When the Ink Dries (Zodiac Pr...

By CrabLamb

4K 326 38

[ ON GOING ] As the body count climbs on the concept of immoral justice. This chilling tale will explore the... More

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 16

86 6 2
By CrabLamb

Ano ba kailangan para masabing isang mabuting magulang ang isang magulang?

Walang perpektong tao, kaya wala ring perpektong magulang. Alam ko na iyon simula pa lang. Sa taliwas na ugali namin ni mama, at paraan ng pagpapalaki ni papa sa dalawa kong kuya, alam kong malayong malayo sila sa pamantayan.  

"Ang bait naman ng magulang nito," bulong ko sa sarili habang nagta-type ng rough translation. Paniguradong nasa huling mga chapters na ako ng tina-translate dahil patungo na sa happy ending ang mga characters. 

Napatingin ako sa oras sandali.

Mahaba pa.

Isang achievement sa akin ang makatapos ng walang pressure, siguro ay dahil yung dalawang malakihang project ko naman ay hangga't may napapakita akong progress ay hindi manggigisa. 

Well, maliban kay Mr. Lee. May times kasi na tinotopak siya at minsan, may nasasabi. Katulad na lang ng...

"Are you really serious about this?"

"You were the one who proposed this deal, right?"

"This is... it?"

"A fish can draw better than this."

Mr. Lee is a perfectionist when it comes to his work. Well, HIS brother's work to be more specific. Gets ko naman iyon, pero ang sarap, sarap lang talaga niya masamplean minsan. 

Iniisip ko tuloy kung anong klaseng magulang ang meron siya? Sila ni Sung Min? Sa tindig at tono niya kapag nakikipag-usap, ramdam ko nang nanggaling sila sa mayamang pamilya. 

Alam na alam ko na naman iyon. 

Napatigil ako sa pagta-type nang biglang nag notif ang e-mail ko. Agad kong nakita ang username ng nagpadala kaya agad agad ko rin iyong binuksan. 


Dear Ms. Magtibay, 

I hope you are doing great! I've already read your request regarding featuring one more memoir for the upcoming exhibition. This email contains my answer and some of my conditions.

My answer to your request is yes; we can put another one of your works on display. I respect your desire to share a masterpiece with our audience. I have no doubt it's going to be fantastic and will fit right in with the vibe we're going for. I wish you all the best in creating it.

However, we can't put it up for charity auction anymore. It was a first-come, first-serve matter, unless one contributor withdraws their slot. Don't worry; I'll gladly inform you if a slot becomes available suddenly. But who knows? Maybe if you manage to catch an investor's attention during the exhibit, you could secure an early purchase.

On the other note, you'll have to provide me with the name of the added artwork and a brief description of it so we can inform our docent. If you need any help or clarification, please feel free to message me. I'm more than willing to answer your questions.

And regarding to your OTHER request, I'm still gathering information about it. Believe it or not, it's not easy to track down old papers from a defunct family business. Well, I could ask my half-brother in prison, but I don't think I deserve another near death experience just because you asked, right?

Just kidding. Thank you for accepting my commission, Ms. Magtibay. Que tengas buen día :).

Cheers,

Ryg Augustus


"That's a businessman for you," komento ko habang binabasa ang huling parte ng email. Kayang kaya niya talagang pagkasyahin ang friendly business tone at unfriendly joke sa kakaunting mga salita. 

Habang binabasa ulit ang huling parte ng mensahe niya, doon ko napagtanto na publicly, hindi maganda ang relasyon ni Ryg sa pamilya niya. Ang alam ko lang ay nakakulong ang ina niya at yung kapatid niya, but the rest? Bigla na lang nawala ng parang bula simula ng scandal noong 2012. 

Now, I wonder kung paano pinalaki si Ryg, at kung anong klaseng magulang ang meron siya for him to cause their own downfall. Is it the typical na dahil anak siya sa labas? Or there's more to the story? 

Well, outsider ako. At ang alam ko lang ay ang nilalabas ng media. Who knows what's the truth? Besides, may sarili akong hinahabol na katotohanan. Nagre-relate lang ako ng mga puzzles na nasa kamay ko na.

Awtomatikong napadako ang tingin ko sa orasan ng laptop.

Limang minuto pa lang ang lumipas matapos ang huli kong tingin. 

Kumalma ka, pwede?

Napapikit ako at napailing. Hindi rin nagtagal ay tinipa ko na ang huling parte ng tina-translate ko. Matapos non ay prinoofread ko ng pa-skim. 

"Hays, grabe," ani ko sabay taas ng dalawang braso para mag inat inat. Napahikab pa ako dahil biglaan akong nakadama ng antok pagkabanat ko ng likod.

Mayamaya lang rin ay narinig ko na ang tunog ng makina ni Kuya Gray, doon ay lumakas na ang pintig ng puso ko. 

Napatingin ako sa nakabukas na bintana, hindi ko alam kung dapat ba akong kumilos at mag-ayos pasalubong o tumingin na muna mula dito sa taas kung ang dumaang ilaw ng sasakyan ay kay Kuya Gray talaga. 

Sila iyon, sino bang niloloko ko?

Napalinga ako sa salamin. Agad kong naialis ang maluwag kong tali at hinalungkat sa mini drawer ng nightstand ang aking suklay. Inayos ko ang pagkakapuyod ng aking buhok, banat na banat na akala mo dinilaan ng kalabaw. 

Nagpolbo pa ako at nagsuot ng bra. Bago pa lumabas ng kwarto ay chineck ko ang kabuuan ko kung babae na akong tignan. 

Pagkasarado ko ng pintuan ng kwarto, doon ako tinamaan ng biglaang lamig ng katawan. Parang bang lahat ng dugo ko sa katawan ay tumigil sa pag-daloy? Pinilit ko pang igalaw ang mga paa ko dahil alam kong mas lalo akong kakabahan kung di ako kikilos.

Mababagal na hakbang pababa ang ginawa ko. Kasabay ng paghalik ng malamig kong talampakan ay ang palakas na palakas na pintig ng puso ko. 

Pwede ba akong bumalik sa kwarto? Pero kapag di ako sumalubong, paniguradong may masasabi nanaman siya. Ano pa at nag-ayos ako at pinaghandaan ko ang araw na'to kung aatras lang din ako?

Nakakatawang isipin na ganito ako kabahan, daig ko pa ang sasabak ng gyera. 

Halos mahulog ang puso ko sa sikmura nang biglang sumalubong si Baste sa akin paakyat. Nakatagilid ang ulo niya, halatang nagtataka. Ganoon na ba hindi maipinta ang itura ko? 

Nang tatlong hakbang na lamang ang kailangan kong ibaba ay narinig ko na ang pagbukas ng gate. Narinig ko na rin ang paghina ni Kuya Gael ng volume ng TV sa sala para sumalubong sa bagong dating. 

Napalunok ako sabay kagat ng pangibabang labi. Hindi ko alam kung paano ako kikilos kapag nag harap na kami, ngingiti ba ako na parang walang nangyari? Na normal ang relasyon namin? O didiretso ako ng kusina para may excuse akong huwag makipagtitigan? Mag initiate ng hapunan, ganon? 

Bago pa man ako makapamili ng gagawin ay bumukas na ang pintuan. Sakto ko ring hinakbang ang mga paa ko sa huling hakbang ng hagdan. 

"Traffic!" bungad na reklamo ni Kuya Gray habang inaalis ang bag sa katawan. "Anong ulam?" 

"Sinigang na bangus."

"Sarap. Kumain na kayo?" 

Hindi ako umimik o gumalaw man lang sa kinatatayuan ko. Nakapako lamang ang paningin ko sa bukas na pintuan, naghihintay ng susunod na bulto sa likuran ni Kuya Gray. 

Ano na kayang itura niya ngayon? Ano ang magiging ekspresyon niya kapag nakita niya ako? Galit ba? Matatawa ng sarkasamo? O lalaitin niya nanaman ako kung paano ako manamit? 

Biglang nanikip ang ilong ko. Paniguradong susunod na ang paghapdi ng mata ko.

"Gwen?" 

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong tawagin ni Kuya Gael. Napadiretso ako ng tayo at  napagtantong nakatingin na sila ni Kuya Gray sa akin, halatang kanina pa nila ako tinatawag.

Lumunok muna ako, "Kuya?" 

"Okay ka lang ba? Nakainom ka na ba?" ani ni Kuya Gray. Nadisturbo siguro dahil bigla akong natulala.

"Hindi pa ako nakakapag hapunan, kaya di pa. Uhm..." nilingon lingon ko ang likuran niya, pero agad na niyang sinarado ang pinto dahil biglang lumapit si Baste. "Si... mama?"

Agad nanaman ako tinitigan ng dalawa kong kapatid. 

"Ha?" natangang tanong ni Kuya Gray.

Bumukas ang bibig ko, pero bigla kong napagtanto na mukhang nagkamali ako ng akala kaya walang lumabas ni isang salita sa bibig ko.

Ilang segundo kaming nagtitigan ni Kuya Gray bago nagsimulang humakbang palakad si Kuya Gael.

"Sa susunod na huwebes pa uwi ni mama," pagputol ni Kuya Gael sa namumuong di pagkakaintindihan. Seryoso niya akong tinitigan at dumiretso na papuntang kusina. 

"Kumain na tayo para makainom ka na ng gamot."




1993

MAHILIG si papa magbitiw ng mga clues na saka mo lang mapagtatanto kapag lumaon na.

Tandang tanda ko pa, nung mga panahong magagandang asal pa lang ang tinuturo sa eskwelahan. Panahong kapag uuwi ako ay ipapakita ko kila mama, papa, at sa mga kuya ko ang dalawang nakatatak na bitwin sa mga kamay ko. May isa akong assignment na nagpatulong ako kay papa. 

"Papa, ano yung huwag kang makiapid sa hindi mo asawa?" tanong ko nang hindi inaalis ang paningin ko sa aking textbook. 

"Huwag kang mang-aagaw ng boyfriend ng iba, diba papa?" bidang sagot ng limang taong gulang na si Kuya Gray. 

"Ikaw ba tinanong, ha?" ani ni papa sabay pingot ng tainga ni kuya. "Tapos mo na ba inutos sayo ng mama mo?"

Napapikit sa sakit ang nakakatanda kong kapatid at napatapik sa magaspang na kamay ng tatay ko, "Aray aray aray! Papa, masakit!"

"Dipa mahigpit ito, naaray ka na? Tulungan mo kuya mo doon sa likuran ayusin yung bisikleta niya, paano kayo makakarami ng benta at makakapunta ng eskwela kung sira iyon?"

"Parang di naman niya kailangan ng tulong."

"Sumasagot ka pa?" 

"Ito na ito na!" di na inantay pa ni Kuya Gray ang sinuturon at tumakbo na papunta sa pintuan papunta sa likod.

"Ligalig ng puta," pabirong iling na bulong ni papa sabay baling ng atensyon sa akin. "Anong subject ba iyan, anak?"

"Values po," namimilog ang mga mata kong sagot. "Pero tama po ba si Kuya Gray? Bawal po mang-agaw ng boyfriend ng iba?" 

"Parang ganoon, pero..." dumiretso ang basa at manipis na labi ni Papa, kumunot rin ang noo niya na tila pinag-iisipang mabuti ang mga sasabihin. "Mas kumplikado doon, kasi, diba. Ang sabi diyan, asawa? Eh, yung sinabi ni kuya mo boyfriend pa lang."

"Ano po ba pinag-kaiba ng boyfriend sa asawa, di po ba iisa lang yon?"

Bahagyang natawa si papa sa pahayag ko, "Hindi anak. Pag boyfriend, landi landi pa lang yon. Date date, ganon. Pero pag asawa kasi, ano... Nagsumpaan na. Di na pwedeng maghiwalay dapat."

"Ahhh ganon," tango tango kong sabi. "Kung ganon po, bawal mang-agaw ng asawa?"

"Ayun, tumpak."

"Huh? Eh, bakit pa po nakalagay dito? May mga tao po bang nang-aagaw ng asawa?" 

Napahinga ng malalim si papa at napakamot ng gilid ng labi. 

"Oo nak, meron." 

"And bad po iyon?"

"Syempre, bad iyon."

"Eh, bakit may gumagawa pa rin kahit bad?"

Napatingin si papa sa kisame na tila naroon ang sagot. Kahit maikli ang pasensya ko sa paghihintay ay matyaga kong hinintay ang sagot niya.

Sa huli ay napakibit balikat lamang siya, "Hindi ko masabi. Kanya kanya kasing dahilan anak. Pwedeng hindi alam nung tao na may asawa na pala iyong mahal niya, o kaya naman ay sobrang mahal nung nakiapid yung taong may asawa kaya kahit bad, ginagawa pa rin nila."

Napakamot ako ng ulo. "So, okay lang gumawa ng bad kasi mahal mo?"

Tinitigan lang ako ni papa ng matagal at pinisil ang pisngi ko. 

"Hindi mo talaga maiintindihan, Gwen. Kasi hindi ikaw ang nasa posisyon, pero sana, hindi ka mapunta sa ganong sitwasyon pag laki mo."

"Hmp! Di ako makikiapid sa asawa ng iba, no! Baka si Kuya Gray, pwede pa."

Napahagalpak ng tawa si papa sa sinabi ko. 

Sa sobrang lakas, hindi ko napagtanto na may sikretong laman ang maikling palitan namin noon. 

Kahit sobrang halata na.



2018

Naalimpungatan ako nang mapansin kong nagvi-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng nightstand. 

Pikit ang isang mata kong tinignan ang labas ng bintana, madilim pa at bukas pa ang kahel na street light sa malapit. 

Nang maka-adjust ang mata ko ay sunod kong tinignan ang wall clock... Maga-alastres pa lang ng madaling araw.

Kunot noo kong kinuha ang phone ko. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako nagulat nang makita ko ang pangalan ni Mr. Lee, siguro ay dahil writer siya at siya iyong tipikal na gising sa gabi?

Kamot pisngi kong sinagot ang tawag. 

"Took you long enough."

Agad umikot ang mata ko. Sa tono niya parang ako pa yung nakaistorbo.

"Sorry, Mr. Lee. Tulog na kasi ako," puno ng sarkasamo ang boses ko habang kinukusot ang di ko maidilat na mata. "Napatawag ka?" 

Saglit na katahimikan.

"Are you free tomorrow?"

Napatigil ako sa pagkusot ng mata. Prinoseso ko pa kung tama yung pagkakarinig ko.

"Hah?"

"I'm asking if you are free tomorrow."

"Uhm," agad kong inislide pababa ang screen ng cellphone ko para matignan kung anong araw na ngayon. Meron akong session mamayang alas otso sa Psychiatrist ko hanggang tanghalian. "Hindi ko— yata? "

"You are not sure?"

"May lakad ako ng umaga, pero kasi..." usually kasi ay nag m-me time ako after session. Naglalakad para mag-isip, kumakain sa labas mag-isa o kaya naman nanonood ng sine. Pero hindi ko alam kung willing akong isacrifice iyon kung sakaling tatama doon yung gustong oras ni Mr. Lee.

"Pero kasi?"

"Sandali, pag-isipin mo muna ako. Inaantok pa kasi talaga ako."

"Think faster? It's not a complicated question, woman."

"Tsk, tatawag ng alastres for a simple question?" binagsak ko ang ulo ko sa unan at doon, nadama ko ulit ang paghele sa akin ng higaan ko. "Di kayang mamaya na lang Mr. Lee?"

"Fine, I'll make this quick. I want you to pick me up tomorrow in UST and bring me to Lucky Chinatown. I believe you based your design for Bastian Park in there? If I'm not mistaken."

Napakurap ako. Iyon lang? Bakit kailangan kasama ako? 

"Hindi mo alam papunta doon?" 

"I know how maps work, Ms. Magtibay. I have some questions and possible on the spot corrections that needs immediate answers, hence why I'm asking you if you are free, but since you refuse to give me a lucid answer for three straight minu— "

"Ahh, kung gagamit ka pa ng mapa then you really don't know how to go there," napakuyom ako ng labi habang nakapikit, pinipigilang tumawa.

"Is that an insult?"

"Oy, hindi ah. Bakit ka pala pupunta, for writing purposes?" 

"Yes, Captain Obvious."

Di ko na napigilang tumawa dahil alam kong pinagtya-tiyagaan na lang niya ang pang-aasar ko.

Nang hindi siya nagkomento sa pagtawa ko ay tinigil ko na ang pamimikon.

"Sige, what time ba out mo?" 

"3 pm. I have work by 8 pm so it will only be a short trip, don't be late."

"Okay, sana maa— "

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang ibaba ang tawag. 

"Huh?" di pa ako makapaniwala at tinignan ang cellphone ko kung talagang end na yung call. "Di man lang ako pinatapos magsalita."

Di na ako masyadong nagdamdam pa dahil unti unti na ulit ako nilamon ng antok. Ni-lock ko na lang ulit ang cellphone ko at bumalikwas patalikod sa nightstand. 



"FIRST things first, why THIS place?" 

Unang tanong pa lang ni Mr. Lee, pagod na akong sagutin. Talagang sinakripisyo ko ang me time ko sa ganito?

Tinitigan ko ang ekspresyon ng mukha niya, mukhang may topak nanaman siya. Halatang kulang sa tulog kahit maliit lang ang eyebags, yung kunot ng noo niya ay lalo ring nagpatulis ng singkit niyang mata. 

Huh, iba yata ang awra niya ngayon?

Doon ko napansin ang nakagel niyang buhok, naka gray rin siyang long sleeve na bukas ang unang dalawang butones. Naka-itim rin siyang slacks at loafer shoes na mas makintab pa sa noo ko ang linis.

Mukhang ganito ang get up niya tuwing may trabaho. 

Napatingin ako sa sarili ko saglit, nahiya naman ang ripped jeans at loose matcha green na may kupas na tatak na suot ko.

"Don't roll your eyes on me, Ms. Magtibay. I'm just asking why you chose this place."

Napaikot ulit ako ng mata at lumapit sakanya. May trabaho pa ito mamaya, kaya kahit na-drain ako sa session namin ng Doktor ko kanina, mukhang ako pa rin ang maga-adjust.

 "Dala mo ba yung sketch ko ng Bastian Park?" 

Agad niyang kinalkal sa leather portfolio niya ang tinutukoy ko, talagang maski mga drafts ay ayaw niyang magusot at pinaglaanan pa talaga niya ng lalagyan.

"I'll admit it's too small for my liking, but I wanna hear your reason," aniya sabay abot sa akin ng sketch. 

Kinuha ko sakanya ang sketch at tinitigan muna ito bago magsalita, "Hindi naman totally kuhang kuha ang sketch ko dito sa mall, more on yung vibe yung kinuha ko. Yung architecture ay ako mismo ang nag design."

Napataas ng dalawang kilay si Mr. Lee. "How so?" 

"Yung Bastian Park kasi ay nakalocate sa pinakamaingay na part ng Argam City, right? Like, nasa gitna siya?" pangungumpirma ko, tumango lamang si Mr. Lee. "So, naisip ko ang Lucky Chinatown as inspiration. Maliit siya pero since maliit, mas dama mo yung alive vibe. Nandito na lahat; shopping, dining and entertainment, community center, even a little museum! Alam kong maliliitan ka sa inspiration ko that's why nilakihan ko sa sketch." 

Tinalikod ko ang sketch at doon ko pinakita ang list ng mga notable stores and cafe na lumabas sa iba't ibang scene ng Argam series. "Yung pagkakaiba nga is, mas malaki yung park sa sketch ko at yung architecture niya ay U-net imbis na H. May food stalls at market alleys sa gilid gilid then may two fountains in total sa gitna. Actually, inspired iyon at yung laki niya sa Plaza Lorenzo Ruiz."

"And where is that Plaza?"

Tinuro ko yung direksyon pa Divisoria, "Tapat lang ng Binondo Church." 

"Ah, I know that place," pag-sang ayon niya habang natango. Mukhang kumbinsido siya sa laki. "You based the location and size from that Plaza, but the vibe is from this mall?" 

Tumango ako, "Oo, dapat pala sinulat ko din yung Lorenzo Ruiz. Sorry na." 

"Don't forget it next time," aniya habang sinusulat ang pangalan ng plaza sa likod ng sketch. 

Gustong libutin ni Mr. Lee ang buong lugar kaya napasabak ako sa lakaran. Minsan magtatanong siya na agad ko naman sasagutin, may dalawang store rin na nakaagaw ng atensyon niya sa loob ng mall kaya sinulat niya agad iyon sa maliit niyang notebook. 

Habang nagsusulat siya ay di ko mapigilang ihambing siya kay Sung-Min. Ganitong ganito ang kuya niya, laging may dalang maliit na kwaderno, walang pinapalagpas na maliit na detalye. 

Isa lang ang napansin ko, kada may madadaanan kaming bookstore ay nilalagpasan lang namin. Akala ko mapapatingin siya or papasok, kasi ganoon naman ang mga manunulat diba? Lalo na kung kailangan ng source o kaya naman inspirasyon? 

Si Mr. Lee ay hindi.

Ah. Dapat ko pa bang kwestyunin kung bakit?

Matapos ang pangalawang ikot namin sa loob ng mall ay lumabas na kami sa Lucky Chinatown walk ulit, kung saan bukas na ang ilang mga ilaw sa food stalls at may kumakanta nang kung sino mang singer sa gitna.

"I'll just buy a tea from there," paalam ni Mr. Lee sa akin sabay turo sa isang cafe. 

"Ah, sige lang. Hindi naman ako bibili."

"Pft, I didn't ask."

"Kung sakali lang kasi mag magandang loob ka manlibre ano, Mr. Lee?" iritableng sabi ko na kinailing niya lamang. 

Hindi na niya ako inasar pa ng matagal at dumiretso na siya sa cafe na tinutukoy niya. Ako naman ay kinuha ang phone para icheck kung may text at kung anong oras na. Maga-alasais pa lang.

"Aga pa," bulong ko habang binubuksan ang mensahe ni Ji Eun. Nabili daw ang isa sa mga painting ko.

Ibabalik ko na sana ang cellphone ko sa bulsa pagka reply ko nang biglang tumawag si Levy.

"Ay nako, alam ko na kung bakit to tumatawag," ani ko sa sarili habang pinag-iisipan kung sasagutin ko ba o hindi. 

Sa huli ay inislide ko ang screen pasagot. 

"Hello, okay lang ako. Wala kang dapat ipagalala," bungad ko kay Levy bago pa man niya ibuka ang bibig niya.

"Saan ka?"

Inilagi ko ang buong bigat ko sa iisang binti, "Sa bahay."

"Bat ang ingay kung nasa bahay ka?"

Napatingin ako sa kumakanta sa malapit at lumayo sa pwesto ko ng kaunti. "May birthdayan, may nagkakaraoke sa labas. Tsaka kailan pa naging tahimik sa Tejeros, ha?"

"Ah, nasa Tejeros ka?"

"Malamang, saan ba kami nakatira, ha De Asis?"

Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa sa kabilang linya. 

"Talaga lang ha? Eh sino itong babaeng nakikita ko sa Lucky Chinatown na naka ripped jeans, green na t-shirt, at naka tali ang buhok?"

Napatirik ako ng mata sa sinabi niya. Sabi ko na siya iyong nakita kong naka blue malapit sa tindahan ng buko juice kanina eh.

"Anong ginagawa mo dito?" iritableng tanong ko sabay harap sa direksyon niya, alam kong palapit na siya sa akin.

"Limot mo nang dito nagta-trabaho si mama?" ani ni Levy nang makalapit. 

Napa-krus ako ng braso, "Dito ka na rin nagta-trabaho, ganon?"

"Bawal gumala?" supladong aniya sabay tingin sa kabuuan ko. "Katatapos lang ng session mo. Kumain ka na ba?" 

"Hindi pa, kasama ko yung writer na sinasabi ko sayo."

"Oh? Yung pinangakuan mo ng animation," pag-papaalala niya na kinangiwi ko. "Nasaan siya?" 

"Bumili ng maiinom," turo ko sa cafe sa likuran ko. "Nagpasama, di niya kasi alam kung paano papunta dito."

"I told you I know how map works."

Humarap ako kay Mr. Lee na may dala na ngayong tea sa kanang kamay. Ang bilis naman niya yata? Wala bang pila?

Agad nabaling ang atensyon niya kay Levy. Napamura ako sa utak ko nang biglang may maalala, pinaghihinalaan nga pala niya si Levy na may koneksyon sa nangyari sa kuya niya. 

Well, hindi pa naman ako sigurado, pero tanda ko yung naging usapan namin nung gabing lasing ako. Ngayong magkaharap na silang dalawa, hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi rin naman sigurado si Mr. Lee sa hinala niya, at mukhang ngayon lang din naman siya nakita ni Levy.

Napatingin ako kay Levy, tahimik lang rin niyang pinagma-masdan si Mr. Lee. Yon nga lang ay hindi ko mabasa ang sinasabi ng mga mata niya.

Ganoon na lamang ang gulat ko nang maunang ilahad ni Mr. Lee ang kamay niya.

"You must be Levy, Gwen's friend? I heard tidbits about you." 

Napatingin sa gawi ko saglit si Levy, napatingala ako na parang wala ako roon.

Mayamaya ay tinanggap ni Levy ang kamay.

"And you must be Mr. Lee. Nice to meet you."

Sino ka diyan?! Muntikan akong maduwal sa sagot ni Levy. Well, ilang beses ko na siyang nakitang makipag usap sa mga kliyente at mga taong di niya ka close pero di na yata ako masasanay. 

Nagkamayan ang dalawa. "You work here?" 

"Ah no, my mom does," sagot ni Levy pagkabawi ng kamay. "I heard you are here for writing purposes?" 

"Yes, I commissioned Ms. Magtibay to drew me the whole map of my fictional place," pag-sali sa akin ni Mr. Lee sa usapan, "This is one of her inspirations." 

"Gaya gaya," pahiling na bulong sa akin ni Levy. Pinanlakihan ko siya ng mata. 

"Ano ikaw lang may karapatan mag capture at mag source ng real life places?" bulong ko pabalik.

"Nyenye." 

Napansin ni Mr. Lee ang maikli namin kulitan kaya agad kaming nag-ayos. 

"Have you eaten, Mr. Lee?" sabi ni Levy habang sinusuyod ang bawat food stalls. "We can dine somewhere. I know a few good ones." 

Doon pumasok sa isip ko na may trabaho pa si Mr. Lee mamaya, sakto iyon sa dinner time. "Ah hindi, may dinner meeting si Mr. Lee kay— "

"How generous of you. I was about to ask Ms. Magtibay for early dinner after I buy my tea."

Napataas ako ng dalawang kilay sa sinabi ni Mr. Lee. Parang kanina lang ay kinukwestyon niya kung magpapalibre ako ng inumin?

"Would you like to join us?" ngiting sabi ni Mr. Lee sabay mwestra ng kamay na may hawak na tea. "It takes three to tango, after all."

Continue Reading

You'll Also Like

22.3K 1.7K 47
Striktong patnubay at gabay ay kailangan. May maseselang tema, lenggawahe, at katatakutang maaaring hindi angkop sa mga manonood.
Memoria By Raiselle

Historical Fiction

3.7K 226 27
WATTYS 2022 SHORTLIST (ERA Series Book 2)-COMPLETED A rich girl falls in love with an activist and must face the odds against them during a turbulen...
Perfect Two By Cali

Teen Fiction

140K 2.1K 27
After how many years, two old friends met again. Calliy decided to change her lifestyle and forget about the past. But Calliy knew that its impossibl...
12.5K 551 39
Rank #337 In Wattys 2017 Date Started: May 14, 2017 Date Finished: May 23, 2018 Everything happens for a reason. In the end, we regret our decision t...