Save The Last Song For Me

By invisiblerin

8.9K 606 309

ON-GOING | SAVE SERIES 1 Kourtney Gomez, a second-year architecture student, is well-known for her charming p... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32

Chapter 17

200 14 20
By invisiblerin

Concert

Ang galing nila talaga! Sobrang saya kausap ni Yuan! Napakadaldal, as in! Nahiya ang kadaldalan ko sa kaniya. Si Kian at Gerald ay mabait din, sadyang mas naka-focus sila sa performance. And, that's really cool for me.

"Bakit ang tahimik mo?" tanong ko nang magsimulang paandarin ni Davis ang kotse.

Hindi siya sumagot at seryosong nag-drive.

Napaawang ang bibig ko. Anong nangyari sa kaniya? Kanina lang ay good mood na good mood siya. Now he's sulking! Umaarangkada na naman ang mood swings niya!

"Tangi?" pagtawag ko sa kaniya. May sumilay na ngiti sa labi niya na agad niya ring itinago. Serious mode na ulit. "Hmm.. tangi?"

Nasamid siya and this time humarap na siya sa akin. Tinigil niya ang sasakyan sa gilid. Wala pa kami sa amin. Sumilip ako sa labas, nasa park kami natigil, maraming tao. Binalik ko ang tingin kay Davis.

"Galit ka ba? Nagtatampo?" I asked.

He sighed. Binitawan niya ang manibela at kamay ko naman ang hinawakan. Ano bang nangyayari sa kaniya?

"Why..." Saad niyang hindi niya itinuloy.

Kumunot ang noo ko.

"Huh? Pabitin ka naman!"

Nahihiya siyang umiwas ng tingin. "Bakit.. Yuan agad ang tawag mo sa kaniya? Bago pa lang naman kayo nagkakilala... Are you that comfortable with him? While, you can't even call me by my first name."

Nag ngiting aso ako. "Are you jealous, Tangi?" natatawang tanong ko. Kahit deep inside ay nagwawala na ang puso't isipan ko.

He nodded and answered, "Yes.. I'm sorry for being childish.."

Agad akong umiling. "Hindi naman pagiging childish ang pagseselos! Lahat naman ng tao nakakaramdam ng selos, 'yung iba nga lang nakakaya nilang itago. Pero iba tayo sa kanila... dahil hindi naman tayo sila." Saad ko.

"Just tell me lagi kapag nagseselos ka.. kinikilig kasi ako." Natatawang sabi ko bago hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"And, want do you want me to call Yuan?"

He smiled softly, and gently caress my hand on the top of my cheeks. "It's okay." He answered. "You can call him whatever you want. Basta 'wag lang tangi. Because, that's me. I'm your only tangi."

Napakalaking ngiti ang iginawad ko sa kaniya bago siya hinampas sa balikat.

"Okay.. tangi." Ngumuso ako. "Ikaw lang ang tatawagin kong tangi." Kinikilig kong sabi. Nababaliw na yata talaga ako.

He chuckled while shooking his head.

"Hindi ka na nagtatampo?" Tanong ko.

Umiling siya.

"Hindi naman ako nagtatampo."

Pinagpatuloy niya ang pagpapaandar sa sasakyan. Agad akong naka-uwi sa amin. Walang tao sa amin nang ako'y maka-uwi. Nakapatay pa ang ilaw kaya't binuksan ko 'yon. Pati si Mama ay wala pa. Baka nag-date sila ni Papa, dahil alam ko ay ngayon ang uwi niya. Sana nga ay mag-date sila. Para naman mawala ang stress nila sa trabaho.

Matagal na nang huling umuwi si Papa sa bahay dahil sa trabaho. I really hope that he's taking a good care of himself. I always text him pero wala akong natatanggap na reply pabalik. Busy lang talaga siguro.

Nagprito na lang ako ng itlog dahil may kanin naman. Mabilis akong kumain. Walang pasok bukas dahil holiday. Mabuti naman at pati college ay holiday.

Pumasok ako sa kwarto ko ng naka-pajama na. Masarap matulog! Pero, syempre need ko muna mag-goodnight kay Tangi.

Ganito pala 'yung feeling. Bago ka matulog ay mayroon kang igu-goodnight. Masarap siya sa feeling. Lasang avocado na maraming gatas and yelo.

Me:
gudnight, tangi! sweet dreams and dream of me! Ingat ka pauwi~ I'm going 2 sleep na huhu I will see u tom na lang!

Hindi pa siya online dahil baka nasa byahe pa pauwi. Nag-wattpad muna ako dahil hindi na ulit ako nakakabasa dito. Last month pa huli kong basa dahil sobrang busy. Patingin-tingin ako sa notification ko dahil baka nag-reply na siya.

Umayos ako ng higa nang makitang online na siya. Kakauwi niya lang siguro. Agad siyang nag-reply.

@hunterdvs:
I'm sorry for the late reply. Kaka-uwi ko lang. Are you asleep?

Hindi ako nag-reply.

@hunterdvs:
Goodnight, Tangi. I love you.

My God. Pinipigilan kong hindi sumigaw. Dali-dali akong nagtipa ng reply sa kaniya.

Me:
i wuv u too tangi :D

Me:
Nahuli rin kita eheheheheh ;)

@hunterdvs:
I thought.. you're already sleeping.

Me:
Kimmy lang bhie

@hunterdvs:
Are you free tomorrow?

Me:
Yessh why?

@hunterdvs:
There's a music fest in Pampanga tomorrow. Do you want to come?

Napabalikwas ako sa pagkakahiga. Music fest?! Sa Pampanga?! 'Yung Clark Aurora Fest?! Malayo 'yon sa amin pero gusto kong pumunta! Nakita ko 'yung post about doon sa facebook and ang daming local artists ang dadalo roon! Naiingit na nga ako sa mga stories nila, e. Tapos ngayon!

Me:
yes omg!! opkors naman! weyt, may ticket ka??? ToT

Pinag-usapan namin ang gagawin bukas. Hindi ako makapaniwala. SVIP ang ticket na binili ni Davis! I'm so excited! Isang beses pa lang akong nakapanood ng performance ng Pinoy artist. Fiesta 'yon dito sa amin and na-invite nila ang Callalily. Kasama ko noon ay sina Axel at Elay.

But this time, it's music fest! Maraming artists ang dadalo! Mabuti na lang at walang pasok bukas.

I wore a sleeveless long fitted dress. Hanggang ibaba 'yon ng tuhod ko pero may design sa right side, kaya't kita ang hita ko doon. It's a plain mint green. Nagdala rin ako ng cardigan, just in case na biglang lumamig doon. Nilagay ko ang scrunchie ko sa wrist ko. White rubber shoes naman ang isinuot ko sa paa. And of course, with my tote bag. Hindi na 'yan mawawala.

Lumabas ako sa bahay namin at ni-lock iyon. Hindi umuwi sina Mama kagabi. Hanggang ngayon ay wala pa rin sila. I texted them naman and nag-reply si Mama na baka bukas daw ay umuwi na sila.

Kinawayan ako ni Davis nang makita ako. Nasa labas na siya ng bahay namin, hinihintay ako. Ang cute ng suot niya. Long sleeve polo with black trousers. Naka suot ulit siya ng glasses.

"Ang cute naman ng tangi ko na 'yan," sabi ko pagkalapit.

"Thank you." He said before smiling. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Parang lalabas na ang kaluluwa ko. "And you're always beautiful, my love."

Kinuha niya sa braso ko ang cardigan ko at pinasok 'yon sa loob ng kotse. Bumalik din siya agad para pagbuksan ako.

Pumasok ako sa kotse. Sunod ay siya naman. Pinasadahan ko siya ng tingin. Ang g'wapo ng boyfriend ko. I stared at him while smiling.

"Ang gwapo mo naman. May girlfriend ka na po ba? Can I have your number po?" pangungulit ko sa kaniya.

He chuckled. "Mahal ko po ang girlfriend ko." Sagot niya.

Inaayos niya ang seatbelt ko nang matigil siya sa right side na hita ko. Napalunok ako.

"Why? Do you not like my dress? Is it too revealing?" sunod-sunod na tanong ko.

He stared at me while smiling and muttered. "It's okay. You can wear what you want, as long as you're comfortable."

"And you're really really gorgeous.." he stated before giving me a kiss on my forehead.

Matagal ang byahe namin kaya't natulog muna ako. For sure, mamaya ay aabutin kami ng madaling araw kaya need ko ng sleep. Ginising lang ako ni Davis nang kakain kami. Inabot ng 3 hours ang b'yahe namin. Sa wakas ay narito na kami.

Sobrang daming tao. Day 1 lang kami makakanood ni Davis dahil bukas ay may pasok na. Iniisip ko pa lang ang uwi namin mamaya ay nai-stress na ako. 11 PM ang tapos ng performance ng Day 1, tapos ay 3 hours ang byahe pauwi. Alas dos ako makaka-uwi sa amin, at gigising ng 5AM. My God. Kaya ko 'to. Go pa rin. This is once in a lifetime!

Si Davis ang may hawak ng cardigan ko habang ako naman ang nagdadala ng tote bag ko. Dapat nga ay siya na rin ang magdadala pero sabi ko h'wag na. Dagdag fashion 'tong tote bag sa dress ko!

12 Noon pa lang kaya't medyo maaga pa kami dahil 6 PM naman ang simula. Manonood muna kami ng mga hot air balloons. This is my first time seeing hot air balloon in person. Nalulula ako sa laki. What more kung sasakay ako 'no?

"Kain tayo." Aya ko kay Davis. Tumango siya. Naghanap kami ng mabibilhan ng pagkain.

Bumili kami ng mini lunch pack, tig isa kami. Ako ang nagbayad para sa aming dalawa. Hindi naman pwedeng puro na lang siya ang gagastos. I can't let that happen. Nahihiya pa rin nga ako sa ticket dahil siya ang nagbayad no'n.

Umupo kami sa lapag dahil doon din naman umuupo 'yung iba. And, parang masarap dito kumain. Tanghaling tapat pero hindi mainit dito. Infairness ay maginhawa. Ang sarap ng simoy ng hangin, refreshing.

Nilagay ko sa gilid ng pagkain ko ang mga gulay. Hindi talaga ako mahilig sa gulay. Kahit anong sabihin ng iba na masarap naman ay hindi ko pa rin magustuhan ang lasa nito. Pinipilit ko naman minsan na kainin pero hindi talaga swak sa panlasa ko.

"You don't like veggies?" Davis asked.

I nodded. Kinuha niya ang mga pagkaing hiniwalay ko gamit ang kutsara niya at inilagay niya 'yon sa pagkain niya.

Nag-selfie ako nang nag-selfie matapos naming kumain. Minsan lang 'to dapat lubusin ko na. Nagpa-picture ako kay Davis ng solo ako. I also took a picture of him, a lots of picture.

"Anak tayo ka d'yan. Picturan kita dali." Pang-aasar ko kay Davis nang makahanap na naman ng magandang spot na pagpi-picturan.

Nagpa-picture rin kami sa nakikita naming naglalakad, para marami rin kaming picture na mag-kasama.

"Can you send me our pictures?" Davis asked.

"Oo naman, wait," agad kong nai-send sa kaniya ang pictures namin. Naka-upo na ulit kami sa lapag nagpapahinga. "Are you going to post it?" pag-bibiro ko.

Tumango naman siya. My eyes widened.

"Really?! Bakit mo ipo-post?"

He looked at me, confused. "Bakit naman hindi?" naguguluhan niyang tanong.

"Ang aesthetic kaya ng feed mo!" ako ang masasaktan kapag nabawasan siya ng likers. I can't let that happen!

Tumawa siya.

"What do you mean by 'aesthetic'? I just post what I like." 

"So you like me?" ngiting aso kong tanong.

Parang hindi lang ako makapaniwala. That feeling when, 'yung account na lagi kong ini-stalk ay makikita ko ang mukha ko doon. Of course, inedit ko muna ang mga picture namin bago i-send sa kaniya. Pinili ko rin 'yung maayos na picture.

Nang mag-5 PM na ay pinapasok na lahat sa loob. Nasa unahan kami ni Davis dahil nga SVIP. Kitang-kita namin ang magpe-perform.

Unang nag-perform ay MRLD. Sunod naman ay Lola Amour. Hiyawan ang mga tao, masakit man sa tenga ay ayos lang. Masaya!

Nasa likod ko si Davis, nakahawak ang dalawa niyang kamay sa baywang ko. Pangsuporta na rin dahil mayroong malilikot.

"What if I told you that I've fallen?!" pagsabay namin sa kanta. "And I love the way you say my name!"

Feel na feel ko ang pagkanta. Sigaw lang nang sigaw, bukas ay wala ng boses. Sobrang ingay dahil lahat ay sumasabay sa mga kanta. Kaya sobrang saya rin.

Sumunod naman na nag-perform ay si Adie.

"Oh my God! Ang gwapo mo Adie! I love you!" Tili ko nang pababa na siya sa stage. Ang gwapo sobra! Napaka ganda pa ng boses live! Mamahalin!

Lalo na't nasa unahan kami ay kitang-kita ko ang mukha niya. As in, ang pogi!

Nahimasmasan lang ako nang bumulong si Davis sa akin. "You're very happy, huh?" he said sarcastically.

Humarap ako sa kaniya. Inilagay ko ang kamay ko sa likod ng ulo niya. Inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya at sumigaw. "Mas mahal pa rin kita, my Tangi! Ang aking tinatangi! Mas pogi ka rin! Walang-wala si Adie sa'yo! Taob! Talo! Walang papantay sa'yo!" 

He looked at me like I'm the only one that matters right now. "I love you." He uttered.

Kahit sobrang lakas ng sigawan ay rinig ko pa rin ang boses niya. Sa daming boses ang aking naririnig, boses pa rin niya ang hanap ko. Sa sobrang daming tao, siya lang ang nakikita ko. Kahit gaano nakakasilaw ang mga dekorasyong ilaw dito ay mas nasisilaw ako sa ngiti ng taong nasa harapan ko.

"I love you more." I said before kissing him.

I don't care if other people will saw us. I don't care about what they will say. I really want to kiss him right now.

He kissed me back slowly... While my heart won't stop from beating so fast.

Continue Reading

You'll Also Like

13.3M 415K 78
"Sierra, you go with Harry Styles." I raised up my head at the words, giving my teacher an incredulous glance. "Do I really have to?" Was the only th...
202K 4.9K 21
I've been an Avenger since the Battle of New York. I didn't have any powers but I was an agent and one of the highest, I was Level 8. I knew the secr...
360K 2.7K 11
UNIVERSITY SERIES # 2 Written by : 4reuminct - Ashianna Kim Fernandez ( Yanna) -Akihiro Leonel Juarez (Hiro)
22.1K 800 13
𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘵𝘩𝘦 𝘚𝘦𝘤𝘰𝘯𝘥 𝘊𝘩𝘰𝘪𝘤𝘦 𝘣𝘦𝘤𝘰𝘮𝘦𝘴 𝘏𝘦𝘦𝘴𝘶𝘯𝘨 𝘧𝘪𝘳𝘴𝘵 𝘤𝘩𝘰𝘪𝘤𝘦 𝘑𝘢𝘺 𝘢𝘴 𝘴𝘦𝘤𝘰𝘯𝘥 𝘭𝘦𝘢𝘥 Highest rank...