Be My Endgame

By Miss_Terious02

10.5K 263 51

Wala pa sa isipan ni Kiera Buenaventura ang pumasok sa isang relasyon. Bukod sa pinagbabawalan siya ng nakata... More

Be My Endgame
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Dedication
Thank You!

Kabanata 4

282 7 0
By Miss_Terious02


Enjoy reading!

Pinagbuksan ako ng pinto ni Jack Jendrick sa back seat kaya agad na rin akong pumasok. At habang bumabiyahe ay tahimik kaming tatlo ngunit nakikita kong panay ang tingin nila sa akin mula sa rear view mirror.

Nanatili akong tahimik habang umiinom ng milk shake. Hindi ko na rin pinansin ang mga tingin nila sa akin. Wala naman ako dapat na ipaliwanag sa kanilang dalawa. Hindi naman talaga nanliligaw si Lennox sa akin. Nagpakilala lang 'yong tao.

Nang huminto ang kotse sa harap ng bahay ni Jack Jendrick ay tahimik pa rin ako habang pinagmamasdan siyang tinatanggal ang kaniyang seat belt.

"Bye, Ki." Paalam niya kaya agad akong ngumiti at kumaway. Lumabas na rin ako ng back seat upang lumipat sa unahan.

At nang umandar na muli ang kotse ay 'tsaka lang nagsalita si Kuya Edward.

"May nanliligaw na ba sa 'yo, Kiera?" Tumingin ako sa kaniya. Kapag binanggit niya na ang buo kong pangalan ay siguradong galit na siya sa akin.

"Wala. Iyong kinuwento ng kaibigan ko ay nabangga ko lang 'yon kanina noong tumatakbo ako dahil late na ako sa klase." Paliwanag ko.

"Bakit sinabi ng kaibigan mo na liligawan ka? Ang bata mo pa para diyan." Wika niya. Minsan kasi walang preno ang bunganga ni Jasmin.

"Inaasar lang ako no'n. Nagpakilala lang 'yong lalaki kanina. Wala namang masama roon. At saka priority ko ang pag-aaral, kuya. Alam mo 'yon." Turan ko.

"Mabuti at nagkakalinawan tayo dito." Aniya at hindi na muli pang nagsalita.


Sa mga sumunod na araw ay hindi na rin namin kasabay si Jack Jendrick sa umaga at pati na rin sa hapon sa tuwing sinusundo ako ni Kuya Edward. At halos isang linggo na rin siyang hindi pumupunta sa bahay. Ayoko rin namang itanong kay Kuya Edward kung nasaan siya. Mas mabuti na siguro 'to. Hanggat maaga pa ay umiwas na.

Hindi ko alam pero gusto kong nasisilayan siya palagi.

"In love 'to." Biglang sabi ni Jasmin kaya napakurap ako mula sa pagkatulala.

"Sino 'yan?" Tanong naman ni Mojica.

"Wala. Bawal bang matulala?" Tanong ko at umayos ng upo. Maraming tao ang lumalabas pasok sa canteen ng school at dito namin naisipang tumambay hanggang sa susunod naming subject.

"Pero sino muna 'yong kasama ng kuya mo noong nakaraang linggo? Ang guwapo." Nakangiting sabi ni Jasmin.

"Kuya mo rin ba 'yon? Akala ko ba si Kuya Edward lang ang kuya mo?" Tanong naman ni Mojica. Naalala ko na naman si Jack Jendrick. Nasaan na kaya siya?

"Kaibigan 'yon ni Kuya Edward. Hindi ko iyon kuya." Turan ko.

"Pero ang suwerte mo pa rin kasi parang dalawa na ang kuya mo. Tapos kami puro babae." Wika ni Jasmin.

"Excuse me, girls." Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Lennox sa tabi ko.

"Hi, Lennox. May kailangan ka ba?" Seryosong tanong ni Mojica.

"May gusto ba kayong kainin? O 'di kaya ay inumin? Libre ko." Tanong niya at nahihiyang ngumiti.

"Huwag na, Lennox. Tumambay lang talaga kami rito. Babalik din kami sa classroom namin mamaya." Turan ko.

"E 'di dalhin niyo sa classroom niyo mamaya kapag hindi niyo naubos. It's my treat, Kiera." Aniya at hinihintay ang gusto naming kainin.

"Burger na lang sa amin, Lennox." Biglang sabi ni Jasmin.

"Sige. Wait niyo ako rito." Nakangiti niyang sabi at agad na umalis at pumunta sa counter upang um-order.

"Hindi ka na sana nagsalita." Sabi ko kay Jasmin.

"Ano ka ba, minsan lang may manlibre sa atin." Mahina niyang sabi na ikinatawa naman ni Mojica.

Simula noong nagkabanggaan kami ni Lennox at noong nagpakilala siya ay palagi niya na kaming pinapansin at kung minsan ay sumasabay siya sa amin palabas ng school. Nakikita rin siya ni Kuya Edward sa tuwing kasabay namin siyang lumabas at alam naman ni Kuya Edward na kaibigan lang namin si Lennox at hanggang doon lang 'yon.

Ilang sandali lang ay bumalik na rin si Lennox habang may hawak na isang tray at may lamang tatlong burger at juice na nasa bote.

"Here." Sabi niya at kinuha ang isang burger at juice at binigay sa akin.

"Salamat." Sabi ko. Ngumiti at tumango lang siya at agad niya namang binigyan si Mojica at Jasmin.

"S-sige, alis na ako. May klase pa kasi kami. Sabay na lang ako mamaya sa inyo palabas ng school." Paalam niya.

"Sige, thank you ulit sa libre." Turan ko at ngumiti. Agad din naman siyang tumango at mabilis na binalik ang tray at lumabas na ng canteen.

"Ki, hindi pa ba nanliligaw si Lennox sa 'yo?" Tanong ni Mojica habang kumakain ng burger.

"Hindi. At saka wala pa akong balak magpaligaw." Turan ko.

"Ayaw mong sumaya?" Tanong naman ni Jasmin.

"Masaya naman ako ngayon. Hindi ko na kailangan ng magpapasaya." Sagot ko. Agad namang pumalakpak si Jasmin.

"Very good answer, Ki." Sabi niya at parang hangang hanga sa sinabi ko.

Pagkatapos naming tumambay sa canteen at maubos ang burger at juice na libre ni Lennox ay agad na kaming bumalik sa classroom. Dalawang subject pa ang pinasukan namin bago nag uwian.

At paglabas namin ng classroom ay naroon na si Lennox kasama ang boyfriend ni Mojica.

"Hi, Ki." Pagbati ni Lennox sa akin nang lumabas kami ng classroom. Ngumiti lang ako sa kaniya.

Sabay kaming lahat na naglakad palabas ng school at tanaw ko na agad ang kotse ni Kuya Edward sa palagi nitong hinihintuan.

Agad na rin akong nagpaalam sa kanila at pagkaraan ay naglakad patungo sa kotse ni Kuya Edward.

Binuksan ko ang pinto ng front seat at naabutan ko siyang may kausap sa kaniyang selpon at nang lumingon siya sa akin ay agad niyang tinapos ang tawag.

Agad kong inayos ang seat belt ko at inilagay ay bag sa harap ko.

"Sasama ka ba sa pupuntahan ko o ihahatid na muna kita sa bahay?" Biglang tanong niya at pinaandar na ang kotse.

"Saan ka ba pupunta?" Tanong ko.

"Sa bahay ni Jack. May gagawin lang kaming project." Sagot niya kaya napaayos ako ng upo.

"S-sama na lang ako. Ayokong mag-isa sa bahay." Pagsisinungaling ko. Pero ang totoo ay gusto ko pa nga mag-isa sa bahay pero gusto kong makita si Jack Jendrick.

"Sige. Nagpaalam na rin ako kila mama." Turan niya at agad na nagmaneho.

Ilang minuto lang naman ang biyahe simula rito sa school papunta sa bahay ni Jack Jendrick.

Nang huminto ang kotse sa harap ng bahay ni Jack Jendrick ay agad na lumabas si Kuya Edward kaya sumunod na rin ako. Iniwan ko ang aking bag sa loob ng sasakyan.

"Huwag kang magulo mamaya. Maupo ka lang sa tabi ko." Seryoso niyang sabi na para bang alam niyang malikot akong bata.

"Opo, papa." Pang-aasar ko at inirapan siya.

Nauna siyang naglakad at sumunod ako sa kaniya papasok sa loob ng isang maliit na gate. Ngunit nagulat ako nang sinalubong kami ni Jack Jendrick at hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya dahil sa suot niyang itim na T-shirt na mas bumagay sa kaniya.

"Hi, Ki." Nakangiti niyang bati kaya ngumiti na rin ako.

"H-hello." Nauutal kong pagbati. Lumapit siya sa akin at pinanggigigilan ang pisngi ko gamit ang kamay niya.

"Kumusta?" Tanong niya pagkatapos niyang kurutin ang aking pisngi.

"Okay lang naman." Sagot ko.

"Sinama ko na 'yan kaysa mag-isa sa bahay." Wika ni Kuya Edward habang nauunang naglalakad.

"Mabuti nga at sinama mo, Ed, na-miss ko 'tong kapatid ko." Sabi niya habang sabay kaming naglalakad. Huminto lang kami nang binuksan ni Kuya Edward ang pinto ng bahay at nauna rin siyang pumasok. Minsan talaga makapal din ang mukha ng kuya kong 'to.

"Saan tayo?" Tanong ni Kuya Edward at lumingon sa amin.

"Sa kuwarto na." Turan ni Jack Jendrick at naunang naglakad paakyat ng hagdan habang nakasunod si Kuya Edward at panghuli ako.

Tumitingin ako sa paligid at masasabi kong may kaya ang pamilya ni Jack Jendrick. Ngunit hindi ko pa nakikita ang mga magulang niya. Narito kaya sila?

Huminto kami sa isang pintuan at agad namang binuksan iyon ni Jack Jendrick at sunod-sunod kaming pumasok. Inilibot ko ang aking paningin sa malawak niyang kuwarto.

"Ito 'yong mga kailangan nating gamit." Sabi niya at may dalang mga gamit.

"Simulan na natin. Kailangan na nating ipasa 'to bukas." Wika ni Kuya Edward at umupo sa mahabang sofa.

"Ki, upo ka muna. Nagugutom ka ba? Kuhanan kita ng pagkain sa baba," tanong niya. Agad akong umiling.

"Hindi. Okay lang ako." Sagot ko at umupo sa tabi ni kuya.

"Maiwan ko muna kayo." Paalam ni Jack Jendrick at lumabas ng kuwarto niya. Tiningnan naman ako ni Kuya Edward kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Huwag kang malikot ha. Maupo ka lang diyan." Pagbabanta niya na para bang may gagawin akong hindi niya magugustuhan.

"Kuya, mayaman ba sila?" Mahina kong tanong sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya sa tanong ko.

"Bakit mo natanong?" Balik-tanong niya sa akin.

"Wala lang. Bakit, bawal ba magtanong?" Turan ko. Ngunit hindi niya na sagot ang tanong ko nang bumalik na si Jack Jendrick habang may dalang tray at may tatlong basong tubig at lihim akong natuwa nang may nakita akong maraming sliced ng cake at isang tupperware na ice cream.

"Here, Ki. Kumain ka hanggat gusto mo." Sabi niya at inilapag sa harapan ko ang tray kaya napatingin ako sa kaniya.

"Mauubos 'yan kay Kiera, Jack. Kapag 'yan naging kapatid mo walang matitira sa ref niyo." Pang-aasar ni Kuya Edward kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa lang si Jack Jendrick.

"Okay lang 'yan, Ki. Huwag kang mahiyang kumain. Unahin mo muna 'yang ice cream at baka matunaw." Wika niya na ikinatango ko. Agad akong kumuha ng maliit na mangkok at binuksan ang ice cream. Chocolate flavor iyon kaya tuwang tuwa ako.

Abala silang dalawa sa paggawa ng kanilang project na mukhang bukas na ipapasa. Paminsan minsan ay tumitikim din sila ng ice cream at cake ngunit mukhang ako yata ang uubos ng lahat ng ito.

Halos isang oras din silang gumawa at nang matapos ay paubos ko na rin ang ice cream. Tumingin sa akin si Kuya Edward at halata sa mukha niya ang pagtataka dahil naubos ko ang ice cream.

"Grabe na 'yang katakawan mo, Ki. Saan ba pumupunta 'yang kinakain mo? Hindi ka naman tumatangkad," pang-aasar niya. Kapag ako nainis ay masusuntok ko na 'tong kuya ko.

"Bakit mo ba inaaway 'tong kapatid ko, Ed? Malay mo gutom lang." Pagtatanggol sa akin ni Jack Jendrick at inakbayan ako.

"Matakaw talaga 'yan kaya huwag mong imbitahan 'yan dito sa bahay niyo." Wika ni Kuya kaya agad kong kinuha ang isang maliit na unan sa sofa at binato siya. Agad niya namag nasalo na ikinatawa ni Jack Jendrick.

"Kalma, Ki. Makakaganti rin tayo r'yan." Mahinang sabi ni Jack Jendrick.

"Tara na, uwi na tayo." Natatawang sabi ni Kuya Edward at agad na sinukbit ang bag niya. Agad ko namang inayos ang pinagkainan ko at dadalhin ko na sana ang tray nang hawakan ni Jack Jendrick ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ako na ang bahala r'yan mamaya." Aniya kaya agad kong binitiwan ang tray at binitiwan niya rin ang kamay ko. Ngunit ramdam ko pa rin ang pagkakahawak niya roon.

Nauna akong naglakad palabas ng kuwarto at nakasunod silang dalawa sa akin habang nag-uusap.

"Wala pa ba ang mag magulang mo?" Rinig kong tanong ni Kuya Edward.

"Wala pa. Baka sa susunod na araw pa ang dating." Sagot ni Jack Jendrick. Ibig sabihin ay siya lang mag-isa rito sa bahay nila?

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa lumabas na kami ng gate. 

"Uwi na kami, Jack. Dalhin mo na lang 'yong project bukas." Paalam ni Kuya Edward.

"Sige, ako ng bahala." Sagot niya. Umikot naman ako at agad na binuksan ang pinto ng front seat.

"Bye, Ki." Paalam niya at kumaway pa sa akin kaya ngumiti ako.

"Bye." Turan ko bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse.

Agad namang pinaandar ni Kuya Edward ang kotse at kahit nakaalis na kami ay nanatili si Jack Jendrick sa labas ng gate nila habang tinatanaw ang kotse naming papalayo.



••••

Thank you for reading!

Miss_Terious02

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 95K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
19.2K 679 32
WARNING: THIS STORY HAS MATURED CONTENT ( R+18 ) SYNOPSIS: Most of the people say that we must "Preserve your virginity till the moment you'll get m...
371K 25K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
514K 9.2K 29
Sa edad na 23 years old ay ikinasal si Anthonette Castillo kay Aiden Sarmiento. Kilala bilang isang businessman. At hindi alam ng lahat na ikinasal s...