"That Doctor is Mine"

By onionnn

5.9K 169 16

- Dr. Hashiro Kalen Cromwell- A tall good looking man and a professional doctor who had a secret marriage wit... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
πŸ“ŒANNOUNCEMENTπŸ“Œ
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
MISS A
CHAPTER 29

CHAPTER 13

180 4 0
By onionnn

Kalia POV

Umupo na ako sa upuan tabi ng bed niya, wala munang umimik saamin kayat balot kami ng katahimikan pero maya maya din ay nagsalita na siya.

"how you've been?" panimula niya, deretso kaming nagtinginan sa mata at kapwa walang emosyon na nagtititigan, pero kaagad ko itong pinutol saka na tumingin sa malayo.

"I think.... It's already none of your business" tila hindi intresadong sagot ko, akmang aalis na ako ng pigilan niya ako muli.

"please Ali, my guilt never make me sleep. I badly wanna talk to you, I hope you will give me a chance with that" sabi niya, mabuti namat binibisita siya ng konsensya niya.

Bumalik na ako sa pagkakaupo saka na muling nakinig sakanya.

Nakita ko siyang marahang ngumiti habang pinagmamasdan ang kabuuan ko.

"I'm glad you finally wear the uniform of your dream. It suits you very well" nakangiti't ramdam kong sensiridad na sabi niya.


*FLASHBACK*

"What do you want to be in future?" tanong nito saakin. Nakasandal ako sa may dibdib niya kayat bumaling na ang tingin ko sakanya. He even kissed me in my forehead which made me smile.

" I want to be with you" hugot ko at kapwa naman kami natawa. Corny kung tao pero buti nalang at sinasabayan niya ako. Pinisil nito ang pisnge ko dahilan para mapasimangot ako.

"masakit kaya!"

"ah sorry sorry" sabi nito saka hinalikan ang pisnge ko.

"ayan okay naba?"

" hehe okay na" saad ko saka siya niyakap.

"so what do course will you take?" tanong niya, mag cocollege na kasi kami next year.

"I want to become a registered nurse" sagot ko.

"ah so my love wanted to become a nurse, pano yan? Pano kita dadalhan ng pagkain niyan pag naging nurse kana? You know how much I hate the smell of the hospital"

Napasimangot tuloy ako.

"Aww so were really not compatible to each other." malungkot na sabi ko.

"hey its not like that"

"I'm just kidding!"

"ikaw ah."

"Kapag nangyari yun ako nalang ang magdadala ng pagkain sayo no matter what kahit mag mascot pa ako papuntang ospital"

"okay lang, as long as ikaw ang magluluto ng pagkain ko" masayang sabi ko, ngumiti naman siya saka niya ako niyakap ng mahigpit at hinalikan ako sa noo.

"I will"

*END OF FLASHBACK*


"A-ali?"

"hmm thanks" ang tanging naiusal ko. Bumabalik nanaman muli ang mga ala ala naming dalawa.

"So tell me, how are you?" pag uulit niya sa tanong.

Kamusta nga ba ako pagdating sakanya. Sa buhay siguro okay naman pero kung patungkol sakanya mukhang di pa.

"Kung about man sa buhay ko, I'm doing good but if that's matter between of us, I can say I'm still a broken piece" mapait kong tugon, kita kong di siya makapagsalita at tila nasaktan sa narinig,

Nasasaktan ngaba? O delusyon ko lang?

Napayuko naman ito.

"I-I'm very sorry for what I've done Ali. Its been 4 years since we've broke up. At hindi manlang ako nakahingi ng tawad sayo personally. And I know I don't deserve the forgiveness of yours, but I'm here to finally give us both a closure, specially sayo..."

"....Alam kong sobra pa sa inaakala ko ang sakit na dinarama mo noon. I know you, ikaw yung tipong taong sagad magmahal kayat kung iiwan kaman ng g*gong tulad ko ay triple triple ang dulot nitong sakit sayo..."

".... ni hindi ako nakapagpatawad sayo ng maayos noon, diko alam kung pano ko ihaharap ang sarili ko sayo pagkatapos ng ginawa ko. I dont know if youre gonna believe me pero walang araw na hindi kita inisip Ali. Nililibang ko nalang ang sarili ko hanggang sa natuon nalang ang atensyon ko kila Daiane at kay baby Eos..."

"...pero kahit ganon di padin talaga maiwas na hindi kita maisip, kung ano na ang kalagayan mo. Kung ano ang mga pinagdaanan mo, nasasaktan ako kapag naiisip ko kung pano ka umiyak, napapatanong ako na 'pano kung umiiyak siya dahil sa nagawa ko' kung ayos kalang ba, kung naalagaan mo paba ang sarili mo kung---"

"tama na, pakiusap"

Napahinto naman siya, kanina pa ako nakayuko simula ng magsalita siya at diko na nga napigilan pang umiyak. Diko akalaing napapaisip din siya ng ganoon, nanunumbalik nanaman muli saakin ang mga sitwasyon at mga pinagdaanan ko ng iwan niya ko tila mga flashcards ang mga ito. Pero tama siya, higit pa sa inaakala niya ang pinagdaanan ko, ni hindi triple lang ang sakit e. Sobra sobrang sakit.

"Ali--"

"t-tama na V-van, t-tama na. A-alam mo ba hinitay kita sa restaurant hanggang mag uumaga. Pera ko na inipon ko, ni hindi ako kuma-kain ng recess dahil sa dedikasyon kong i- itreat kita s-sa resto sa pagdating ng anniversary natin at birthday mo pero wala e. S-sinayang mo van, sinayang mo..."

"......walang araw na hindi ako umiiyak van, gabi gabi, oras oras. Nagka depresyon ako van. Halos maapektuahan na ang kalusugan ko at pag aaral ko...."

Patuloy lang sa pagraragasa ng luha ko habang ikwenekwento sakanya lahat ng pinagdaanan ko.

"....pilit kung tinatanong kung saan ako nagkulang van. B-bakit sayo pa na pinagkatiwalaan ko, na minahal ko. Sobra sobrang pinagdaanan ko van. Halos mabaliw nako kakaisip. Pagtawanan man ako ng mga tao, sabihin mang tanga tanga, pero ganoon kita kamahal noon!!!..."

"....a-alam mo ba kung ano ang higit na masakit?" tanong ko pero di siya sumagot at nanatiling nakatitig saakin ng malungkot.

"Van-- m-muntik na a--akong m-magpagamit sa f-fourth year kong professor, pu--pumasa lang ako" at doon na lumakas ang iyak ko.

Malapit na kaming grumaduate non kaso dahil nga sa gulong gulo ang isip ko naapektuhan ang pag aaral ko. Nagkaroon ako ng 5.0 o 70 na grade na dahilan na muntikan na akong di makamartsa.

Lalaki ang guro naming iyon at usap usapan ang pagiging mayakis nito. Kinausap niya ako non, at sinimulan akong haplos haplosin, iyak ng iyak ako non.

Pilit niya ring sinasabi saakin na magpagamit nalang daw ako sakanya ay ipapasa niya ako. Mabuti nalang at nakita kami ng gwardiya at na expelled siya.

Hanggang ngayon ay dala dala ko padin ang takot ko at trauma.

Naramdaman kong hinugot niya ako't niyakap ng sobrang higpit.


"Shjt! Shjt ! Shjt!!...Fvck! Fvck him!!!"

"D4mn!!!!"

"Ali I'm so sorry... I'm so sorry Ali! I'm sorry" ulit ulit ba sabi niya habang akoy patuloy padin sa pag iyak. Hikbi lang ako ng hikbi sa may dibdib niya.

Nanginginig ako, kakaibang trauma ang nadama ko noon, ayoko na bumalik sa nakaraan. Nakakagimbal ang mga pinagdaanan ko, diko na kakayanin pang kaharapin yun muli. Ayoko, ayokong ayoko.

"bakit nagkaga-nito Van, bakit! Bakit! Bakit m-moko iniwan? I-ikaw nalang ang kinakapitan ko n-noon Van. Pero iniwan moko."

"a-Ali"

"w-wala kong makausap, Van, na-walan ako ng kakampi. Dahil ang kaisa isa kong kinakapitan ay b-binitawan ako"

"I-Im so sorry"

"V-van... B-bat mo nag-gawa saakin yun Van. Bakit?!"

Punong puno ng sakit at galit ang puso ko sa oras na to, gusto ko siyang sapakin pero diko magawa lalo nat pasyente ko siya, at may sakit siya.

Mas lalo niya akong niyakap ng mahigpit.

"p-patawad . Sobra akong nagsisi. Dimo deserve yun Ali, labis kitang nasaktan." hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko at iniharap sakanya. Nagtitigan kami kapwa basa na ang aming mga mata, mapait siyang ngumiti at pinunasan na ang luha ko gamit ang kamay niya.

"Ali there is one thing I want you to know and tell you...." putol na sabi niya

"...Ali hindi lahat ng nang iiwan ay hindi nasasaktan."











Ps. Wohhh inspired quote from filipino movie ' I love Lizzy' 🤧





Continue Reading

You'll Also Like

63.5K 1.2K 56
- A handsome gangster, na ma obsessed sa Isang babaeng transfer sa school na pag mamayari niya. At malalaman din nya Ang babaeng ito Ang bagong membe...
364 198 16
:this story is a work of fiction, ang lahat ng pangyayari ay gawa-gawa lamang ng malikot kong utak keme HAHAHAHA THIS STORY COTAINS: vulgar words, sp...