almusal. Nandito ako ngayon sa condo ko kaya naman ako na lang talaga ang gumagawa ng mga gawaing bahay. 

Umuuwi naman ako sa bahay kapag hindi ako busy sa trabaho. Tinatanong din kasi ako lagi ni Mama kung kailan ang uwi ko. Ayaw ko namang magtampo ang mga magulang ko kung hindi ako uuwi sa bahay. 

Pero maganda rin naman ang desisyon ko na tumira sa condo. I learned how to be independent. Simula nang iwanan ako ni… ah, nevermind!

Siguro ay masaya na siya kasama si Claire. They are now successful doctors for sure. 

I wear a black turtleneck for my top. White pants for the bottom. Then a black blazer and a black heels to complete my attire. 

Habang nakatitig ako sa salamin ay hindi ko maiwasang mamangha sa ayos ko ngayon. I looked like a powerful woman. Well, I am indeed a powerful woman.

Lumabas na ako ng condo at pumunta sa parking lot. I glanced at my car, and it definitely matched my outfit right now.

Pinaandar ko na ang kotse ko hanggang sa makarating sa company na pinagta-trabahuan ko. Nag-park ako ng sasakyan at naglakad na papunta sa loob. 

Binati ko pa ang guard bago ako pumasok. Bumati ito pabalik sa akin. Bumungad sa akin ang matamis na ngiti ng guard.He never failed to smile at us, even though he was tired. He's such a good person, indeed.

Sumakay ako ng elevator dahil nasa tenth floor pa ang office namin. Ayaw ko namang maghagdan lang. Baka nasa fifth floor pa lang ako ay tumirik na ako sa pagod. 

Pagkapasok ko ng office ay naamoy ko na agad ang kape. Hindi talaga mawawala ang amoy kape sa office, lalo na't puyat kami 'lagi, kaya ang kape ang magsasalba sa amin.

Binati ako ng mga office mates ko. Swerte talaga ako sa company na ito. Bukod sa malali ang sahod ay mababait din ang mga office mates ko.

"Good morning, everyone!"

Binati ko sila pabalik. Nang umupo na ako ay bumungad sa akin ang desk name plate ko. Ito talaga ang dahilan ng aking pagngiti sa umaga.

Amery Gem T. Thompson, CPA, MBA

Muling bumalik lahat ng pag-hihirap na naranasan ko tuwing nakikita ko ito. Hindi ko rin alam kung paano ko nalagpasan ang gabi-gabing pag-iyak ko dahil sa isang tao. 

Umiling na lang ako nang maalala na naman siya. Kailangan kong mag move on. Binuksan ko na lang ang aking laptop para simulan ang trabaho ko. 

Nang magsimula na akong magtrabaho ay hindi ganito ang nararanasan ko. Mas nahirapan talaga ako nung una. Mas maliit lang din ang sagod ko no'n. 

Ang mga kaibigan ko naman ay mga professionals na rin kagaya ko. Alam din nila ang nangyari sa amin ni Ivan. Hindi rin sila makapaniwala na magagawa ni Ivan ang bagay na 'yon. 

Hiwalay ang kumpanya naming magkakaibigan. Ang mga dating stem students namay ay mga doctors na ngayon. We still communicate with each other. Our friendships remained.

Nag-break na ang mga office mates ko. "Amery, tara na! Kumain na muna tayo!" Tumango lang ako sa kanila.

Wala akong planong bumaba ngayon. Tinatapos ko pa kasi ang ginagawa ko. Gusto kong umuwi nang maaga ngayon para makapagpahinga ako. 

Habang busy ako sa ginagawa kong trabaho ay may naramdaman akong tumabi sa akin. Hindi ko ito pinansin dahil abala pa ako sa ginagawa ko.

Tumigil lang ako nang kalabitin nito ang pisngi ko. Maiinis na sana ako sa taong gumawa sa akin no'n, pero nawala ito nang makita ko si Christoff. 

Muntik ko nang makalimutang dito rin pala siya nagta-trabaho. Nang makita niyang nabaling na sa wakas ang atensyon ko sa kanya ay nagpakita siya ng isang ngiti. 

May binigay ito sa akin ng paper bag. "Here, kumain ka na muna." Binuksan ko ang paper bag at may laman itong pagkain. 

"Thank you, Christoff. You don't have to do it, though. But still, thank you for this food."

Hindi ko na natiis ang sarili ko na ihinto ang trabaho ko para kumain. Nagutom din kasi ako nang makita ang dalang pagkain ni Christoff.

Sabay kaming kumain ni Christoff sa loob ng office. Nadatnan ko pa kami ng office mates ko na magkasama. Binigyan nila kaming ng nang-aasar na ngiti. 

Alam ko na ang iniisip ng mga 'to. Nang makita ni Christoff na nandito na ang mga kasama ko, umalis na siya. 

"Amery, kayo na ba ni Christoff?"

Sabi ko na nga ba't itatanong nila sa akin 'yon. Ilang beses na rin nilang tinanong sa akin 'yon.

"Hindi, noh! Kaibigan lang ang turing ko sa kanya." 

Tumango na lang sila at bumalik sa mga ginagawa nila. Inumpisahan ko na rin ang trabaho ko. Nang tapos na ako sa ginagawa ko ay nagpaalam na ako sa mga kasama ko. 

Nag-order lang ako ng pagkain dahil tinatamad na akong magluto. Habang nag-hihintay sa order ko ay nag-check muna ako ng mga messages ko. 

Fatima:

Amery, may free time ka ba?

Hindi agad ako nakapag-reply sa message niya. Iniisip ko rin kung may free time ako. 

Amery:

Why? Pwede ko namang gamitin ang leave ko. Aalis ba tayo?

After three years ay ngayon lang ulit sila nag-aya na umalis kami. Nakakapanibago lang din na biglaan silang mag-aya. 

Fatima:

Pumunta tayo sa Coron, Palawan. Stress na rin ang lahat sa mga trabaho nila. Kailangan natin 'to para naman makapag-relax tayo.

Amery:

Sure! Message me kung kailan. Para makapag-leave ako.

Fatima:

Sama mo na rin si Christoff!

Hindi naman bago sa kanila si Christoff dahil nakasama na rin naman nila ito. Kaya pwede ko siguro siyang isama. 

Amery:

Okay. I'll ask him.

Binitawan ko na ang phone ko nang dumating na ang order ko. Nagmamadali akong kunin ito. Gutom na gutom na kasi ako. 

Nang mabayaran ko na ito, nagsimula na akong kumain. Mag-me-message na sana ako kay Christoff, pero bigla itong tumawag ngayon. 

"Hello, Christoff?"

"Good evening, Amery. Sorry, naistorbo ba kita?"

Umiling ako kahit alam kong hindi niya naman ako nakikita. "No...may gusto rin kasi akong sabihin sa'yo."

"What is it?"

Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago ako magsalita. "Nag-aya kasi sina Fatima sa Coron, Palawan daw. Pinapasama ka rin nila. Ano...free ka ba?"

"Yeah, sure!"

"Bakit ka nga pala tumawag?"

Natahimik siya sa kabilang linya. "Ah... I'm just checking if you're okay."

Nagtataka man ay sumagot ako. "Yup, ayos lang ako, Christoff. May sasabihin ka pa ba? Ibaba ko na kung wala na."

"Wala naman akong sasabihin pa, Amery. Good night."

Sumagot ako sa good night niya at pinatay ko na ang tawag. Itinuloy ko na lang ang pagkain ko. Nagpahinga na rin ako pagkatapos dahil napagod talaga ako. 

Bago ako matulog ay nag-message ako kay Fatima.

Amery:

Christoff will come with us. Pumayag siya.

Fatima:

Good! Next week daw ang outing, 3 days daw tayo ro'n.

I hope that three days will make me feel better, even just for a while.

Amery:

Okay. See you soon!

Inilapag ko na ang phone ko at natulog na. Nagising ulit ako sa tunog ng alarm ko. Laging ganito ang routine ko. Kapag gumigising ako nang ganito kaaga ay tinatamad talaga akong bumangon. Pero kailangan kong magkaroon ng pera kaya kailangan ko ring sipagin. 

Pagkapasok ko sa office ay ganon pa rin ang nangyari. Sinabi ko rin kay Christoff ang plano sa outing. Mukhang nagustuhan din naman niya 'yon.

Nagpaalam ako sa kanya para mag-file ng leave. Mabuti na lang talaga at mababait ang mga tao rito. Hindi ako nahirapang mag-file ng leave. 

Maaga akong umuwi ngayon. Pumunta ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Handa na akong umuwi sa condo ko nang may na receive ako na message. Mula ito sa hindi ko inaasahan na tao.

Ang Mama ni Ivan ang nag-message sa akin. Magkita raw kami ni Tita sa *** Café. Hindi naman ako mahihirapan dahil malapit lang ito. 

Habang nagmamaneho ako papunta sa café ay hindi ko maiwasang kabahan. Matagal na rin kasi kaming walang communication ni Tita kaya naninibago ako. 

Binuksan ko ang pinto ng café. Naamoy ko agad ang kape rito. Hinanap naman ng mga mata ko kung nasaan si Tita. 

Hindi ko agad siya nakita dahil nasa sulok ang pwesto niya. Lumapit na ako kay Tita at nag-beso. At her age, she's still looking elegant.

"I'm sorry, Tita. Kanina pa po ba kayo rito? Kalalabas ko lang po kasi sa trabaho ngayon."

Umiling naman agad si Tita sa akin. "No, it's okay. I just really want to talk with you about Ivan."

Hindi ko alam pero kumabog nang malakas ang dibdib ko. "W-what is it, Tita?"

Huminga nang malalim si Tita bago magsalita."Alam kong matagal na kayong wala ni Ivan, Amery." 

Nakikinig lang ako sakanya. 

"Simula nang mag-message si Ivan sa akin na hindi siya makakauwi ay matagal siyang hindi nagparamdam sa amin. Nabalitaan ko rin na
nag-break kayo ni Ivan sa araw na 'yon."

Naaalala ko pa ang araw na 'yon. Uuwi dapat si Ivan no'n dahil anniversary namin. Pero iyon din ang raw na naghiwalay kaming dalawa.

"At dahil alalang-alala na ako sa anak ko ay pumunta kami sa New York. At doon ko nakita si Ivan na nasa hospital."

Hospital?

"Kinausap ako ng Doctor. Sinabi niya na nagkaroon ng aksidente kaya nagkaroon ng retrograde amnesia si Ivan."

Nagkaroon ng amnesia si Ivan at hindi ko alam. Pinipigilan ko ang pag-iyak sa mga oras na ito.

"Sinabi sa akin ng Doctor na may natanggal na memorya kay Ivan. Ang sabi rin ng Doctor ay huwag ko munang sabihin ang mga nawalang memorya ni Ivan. May posibilidad daw kasi na sumakit ang ulo ni Ivan at baka mas lumala ang lagay niya."

Panay ang hinga ko nang malalim para pigilan ang mga luhang gustong pumatak.

"N-naaalala niya po ba ako, Tita? O...k-kasama ako sa mga kinalimutan niya?"

Hinawakan ni Tita ang kamay ko. "I'm sorry, Amery. Noong sinabi ko ang pangalan mo sa kanya ay hindi niya raw maalala. Hindi niya rin maalala ang mga kaibigan niyo."

Pumatak nang tuluyan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Kinalimutan ako ni Ivan. Nasasaktan ako. 

"And...may babaeng nagpakilala na girlfriend niya si Ivan. At ang alam din ni Ivan ay siya ang girlfriend nito. Sinubukan kong sabihin ang totoo pero... naalala ko ang sinabi sa akin ng Doktor.

Nagulat ako sa sinabi ni Tita. Alam ko kung sino sng tinutukoy niya.

"Si Claire po ba ang tinutukoy niyo, Tita?"

Tumango agad si Tita. "Noong anniversary namin ni Ivan ay
nakipag-hiwalay si Ivan sa akin, Tita. At may message rin siya sa akin. Sinabi niya na masaya na siya sa piling ni Claire. H-hindi niya na raw ako m-mahal, Tita."

Humagulgol ako sa harapan ni Tita. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Bumalik sa akin lahat ng mga alaala na 'yon.

"Ang ibig mong sabihin ay nagsasabi ng totoo ang babaeng 'yon?"

Unti-unting tumango ang aking ulo.

"I-i know my son, Amery. Alam kong hindi niya magagawa 'yon. Mahal na mahal ka ng anak ko."

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. "I don't know, Tita. Naguguluhan din ako sa nangyari that time. Biglaan ang chat ni Ivan sa akin, Tita. Ang hirap paniwalaan ng mga sinabi ni Ivan."

Natahimik si Tita sa sinabi ko. "What if may kinalaman ang Claire na 'yon sa nangyari kay Ivan?"

Bigla akong napaisip sa sinabi ni Tita. May point din si Tita sa sinabi niya. What if nga si Claire ang may kagagawan ng mga nangyayari ngayon?

"We need to find out, Amery. Can you please help me?"

Help?

"Anong plano ang gusto niyong gawin, Tita?"

"Uuwi si Ivan bukas sa Pilipinas. Dito na siya titira for good. Nabanggit ni Laurence na may outing kayo next week sa Palawan, tama ba?"

Uuwi na si Ivan. Kaya ko bang harapin siya?

Tumango ako. "Yes po. Don't tell me…"

Pinutol niya ang sinabi ko. "Pwede niyo bang isama si Ivan sa outing niyo? Sasabihin ko sa kanya na kaibigan niya kayo, pero hanggang doon lang muna dahil ayaw kong lumala ang lagay ni Ivan. Sa palagay ko ay sasama rin si Claire sa kanya. Pwede bang alamin niyo kung ano ang tinatagong sikreto ni Claire?"

Nabigla ako sa sinabi ni Tita. Muntik ko na ring mabuga ang iniinom ko na kape. Pero gusto ko ring malaman kung ano ang totoong nangyari. 

Tumango ako. "Yes, Tita. Sasabihan ko ang mga kaibigan namin."

Niyakap ako ni Tita. "Thank you, Amery!"

Niyakap ko pabalik si Tita. Sana lang ay tama ang desisyon na gagawin ko. Mukhang no choice ako kung hindi ang harapin si Ivan.

Continue Reading

You'll Also Like

90.6M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
990K 22.4K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
24.5K 242 8
This is a notes of Fundamentals of Accountancy, Business and Management 1 subject for ABM students.
889K 31.3K 38
I started this at 1am we'll see if it goes somewhere lmao it's a DNF fic that i'm trying to keep kind of realistic ish but we'll seeeeee anyways this...