When I'm in High School (Comp...

By sweetminrii

243K 6.2K 345

High School Means Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. M... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79
Kabanata 80
Wakas
Bonus Chapter

Kabanata 54

2.2K 64 6
By sweetminrii


"Naiinip kana?" Tanong ko kay Akihiro. Kanina pa sya nandito sa bahay simula ng dumating si Akihiro dito saamin nakaupo lang kami sa sofa. Tanghaling tapat kaya medyo inaantok ako kaya tinanong ko si Akihiro kung naiinip na ba sya.

Nakalabas rin ako ng hospital kahapon dahil hindi naman malala ang nangyari saakin. May benda ang paa ko yung braso ko medyo okay na minsan kumikirot nalang. Kaming dalawa lang ni Akihiro ang nasa sala dahil si Mama nasa itaas natutulog kasama si Papa. Si Ate ko naman nasa bakery namin tumutulong.

"Hindi. Kasama naman kita. Bakit ako maiinip?" Sabi ni Akihiro habang nakatingin sa tv pero habang nanunuod sya pinaglalaruan nya ang kamay ko. Napangiti ako sa sinabi nya. Ang sweet sweet nya talaga nakakatuwa.

"Inaantok ako. Hindi naman kita pwedeng tulugan wala kang kausap." Sabi ko at sumandal sa sofa.

"Matulog kana. Kaysa naman pinipigilan mo yang antok. Mahiga ka dito." Sabi ni Akihiro. Kinuha nya ang throwpillow na nasa likuran nya at ipinatong sa hita nya. Tinignan ko sya. Tinuro nya ang throwpillow na nilagay nya sa hita nya.

"Ayoko." Sabi ko at umiling iling. Nahihiya ako. May hiya parin naman ako sakanya kahit na araw araw ko syang nakakasama. May awkward parin akong nararamdaman tuwing sobrang sweet nya.

"Yumi..." Sabi ni Akihiro saakin. Pinaningkitan nya ako ng mata. Huminga ako ng malalim at tumango.

Inayos ko ang throwpillow at nahiga na ako patagilid. Nakiliti ako ng biglang haplusin ni Akihiro ang buhok ko pero nung paulit ulit nyang ginawa yon nawala na ang pagkakiliti ko. Masarap sa pakiramdam. Hinayaan ko syang haplusin ang buhok ko. Pumikit na ako hanggang sa makatulog na talaga ako.

Nagising ako ng may marinig akong ingay. Dinilat ko ang mata ko at tumingala. Kinusot ko ang mata ko para makita kong mabuti si Akihiro. Nakasandal ang ulo nya sa sandalan ng sofa habang nakapikit ang mata. Nakatulog narin sya. Bumangon ako sa pagkakahiga at nag inat. Ang sarap ng tulog ko. Madilim na pala sa labas. Tinignan ko ang wall clock ala sais na pala. Pinagmasdan ko sya habang natutulog.

Ang puti nya, ang kinis ng mukha nya, ang haba ng pilik mata nya, ang pula ng labi nya at ang tangkad nya. Dinaig nya pa ang babae sa mukha nya. Maputi kasi si Tita Aiko kaya malamang kay Tita nya nakuha yon tapos ang mukha ni Akihiro kuhang kuha sa mukha ng Papa nya nakita ko lang sa picture frame na nakalagay sa sala nila Akihiro.

Tumayo ako para pumunta sa kusina inuuhaw ako. Medyo mabagal ang lakad ko dahil may benda ang paa ko. Pagpasok ko sa kusina nadatnan ko si Papa na nagluluto. Nilingon nya ako nung narinig nyang bumakas ang ref.

"Oh gising kana pala. Ang sarap ng tulog nyo ni Akihiro ah?" Sabi ni Papa saakin. Natawa ako sa sinabi ni Papa. Tinutukso nya ako. Ito yung ipinapagpasalamat ko. Ang cool ng Papa ko. Masungit at strikto sya sa ibang bagay pero ang cool cool nyang Papa. Okay lang sakanya na may boyfriend kami ni Ate dahil maayos ng pagpapalaki nila saamin ni Ate at alam nilang hindi kami lalagpas sa limitasyon namin at alam namin ang tama sa mali. Kumbaga malaki ang tiwala nila saamin ni Ate.

"Yung Ate mo itext mo sabihin mo umuwi na sya." Sabi ni Papa saakin habang umiinom ako ng tubig. Tumango ako sa sinabi nya. Pagkayari kong uminom hinugasan ko ang basong ginamit ko.

Naglakad ako pabalik sa sala para maitext si Ate. Nasa center table ang cellphone ko. Lalabas palang ako ng kusina nakasalubong ko na si Akihiro. Gulo gulo ang buhok at mukhang inaantok pa.

"Nauuhaw ako. Painom ng tubig?" Sabi ni Akihiro. Mukha talaga syang inaantok pa. Napipikit pa yung mata nya. Natawa tuloy ako.

"Pasok ka. Nandyan si Papa nagluluto. Inaantok ka pa yata." Sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa center table. Narinig kong nag good evening si Akihiro kay Papa. Napangiti ako sa ginawa nya. Pakiramdam ko tuloy mag asawa kami ni Akihiro. Sobrang open namin sa magulang namin.

Pagkayari kong itext si Ate naupo ako sa sofa. Lumabas na ng kusina si Akihiro at tumabi saakin ng upo. Nagulat ako ng yakapin nya ako at ipinatong nya ang ulo nya sa balikat ko.

"Inaantok ka pa. Puyat ka ba?" Sabi ko sakanya. Tinignan ko sya pero nag iwas rin ako ng tingin. Naiinis kasi ako sa mukha nya ang kinis kinis bakit saaming mga babae tinutubuan ng pimples. Hindi naman tigyawatin pero minsan kapag stress ako sa pag aaral. May tumutubong tigyawat sa mukha ko at nagpapasalamat ako na nawawala rin naman kaagad.

"Oo. Nagpunta sa bahay namin kagabi sila Kharl at Wynona anong oras na sila umuwi." Sabi ni Akihiro habang nakapikit hinigpitan nya ang pagkakayakap saakin. Ang dami talagang gwapo sa mundo at natutuwa ako na nasaakin ang isa sakanila.

"Nandito na ko!" Napatingin ako sa may pinto. Nasa may tapat ng pinto si Ate Akira. Nagtanggal sya ng sapatos at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay.

"Si Mama?" Tanong ni Ate saakin.

"Nasa taas. Si Papa nagluluto sa kusina." Sabi ko. Tumango naman si Ate. Dumapo ang tingin nya kay Akihiro na nakayakap saakin.

"Hoy, Akihiro makayakap ka naman." Sabi ni Ate Akira. Narinig kong nag'tss' si Akihiro.
Naglakad na si Ate papunta sa kusina.

"I love you Yumi." Sabi ni Akihiro. Napangiti ako sa sinabi nya. Naglalambing na naman sya. Ang gulo ng personality nya no? Ang sungit nya pero ang sweet nya.

Kinabukasan maaga akong nagising. Tinignan ko ang paa ko kung okay na medyo wala na yung pamamaga ng paa ko. Sinubukan kong ilakad. Okay naman na sya hindi na masakit tuwing itatapak. Effective ang gamot na binigay saakin. Pagkayari kong maligo bumaba na ako. Tutulong ako sa shop magtinda ngayon. Hindi kami magkikita ni Akihiro ngayon dahil pupuntahan nila ang 30th anniversary ng Tita nila Akihiro baka bukas pa sila makauwi kasama nya sila Kuya Kharl at Ate Wynona.

"Good Morning Mama." Bati ko kay Mama nung makita ko syang papalabas ng bahay. Maglalakad lakad siguro sya.

Umupo ako sa sofa at nireplyan si Akihiro. Ang sabi nya nag aayos na sya para sa pupuntahan nilang kasal. Beach wedding daw ang pupuntahan nila kaya natutuwa sya na hindi formal ang susuotin nya. Ang sabi ko pa sakanya magpicture sya ng whole body at isend saakin sa messenger para makita ko ang suot nya. Hinihintay ko nalang ngayon ang bagal talaga nyang kumilos. Mga lalaki talaga.

"Sasama ka sa shop? Okay na ba yang paa mo?" Tanong ni Ate Akira pagbaba nya ng hagdanan.

"Okay na Ate. Hindi naman na namamaga." Sabi ko. Nakakatamad dito sa bahay kung dito lang ako mas mabuti ng tumulong sa shop mamaya.

Nagvibrate ang cellphone ko kaya binaling ko ang tingin ko sa cellphone ko. Nagmessage si Akihiro sa messenger. Napangiti ako ng makita ang picture nya.

Ang gwapo nya talaga dahil sa mukha nya hindi tuloy ako makapaniwala na boyfriend ko sya. Hindi ako makapaniwala na nagkagusto sya saakin. Nagreply ako sa photo na sinend nya.

Yumi: Stolen pa talaga. Haha. Ingat kayo sa byahe nyo. Enjoy :)

Sinave ko ang picture nya at ginawang wallpaper. Pinagmasdan ko ang picture nya. Sobrang sarap sa pakiramdam ng may boyfriend. Minamahal kana napapasaya ka pa. Noong una kaming nagkita ni Akihiro noong napunta lang saakin ang bola ng baskteball. Iyon ang unang beses na nagkita kaming dalawa yung kaharap ko sya at kaming dalawa lang. Nakikita ko na sya noon pa dahil kaibigan sya ng Ate ko pero mula lang sa malayo dahil iba pa ang sitwasyon namin noon. Yung tingin lang saakin ni Akihiro kapatid ng kaibigan nya. Pangalawang pagkikita namin ni Akihiro ay iyong nalaman ko na magkapartner pala kami sa Mr. and Ms. July noon. Iyon ang pinakasimula kung bakit kami nakarating sa ganito. Hindi ko lang inaasahan na dahil sa naging magkapartner kami ni Akihiro nagkakilala kaming dalawa.

Nag almusal kami pagkatapos nagpunta na kami ni Ate Akira sa shop namin. Habang nasa sasakyan ako katext ko si Akihiro. Nasa byahe na daw sila papunta sa beach na pupuntahan nila. Niloloko ko nga sya eh sabi ko maraming babae doon baka may matipuhan sya. Hinihintay ko nalang ang reply nya sigurado ako maiinis saakin yun. Ayaw nya kasi na nag ooverthinking ako. Kaagad kong inopen ang message nya nung magreply na sya.

From: My Love

Tss. Hindi ako sumama para maghanap ng babae. Edi sana sainyo nalang ako nagpunta. May girlfriend na ako maghahanap pa ako ng iba? Tss. Kung ano anong iniisip.

Kahit sinungitan nya ako kinikilig parin ako. Natatawa tuloy ako tinignan ko si Ate dahil naramdam kong tumingin sya saakin. Umiling iling sya at ngumisi. Binalik ko na ang tingin ko sa cellphone io. Nireplayn ko na si Akihiro.

To: My Love

Niloloko lang naman kita. Sungit mo ang aga aga. Sige na malapit na kami sa shop. Itetext nalang kita mamaya kapag wala na akong ginagawa. Ingat kayo. Enjoy and I love you :)

Tinago ko na sa slingbag ko ang cellphone ko dahil malapit na kami sa shop. Pagkahinto ng sasakyan sa harapan ng shop namin lumabas na kami ni Ate. Binati kami ng guard ng may ngiti sa labi at pinagbukas kami ng pinto. Binati rin namin sya at nginitian. Dumiretso kami ni Ate sa loob ng kitchen may dalawang cashier naman na sa counter kaya hindi na ako doon tutulong. Tutulong nalang ako sa pagbabake.

Buong maghapon abala kami ni Ate sa pagtulong sa mga empleyado ng shop namin. Tuwing magpapahina ako tinitignan ko ang cellphone ko palagi nagtetext si Akihiro. Kanina nung nagtext sya saakin nagsisimula na raw ang ceremony ng kasal.

From: My Love

Naiinip na ako. Dapat talaga hindi na ako sumama.

Yumi :(

Gusto ko ng umuwi. Namimiss na kita. Anong ginagawa mo?

Busy ka naman masyado. Wag kang magpapagod.
Okay na yang paa mo?

Tapos na ang ceremony. Reception na ng kasal. Hindi na kami sumama ni Kharl at Wynona nag aya silang maligo sa beach.

Baby, tapos na kaming maligo nasa may kwarto ako ng hotel may sinend akong picture sa messenger.

Iyan ang mga message ni Akihiro. Umupo muna ako sa upuan at nagtipa ng message.

To: My Love

Magpahinga kana uuwi narin ako nito hapon narin naman. Sige titignan ko makaya pag uwi ko mamaya sa bahay :)

Pagkasend ko ng message ko tumayo na ako sa pagkaka upo at lumapit kay Ate na abala sa paglalagay ng icing sa cupcake na ginawa nya.

"Ate anong oras tayo uuwi?" Tanong ko.

"Pagkayari nito. Sige labas kana hintayin mo nalang ako dun." Sabi ni Ate Akira ng hidi nakatingin saakin. Tumango nalang ako at nagtanggal ng apron at gloves. Kinuha ko ang sling bag ko at lumabas ng kitchen.

"Hi Kuya Ken!" Sabi ko kay Kuya Ken ng makasalubong ko sya.

"Diba kakilala mo yun? Suki yan dito." Sabi ni Kuya Ken tinuro nya ang babaeng customer namin na may kasama na lalaki. Malapit sila sa pinto nakaupo.

"Ah si Diarra." Sabi ko. Hindi ko na sya lalapitan nakakahiya naman. Dahil nakatingin ako kila Diarra nalipat ang tingin ko sa customer namin na kapapasok lang. Nagulat ako ng makita ko si Marcnel nagulat din sya ng makita nya ako pero nginitian nga ako.

"Uy Yumi, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Marcnel ng makalapit sya sa counter. Nasa tabi lang ako ng counter nakatayo.

"Ah...Saamin tong shop tumutulong lang kami." Sabi ko.  Nagulat sya sa sinabi ko at tumango tango.

"Tara na Yumi." Sabi ni Ate Akira kaya niligon ko sya.

"Sige Marcnel alis na kami." Sabi ko kay Marcnel tumango naman sya at nginitian ulit ako.

Pagdating ko sa bahay kaagad kong binuksan ang wifi at tinignan ang message ni Akihiro sa messenger. May photo na naman syang sinend. Natawa ako ng makita ko iyon. Para syang nagpophotoshoot sa picture na sinend nya.

Nireplayan ko sya sa messenger. Naka offline sya pero makikita naman nya ang message ko mamaya kapag nag online na sya. Baka tulog yun ngayon. Napagod sya sa byahe at nagswimming pa sila kanina.

Yumi: Naligo ka ng nakapants? Ayaw mong umitim? :'P

Umupo ako sa sofa at sinandal ang likod ko. Namiss ko bigla si Akihiro sanay ako na araw araw kasama ko siya. Simula ng naging kami ni Akihiro araw araw na yata kaming magkasama walang araw na hindi kami nagkikita at nag uusap kaya mabilis ko syang mamiss. Ang OA ko na ba? Nasanay lang ako na palagi ko syang nakikita kaya namimiss ko sya kapag wala sya. Napabunting hininga nalang ako. Uuwi naman na sya bukas magkikita naman kami.

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
2.4K 644 40
Ashienna Quistana, "True love is for people who can wait. And 'wait' can last into love that is true"
24.5M 714K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...