CHAPTER 10

178 6 0
                                    

Dovenne POV

Buti nalang at sumali si Doc Hashiro sayang lang dahil di ako ang partner niya hayss. Pinagmasdan ko na siya, wala pa ring bago, gwapo padin. Partner niya si Jane pero teka bat parang naiilang sila sa isat isa?

May something ba sa dalawang to?

"Hoy!" biglang tapik ni Ryan saakin dahilan para mapatingin ako sakanya.

"Ano?"

"Handa kanaba?"

"Huh?"

"Handa kanabang matalo?" Pang aasar niya dahilan para umawang ang bibig ko, abat--

"Ako matatalo? know your limits Doc Ryan" saad ko dahilan para marahan siyang tumawa. Maya maya pa'y tumingin ito ng deretso saaking mga mata.

Ang weird. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

"I'll make sure ako ang magpapangiti sayo Dovenne" sabi pa nito na lalong nagpawala sa puso ko. Ewan ko kung ang laro ba ang tinutukoy niya o iba na.

Double meaning ba ganon?

Arghh napailing iling nalang ako sa pinag iisip ko, nag aasume nanaman ako,

Mahirap na lalo nat walang lunas ang pagiging assumera.

Saka na itinuon ang atenston ko kila Bezelle at Joshua na ngayon ay nagsisimula ng mag pick up lines sa isat isa.

"Can you check my heartbeat?" Hirit ni bezelle.

"Why? Because it murmurs I love you?" tanong ni Doc sakanya.

"No" sagot niya saka hinaplos ang kaliwang pisnge ni Doc.

"Because I think it beating too fast because of you" dagdag niya sabay wink sakanya, kaya ayun nahimatay si Doc Joshua sa sobrang kilig. Pambihiraa.

"Kala ko sa pagkain ko lang makikita ang lason dito rin pala" sabi ko.

"HAHAHAHA" tawa naman nila, nakisali pa si Doc Ryan, pshh sinabihan pa akong bitter.

"Amapait talaga lalo nat nakikita ko mukha mo"

"Sungit mo"

"Di joke lang"

Si Doc Ryan kilala ko na talaga siya noon pa. We're schoolmate, back when we were highschool he was my competitor when it comes to academic. Bawat quarter noon ay nagpapalitan lang kami ng ranking e. He was also a volleyball player, at one time nag smash siya, inismash niya ang bola sa mukha ko kaya ayun nawalan ako ng malay. Kaya may bad record siya saakin.

"Oh siya. Ngumiti na si Joshua ibig sabihin talo na siya. Mukhang ubos ang pera mo ngayon sa anniversary date niyo ah" pang aasar ni Steve.

"Ramdam ko din" sagot naman ni Doc.

"Oh siya kila Doc Ryan naman at nurse Dovenne" anunsyo ni Bezelle.

Mygadd amin na pala?! Tumingin naman si Doc Ryan saakin saka ngumiti. Sh*t feel ko matatalo ako nito.

Ang bilis naman kasi nila natapos e.

"Start!"

Napalunok nalang ako ng seryosong nakatingin sa mga mata ko si Ryan tila hinahaloghog pa nito ang nilalaman ng utak ko. Pero sige kaya ko to.

●●●●

"Doc, are you defibrillator?" panimula ko.

"Why?"

"Cause youre sending shocks straight to my heart" dagdag ko pa.

Boom!

"Ayieeee!!"

Pero putekss di manlang nagpatinag.

"Well you must be aphasia" siya naman ang bumanat.

"Why?"

"Because you left me speechless" sabi niya. Kaso medyo slow ako diko kaagad na gets, buti nalang.

"Yieee"

"Nu ba naman yan kiligin na kayo please"

"Lalanggamin na ako dito ah"

Tinitigan niya ako sa mata, pwes di ako magpapatalo noh. Sakto rin na may naisip akong kalokohan.


"If I were enzymes I'd be DNA helicase" banat ko.

"Why?" tanong niya naman. Kinakabahan naman ako, nagdadalawang isip ba ako kug sasabihin ko, pati ako natatawa e.

"So that I could unzip your genes" tuluyan na nga itong lumabas sa bibig ko. Ayun umani na nga ang pang aasar nila.

Pero syempre mahihina lang ang boses namin baka makabulabog kami e.

"Whoo!!!"
"Ano ba naman yan"
"Iba na yun ah!"
"Timeperss-timeperss"

Para kaming mga batang dugyot.

Napayuko nalang ito mukhang nagpipigik ng tawa. Pero maya maya pa'y tumingin na muli siya saakin ng seryoso. Talagang ayaw magpatalo.

"I think you're in a wrong profession Ms. Dovenne" sabi niya dahilan para mapalunok ako, kinabahan nanaman ako muli.

"W--why?"

Tumayo ito sa kinauupuan niya saka inilapit ang mukha niya sa mukha ko dahilan para mabalot kaming lahat ng katahimikan.

"You shouldn't be nurse. You should be......."










.......my wife" dugtong niya.


"WAHHH!!!"
"myy gad ayoko na HAAHA"
"maiihi na ako sa sobrang kilig nito!"

Pinaghahampas pa ako ni Psy, at patuloy na nga kaming inaasar. Bumalik na naman sa pagkakaupo si Ryan saka ngumiti at itinuro ako.

"Opss ngumiti ka, talo kana" sabi niya saakin dahilan para magsilakihan ang mga mata ko.

What the-- diko manlang namalayan na napangiti na pala ako.

"Talo ka ah. Ililibre mo na ako niyan mamaya ah" pang aasar pa niya, sumiklab bigla ang dugo ko tsk.

"Oo na oo na, pambihira"

"Yiee kunwari pikon pero kilig na yan" pang aasar pa ni Psy

"Hindi noh, makaalis na nga" sabi ko pa at tumayo na. Akmang aalis na ako ng bigla akong tawagin ni Ryan.


"Hey, tie your shoes" sabi niya kaagad na naman akong napatingin sa sapatos ko na di nakaayos ang sintas kayat umupo na ako at inayos ito.

"I don't want you to fall for someone else" dagdag pa niya.

What the---

"Yieeee"
"Pambihira ka Ryan wag mong lubos lubusin baka matunaw si nurse Dovenne"
"Pulang pula na oh"

Pang aasar pa nila lalo, ramdam ko tuloy ang pag iinit ng pisnge ko kayat lumabas na ako.

Nakakahiya!!!

And yeah my instinct was right...

Natalo nga ako huhuhuu

"That Doctor is Mine"Where stories live. Discover now