Ladders of Elegance

By violetarae

356 57 7

When Gabriella Adrienne Auclair's mother died, her father asked her if she could live with him together with... More

Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 18

0 0 0
By violetarae

Chapter Eighteen

Kitang-kita ko kung paano manggigil habang tintingnan ako nitong lalaki sa aking harapan. Mas lalong tumulo ang pawis ko hindi lamang sa pagod kundi pati na rin sa kaba na nararamdaman. I gritted my teeth. Paniguradong wala na akong takas sa lalaking ito. Pero hindi maaari! Kailangan kong makawala sa kaniya bago pa siya may gawing masama sa akin.

“Bitawan mo siya!”

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng nararapat na gawin nang bigla itong sunggaban ng malakas na malakas na suntok ni Callum. I saw bruises in his cheek at may galos din sa braso dahilan siguro ang pagkasubsob niya kanina habang nilalabanan ng lalaki pang isa.

Hindi nakailag ang lalaki sa suntok na iyon at agad na namilipit sa sakit nang matumba na ito sa lupa. Napanganga ako sa ginawa ni Callum. Shit, parang magkasinggaling na sila sa pagsuntok ni Lai!

“Tara na Gabi, takbo!!!” Nagpatianod ako sa paghatak sa akin ni Callum paalis sa lugar na iyon. Hindi na ako lumingon pa sa mga lalaking iyon at sinikap na lamang  na makatakbo palayo sa impyernong lugar na iyon.

Nang makarating na kami sa kanto ng aming mansion, saka lamang kami napahinto sa pagtakbo at abot-abot ang tahip ko at napahawak ako sa bibig dahil sa hingal. Binitawan na ako ni Callum dahil pati siya, bumawi rin ng hininga.

“Ang malas naman talaga ng araw na'to!” asik niya at suminghap ulit ng hangin.

Tinapik ko siya sa balikat. “Pasensya kana dre ah,”

“Ano ka ba, binabastos ka ng mga lalaking iyon, Gabi. Akalain mo 'yun, pati rin pala mga babaeng  balot na balot pinapatulan ng mga manyak na iyon. Tsk, di na sana sila nabuhay.”

Nag-flash na naman sa akin ang imahe ng nangyari kanina. Kung paano at gaano kalagkit tumingin sa katawan ko ang mga lalaking iyon na para bang isa silang mga hayop sa gubat at sa wakas ay nakakakita rin ng makakain. Yuck! Ang papangit na nga, ang mamanyak pa! Ano nalang ambag nila sa mundo? Kagaguhan?

Napahawak ako sa aking braso dahil naalala ko, ito ang tinitingnan nila kanina dahil maputi raw. Kung hindi ba ako maputi, makakaligtas ba ako sa pambabastos nila? Ano bang kaakit-akit sa braso ko eh katulad lang naman iyon ng mga tipikal na braso ng tao? Nalipat ulit ang tingin ko sa aking pananamit. Ni-cleavage at legs ko ay hindi naman kita. Nasaan ang kaakit-akit sa katawan ko? Eh wala nga akong kurba kurba eh.

Napansin din siguro ni Callum ang ginagawa ko sa sarili dahil tumitig din siya sa akin. “Hoy, okay ka lang?”

I shrugged. “Siguro sa susunod, magsusuot na ako ng jacket pag nadaan d'on. Mahirap na at maulit pa ang nangyari kanina.”

Napasimangot si Callum. “Tsk. Ano, ikaw pa mag-a-adjust sa kamanyakan ng mga lalaking iyon, Gabi? Hindi dapat ganoon! Tsaka huwag mo na nga'ng alalahanin iyong kanina para matiwasay isip mo riyan.”

Nagpatuloy kami sa paglalakad. “Hindi ko mapigilan. Tsaka naisip ko, paano kung gawin nila iyon sa ibang babae? Naku, sobrang kawawa. Alam mo kanina, kung wala ka ay hindi ko talaga alam gagawin ko dre. Buti nalang,”

“Kung ako sa'yo, isumbong mo iyon sa pamilya mo. Isumbong mo sa papa mo ang nangyari para hindi na ulit iyon makapag-biktima pa ulit ng ibang babae. Gabi, nararapat lang sa mga iyon na makulong 'no.”

Napaisip ako sa sinabi ni Callum. May punto naman siya pero may pagdududa sa isipan ko. Baka hindi naman ako paniniwalaan nina Grandma at iisiping nagdala na naman ulit ako ng problema sa mga Auclair. Edi nadoble pa ang problema ko? Tsaka panigurado, pagkarating ko ngayon sa bahay ay magre-react na naman agad ang mga iyon at hindi ako bibigyan ng pagkakataong magpaliwanag.

Baka pagdating ko ngayon sa mansion ay hindi nila ako tatanungin kung anong nangyari sa itsura ko at nagkanda-pasa-pasa. Baka pagalitan naman ako kaagad. Ganoon naman talaga ang mga iyon. Tsk, hindi naman ako basagulera. Lumalaban lang.

“Makukulong kaya ang mga iyon?”

“Oo naman, Gabi. Diyan mo na gamitin ang impluwensiya ng apilyedo mo. Panigurado, kapag umaksyon ang mga Auclair ay malalagot ang mga iyon. Makukulong sila panigurado.”

Pinipilit ako ni Callum sa sinabi niya. Sa panahon daw na ganito, hindi dapat ako tumatahimik lamang sa tabi at hayaang dumaan nalang. Kailangan ko raw isumbong iyon sa mga magulang ko at nag-offer naman siya ng tulong. Kung hindi ko raw kaya magpaliwanag ay siya na ang bahala.

“Huwag na, gagabihin ka pa ng uwi niyan.”

“Hindi dre, okay lang naman sa akin—Oy awit ano 'yan?!”

Nabitin sa ere ang sasabihin sana ni Callum nang bigla itong mapako sa kinatatayuan. Nakatakip sa kaniyang bibig ang parehong kamay. Taka naman akong nakatitig sa kaniya at unti-unting sinusundan ang kaniyang tingin.

Narito na kami sa harapan ng mansion nang mapahinto kami. Katulad niya ay napasinghap rin ako sa aking nakita. Pero hindi ako napatakip sa aking bibig. Pinagmasdan ko lamang ang dalawa na magkayakap at mukhang walang planong bumitaw sa isa't-isa. Pinagmasdan ko kung paano haplusin ni Laikynn ang likuran ni Séverine.

Yes, my best friend is hugging my cousin. Hindi ko alam kung bakit pero kusang huminto ang mundo ko. Tanging nakikita ko lamang ay ang dalawang magkayakap. Napalunok ako sa nakita. May kakaibang pagkabog ng aking dibdib. Para bang nanghihina ang aking kabuuan sa nakita. Bakit ganito? Hindi ko man lang maalis ang tingin sa kanilang dalawa.

Noong una pa man, todo push ako kay Laikynn kay Séve. Kasi naniniwala akong crush niya ito. Pero ngayon, parang may kung ano sa akin na gusto siyang hilahin papunta sa akin. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang pakiramdam na naaagawan ng isang mahalagang bagay.

Lumaki si Lai na ako lang ang kaibigang babae. Ni hindi man lang siya nagkaroon ng girlfriend o nililigawan kasi palaging ako ang kasama niya. Pero ngayon, mayroon na. Well, hindi ko naman siya mapipigilan sa mga bagay na gusto niya. Pero nasasaktan yata ako eh. Hirap man akong aminin pero may parte sa akin na nasasaktan. Masyado mo na yata akong sinanay sa presensya mo Lai. Pero hahayaan nalang siguro kita kung magiging kayo ni Séve. Handa naman akong dumistansya.

“G-Gabi, pumasok kana. Uuwi na'ko.”

Bumalik ako sa aking huwisyo nang marinig kong magsalita si Callum sa aking tabi. Nandidilim ang paningin nito na nakatingin sa dalawang ngayon ay nakakalas na mula sa pagkayakap. Pero pareho silang magkangiti sa isa't-isa. Hay, sana all maligaya ang lovelife.

Bago ko pa man siya pigilan, nakaalis na si Callum at hinayaan ko na lamang ito. Wala akong ibang magawa kundi panoorin na lamang itong umalis sa aking harapan. Hay, siguro narealize niya rin na kailangan niya nang umuwi dahil gabi na.

Pumasok ako sa mansion na parang lantang gulay. Walang sino mang sumalubong sa akin sa pasilyo at sa tingin ko'y mas maganda iyon. Ang dami ba namang nangyari sa akin sa araw na ito. Naghahalo-halo na ang nararamdaman ko.

Ngunit bago pa man ako nakapasok sa aking kwarto, may brasong humawak sa akin na siyang dahilan sa pagkalingon ko.

Nanlaki ang paningin ni papa nang makita ang sitwasyon ko. I was emotionless and physically messed up.

“A-Anak, anong nangyari sa'yo?” Bakas ang pag-aalala sa kaniyang boses.

Hindi ko naman alam na sa simpleng salitang iyon ay rurupok ang puso ko. I just found myself hugging and crying on Papa's shoulders. Hinagod niya ang likod ko dahil sa biglaan kong paghikbi.

“Papa...”

“Anak, did someone hurt you? Please tell me.”

Tumango ako sa kaniya na humihikbi pa rin. Naalala ko na naman ang kanina. Maalala ko lang ang mga kaganapang iyon ay tumatayo na ang balahibo ko. Nakakapanindig-balahibo ang utak ng mga lalaking iyon.

That night, I found myself telling the whole truth to papa. Hindi siya makapaniwala sa nangyari sa akin at pati siya ay parang nanghina rin sa mga narinig. At the same time, ramdam na ramdam ko rin ang kaniyang galit. Hindi ko naman siya masisisi. Mahal na mahal ako ni papa at alam kong ginagawa niya ang lahat para lang maprotektahan ako tas gaganunin lamang ako ng mga lalaking kalye na iyon.

“Anak, sasabihin ko ito sa Mommy mo. Okay lang ba?”

May halong pag-aalinlangan, tumango na lamang ako.  “Pa, baka magalit na naman sila sa'kin...”

Naka-squat ulit siya sa tabi ko ngayon. Pinasadahan niya ng kaniyang daliri ang aking buhok. “Anak, maiintindihan nila ito. They must. At kung ayaw man nilang makiisa sa akin para sa pagpapakulong ng mga lalaking iyon, gagawin ko iyon gamit ang tulong ng mga tauhan ko. Hayaan mo akong ilahad sila sa kamay ng batas, 'nak. Nararapat lang sa kanila iyon.”

Naiintindihan ko si papa. Tama silang dalawa ni Callum. Nararapat ngang makulong ang mga lalaking iyon hindi lang para pagbayaran ang kanilang hindi makataong gawain kundi para na rin sa proteksyon ng iba pang mga babae dito sa lugar.

“Maraming salamat sa palaging pakikinig, Pa.” Ngiti ko rito. Sa wakas, nagawa ko na ring ngumiti.

“Anything for my daughter for her to experience her peaceful life.”

Sa gabing iyon, hindi niya muna ako pinalabas ng kwarto at dinalhan lang kami noong kasambahay ng dinner namin. Bukod sa abala siya sa paggagamot ng sugat ko ay abala rin siya sa pagkukwento ng tungkol sa kanila ni mama dati para raw kahit papaano ay maibsan ang bagabag ko. Tinawagan niya na rin si Sir Carlo para sabihan ang kaniyang mga tauhan sa paghahanap ng mga lalaking bumastos sa akin.

***

Tommorow is another leche-leche day. Ayaw ko man, pinilit ko ang aking sarili na bumangon sa aking kama para maghanda na. Papasok na naman kasi ako. Tinabihan ako ni papa kagabi matulog dahil ayaw niya raw akong iwan mag-isa sa kwarto. Nakatulong naman ang presensya niya sa paggaan ng aking nararamdaman.

Nang dumating ako sa eskwelahan, rinig ko ang pagtawag sa akin ni Laikynn ngunit hindi ko ito pinansin. Nang makita ko kasi siya kaninang kakababa lamang ng tricylce, nagharumentado naman ang puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa nangyari kahapong pagyakap niya kay Séve o iba. Sana walang ibang meaning 'to.

Hindi pa gumagaling ang mga pasa ko pero sa tulong ng foundation at concealer, natakpan ko ang sugat ng aking mukha gamit iyon.

Ngunit palpak yata ang pinaplano kong pag-iwas kay Lai dahil magkaklase pala kami. Shit, ang malas ko nga!

Kaya ang nangyari, hindi ko siya kinibo. Takang-taka naman itong pasulyap-sulyap sa akin. Dumaan ang ilang subjects nang hindi ko man lang siya kinausap. At nang dumating ang recess, hindi na ito nakatiis at umupo ito sa desk ko at yumukod para mapantayan ang aking tingin.

“Hoy, anyare sa'yo Gabriella? Kanina mo pa ako hindi pinapansin.”

Umangat ako ng tingin sa kaniya at kita ko kung paano ito lumunok. Grabe, hindi ko na kayang makipag-eye contact sa kaniya. Ano na bang nangyayari sa akin? Lalo na nung nakita ko kung ganao kahulma ang Adams apple niya, halos manginit ang aking pisnge.

Lumayo ako ng unti sa kaniya dahil sa di na ako mapakali. “W-Wala naman,”

He sighed heavily. “Hindi mo ako maloloko, Gabi. Ano, may nagawa ba akong mali? Sorry naman!”

“Wala nga,”

Napailing ito at tumayo na. “Ewan ko sa'yo, daig mo pa ang jowa kung magtampo.”

Gulat naman akong napatingin sa kaniya. Shit, ano ba kasi iyang inaakto mo, Gabi?

Akala ko ay tuluyan na itong aalis sa aking tabi ngunit bumalik ito sa kaniyang upuan. Sinundan ko siya ng tingin at siya nalang pagkabigla ko nang bigla niya akong hilahin para sa isang yakap. As in, isang mahigpit na yakap at nakuha niya pa talagang isandal sa aking balikat ang kaniyang ulo. Nanigas tuloy ako sa aking kinauupuan. Shit, nagkakaroon na naman ng giyera sa puso ko!

“Yakapin nalang kita. In case mayroon kang pinagdadaanan ngayon na nahihirapan kang aminin sa akin. Gabi, hindi naman kita pipilitin pero narito lang ako lagi kapag may bumabagabag sa'yo. Tsaka, sana huwag kanang cold, Gabi. Hindi ko kayang hindi ka kausap habang narito tayo at magkatabi lang. Mababaliw ako kakaisip kung anong nararapat gawin.”

Wala akong alam kung anong sasabihin. Napatingin ako sa braso ni Lai na nakabalot sa akin. Bakit ka ganito, Lai? “Salamat, Lai.”

Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at lumabas ang isang maaliwalas na ngiti. “Iyan, ganiyan dapat. Para hindi ka minus ganda points!” Napatawa na lamang ako ng mahina sa kaniyang sinabi.

Ngunit wala pa ring nagbabago sa nararamdaman ko. Kinibo ko naman si Lai pero hindi katulad dati na dinadaldal ko siya. Iniisip ko rin kasi na may girlfriend na siya at bilang kaibigang nirerespeto siya, kailangan kong dumistansya. Hindi niya naman na ako tinanong ulit sa nararamdaman ko. I was also torn between telling him about what happened yesterday or not. Pero kahit papaano ay kaibigan ko siya.

Nang magtanghali na ay nakita ko si Callum at wow, wala na ang pasa sa kaniyang mukha? Agad-agad? Tinanong niya ako kung kamusta na ba ako at sinabihan ko na rin siya na ipapakulong na iyong mga bastos na lalaki. Nalaman ko rin na hindi niya pala iyon kinwento sa iba naming kaibigan. And I thanked him for that. Pero okay lang rin naman sa akin kung ikwento niya iyon sa mga kaibigan namin. Deserve naman nilang malaman.

Kahit na nginitian na ako ni Lai kanina, nais ko pa rin siyang iwasan. Kailangan kong dumistansya ng unti dahil hindi katulad ng dati na wala pa siyang girlfriend, okay lang na dumikit ako sa kaniya sa halos bawat minuto.

Nagtext sa akin si Kuya Darson na susunduin niya raw ako maya-mayang alas singko y media. Mahuhuli ako ng kaunti kasi inuna niya pang ihatid sina Fabbiene at Séve. Kaya narito ako ngayon sa bench ng eskwelahan namin at nakaupo. Nag-aantay ng text ng butler namin.

Wala na masyadong estudyante ngayon kasi nagsiuwian na. Nakaupo lang ako roon sa bench at inabala ang sarili sa paglalaro ng phone nang makarinig ako ng biglang tumawag sa pangalan ko.

“Gabriella!” Napatingin ako kay Lai na patakbo papunta sa akin kay naman kusa akong napatayo para salubungin siya. Ang hindi ko inasahan, ay biglaan niya na naman akong niyakap. Ngayon, sobrang higpit na. Rinig na rinig ko pa ang pagsinghap niya nang tuluyan na akong mayakap. Parang umiiyak.

“Laikynn...”

Nanatili pa rin itong nakayakap sa akin. “I'm sorry kasi hindi kita sinamahang umuwi kahapon, Gabi. Sorry kung wala ako doon. Sorry!”

Para itong batang umiiyak. Kaya naman todo alu ako rito sa pamamagitan ng paghaplos ng kaniyang likod. Sigurado akong mayroon na siyang idea tungkol kahapon. “Shh, hindi mo naman kasalanan iyon...”

“P-Pero natulungan ko sana kayo ni Callum. Gabi, sorry talaga ah,”

“Huwag mo nga sisihin sarili mo. Wala kang kasalanan, okay? Naiintindihan naman kita Lai.”

“Wala sanang masamang nangyari sa'yo kung hindi lang kita pinabayaan kahapon. Hindi ka sana nabastos.”

I felt warmth in my heart. Grabe na pala ang epekto niya sa akin. Tunay ngang hinihiling ko kahapon na sana naroon siya kasama ko pero hindi ko naman siya sinisisi sa pangyayaring iyon. At ngayon, tuwang-tuwa ako at narito siya. Pakiramdam ko tuloy, umaayos na ng paunti-unti ang nararamdaman ko. And it was all because of Laikynn's embrace.

“Gabi, ayaw kong may mangyaring masama sa iyo. Growing up with you was the best thing I had, Gab. Sobrang mahalaga ka sa akin kaya hindi ko kaya kapag nakikita kang nasasaktan...”

Continue Reading

You'll Also Like

61.1M 943K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
2K 183 56
SERIES#2 She is Zierynia Zoey Lomiña, happy to be with... ANG INGAY KASI! She always think that she's lucky of having a real friends and a happy and...
28.5M 854K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
13.6K 1K 34
Emman, a legma student, was enchained by the responsibilities and expectations for he is the grandson of their family. He was longing for serenity an...