THE ADVENTURE OF THE HERETICA...

By kyubi3

9.1K 764 167

[COMPLETED] (THE POETRY OF BIRTH TO TOMB BOOK 1) Quinn Viezys Amelghourd, an eighteen-year-old Sane, or the W... More

AUTHOR'S NOTE
SYNOPSIS
PROLOGUE
NAMES AND PRONUNCIATIONS
EPISODE 1/1
EPISODE 1/2
EPISODE 1/3
EPISODE 1/4
EPISODE 2/1
EPISODE 2/2
EPISODE 2/3
EPISODE 2/4
EPISODE 3/1
EPISODE 3/2
EPISODE 3/3
EPISODE 3/4
EPISODE 4/1
EPISODE 4/2
EPISODE 4/3
EPISODE 4/4 (R+18)
EPISODE 5/1 (R+18)
EPISODE 5/2
EPISODE 5/3
EPISODE 5/4
LEAGUES, RANKS, TYPE, AND LEVELS
EPISODE 6/1
EPISODE 6/2
EPISODE 6/3
EPISODE 7/1
EPISODE 7/2
EPISODE 7/3
EPISODE 7/4
EPISODE 8/1
EPISODE 8/2
EPISODE 8/3
EPISODE 8/4
EPISODE 9/1
EPISODE 9/2
EPISODE 9/3
EPISODE 9/4
EPISODE 10/1
EPISODE 10/2
EPISODE 10/3
EPISODE 10/4
LEAGUES, RANKS, TYPE, AND LEVELS
ANNOUNCEMENTS, FAQ, AND WORDS OF GRATITUDE

EPISODE 6/4

138 14 1
By kyubi3

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"Sugurin sila!" Sigaw ni Christ. Nagmadali naman sa pagluhod si Arod sa harapan niya na nagpagulo kay Christ, "Anong ginagawa mo?" Tanong ni Christ.

"N-Nagmamakaawa ako sayo, wala na halos kaming natitirang Magmus sa Power Core namin at pagod narin. Pwede bang pagpahingahin mo muna kami bago kami lumaban sainyo? Para naman mabigyan namin kayo ng magandang laban." Sabi ni Arod na ibinaba ang pride para sa kaligtasan ng mga kasama. Tinawanan naman siya ng mga kasamang dwarves sa likod ni Christ.

"Mga mahihinang nilalang. Boss, huwag kang makinig sakaniya. Tara na, sugurin at patayin natin sila!" Sigaw naman ng leader ng mga Dwarves na si Dwarfto. Itinaas naman ni Christ ang kanyang kanang kamay para pigilan ang mga dwarves.

"Tigil, pagbibigyan natin sila." Sagot naman ni Christ na nagpabigla sa mga kasamahan ni Arod at ang mga kasamahan ni Christ na mga Dwarves. Nagbulong-bulungan naman ang iba pang mga dwarves.

"B-Boss, bakit bak-"

"Manahimik ka, Dwarfto. Ako ang boss at ako ang masusunod. Ayaw kong matulad sa Chief ng ating lugar na napakasama at walang konsiderasyon at naging dahilan kung bakit tayo napunta rito," Bulong ni Christ sakanya. Kaya natahimik ang dwarft.

"Pakiusap, gusto lang namin kayong bigyan ng magandang laban," Sabi pa ni Arod. Kaya lumapit sakanya si Christ at may kinuhang potion sa bag nito.

"Oh, kunin mo at inumin niyo ito," Sabi ni Christ. Pero nag-aalangan si Arod sa pagkuha na nagparolyo sa mga mata ni Christ, "Huwag kang mag-alala. Low-grade recovery potions iyan, hindi lason." Sabi naman ni Christ. Kaya nahihiyang nginitian siya ni Arod at kinuha ang mga potions at pumunta sa mga kasama. Sinundan naman siya ni Christ. Naalerto naman sila Calin at Invera.

"H-Huwag kang lalapit," Sabi ni Invera. Umiling-iling naman si Christ.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ako lumalaban sa mga nilalang na alam kong mahina pa at hindi ako kayang bigyan ng maganda at patas na laban," Sabi naman ni Christ. Kaya kumalma sila Calin at Invera. Inabot naman ni Arod sakanila ang low-grade recovery potions at pina-inom.

"Bakit mo ginagawa ito?" Tanong ni Calin kay Christ habang pinapainom nito ang low-grade recovery potion sa walang malay na si Quinn.

"Sabihin na nating naranasan kong maapi na wala man lang akong kalaban-laban, kaya ayaw na ayaw kong lumalaban sa mga nilalang na alam kong hindi papantay sa lakas ko," Sagot ni Christ. May ngiti namang nabuo sa kaninang malamig na si Christ sa patingin niya kay Quinn na nasa kanlungan ni Calin ngayon.

"May problema ba kay Quinn?" Tanong ni Calin. Umiling-iling naman si Christ at huminga ng malalim.

"Wala-wala, naalala ko lang ang kapatid kay Quinn," Sabi ni Christ. Bia namang namunbalik ang mga mapait na ala-ala ni Christ dahil sa sinabi niyang iyon...

...

CHRIST'S POINT OF VIEW

(Backstory of Christ Arder Gin Burne...)

"Kapag hindi ka pa nakapagbayad ng tax, papalayasin na kayo sa mansion ninyo. Ang lakas ng loob niyo kasing magtayo ng mansion, eh malulugi lang naman pala ang business niyo. Alam mo, kasalanan talaga ito ng mga magulang mo eh, nagpapatay ba naman sila ng maaga sa mga Fae Bandits." Sabi sakin ni Chief Freuderi - ang Chief ng arm forces ng aming lugar. Yumuko naman ako at pilit na pinapahaba ang pasensya ko. Nasa harapan ako ngayon ng pintuan ng mansion namin na nakatayo sa Capital ng Frostpeak Kingdom, Republic of Aestheian.

"Pasensya na po talaga. Baka sa susunod pa pong linggo kami makakabayad dahil sa wala parin pong bumibili sa mga bagong gawang necklace namin. Isa pa, huwag niyo naman pong pagsalitaan ng ganyan ang mga magulang ko." Malumanay na sabi ko naman.

"Kuya, sino yang kausap mo?" Dinig ko namang tanong ng nag-iisa kong kapatid na babae na naglalakad pababa ng hagdan ngayon.

"W-Wala-wala, sige na magluto ka na sa kusina," Sabi ko naman. Tumango naman ito at dumiretso sa kusina.

"Paano kaya kung pakasalan ko ang kapatid mo, bilang kapalit, ako na ang magbabayad sa lahat ng balance niyo." Sabi naman nito na nagpa-irita sakin. Nagkuyom na lang ako ng kamay para pinigilan ang sarili ko.

"Ah, masyado pa pong bata si Lirrette." Sagot ko naman na may malapad at pilit na ngiti.

"Sige na, sayang naman ang katawan niya kung hindi mo pagkikitaan yan. Ayaw mo no'n may silbe sayo ang kapatid mo at hindi na pabigat?" Mapang-insultong sabi nito. Parang nagpantig ang tainga ko, kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasapak ko siya. Lalaban sana ito ng pumaibabaw ako sakanya at pinagsasapak siya.

"Hoy Tigil!" Sigaw naman ng mga kabaro niya na umawat naman samin.

"Matitiis ko pang pagsalitaan mo ng masama ang mga magulang ko, pero hindi kita mapapatawad sa pambabastos sa kapatid ko!" Sigaw ko at susugurin sana siya ulit nang kuryentihin ako ng mga kasama niya na nagpatumba at nagpamanhid sa buong katawan ko.

"K-Kuya! Hoy, anong ginagawa niyo sa kuya ko?!" Sigaw ni Lirrette at saka niya ako niyakap.

"Kunin niyo ang babaeng iyan!" Sigaw ni Chief. Kaya kinuha ang kapatid ko ng nga kabaro niya. Hindi naman ako makalaban o makagalaw kahit anong pilit ko dahil sa wala paring maramdaman ang buong katawan ko

"L-Lirrette!" Nahihirapang sigaw ko.

"Bitwan niyo ako mga hayo-" Hindi na natuloy ni Lirrette ang sasabihin niya ng suntukin siya ng Chief sa tiyan na nagpawala ng malay sa kapatid ko.

"H-Hayop ka! M-Magbabayad ka! Magbabayad ka!" Galit na galit na sigaw ko habang humahagulgol.

"Dalhin na yan!" Sigaw naman ng Chief. Kaya binitbit na ng mga kabaro niya ang kapatid kong walang malay. Saka naman ito lumapit sakin, dinuraan ang mukha ko, inapakan pa, at parang basahan na pinagkukuskos sa lupa ang mukha ko.

"Huwag kang mag-alala, hindi ko sasaktan ang kapatid mo. Sa ganda niyang iyon sa tingin mo masasaktan ko siya? Hindi siyempre, sa totoo niyan ay balak ko siyang paligayahin ng sobra-sobra gamit ang katawan ko," Sabi niya habang tumatawa-tawa pa at habang hinahaplos-haplos ang napakaliit at patpating katawan. Sumigaw naman ako ng matindi dahil sa galit na naramdaman ko sa mga sinabi niya, "Shhh, ang ingay mo! Huwag kang mag-alala, kapag nakapagbayad ka ng triple sa utang mo. Siyempre may tubo ako na pinapatonh. Kapag nakapagbayad ka na ay ibabalik ko naman siya sayo, huwag nga lang sanang matagalan ka sa pagbabayad dahil kapag nagsawa ako sa katawan niya. Baka pagkakitaan ko na lang siya." Sabi niya na nagpa-iyak sakin ng matindi.

"W-Walang hiya ka!" Humahagulgol na sigaw ko.

"Dapat, bata. Hindi ka aasenso kung magiging mabait ka sa iba, dahil aabusuhin at gagamitin ka lang nila," Sabi niya. Katapos non ay sinipa niya ang mukha ko na nagpadilim sa paningin ko...

"Boss! Boss! Boss! Gumising ka boss!" Dinig ko ang isang pamilyar na boses. Kaya unti-unti ay binuksan ko ang mga mata ko at nakita si Dwarfto-isa sa mga talentadong trabahador ko sa jewelry workshop ko. Kasama ang iba niya pang mga kasamahan na na pinaliligiran ako.

"Nasan ako?" Tanong ko.

"Nasa bahay kita boss. Wala kang malay na natagpuan namin kanina sa tapat ng bahay niyong nasusunog kanina." Sagot nito dahilan para maalala ko naman bigla si Lirrette. Kaya nagmadali akong bumangon at pupuntahan sana ang Chief.

"Saan ka pupunta boss?" Tanong nito.

"Sa Chief, babawiin ko ang kapatid ko!" Galit na sigaw ko at saka na naglakad.

"Pigilan siya!" Sigaw naman ni Dwarfto kaya naman hinawakan ng mga kasamahan niya ang binti ko na naging dahilan para mahirapan ako sa paglalakad at inis na tuming sakanila.

"What the! Anong problema sainyo?!" Galit na sigaw ko. Nanginginig naman silang bumitaw sakin.

"Boss, wanted ka ngayon for tax evasion at physical injury sa Chief. Kaya kapag lumabas ka riyan ng padalos-dalos, mahuhuli at bibitayin ka lang nila," Sabi ni Dwarfto. Napatigil naman ako at nag-tiim bagang na sinuntok ang isa sa apat na haligi ng bahay ni Dwarfto at nasira ito.

"Maghiganti ako sayo, Chief. Maghintay ka lang." Malamig at gigil na sabi ko. Kinalabit naman ako ni Dwarfto. Kaya napalingon ako sakanya.

"B-Boss, baka po interesado kayo sa pagsali dito? Ang laki po kase ng gantimpala kapag kayo ang nanalo, at narito po kaming lahat para tulungan kayo sa pagkapanalo dahil pwede raw po ang grupo roon." Sabi naman ni Dwarfto habang inaabot sakin ang isang piraso ng papel. Kaya inabot ko ito at binasa.

"Ruendroy Queendom Mayhem, a cash prize of the Mayhems are the following: one million Dorum Cres, a Hoary-grade Adjunctus, and marry one of my eighty-nine siblings if you want," Pagbasa ko. Napangisi naman ako dahil sa oportunidad na nakita ko.

"Sige, sasali tayo rito at kapag nanalo tayo ay mag-uumisa naman tayo sa plano natin kung paano tayo maghihiganti sa Chief." Malamig at puno ng emosyon na sabi ko...

...

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

Continue Reading

You'll Also Like

11.9K 2K 48
reyvern Lopez is a simple guy.Nangangarap na magkaroon ng totoong kaibigan na magmamahal ng toto sa kanya ng walang hinihinginh kapalit.Mapait man an...
2.1M 81.1K 70
An extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adventure that would shake the world of the T...
5.8K 718 39
(𝗕𝗫𝗕) [𝗥𝗘𝗜𝗡𝗖𝗔𝗥𝗡𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗕𝗢𝗢𝗞#02] Kali, Guia, their two siblings, their friends, and the Royalties united to travel to every kingdom wi...
397K 31.3K 82
[A VIRTUAL REALITY MMORPG STORY] An unsuspecting, online-game-hater finds herself inside the newly-launched Arth Online because of her brother's tric...