Diary ni Faphrodite: Ang Diyo...

By RedLonelyRanger

4.4K 89 16

"Life is as to fap. Sometimes it's hard, sometimes not. But no matter what happens, you have to stick it in."... More

Diary ni Faphrodite: Ang Diyosa ng Fap
DNF: Entry 1
DNF: Entry 2
DNF: Entry 3
DNF: Entry 4
DNF: Entry 6
-- DNF: 6.1 Niccolo's POV
-- DNF 6.2 Aphrodite's Entry
-- DNF 6.3 Alexia's POV
DNF: Entry 7
DNF: Entry 8
DNF: Entry 9
Intermission
DNF: Entry 11
DNF: Entry 11.1 (Haruka-sensei's POV)
Special Otor's Note
Untitled Part 19
fap

DNF: Entry 10

85 1 0
By RedLonelyRanger

DNF – Entry 10

 

Dear Diary,

"I can't like you now. For some reason, I just can't."

EXAMS DAY NA NGAYON! At kailangan kong ilagay ang utak ko sa pagsagot ng mga tanong dito! Kayang-kaya ko to diary! Siyempre nag-aral kaya kami. Ang pangit naman kung lahat ng pinag-aralan namin ay matatapon lang at mababale-wala. Pero... hindi ko parin maalis sa isip ko. PERO HINDI DAPAT TO MAKAHADLANG SA PAGTE-TAKE KO NG EXAM!

1 week earlier...

"ANG GANDA NAMAN NG BAHAY MO!" halatang nabonggahan tong si Cyrene. Eh ang ganda kasi talaga. Medyo luma naman, malaki ng onti kila Alexia pero basta pang mayaman na bahay. Wag na kayong magtanong. Basta ang nandun siyempre ako na maganda, si Carkmichael na ubod ng gwapo, si Cyrene tapos yung Yuuki naman... Maya-maya pa dumating na si Alexia sakay ng kotse niya. Siyempre kasama siya no. Ohoho...

Kumaway naman sakin si Alexia habang tumatakbo siya papalapit saakin. Siyempre, naiilang pa ako nang kaunti kaya medyo awkward akong kumaway sakanya tsaka niyakap niya ako at nirest niya ang muka niya sa boobs ko..

"Huunnngggg~ ang fluffy naman hmmunnggg~"

"A..A..Alexia..." Diyos ko. Nafeel kong uminit ang muka ko dahil sa ginagawa niya.

"Bakit?" pa cute niyang tanong sakin.

"Ang ganda naman nito tingnan." Sabi nung Yuuki. Halatang nag eexude ng yuri fantasies. Letse.

"Eh friends naman tayo eh. Wala namang kaso dun!" sabi ni Alexia... Napatingin naman ako sa malayo.

"Eh kasi..."

"TARA! Pasok na tayo!" sigaw ni Carkmichael.

"Tara Aphrodite! Pasok na tayo sa bahay ni Carkie!" sabi niya sabay kapit sa braso ko. Yung dibdib nanaman niya ang dumidikit sakin! DIYOS KO! Kung hindi lang talaga to ubod ng ganda, ubod ng sexy, cute at ubod ng talino nasipa ko na to eh. Ang clingy kasi. Sheesh.

"Alexia. Pasimple ka ah." Sabi ni Carkmichael.

"Bakit? Selos ka?" tukso ni Alexia sakanya. Oh! Baka magselos yan.

"Baka magselos ako babe." Sabi niya sabay kindat. See?

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAGH! I HATE IT WHEN HE DOES THAT! PARA AKONG GIRL!" sigaw ni Alexia.

"Girl ka naman talaga Alexia." Sagot ko naman. Mga sinasabi nitong babaeng to. Minsan talaga eh ang sarap nang batukan.

"Eh... Basta! Heehee kapit lang ako sayo!" haaay nakakaewan naman to. Ang taas ng energy. Kung makakakapit naman siya saakin eh. Teka... ba't ba ako naiirita sakanya? Wala naman siyang ginagawa saakin.

Pumasok na kami sa bahay nila saka pumasok sa kwarto ni Carkmichael. Siyempre nagtanggal kami ng mga sapatos namin para malinis. GRABE DIARY! Ang ganda naman ng bahay nila. Pati kwarto. PATI YUNG LAHAT NG GAMIT! ANG LINIS! WOW! Galing rin ata dito si Kevin. Hehe. Si Kevin talaga. Kung saan saan nalang siya napupunta.

"WOW! ANG LINIS NAMAN!" sigaw ni Cyrene.

"Alam niyo kasi itong si L ang sinop sinop. May OCD na yan bata palang kami." Sabat nung Yuuki. Wala namang nagtatanong. Ahehe joke lang.

"Tumahimik ka pre. Wala kaya. Sige ilagay na ninyo yung mga gamit niyo sa gilid. Kukuha ang ako ng makakain."

"YAAAAAAY!" sabi ko naman.

"PG + OCD equals heart heart! Ayeeeeei!" tukso ni Cyrene. Bago palang ako makareact ay sumabat na si Alexia...

"Ewww di ah. Bantot nun."

"Oh eh enong bagay aber?" sagot ni Cyrene.

"Kami ni Aphrodite my love." Sabi naman niya sabay kapit saakin.

"Ah eh... Sorry. Mas mahal ko ang pagkain." Sabi ko naman sabay V sign saka nagtumba-tumbahan si Alexia at tumawa naman sina Yuuki at Cyrene. Totoo naman kasi. Pagkain kasi ang first love ko. Alam niyo yun.

"Ahahaha bluegreen stripes! Ang cute ng panty mo honey!" sabi sakin ni Alexia. HA?! SINISILIPAN NA PALA NIYA AKO!?

"ALEXIA!"

"Sorry... Ahehee" 'tong babaeng to talaga! Nako nako kung hindi lang talaga to... Ugggggh!

"Nandito na ako!" sabi ni Carkmichael na may dala-dalang isang malaking bowl na puno ng Piattos, Nova at  Doritos. Meron rin siyang dalang chocolates. Yung tiyan ko, nag o-orgasm. Ahahaha mababaliw ako sa pagkain. Opo. Sa pagkain. Pero siyempre ahehe

Naupo naman kami matapos niyang ilapag ang pagkain sa lamesa. Mababa lang yung lamesa kaya sa sahig kami nakaupo. Si Cyrene at Yuuki ang magkatabi. Close na sila kaagad eh. Tapos si Alexia, ako at si Carkmichael. Nasa gitna ako. Saya diba?

Naiilang ako. Nakatingin kasi sakin si Alexia. Sheeeesh. SA TUWING MAKIKITA KO KASI TONG SI ALEXIA, FIRST KISS KO ANG NAALALA KO! PAMBIHIRA NAMAN OH!

"Bakit?" sabi ko sabay tingin sakanya. Nagulat naman siya tsaka kumuha ng chocolates at kumain.

"Wolo nomon nom..nom.." haay Alexia. Ang cute mo talaga—EH?!

"Ano? Start na tayo?"

Isa-isa naming kinuha ang mga libro at notes namin saka nilapag sa lamesa. Math daw ang uunahin namin kasi daw mahirap. Mamaya na daw yung mga madadali. Si Carkmichael ang magaling sa Math. Si Alexia naman ay sa Science. Si Cyrene naman ang magaling sa English. Si Yuuki naman sa Nihongo 1A at 1B. Ako? Nganga. Ina-admit ko naman eh.

Kuha lang ako ng kuha ng pagkain habang nagsasalita si Carkmichael at napatingin siya saakin. Grabe besh. Di ko kinaya.

"Accck! Ahacckkcahaaakccckkkk..." letse! Ba't ngayon pa ako nabulunan?

"Okay ka lang ba?" tanong sakin ni Carkmichael. Okay na sana pero hindi eh! Muka ba daw niya ang bumungad sa muka ko kung hindi ako magiging okay. Hindi pa ako nakakapamulbo! Napatingin naman agad ako sa malayo saka tumayo...

"Ah ehh ahaaccck ahaaaaccckk okay lang. Pahingi nalang ng tubig." Nagtawanan naman sina Yuuki at Cyrene. PG daw kasi talaga ako. Eh bakit ba? Ang hirap mag concentrate kapag si Carkmichael na ang nagtuturo. Kaya nagfocus nalang ako sa pagkain.

"Tara samahan kita." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Boset. Ano daw? Kami lang? sa kusina? For real? APHRODITE! YUNG LANDI MO PIGILAN MO.

"Nakouuccckk okay lang. Sabihin mo na—" bigla niyang hintak ang kamay ko saka hinatak ako ng marahan papunta ng kusina saka binigyan ako ng tubig. Halos manigas ako dun diary. Di ko po talaga kinaya. Aaaaaaaaah~ pero keri lang din on the other side. Happy naman ang malandi niyong bida kahit papaano.

"Okay ka na ba?" tanong niya sakin sabay hawak sa balikat ko. Tiningnan ko lang siya diary. Napatingin rin siya sakin. Tumigil ang lahat. Ang alam ko lang hapon na iyon. Medyo orange na yung kusina dahil sa sinag ng araw na palubog na. At nakatingin ako sa mga mata niya. Ganun rin siya saakin. Hawak-hawak ko yung baso. Siya naman, yung balikat ko. Ito na ba yung tamang pagkakataon para sabihin ang nararamdaman ko diary?

"Ah—"



"Tara na sa loob." Naputol yung sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita saka ngumiti saakin. Pakiramdam ko tuloy, alam niya yung sasabihin ko diary. Nakakahiya ako. Sobrang nahihiya ako. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Uminom nalang ako ng tubig habang siya, nagsasalin ng juice sa pitser mula sa box.

"Ako nalang magdadala ng mga baso!" offer ko naman sakanya.

"Sige. Ito, ilalagay ko muna sa tray." Nakangiti niyang sabi saakin. Ayun nga yung ginawa niya. Nilagay niya sa tray na silver ang kulay yung mga baso saka ibinigay yun sakin. Sa gilid siya nakahawak. DI KO SINASADYA PERO NAHAWAKAN KO YUNG KAMAY NIYA. Napatiningin ako sakanya. Ganun rin siya sakin. Bigla niyang binawi yung tray saka tumalikod.

"Ah—ikaw nalang magdala nitong juice." Sabi niya.

"Si—sige." Kinuha niya ang juice saka nilagay sa table. Ayaw niya bang hawakan ko siya? Ano ba namang klaseng tanong yan Aphrodite?

"Tara!" sabi niya. Bitbit niya ang tray. Ako naman yung juice. Pagkabalik namin ay naghahagikgikan yung tatlo. Aba. Close na sila kaagad. Pero nangingibabaw yung boses ni Cyrene. Haay nako Cyrene. Rinig na rinig namin ang boses mo.

"Feeling ko kasi may something kay Sandoval at kay Aphrodite eh!" - Cyrene

"Wala naman siguro! Friends lang siguro sina Carkie at darling!" - Alexia

"Mas gusto ko si Alexia at si Aphrodite!" – Yuuki

"Hindi naman tomboy si Aphrodite! Crush niya si Carkmichael Sandoval eh!" – Cyrene

Nahinto sa paglalakad si Carkmichael. Nagulat rin ako. Letse talaga 'tong babaeng to. Kukutusan ko talaga to mamaya!

"Ano bang sinasabi mo Cyrene!?" – Alexia

"Kawawa kaya yang friend ko na yan. Akala siguro niya, hindi ko alam. Pero parati ko siyang tinitingnan. Alam niyo kasi, nakipagpalitan si Carkmichael ng upuan sakin. Tapos, ayun, naging seatmates kaming dalawa. Sinusulat niya yung name ni guy, tapos parati niyang tinitingnan, tapos parati siyang tumitingin sa bintana, sinundan ng mata niya si guy. May times naman na naririnig ko siyang umiyak sa CR. Alam niyo yun? You know you can tell talaga that she's in love but she can't." – Cyrene

Nakatayo lang kaming dalawa ni Carkmichael sa labas ng pinto. Nakikinig. Yung mga bagay na ginawa ko noon, na gusto ko sanang sabihin ngayon, na pinutol niya, eto't naririnig na niya sa bibig ni Cyrene ngayon. Napatingin nalang ako sa juice.

"Well... Ako nalang magmamahal kay darling kung hindi naman siya mamahalin ni Carkie. Oo nga't sinabi niya saking she likes Carkie and she wants us to be friends. But that doesn't change the way I feel and care for her." – Alexia

Mas lalong nag shrug si Carkmichael sa mga narinig niya. Alam ko na. Talo nanaman ako. Gusto ako ng taong gusto ng gusto ko. Nakakahilo. Pero masakit at the same time.

"Ikaw nga yung reason eh. In love sayo si guy. In love ka kay girl. In love si girl kay guy. Kung wala ka di mas maganda." – Cyrene

"Sinisisi mo ba ako?!" – Alexia

"Girls girls... tama na! At—ba't ang tagal naman ata nila?"

"Hayaan niyo sila! Nagmomoment yun!" – Cyrene

"No way!" – Alexia

"Alexia sorry. Pero hayaan mo na sila. Okay?" – Cyrene

Napatingin ako kay Carkmichael saka ko siya tinanong.

"Hindi pa ba tayo papasok?"


"Hmmm..."

"Uy. Cark—"

"Why did you deny?"

"Ha? Ang alin?"

"You told me wala kang gusto saakin." Hindi ko nanaman siguro matatanggi diba? Ito na siguro yung tamang panahon diba?

"Ayoko—ayoko kasing sabihin." Hindi niya ako nililingon diary. Bakit? Ayaw ba niya akong makita?

"I'll ask you again... Do you like me?" nang walang ano ano ay sinagot ko siya ng honest to goodness na sagot.

"Oo. Sorry." Ayan nanaman. Parang naiiyak nanaman ako. Kainis naman oh? Gusto ko lang maging normal hentai girl pero bakit kailangan ko ng danasin to? Dahil ba binubuhos ng author ang past experiences niya dito para may hugot talaga? Bakit ako? Bakit hindi nalang si Alexia? O si Cyrene... oh kahit sino? Author, masaya ka na sa lovelife mo ngayon eh. Pwedeng ako rin? Wag mo na akong paranasin nito please. Ayoko ng ganto. Please.

"Well—I can't like you now. For some reason, I just can't." malamig niyang sabi sakin saka humarap sakin na nakangiti.

"Tara! Pasok na tayo!" sabi niya saka pumasok ng room. Nagpaiwan ako saglit saka huminga ng malalim. Hindi ako pwede maging affected sa flat rejection nung tao. Hindi pwede! Kailangan okay ka lang. Dapat maging okay ka.

"Dito na me! Juice oh!" sabi ko nalang.

"Darling! I miss you!" sabi ni Alexia sabay tayo at yakap sakin.

"Hmmn haha!" sagot ko sabay bigay ng mapait na ngiti. Bwiset. Ang landi landi ko talaga. Kainis.

Ganun. Nakinig nalang ako ng maayos. Awa ni kamisama naming mga weeaboo ay naiintindihan ko nalang lahat ng itinuro saakin. Ngayon, confident na akong mag exam.

"Bye Sandoval! Salamat ulit!" sigaw ni Cyrene sabay kaway.

"Bro! L! una na kami!" sigaw ni Yuuki. Pareho lang pala sila ng lugar na uuwian. I guess sila yung soulmates. Haaay Aphrodite. Walang soulmates. Walang forever. Pero hindi ako kampon ni Marcelo.

"Sige! Ingat kayo!"

"Sabay ka na sakin darling!" nakangiti niyang sabi.

"Ah eh—"

"Ingat ka Alexia! Ikaw rin Appy! Sabay ka na kay Alexia! Ingat ulit! Haha babye!" sabi ni Carkmichael saamin.

"Salamat. Bye!" matipid kong sagot. Binuksan naman nung driver yung pinto sa likod saka pumasok si Alexia.

"Tara na Aphrodite!" sumabay nalang ako. Kahit papano naman, nagmamagandang loob lang naman yung totoo. Salamat nga't pinasabay pa ako. Pumasok ako saka sinara yung pinto. Napatingin nalang ako sa Carkmichael na pumasok sa loob ng bahay. Fading. Slowly, nawawala. Acheche. English pa more.

"Aphrodite..." hinawakan niya ang kamay ko at laking gulat ko nang pagkalingon ko ay bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

"Ale—"

"I know you're hurt. Sorry ha?" sabi niya sabay yuko. Binitawan naman niya ang kamay ko saka tumingin sa bintana. Napayuko nalang ako at napakuyom.

"Ah eh wag kang mag sorry. Di mo naman kasalanan yun eh."

"Nakakalungkot lang kasi. Masaya ako na nabuhay ako because I met you and I am happily in love with you. But at the same time, I wish I wasn't born at all. Ako pala ang magiging dahilan kung bakit hindi ka magiging masaya." Nangingilid ang mga luha niya sa mata diary. Ang ganda nia Alexia kahit umiiyak.

Lumapit ako sakanya tsaka niyakap siya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko. Bumuhos ang mga luha sa mata niya. Pi-nat ko naman ang ulo niya.

"Ahee wag ka nang umiyak. Ang ganda mo pa naman."

"This feeling is so hard—Aphrodite I want to love you more." Sabi pa niya tsaka tumingin siya saakin.

"—bakit hindi nalang ako?"

Tanong ko rin yan Alexia. Bakit hindi nalang ako? Bakit hindi nalang ako ang mahalin ni Carkmichael? Bakit hindi pwede? NAKAKAINIS NAMAN! Dapat kasi wala nang ganto! DAPAT KASI!!! AAAAAAGGGGH!

Natotomboy nanaman ako. Nakatingin lang si Alexia saakin. Nangingintab pa ang mga luha sa mata niya. Ang pula ng ilong niya gawa nga na ang puti puti niya at umiyak siya. Ang pupula ng mga labi niya.

Hindi ko rin alam ang pumasok sa utak ko pero bigla kong hinawakan ang baba niya saka ko siya hinalikan. AYOKO NA TALAGANG MANUOD NG YURI NA ANIME! Saka ko na narealize na hinahalikan ko na pala si Alexia. Ang lambot naman ng mga labi niya. Naluha ako habang hinahalikan ko siya. Siya na mismo ang kumalas sa pagkakahalik ko sakanya. Tomboy na ata ako. Pati si Alexia, minamanyakan ko na.

"I—I understand." Nakangiti niyang sabi saka pinunasan ang mga luha sa mata. Napasandal siya sa upuan saka napatingin sa bintana...

"SORRRRRY! Hindi ko sinasadya!" sabi ko naman. Nakakahiya ako! ERSSST!

"Ahaha wala yung darling. Basta ba't darling parin kita ha?" haaay kung si Alexia nalang kaya ang ibigin ko? Total naman napakaperfect niyang babae. Wala na akong mahihiling pa. NOPE. Not a good idea.

"Sige... darling mo parin ako!" saka tumawa kaming dalawa. Ayun. Nagkwentuhan kami habang nasa kotse. Mas nakilala ko si Alexia ngayon.

"Andito na po tayo maam." Sabi nung driver niya. Ang awkward. Nakita niya ata kaming naghahalikan. Nakakahiya.

"Sige! Dito nalang ako Alexia ha? Salamat sa paghatid mo! Good night!"

"WAIT!"

"Bakit?"

"Pa—pa—pahingi naman ako ng cellphone number mo." Ang cute niya oh. Nagbablush pa siya.

"Sure." Saka binigay ko ang number ko sakanya, bumaba, saka nagpaalam muli. Pumasok sa bahay, ay hindi pa pala. Pumasok sa gate, sinara ang gate, saka pumasok sa bahay.

PRESENT

 

"Haaaaaaaaaaaaaaaaaaay naaaaaaaaaaaaaaaako salamat kamisama naming mga weeaboo at natapos ko rin ang exam!"

"Tsch."

"ANO NANAMAN BANG PROBLEMA MO NICCOLO?!" haaaay. Eto nanaman. Wala naman akong ginagawa sakanya pero badtrip nanaman siya sakin. Ano nanaman bang ginawa ko?

"Shut up." Sabi niya.

"Eh pano kung ayoko?" tapos tiningnan niya ako ng masamang masamang masamang masamang masama.

"OO NA PO! Tatahimik na po!"

"Tsch. Buti naman." Mahina niyang sabi saakin.

"Problema neto?" bulong ko naman.

"Tanga mo kasi." Sagot niya saakin. Ano bang problema nitong taong to diary? Ba't ba niya ako binabara? Tsaka bakit nanaman ako tanga?

"Bakit nanaman ako tanga?"

"Ewan. Alis na ako." Sabi niya sabay kuha ng bag saka lumabas ng classroom. Pasimple ko namang tiningan si Carkmichael na may earphones lang tsaka nakatingin sa white board. Ano kayang pinapakinggan niyang tugtog? Kung pwede ko lang sanang marinig.

-          Faphrodite


 

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
809K 38.4K 27
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
762K 26.4K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.5M 157K 54
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...