The Fame Game

By UnidentifiedBlueStar

8.4K 330 125

[On-going] Kyra, a highschool student who fell inlove with her English Teacher and his Twitter Crush. Who wil... More

Prologue - Start
Level One - Final
Level Two - Burst
Level Three - Former's Comeback
Level Four - First Day
Level Five - Substitute
Level Six - Smile
Level Seven - 5ever
Level Eight - Spell Badtrip
Level Nine - "Wag muna, please.."
Level Ten - Her Teacher's Confession
Level Eleven - Dark Clinic
Level Twelve - Nabugbog na Saging
Level Thirteen - Ingenuous
Level Fourteen - Acceptance
Level Fifteen - Triangulum
Level Sixteen - Impenetrability
Level Seventeen - Hope vs. Wish
Level Eighteen - Spelling Contest
Level Nineteen - Friendzoned
Level Twenty - His thoughts
Level Twenty Two - Byul
Level Twenty Three - Why now?
Level Twenty Four - All I wanted
Level Twenty Five - Beles beles

Level Twenty One - Lalaine

180 10 13
By UnidentifiedBlueStar

SN: May Point of View ULIT siya dito pero limited lang. Quota na kayo eh~

---

- L E V E L  T W E N T Y  O N E -

"Anong english ng singsing at tatlong hari?" tumingin ako sakanya. Hindi ko rin alam bakit ako sumunod sa kanya pero in some way, natuwa ako. Hindi ko rin inakalang sa ganitong pagkakataon siya ang makikita ko. Akala ko dati imposibleng yung taong nagpapalungkot sa'yo ay pwede ring magpasaya sa'yo. Pero naisip ko rin... na pwede palang both. 

"A-ano po?" naguguluhan kong sagot. Sa ganitong sitwasyon, nagawa pa niyang magtanong niyan? Ayos.

"Aringkingkingking."

"Alam mo sir, kung magjojoke ka kailangan iniinform mo po ako, para ready naman yung tawa ko."Ngumiti lang ako habang sinasabi yun. Gusto ko sanang matawa eh, kaso nagbuffer pa ng kaunti yung utak ko sa sinabi ni Sir. Biglang ginulo ni Sir yung buhok ko.

"Tara na nga, may pinapagawa pa ako sa mga kaklase mo eh." Naglakad na si Sir pero ako nakatayo pa rin.

"Isa pa pong gulo ng buhok ko, guguluhin ko na buhay mo." sabi ko sabay ayos ng buhok ko. Si sir? Ayun, naglalakad pa rin. Psh!

"You already did."

5pm na. Ngayon pa lang ako makakauwi kasabay ng apat ko pang kaklase. May pinagawa lang sa amin si Ma'am, eh masisipag. Wala rin naman akong gagawin sa bahay... So, nagvolunteer ako. Ay hindi pala, pinilit. Nasa hallway na ako ng maramdaman kong magvibrate yung cellphone ko sa bulsa.

Si mother pala. Pinapauwi na ako, kaso ayoko pa. Gusto ko munang dumaan sa 7-11, kaya tinext ko muna nang 'Laters, baby'. Okay joke lang yun. 

"May pagkakataon na yung dahilan ng pagiging masaya natin, siya rin ang dahilan ng pagiging malungkot natin..." tinignan ko yung nagsalita. Hindi siya nakatingin sa akin, nakatingin pa rin siya sa libro niya. "Pero may pagkakataon rin na, hindi ganun yun." Kung hindi ko lang 'to kaklase noong 1st year, siguro tumakbo na ako. "Know the Difference, Kai.. Know it." Wait, KAI daw diba? So, para sa akin yun?

Hindi, sa pintuan yun. Kai yung pangalan ng pintuan.

Lumingon ako sakanya pero naglalakad na siya palayo.

Hays.

Kahit kailan talaga 'to si Lalaine. Maganda sana siya kung mag-aayos lang eh, maganda naman siya what I mean is ayos babae. Sayang. Pero anong magagawa ko kung gusto niya makain-relationship yung mga libro diba? Pero sa case niya, tahimik nga yun eh. Pero masaya ba? Pwede rin.

 "Kai, alam mo ba yung part ng brain responsible for physical pain?" tinignan ko si Lalaine. Minsan nakakatakot na rin 'to eh, bigla-bigla nalang sumusulpot.

"Huh? Hindi eh." 

"Alam mo bang 'yun rin ang area ng brain na nagcocontrol ng jealousy?" Literal na ngumanga ako. Nakakapagtaka rin minsan kasi 'to si Lalaine, alam mo yung ang dami niyang alam pero nataasan pa namin siya ni Althea? Pero natanong ko na rin naman sakanya yun eh, alam niyo kung ano lagi niyang sinasabi? Syempre hindi.

"Ano 'ba yan Leyn! Minsan nga taasan mo naman kami." Well, hindi yun pagmamayabang. Kasi hindi naman namin nilalagyan yung teacher pero laging top 3 yan si Lalaine, kumpara sa amin ni Althea--este ako lang. Hindi naman ako pala-aral. Sabihin na nating, may alam lang. Pero si Lalaine, subsob yan sa pag-aaral. Literally.

"Hindi naman kailangang nasa top ka para masabing matalino ka." sabay ngumiti siya. Feeling ko nga,  nabasag ako. Pero tama rin naman siya. Hindi ko rin masisisi kung ganon yung pananaw niya diba? 

Lumabas na  yung dalawa ko pang classmate. Nagsabay-sabay nalang kami maglakad pero ang awkward lang. Wala akong close sakanila though ilang buwan na rin kaming magkakasama. Si Lalaine, nagbabasa pa rin ng libro niya habang lumalakad. Yung dalawa pa, nagtetext. Ako? Nagmamasid sa hallway, konti na nga lang mapagkakamalan na akong may down syndrome eh.

"Mga ate, uwi na kayo. May pupuntahan pa ako eh." sabay ngiti sa kanila. Pare-parehas kasi sila ng way ng bahay. Si Lalaine na kanina nasa likod ko lang, nandoon na naglalakad. Saan naman kaya pupunta yun?

"Sige, bye!" sabi nung dalawa. Bumalik pa ako ulit sa school. Gusto ko kasi makita si Hyunsu, hindi ko siya nakita buong araw sa school eh. Hindi ko rin naman napansin kaninang palabas kami. Nasaan na kaya yung Jack na 'yon?

Nasa harap na ako ng clinic. Napahawak ako sa dibdib ko, dug dug dug

Kinakabahan ako.

Pansin mo rin pala yun, Kai?

Nagtatalo pa rin yung isip at puso ko kung bubuksan ko yung pintuan. Pesteng puso 'yan, bakit ba kasi ako kinakabahan? Ugh.

Hindi naman siguro ako papagalitan ni Mama pag-uwi diba? 5:19 pa lang naman.

Inhale.. Exhale.. Breathe in.. Breathe out..

Okay, Kai. Kaya mo yan.

"O Kyra, Bakit andito ka pa?"

"ANAKNGPUPPYNAMANOO!"

"Hahahaha, sorry Kai. Sige alis na ako." Si Ma'am AC pala. Umalis na si Ma'am, dumaan lang para mang-gulat.

Eto na, bubuksan ko na talaga. Hinawakan ko na yung doorknob, unti-unti kong pinihit.. Hanggang bumukas. Siguro nga nandito pa yun, bukas pa eh. Nang...

"Waaaaaa!"

- Hyunsu's Point of View -

"Hindi mo talaga ako matiis 'no?" tinignan ko lang siya, kakarating niya lang. Inayos ko yung upo ko tapos siya umupo sa harap ko. Nilapag niya yung dala niyang brown bag. 

"You know Ren, you don't have to act like I'm nothing. Gusto na nga kita diba?" napangisi ako. Ang laki talaga ng pinagbago niya. Hindi naman ganyan ang pagkakakilala ko sakanya noong una eh. Nakita kong tumayo nalang siya. Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan yung oras, 5:15 pa lang naman at wala pa si Ate sa bahay.

Naalala niyo ba yung pag tawag ko kay Kai? Ang totoo niyan, katext ko talaga si Ana. Tinanong ko lang naman siya kung anong ibig sabihin ng nararamdaman ko.

Napalingon ako kay Ana, nasa harap ko na pala siya. Kinuha niya yung cellphone ko at nilagay sa table.

"Stop being cold, Ren.." nasa harap ko na pala siya.

"WHATTHEFCKREN!"

"Don't you ever dare kiss me, Ana." I smirk. Ano sa tingin niya ginagawa niya? I'm not that kind of guy who will kiss any girl. Lalapit na sana siya sa akin nang...

"Waaaaaa!"

- Kyra Alexis Ona's Point of View -

"Waaaaaa!"

"Ano ba Lalaine?! Papatayin mo ba ako sa takot?"sabi ko habang hinahawakan yung dibdib ko. Pag bukas ko ba naman ng pintuan, mukha na niya ang makita ko. May hawak-hawak pa siyang flashlight na nakatapat sa mukha niya. Tumingin lang siya sa akin tapos tinignan ulit ung librong dala niya.

"Bakit ka pa ba nandito?"medyo naiinis na ako pero 'yun si Lalaine, parang wala lang sakanya.

"Kai, anong mas mahalaga yung sinasabi ng mga nasa paligid mo o 'yung sayo?"tinitignan ko siya habang nakayakap at nakatingin siya sa libro niya. Konti nalang talaga matatakot na ako dito kay Lalaine. Napaisip ako pero unti-unti ko rin nagets yung gusto niya iparating.

"Alam mo Laine, hindi naman maiiwasan isipin yung sinasabi ng iba eh. Siyempre may damdamin rin tayo para masaktan sa kung anong sasabihin nila na..." napatingin ako sa sahig. Naalala ko na naman yung kanina sa girls' room. "na hindi mo naman gusto marinig hindi ba?"

Tumalikod na ako. Naalala ko na naman yung usapan sa girls' room. Yun kasi ang problema sa akin, ang dali ko maapektuhan sa maririnig ko. Lalo na ngayon, na hindi na lang chismis talaga kung hindi... totoo na.

"Bakit? Ano bang alam nila sa'yo?"napatigil ako sa paglalakad. Medyo nakalayo na ako pero rinig na rinig ko pa rin yung bulong niya. Nakayuko siya nang lumingon ako.

Lalaine.. Lalaine.. Bakit mo sinasabi 'yan?

--

Halos linggo rin ang binilang. Hindi ko maintindihan pero parang iniiwasan ako ni Hyunsu. Sa twitter, hindi na siya masiyadong naguupdate. Sa facebook, nakikita ko namang nagoonline siya pero nagtatype pa lang ako... offline na. Sa text, hindi nagrereply. Sa school, hindi ko mahagilap. Kung mahahagilap ko naman, lagi daw siyang busy.

Ano bang problema niya?

"Huy Kyra Alexis!"bumalik lang ang utak ko sa kinalalagyan niya ng sigawan ako ni Althea.

"Oh?" tamad na tamad kong sagot sakanya. Nandito kami ngayon sa cafeteria kasama si Spencer at si Lalaine. Oo, naging malapit na kami ni Lalaine at naging malapit na rin silang dalawa ni Althea. Pero wala pa ring pagbabago si Lalaine, tahimik at hindi mo pa rin mabasa yung nasa utak.

"May invitation ka na para sa linggo?"tanong sa akin ni Althea. Uminom muna ako ng Milkis ko bago sumagot.

"Hindi ko nga alam kung pupunta pa ako eh."

"WHAT?!" unison na sigaw ni Althea at Lalaine. Halos pagtinginan sila ng mga tao sa lakas ng sigaw nila. Parehas pang nakapatong yung magkaparehas nilang kamay sa table.

"May balak ba talaga kayong maging member ng choir?" nagkatinginan yung dalawa. Nagsorry si Althea sa mga tao. Si Lalaine naman ay nagbow lang bilang pagsorry. 

"Tignan mo Kai, si Lalaine nga pupunta eh. Eh ikaw? Pag hindi ka pumunta, nako!" inis na sabi ni Althea habang pinapakalma siya ni Spencer.

"Huh? Hindi rin ako pupunta." mahinang sabi ni Lalaine sabay inom ng chuckie niya. Bagay talaga magsama si Althea at Lalaine, parehas isip-bata.

"Ano?! Hindi ka rin pupunta?! Baka gusto niyong kaladkarin ko pa kayo mula bahay niyo hanggang sa Prom? Ikaw Kai! Hindi pwedeng hindi ka pumunta, first time natin 'to! Ikaw Laine! Papaayusan pa kita kaya hindi pwede!" Okay, umuusok na ang ilong ni Althea. Pasimple lang akong uminom ng Milkis. Si Lalaine naman ay cool pa ring nagbabasa ng libro niya.

"Pupunta kayo na maayos na naglalakad o hihilahin ko pa buhok niyo?!"this time, napalakas ata ang sigaw ni Althea kaya nagtinginan na naman ang mga student sa kanya.

Bakit pa? Hay, bahala na nga.

---

  Thank you! Halos 1.7k reads na siya. Party! Party! haha. Ano kayang meron sa linggo? May idea kayo? Mag-comment naman kayo, kahit once lang. Para naman malaman ko kung ano reaction niyo. Ay may trivia ako.  haha, gumaganon no.

TFG Trivia:

  Alam niyo bang nabubuhay si LadyAna? At gusto ko siyang patayin sa sakal. lojk

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...