The Gaps Between Us - La Croi...

By Ikay_anne

6.1K 532 14

Atasha only wants to have a simple college life. Her sole objective is to complete her studies. She doesn't h... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 9

220 23 1
By Ikay_anne


I felt someone kissed me on my lips. My hair is being touched delicately. I wanted to open my eyes so I could see, but I couldn't. I groaned inwardly. 

I felt another swift kiss before I was taken again to dreamland. "Sleep tight, Asha. I love you."


"Okay na po ba sya Ma'am?" I heard a worried voice. I blinked my eyes. I felt a searing pain in my head. I closed my eyes tightly to ease it.

"Yes, Due to fatigue that's why she collapsed. Pag gising nya pwede mo na syang iuwi."

Narinig kong nagbukas-sara ang pinto. I heard footsteps. I open my eyes widely and saw Brix getting a chair and putting it beside me. Hindi pa din nya napapansin na gising na ako. 

He's murmuring something and I can feel how irritated he is. Naalala ko na naman kanina ang naramdaman kong halik sa labi ko. Sya ba humalik sa akin.? or nanaginip lang ako?

"Papapuntahin ako tapos iiwan ako. Pasala- Ay punyeta ka" natawa ako sa reaksyon ni Brix. Halatang gulat na gulat sya ng makita akong gising na.

"Bakit ka natatawa." irita nyang sabi. "Magbati na nga kayo ni Duke. Nahihilo na ako sa inyo." my smile faded away upon mentioning his name. Nang makita ang reaksyon ko biglang lumambot ang expression ng mukha nya.

He sighed. "Okay ka na ba? Gusto mo ng umuwi?" he gently said. Inabot nya din ang kumot ko at inayos ang pagkakalagay sa katawan ko. Tumango ako. Tinulungan nya na akong bumangon.


Gabi na pala. Ilang oras din pala akong hinimatay. Bumaling ako kay Brix na tahimik lang na nakasunod.

"Thank you, Brix sa pagdala sa akin sa clinic." he scratched his nape while murmuring something I can't hear. I smiled. I really appreciate Brix presence right now. Kahit minsan masarap syang sakalin pero okay na din. Sa totoo lang ayaw ko pang umuwi. Malulungkot lang ako sa bahay at ayaw ko munang pumasok sa trabaho. 

"Pwede mo ba akong ilayo muna dito?" 

Naeeskandalo nya akong tiningnan at tinakpan ang katawan nya.  "Asha, bata pa ako para makipag tanan" Binatukan ko sya at akmang sisipain ng makaiwas sya agad. Tinawanan nya lang ako.

"Sige ako bahala saiyo?" he winked at me.


Sinandal ko ang ulo ko sa bintana ng kotse nya habang malayang pinagmamasdan ang paligid sa labas. Parang ayaw ko ng pumasok sa school bukas. Naalala ko na naman ang mukhang kailanman ay hinding hindi ko malilimutan. Paano kung malaman nyang doon ako nag-aaral? Napakaliit ng mundo. Bakit sa dinami daming pwede nyang maging anak. Bakit si Duke pa.

Tears pooled my eyes. All the things that is happening now is draining me. Parang kandila ako na unti-nting na-uubos. Di ko na nga din alam kung bakit pa ako nag-papatuloy, kung bakit pa ako nabubuhay, kung bakit pa ako nagsisikap magtapos. Napapikit ako ng mapait. Ang selfish ni Mama. Dapat hindi nya ako iniwang mag-isa. Dahil lang sa lalaking 'yon na hindi naman sya pinili ay kinitil nya ang buhay nya! Dapat sinama nya na lang ako.

Napatingin ako kay Brix ng bigla nyang tinigil sa isang convienience store ang kotse nya. "You want ice cream?" Libre nya naman siguro kaya tumango ako.


"Ang laki naman nyan" yung tag 99 na ice cream kasi ang kinuha nya. Cookies and cream ang sa akin at mangga sa kanya. Bumili din sya ng isang supot ng presto peanut butter. Di talaga nawawala yan sa sistema nya.

The sweetness and coldness of the ice cream make the pain in my heart faded slowly. The door chime suddenly makes a sound. Nakaharap ako sa pinto kaya nakita ko ang mga pumasok. Base sa id nilang sout galing din sila sa school namin.

They are laughing with each other. Kanya kanyang bulungan at sabay hahagikhik. Nakaramdam ako ng inggit. Pano ba mabuhay ng kagaya nila? walang iniisip, walang problema. Parang ayaw ko ng kainin ang ice cream, bigla kasing pumait ang panlasa ko. My eyes got misty. Iniwas ko ang tingin sa kanila. 

"Kung gusto mo umiyak, iyak ka lang. Hindi ako magtatanong. Mas magandang nilalabas mo iyan sa pag-iyak." kusang tumulo ang luha ko. Brix gentle and worried voice made ma emotional. Inilapag ko muna ang ice cream ko habang tahimik na umiiyak. Kinuha nya ang nilapag kong ice cream. Gusto ko ng magpahinga. Yung pagtulog na hindi na ako magigising, Parang wala na din kasing saysay ang pagpapatuloy ko.

"Ahh." inumang nya ang kutsara sa akin "Iyak ka lang habang sinusubuan kita" sa sinabi nya mas lalo akong naiyak. ngayon lang kasi ulit ako naiyak na may dumamay sa akin. Lagi kasing ako lang, kasama ang mga unan at kumot. 

"Ahhh" dinikit nya ulit ang kutsara sa bibig ko. The tears just keep on flowing nonstop. I can't also breathe properly due to a clogged nose. 

Ang hikbing tahimik ay naging hagulhul. Napansin kong napatingin na sa amin ang sales lady at dalawang customer na estudyante.

Biglang nag-flash back lahat. The harsh words I received from being a daughter of a mistress. Parang sirang plakang pabalik balik. Simula ng unang punta ng Nanay ni Duke sa bahay ng bata pa ako. Sa banta nya sa akin, sa pagduro-duro nya kay Nanay, ang pananakit nila Tita sakin, sa insultong natatanggap ko hindi lang sa kanya pati na sa lahat ng taong nakakaalam na naging kabit si Nanay. 

Ganoon ba talaga? Kahit hindi ako ang may kasalanan, kahit hindi ako ang may gawa. Bakit parang kasalanan ko? Bakit pati ako nadadamay sa galit?

My hands were shaking from the overflowing emotions. Gamit ang nanginging na kamay tinakpan ko ang aking mukha.

 Bigla namang nataranta si Brix. Wala syang sinabi at pinagpasalamat ko iyon. He gently massage my hair.  Naramdaman kong humigpit lalo ang yakap nya sa akin. I closed my eyes. Brix warmth melt my aching heart a bit. Sya lang ang nakayakap habang ang kamay ko nasa magkabilang gilid lang. He also sway his body slowly that made me sleepy. Parang hinehele nya ako. Patuloy nya lang ginawa iyon. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari, namalayan ko na lang na tinangay na ang diwa ko ng antok. 


"You're a coward asshole." 

Parang nasa isa akong mahabang panaginip. I open my eyes slowly. I heard a voice. Puting kisame na may isang maliit na chandelier ang nakita ko. 

Nasaan ako?

"Bastard. Asha is crying right now because of you." bigla akong napabangon sa narinig na boses. Hala nasaan ako! Nagpapanic na umalis ako sa kama. Sout ko pa din naman ang damit ko kanina. I looked around. White walls. May cabinet sa harap ko at isang bed side table. Pero wala ng ibang laman ang kwarto.

"Pag lumabas kami ni Asha dito lima na anak namin. Tang-ina mo!" nanlaki ang mata ko sa narinig ko kay Brix. I walked slowly to get out. 

Brix is sitting on a one-sitter sofa while uttering profanities. Napangiwi ako. Hilig pala nya talagang mag mura.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang oras. It's 10pm! Dali dali akong lumapit kay Brix. Tinanggal nya ang cellphone nya sa tenga nya. He massaged his hair angrily while still murmuring words na hula ko puro mura iyon. He looked up and when he saw me coming near him. His face softened.

"Gising na pala ang sleeping.... Di pwedeng beauty dahil wala ka non." my eyebrow arched. Minsan talaga si Brix masarap tirisin. Next time ko na lang sya aawayin need ko ng umuwi.

"Sorry, Brix. Nakatulog ako. Uuwi na ako." ayaw ko sanang umuwi pero nakakahiya namang makitulog dito. Lalaki pa din sya at babae ako.

"Naulan. Asha. Pwede ka naman dito. Di kita gagapangin wag kang mag-alala" 

Pumunta ako sa may bintana. Mula sa building kung nasaan kami kitang-kita ang boung Rizal. Nakakarelax din palang makita ang mga ilaw galing sa daan-daang mga gusali sa Rizal. The droplets coming from the rain can be visibly see in the glass wall. 

"Can you cook?" nasa likod ko na pala si Brix at nakisilip na din sa labas. 

Tumango ako. "Ano laman ng ref mo?"

"Cook me adobo. Make it good for three. Nasa kusina na lahat ng kailangan mo."

"Bakit tatlo?" he smirked evilly while his eyes are dancing playfully. I frowned. Yang ngiti nyang yan halatang may binabalak.

"Paano pala ako nakarating dito.?"

Kumamot sya sa ulo "Ano ba yang tanong mo, Asha. Kinarga kita syempre alangan namang hinila lang kita at sinipa-sipa."

I chuckled. "Sige na luto na ako, Tawagin na lang kita."


Nag-umpisa na akong mag-luto. Hindi naman ako nahirapan dahil kagaya nga ng sabi ni Brix andito na lahat sa kusina nya. Iba talaga pag mayaman.

Sinarapan ko talaga ang luto ko bilang pasasalamat na lang din.  

Napatingin ako sa siling labuyo na parang kumakaway sa akin at tinatawag ako. Ihalo ko kaya ito sa pagkain ni Brix ng makabawi man lang ako sa pang-aasar nya lagi. 

I set the table already. I also put two plates. Nilagay ko din ang flower vase na nakalagay sa sala para magmukhang kaaya-aya naman ang table. Nagtimpla na din ako ng juice. Nakita ko kasi ang dami nyang stock. Tutal sabi nya ako na bahala kaya sagarin ko na.

I felt satisfied upon seeing the table. Maganda kasi pagkaka set-up ko. Parang dinner date ganon.

I heard someone approaching. Ngumiti ako. "Kain na tayo, Bri-" my smile faded away when I saw who had come. Duke's unsmiling face came into sight. If looks can kill I may be dead by now. He looks at me sharply and when he notices the plate that is neatly presented on the table. Mas lalong tumalim ang tingin nya.

Napayuko ako. My heart is beating rapidly. Kung pwede lang kasi sigawan ang puso ko kanina ko pa ginawa. Ano ba? Alam mo na ang sitwasyon tibok ka pa ng tibok dyaan!

"Bango ah." Brix came with a playful smirk. He looks so proud seeing me so awkward.

 "Wow, ganda may pa flowers ka pa." inakbayan nya din si Duke na binalya lang iyon. Tumawa lang si Brix. Napanganga ako ng padabog na umupo sya sa upuan sa tabi ng plato ko. He also get the plate that supposed to be for Brix.

"Hoy, di ka kasama sa budget. Tumayo ka dyaan." mahinang hinila ni Brix si Duke. "Shut the fuck up! I'm going to pay you. Get lost." 

Tumawa lang ulit si Brix at humila na din ng upuan sa harap ni Duke. I suddenly felt lost. Ni hindi ko nga alam kung kakain ba ako aalis na lang. I bit my lip to ease the awkeardness I felt. I get another plate for Brix. Akmang ilalagay ko na iyon sa harap ni Brix ng bigla iyong hatakin ni Duke at sya na mismong naglagay.

"Stop serving other guys in front of me. Just sit, Asha." nang hindi ako gumalaw sya na mismo ang humila sa akin at pinaupo ako. Hinila nya din palapit ang upuan ko. Pagtingin ko kay Brix kinindatan nya lang ako. Tinaasan ko sya ng kilay. Ito talagang si Brix kahit kailan. Dapat tinuloy ko na lang lagyan ng labuyo yung pagkain nya! 

It's a sin being near with Duke, kaya umisog ako para kahit papaano ay makalayo ako. Duke stiffened. Nakita ko ang pagdaan ng sakit at pait sa mukha nya. Hindi ko na lang din iyon pinansin. My heart is aching for the truths of our past. I felt suffocated. My heart is beating rapidly and my hands are sweating badly. 

Kahit gaano kasarap ang luto kong adobo halos wala na akong malasahan dahil sa mga iniisip. Nawalan na ako ng gana. Gusto ko na lang magpahinga.

"Brix. Saan kwarto ako tutuloy. Doon ba sa hinigaan ko kanina." I flinched when Duke dropped his spoon harshly. 

"We will go home." may diin nyang sabi. His teeth are gritted hard while looking at me sharply. Dahil sa kaba at takot ay hindi ako nakasagot. Hindi pinansin ni Brix si Duke at bumaling sa akin.

"Oo, doon. Magpapahinga ka na ba?" 

Nag-aalangang tumango ako.

Si Brix na mismo ang nag-ayos ng kinainan namin. Habang si Duke ay tahimik lang. His jaw is still clenching. Kita ko din kung papaano nya hawakan ang baso. Sobrang higpit non! Parang anytime sasabog sya sa galit. 

Nagmamadali akong umalis sa kusina na iyon. Halos hindi pala ako humihinga. Being with Duke can really cause me death. 

Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng biglang may tumulak sa akin pa sandal sa pinto. My eyes widened when I saw Duke's angry eyes. His towering over me. Mahigpit nya ding hawak ang isang balikat ko at pulso.

"Ano b-" nahigit ko ang hininga ko ng bigla nyang nilapit ang mukha nya sa akin. Gahibla na lang ang layo ng mukha namin. Mas humigpit ang hawak nya. He closed his eyes tightly. Na tila kinakalma ang sarili. Binaling nya ang ulo nya sa tenga ako at may panggigigil na hinalikan ako doon. 

"Let's go home." he whispered huskily. Bolta boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan ko. I felt his lips move sensually and he gently bit my ear. I closed my eyes as I moaned silently. 

"Hoy, Duke. Bawal ang porn dito" para akong binuhusan ng malamig na tubig. Agad kong tinulak si Duke pero para itong pader ni hindi man lang natinag. Nanatili ang kamay nya sa braso ko. Namumungay ang mata niya habang patuloy akong pinagmamasdan, hindi din nya binalingan ng tingin si Brix na sobrang sama ng tingin sa aming dalawa.

Brix pulled me and put me behind him. Sinamaan nya lalo ng tingin si Duke na tinaasan lang sya ng kilay at akmang hihilain ako ng mas lalong hinarang ni Brix ang sarili nya sa akin.

 "Matapos mong iwasan ito ng ilang araw, Manghahalik ka." bumaling sa akin si Brix. His eyes turned to slits even more, "At ikaw naman. Matapos mo to iyakan magpapahalik ka. Rupok mo naman, girl. Wag ganon" 

Tinabig nito si Duke na nasa harap ng pintuan ng kwarto, "Oh sya, pasok. Gagawa pa tayo ng limang anak." my eyes widened when Brix pushed me inside the room at sinara iyon. 

"What the hell are you doing." rinig kong sigaw ni Duke sa labas.

"Gagawa nga kami anak. Huwag kang magulo." dInikit ko ang tenga sa pinto para marinig ko sila,

"Fuck you" napangiwi ako sa mura ni Duke. 

"Fuck you ka din"

"Me and Asha will talk so let her go."

I heard Brix laughed sarcastically. Mas lalo kung dinikit ang tenga ko.

"Di mo ba narinig aanakan ko pa sya ng lima or gagawa na lang kami ng volleyball team."

"Just shut the fuck up, Brix."

"Kahit kaibigan kita. Susuntukin talaga kita. Sa sala ka matulog wag kang magulo." napaatras ako ng biglang bumukas ang pinto at ang hindi maipintang mukha ni Brix ang bumungad. Pabalya nyang sinara ang pinto habang hawak ang doorknob. 

"Open this door, Brix or I'm going to break it," Duke continuously bangs the door and sometimes kicks it hard.  Brix rolled his eyes and looked at me sharply. 

"Matulog ka na. I lock mo ang pinto at baka may manggapang sayo."

"Dito ka matutulog.?" nag-aalangan kong tanong. Tinaasan nya ako ng kilay. \

Masama pa rin ang tingin "Bakit gusto mo totohanin nating gumawa tayo ng volleyball team.?" 

Inirapan ko sya. Malay ko ba, kwarto nya to at saling pusa lang ako dito.

"Sige na, Good night, Asha." He cutely smiled at me before opening the door. Duke was angry and his face can kill anytime. Hinila lang sya ni Brix paalis at sinara ang pinto. Rinig ko pa ding nagtatalo sila pero mga palayo na ang mga boses.

Napaupo ako sa higaan. Buo ang isip ko na iwasan na si Duke at huwag ng umasa pa, But seeing him here. My determination melted. I tiredly lay my body in the bed. My feet still on the floor while my arms were covering my eyes. 

Ang dami ng problema kelan ba ito matatapos?


I woke up suddenly. My throat felt dry. Iinom muna siguro ako ng tubig, Minulat sara ko ang mata ko hanggang masanay sa paligid.

Akmang babangon ako ng may maramdamang kamay sa tyan ko. Sisigaw sana ako ng biglang may nagtakip sa bibig ko. "Shh. It's me..." Nanlalaki ang matang napatingin ako kay Duke. Nagpumiglas ako para makawala pero mas humigpit ang yakap nya sa akin at ang pagkakatakip nya sa bibig ko.

"Don't move, Asha. You're waking something." I frowned. Ano daw?  Dahil napagod lang ako kakapumiglas. Tumigil na lang ako at hinayaan sya. Halos nakapatong na kasi ang kalahati ng katawan nya sa akin. The position we have is so awkward!

Nang alam nya na sigurong hindi na ako sisigaw ay unti-unti nya ng tinanggal ang kamay nya sa bibig ko.

"Anong ginagawa mo dito?" mahinang anas ko. Umalis sya sa pagkakadagan sa akin at humiga patigilid. I gasped when he pulled me closer to him. Caging me. I felt his uneven breathe in my ear. I closed my eyes tightly. Nalulunod na naman ako.

My eyes stung and an overflowing emotions rises from my heart. Alam kong bawal, alam kong hindi pwede dahil kumplikado pero ang puso ko mismo ang trumatraydor sa akin.

"Can we stay like this until morning?" he said it with loneliness. Gusto ko syang tingnan pero sinikap kong hindi. Mas lalo akong malulunod at baka hindi na talaga ako makaahon pa. 

"I miss you, Asha." he uttered those words with longing inside it. He kissed my ears gently. Tumagal din iyun ng ilang segundo,  Naramdaman kong nabasa ang balikat ko. Is he crying?  Akmang titingin ako sa kanya ng humigpit lalo ang yakap nya.

"So much"

Continue Reading

You'll Also Like

16.9K 424 27
(BRILLIANTES SEQUEL) "It hurts to lose a loved one, but I have to accept the fate that her life will end here." Date started: January 24, 2024 Date f...
86.4K 1.4K 19
| LIGHT FAST PACE ROMANCE FICTION | Caleb Raixon Montemayor ay ang Mayor ng Sta Rosa at nasa ikalawang termino na siya nito. Kilala siya bilang isang...
1.6M 33.9K 45
Montejo Siblings #1 Love at first sight, that's what they call it. And I think it victimized the eldest of the Montejo Siblings, Darius. With Samanth...
4.8K 61 10
Dangerous Gentlemen #3 The Detective Name: Antonio Lucio Vivaldi Birth Date: March 4 19xx Age: 32 Blood Type: A Eye Color: Ash Gray Nationality: Ital...