Her Asset

By Unnie_Corn0

2K 704 43

Amery Gem Thompson is a senior high school student in the ABM strand. She promised herself to focus on academ... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 37

19 6 0
By Unnie_Corn0

Parang dati lang ay fourth year college student kami. Ngayon naman ay enrollment na namin para sa last year ng aming college life.

Ang daming mga students ngayon sa campus namin. Ang init pa naman ngayon ng panahon. 

Natapos na kaming mag enroll pero hindi ko pa rin makita sina Ivan. Baka hindi pa sila tapos. 

"Ang tagal naman nila! Puntahan na kaya natin sila?"

Naiinip na rin ang mga kasama ko. Hindi rin kasi kami makapunta sa classroom dahil ginagamit ang mga ito. Kaya wala kaming choice kung hindi ang mag-hintay sa labas. 

Mabuti na lang talaga at may dala kaming payong ngayon. Kung hindi ay talagang naihaw na kami ngayon sa kainitan.

"Tara na! Ang init sa balat ng araw!"

Naglakad na kaming anim papunta sa building nila. Mabilis din ang ginagawa naming lakad dahil napapaso na ang aming balat sa init.

Nang makarating kami sa building nila ay kaunti na lang ang mga studyante. Marahil ay umuwi na ang iba.

Sakto naman ay nakita naming lumabas sina Laurence at Kent. Hinanap ng mata ko si Ivan pero hindi ko siya nakita.

"Nasaan pala si Ivan?" Tanong ko sa dalawa.

Nagkatinginan naman ang dalawa. Tila nagtuturuan kung sino ang sasagot sa akin. Bakit parang ang hirap sagutin ng tanong ko?

"A-ah, wala si Ivan dito, Amery."

Si Laurence ang sumagot sa akin. Nakita ko pa ang pasimpleng pagsiko ni Laurence kay Kent.

"N-nasaan si Ivan?"

Huminga nang malalim si Kent bago sumagot sa akin. "Ayaw naming pangunahan si Ivan, Amery. Kaya siya na lang ang tanungin mo."

Nagmamadali naman akong umalis sa campus. Kahit hindi sinabi ni Kent kung nasaan si Ivan ay alam ko na kung nasaan siya. 

Sumakay lang ako ng jeep para pumunta sa bahay nila. Habang nakatingin sa labas ay hindi ko mapigil ang kaba ko. 

"Para po!"

Bumaba na ako sa jeep. Binuksan ko agad ang payong ko para may panangga ako sa araw.

Pumasok ako sa loob gate nila.
Nag-doorbell ako nang makarating sa tapat ng napakalaking pinto nila. 

Hindi naman nagtagal sy pinagbuksan ako ng Mama ni Ivan. Parang nagulat pa siya na nandito ako sa harap niya. Wala kasi akong pasabi na pupunta ako rito kaya naiintindihan ko naman ang reaksyon ni Tita.

"Oh! Amery, you're here! Pasok ka, Nak. Si Ivan ba ang sadya mo?"

Tumango ako sa tanong ni Tita bago ako pumasok ng bahay nila. Pinapunta ako ni Tita sa kwarto ni Ivan. Ako na lang daw ang umakyat dahil maghahanda pa siya ng tanghalian.

Kumatok muna ako sa kwarto ni Ivan bago ako pumasok. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ni Ivan. Hindi naman ito ang unang beses na pumasok ako rito kaya sanay na ako kung saan pupunta. 

"Ivan." Tawag ko sa kanya.

Hindi ko siya nakita sa kama niya. Nasa loob siguro siya ng cr. Umupo na lang ako sa kama niya at hinintay siyang lumabas. 

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. At tama nga ako, nasa cr nga siya kanina. Bagong ligo lang si Ivan.

Nang lumingon si Ivan sa banda ko ay nagulat siya. Nanlaki ang mga mata niya at umawang ang kanyang labi.

"Baby!"

Tinaasan ko lang siya ng isang kilay at hindi nagsalita. Pinagkrus ko rin ang dalawa kong kamay habang nakatitig sa kanya. 

"Why are you here, baby?"

Tumayo ako at matapang na hinarap siya. "Ikaw ang tatanungin ko niyan. Bakit ka nandito? Dapat ay nasa school ka at nagpa-enroll, 'di ba?"

Parang napagtanto niya na kung ano ang tinutukoy ko. Unti-unting nagbaba siya ng tingin sa sahig.

"Umamin ka nga sa akin! May hindi ba ako nalalaman?!"

Ramdam ko pagkabog ng aking dibdib. Panay ang hinga ko nang malalim. 

"Hindi ako pumunta sa school kanina dahil hindi na ako mag-aaral...dito."

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Ang akala ko ay dito na siya magtatapos ng kanyang pag-aaral.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?"

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag-iyak ko. 

"I'm sorry. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo."

"S-saan ka mag-aaral? S-sa Manila ba? O kaya naman sa probinsiya?"

Umiling siya sa akin. Parang hirap na hirap siyang sabihin kung saan.

"N-new Y-york."

Tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Nang makita 'yon ni Ivan ay nataranta siya. Lumapit siya sa akin at pinunasan ang luhang pumapatak sa mukha ko gamit ang kanyang kamay.

"Hey, baby, listen to me. Uuwi ako palagi para sa'yo."

Patuloy pa rin ang pagpatak ng luha sa pisngi ko. At patuloy din siya sa pagpunas ng luha ko.

"Iiwan mo ako rito?"

Sunod-sunod naman ang iling niya. "Huwag mong isipin na iiwanan kita. I gave you my promise ring, baby. I told you, no matter what happens to us, I always find a way to come back home. Babalik at babalik pa rin ako sa'yo." Pumikit ako nang maramdaman ang kanyang labi sa noo ko.

Ayaw ko namang maging selfish. Ayaw ko na pigilan siya. Ayaw ko na masakal siya sa akin. 

Pero ang hirap na hindi ko siya nakikita 'lagi. Nasanay na ako sa presensya niya. Pero limang taon lang naman 'yon. Tapos uuwi na siya sa akin. 

Makakaya naman namin 'yon, 'di ba?

"Shh, stop crying, baby. Lagi naman akong uuwi sa Pilipinas. I'm sorry, pinilit ko naman sina Mama, pero kailangan ko raw talagang mag-aral do'n dahil ayon ang gusto ni Lola na mangyari bago siya mawala."

Ang hirap niya namang pakawalan. Aaminin kong natatakot ako sa LDR. 

"Paano kung may makilala kang babae ro'n? Paano kung nagsawa ka na sa akin?"

Hinawakan niya ang mukha ko at iniharap ito sa kanya. Hinalikan niya ang labi ko. Kahit na luhaan ay sumagot ako sa halik niya. 

Nang humiwalay siya sa akin sy tinitigan niya ang mga mata ko. Tumingin ako pabalik sa kanya.

"That would never happen, baby. Do you trust me?"

Tumango ako sa kanya. Ngumiti siya sa naging reaksyon ko. Niyakap niya ako nang mahigpit. 

"K-kailan ang alis mo?" 

"Saturday." Sabi niya nang hindi bumibigaw sa pagkakayakap sa akin. 

Isang araw na lang pala ang natitira naming oras para magkasama. Hindi pa siya umaalis pero feeling ko miss ko na agad siya.

"I will spend my day with you tomorrow, baby."

Tumango lang ako sa sinabi niya. Hindi ako humiwalay sa yakap niya. Natatakot ako na kapag bumitaw ako ay hindi ko na siya makita.

Kinabukasan ay tinupad ni Ivan ang sinabi niya. Magkasama kami ngayon ni Ivan. Pero halos hindi na ako humiwalay sa kanya. Susulitin ko ang araw na ito na kasama siya.

Bukas na ang alis ni Ivan. Kung pwede lang na pahintuin ko ang oras ngayon ay ginawa ko na.

"Baby, smile!"

Nakatutok ang camera ni Ivan sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi ang ngumiti. Pinipilit kong ipakita kay Ivan na masaya ako. Pero kahit anong gawin ko ay naiisip ko pa rin ang pag-alis ni Ivan.

"Baby, kapag aalis na ako huwag kang iiyak, ah. Baka hindi na ako tumuloy kapag nakita kitang umiyak."

"Hmmm." Sabi ko.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang luha na gustong lumabas sa mga mata ko. Niyakap ako ni Ivan. Gumanti ako nang mahigpit na yakap.

"I love you, Ivan."

"I love you, baby. Always remember that no matter what happens, I will come back home to you. Ikaw lang ang uuwian ko."

Kinabukasan ay mangyayari na ang ayaw ko pang mangyari. Ngayon na ang flight ni Ivan. Kaya maaga rin akong nag-ayos para sumama sa paghatid sa kanya sa airport.

Sa loob ng van ang ang parents ni Ivan. Kasama rin namin ang mga kaibigan namin. Ako na lang ang hinihintay. Umupo agad ako sa tabi ni Ivan at umandar na ang van.

Sa loob pa lang ng van ay mabigat na ang loob ko. Magkahawak lang kami ng kamay ni Ivan hanggang sa makarating kami sa airport. Mas bumigat ang nararamdaman ko nang makarating na kami. 

"Kayo na muna ang bahala kay Amery. Mag-iingat kayo rito." Paalam ni Ivan sa mga kaibigan namin. 

"Anak, mag-iingat ka ro'n, ah. Tatawag ka palagi sa amin. Huwag mong pababayaan ang sarili mo." Umiiyak na si Tita ngayon habang nakayakap kay Ivan.

"I will, Ma. Huwag niyo ring pabayaan ang sarili ninyo ni Papa." Hinalikan pa ni Ivan ang noo ng Mama niya.

Tinapik naman ni Tito sa balikat si Ivan at tinanguan siya nito. Pagkatapos ay humarap si Ivan sa akin. Heto na, magpapaalam na talaga siya sa akin.

"Baby, I'm sorry for leaving you. Promise, uuwi ako 'lagi. Huwag mong hahayaan na may lumapit sa 'yo na iba, wala ako para bantayan ka. Sa 'yo pa rin ako uuwi kahit anong mangyari. I love you, baby."

Pinigilan ko ang umiyak. Nalasahan ko na ang dugo sa sobrang diin nang pagkakakagat ko sa labi ko para lang pigilan ang pagtulo ng luha ko. 

"Mag-iingat ka ro'n, ah. Huwag mo ring hahayaan na may lumapit sa'yo na iba kung hindi ay lagot ka sa akin pag-uwi mo. Mag-hihintay ako sa'yo, Ivan. Mahal na mahal kita."

Nakita kong namumula na ang tenga at mata niya. Marahil ay pinipigilan niya rin ang pagbuhos ng luha niya.

Nang oras na para sa pag-alis ni Ivan ay niyakap niya kami isa-isa. Sa huling pagkakataon ay hinalikan ni Ivan ang labi ko. Hanggang sa maglakad siya papalayo sa amin. 

Nakatingin lang ako sa likod niya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Hindi na rin lumingon pabalik si Ivan sa amin. Pero nakita ko ang pagpunas niya ng luha sa mata niya.

Unti-unti ring pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Unti-unti ring lumakas ang hikbi ko. Niyakap ako ni Tita at sabay kaming umiyak.

Nang pauwi na kami ay pinauna ko na muna sila sa pagsakay ng van. Pupunta muna ako sa cr. Kanina pa kasi ako naiihi. Sasamahan pa sana ako nina Fatima pero inilingan ko na lang sila.

Malapit lang naman kasi ang cr dito kaya hindi ko na kailangang magpasama sa kanila. Unti-unti na rin akong kumalma sa pag-iyak.

Nang pagkatapos kong umihi ay lumabas na ako sa cubicle para mag salamin. Pero laking gulat ko nang makita si Claire ro'n.

Anong ginagawa niya rito?

"Amery!"

Hindi mababakas sa mukha niya ang pagkagulat na makita ako rito. Parang inaasahan niya pa na nandito ako.

"Anong ginagawa mo rito, Claire? May hinatid din ba kayo?"

Sinubukan kong maging kaswal sa harap niya. Alam ko naman na peke ang ngiti na pinapakita niya sa akin. Pero hindi na ako nagpakita ng ngiti sa kanya dahil wala ako sa mood para makipag-plastikan sa kanya.

"Oh! Ako ang inihatid nila rito."

Ngumisi pa ito sa akin. Tila siya ay nang-aasar. 

"Ah, gan'on ba. Saan ka ba pupunta?"

Alam kong hindi kami close para itong ito sa kanya pero dahil sa kuryusidad ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"New York, doon na ako mag-aaral!"

Sa New York din mag-aaral si Ivan. Planado ba ang pagpunta niya ro'n?

"Oh, and don't worry. I'll take care of your boyfriend! Bye!"

Iniwan ako nito sa cr. Naiwan ako ro'n na tulala. Pero isa lang nasisiguro ko. Hindi maganda ang mangyayari kapag nagkita sila ni Ivan. At aaminin kong sa mga oras na ito na ay nakaramdam ako ng takot.

Continue Reading

You'll Also Like

13.1M 435K 41
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...
161K 962 31
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
516K 14.8K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?
1M 89K 39
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...