AT MY LOWEST ( Ongoing )

By heir_05

4.6K 93 29

Experiences, lessons, heartbreak, and grief are all part of life. But when will I be able to live without suf... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16

CHAPTER 9

227 8 3
By heir_05

Nasa loob ako ngayon ng office ni Lucas to remind him of his appointments and schedules. He was just busy tapping on his laptop while listening to me.

“Is that all?”, he asked.

“Yes, sir! And I'll remind you again regarding the private event you have to attend this coming weekend. I've already given you the invitation they sent to me yesterday.”, napaangat ang tingin nito at medyo nakakunot ang noo.

“What time?”, tanong nito.

“6pm, sir.”, hindi niya ba binasa pa 'yung invitation.

“Make an excuse and tell them I can't attend that event.”, sabi nito at binalik ang atensyon sa ginagawa.

“Kabilin-bilinan po ni Sir Nicolas na kailangan niyo raw po pumunta sa event na 'yan.”, sagot ko naman sa kaniya.

“You will be my partner, then.”, kaswal na wika nito.

“Sir, I can't. Baka may makakitang iba sa atin.”, nag-iisip ba siya?!

“So?”, tumingin ito sa akin at tinaasan ako ng isang kilay.

“So what If they see us together?”, dagdag pa nito.

“Bu—”, he cut me off.

“No buts, hon. You'll be my partner on that event as my wife, not my secretary.”, madiin na wika nito.

“I don't care what will they say about us. Besides, It is a private event, and only businessmen and women are invited.”, paninigurado nito.

Sa totoo lang kinakabahan ako, kasi karamihan sa kanila alam na sekretarya niya lang ako. Baka kung ano pa ang isipin nila sa akin. Baka magtaka sila na kung paanong naging ako 'yung asawa ni Lucas. Hindi ko alam kung paano haharap sa kanila.

Hinawakan nito ang kamay ko noong hindi ako nagsalita at pinakatitigan ako.

“Don't worry, you have me by your side”, he assured me as he caressed my hand.

“I'm always by your side.”, napatango nalang ako sa kaniya.

Kahit papaano naman ay nawala ang kaba ko. Pero sa maghapon ay hindi pa rin maiwasang sumagi sa isip ko ang event na 'yon. Dapat pala hindi ko na pinilit pero baka ako naman ang mawalan ng trabaho, 'di ba.

Nakahiga ako ngayon sa kama at nagi-scroll sa phone ko habang nagpapahinga. Busy pa rin si Lucas sa ginagawa niya. Bukod sa laptop niya, marami pang papel na nakapatong sa study desk. Kahit nasa condo na siya, dinala pa rin niya ang mga kailangang dokumento sa trabaho.

He's such a workaholic.

Napabangon ako ng may marinig akong doorbell. Tatayo na sana si Lucas nang marinig ito pero sabi ko sa kaniya ay ako na para hindi na siya ma-disturbo sa ginagawa niya. Kunot-noo akong naglakad papunta sa pinto, nagtataka kung sino pa ang pupunta sa ganitong oras.

Sinilip ko sa peephole kung sino 'yon at nataranta ako sa oras na nakita ko kung sino ang nasa labas. Dali-dali akong bumalik sa kwarto at hinila si Lucas.

“Magtago ka. Magtago ka, plss.”, paulit ulit na sabi ko habang tinulungan siyang tumayo at humahanap ng tamang lugar na p'wede niyang pagtaguan.

Kahit na hindi alam ang nangyayari ay kunot noo namang sumunod sa akin si Lucas.

“Why do I have to hide?”, hindi na'to nakatiis at huminto para tanungin ako.

“Need mo magtago. Nand'yan si louise sa labas. Bilisan mo na kasi.”, naiinis na natatarantang wika ko.

“D'yan ka nalang sa closet.”, dali-dali ko siyang hinatak papasok sa closet.

“Huwag kang maingay d'yan ah, yari ka sa'kin.”, pagbabanta ko at sinarado na ang closet, hindi na inintay ang sagot niya.

Tumakbo ako papunta sa pinto habang paulit-ulit na tumutunog ang doorbell. Inayos ko ang sarili ko bago binuksan ito at ngumiti kay louise.

Nakakunot ang noo nito.

“Bakit ang tagal mong buksan?”, tanong nito at hahakbang na sana papasok kaso hinarangan ko.

“Hindi mo ba ako papapasukin?”, she asked, her brows furrowed.

“Ah, eh.. kasii.. ano”, napakamot na ako sa ulo nang walang maisip na dahilan.

“Ano?”, tila nauubusan na siya ng pasensya.

“Wait nga lang. Bakit ba nandito ka, eh anong oras na?”, pag-iiba ko at tinaasan ito ng kilay.

“Dito muna ako matutulog.”, hindi ko na ito napigilan at tuluyan nang pumasok sa loob.

“Hoy, anong dito? desisyon ka.”, agad ko itong sinundan.

Naupo ito sa sofa at tinignan ako.

“Ito naman parang others. Parang hindi ako nakikitulog dito noon ah.”, sagot nito.

“Busy ako, huwag ka rito. Do'n ka nalang kila nics or astrid.”, pagtataboy ko rito.

“Nako, mapapalayo lang ako. Itong building mo walking distance lang naman sa building ng condo ko tsaka ano ba pinagkaka-abalahan mo para ipagtabuyan mo ako? Nakakasakit kana ah.”, umakto pa itong nagpapa-awa na parang nasaktan talaga.

Napaismid naman ako sa itsura nito. Hindi siya p'wede mag-stay dito baka mga gamit naman ni Lucas ang makita nito kung paalisin ko man si Lucas ngayon. Anong gagawin ko?

“Please lang, lumayas ka na rito at gabi na.”, halos nagmamakaawa na ang boses ko rito.

“Ayoko nga. Tsaka maawa ka naman sa akin, ilang beses na akong hindi natatahimik sa condo. Gusto ko ng payapa.”, napasimangot na ito.

Kung wala lang akong tinatago baka rito ko pa 'to patirahin.

“Kaya ako naman ang bubulabugin mo?”, napasabunot na ako sa buhok dahil mukhang malabong mapalayas ko ito.

“Ang oa mo naman. Bahala ka d'yan, dito ako matutulog.”, tumayo ito at pumunta sa kwarto ko.

“Hoyyy, louisee naman eh.”, agad ko itong pinigilan.

Mukha na kaming tanga pareho. Sa huli ay si Louise rin ang nanalo at wala na akong nagawa noong nakapasok na ito sa kwarto. Tinignan ko nalang ang buong kabuuan kung meron bang gamit si Lucas na nakakalat. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang wala naman.

“Bwisit ka talaga.”, sabi ko kay Louise at inirapan ito. Natawa naman ito at nahiga sa kama.

“Bakit naiba amoy ng kwarto mo?”, napalingon ako rito at bahagyang napaamoy sa kwarto ko.

“Huh?! wala naman ah?”, kunot noong wika ko.

“Ayan oh, hindi mo naman amoy 'to ah.”, wika nito noong inamoy din ang mga unan at kumot.

Napalunok ako ng ma-realize kung ano ang sinasabi nito. Tsngjna. Amoy ni Lucas 'yon. Sakto sa side pa ng kama siya nakahiga kung saan pumu-pwesto si Lucas sa pagtulog.

“Maligo ka kasi nang hindi mo naaamoy sarili mo.”, sagot ko rito kahit kinakabahan na at baka mabuking pa ako nito.

“Ay pahiram ako sleepwear.”, patayo na sana ito at kukuha sana sa closet kaso pinigilan ko.

“Hey, ako na. D'yan ka lang mahal na prinsesa.”, iginaya ko ulit ito paupo sa kama at pekeng ngumiti.

“Alam mo namang ayaw kitang napapagod eh.”, dagdag ko pa. Natawa ito dahil akala niya nang-aasar ako pero ginawa ko lang 'yon dahil nasa loob si Lucas ng closet.

Pasimple kong kinuha ang selpon ni Lucas na nakapatong sa study table, katabi ng laptop niya. Binuksan ko ito at sinilent. Naglakad ako palapit sa closet at dahan dahan itong binuksan at sumilip. Bumungad sa akin ang madilim at matalas na tingin ni Lucas. Hindi ko pinansin ang awra nito at inabot sa kaniya ang kaniyang phone.

“Abutan mo nga ako ng sleepwear, kahit ano nalang.”, bulong ko.

Kahit masama ang mukha ay sumunod ito. Pinigilan kong matawa noong umirap ito pagkabigay sa akin, hindi nagsasalita. Why do I find him cute the way he rolls his eyes?

“Thank you!”, wika ko at sinarado na.

Inihagis ko kay Louise 'yung sleepwear na hawak ko. Kinakabahan ako baka may makita itong ibang gamit ni Lucas dito dahil kung ano ano ang pinagga-galaw nito sa kwarto ko.

“May new laptop ka?”, tanong nito at kinalikot 'yung laptop ni Lucas. Agad ko itong nilapitan at kukunin sana 'yung laptop kaso nagp-pindot na ito ro'n.

“Magbihis ka na nga lang, may tatapusin pa ako.”, halos itaboy ko na ito pero nagkakalikot pa rin.

“Wait lang....ganda wallpaper mo ah”, puna nito noong napunta na siya sa home screen. Nagtaka naman ako bakit picture ko nakalagay do'n, e laptop ni Lucas 'yon.

It was a stolen photo. I was wearing my corporate attire while sipping coffee at my desk. In fairness, I look beautiful in that shot. But why was he taking a picture of me, huh?

“Malamang mukha ko 'yan.”, sagot ko nalang kahit palaisipan sa akin kung bakit ako 'yung nasa home screen ni Lucas.

“Tama na nga 'yan.”, hinila ko na ito at tinulak ko na ito ng sapilitan papasok sa bathroom. Hindi naman na ito pumalag at pumasok na.

Dali-dali akong bumalik sa closet at tinignan si Lucas.

“Hindi ka p'wede matulog ngayon dito. Dito raw matutulog si Louise.”, bulong ko at hihilahin ko na sana ito palabas ngunit hinawi nito ang kamay ko.

“Why is she here?”, he asked seriously. Napakamot naman ako sa ulo. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya na kaya nandito si Louise kasi tinataguan 'yung kaibigan niya.

“E'..kasi tinataguan niya 'yung nangungulit sa kaniya sa condo niya.”, ayon nalang ang sinabi ko.

Napataas naman ang isang kilay nito at may sumilay na nakakalokong ngiti. In-open nito ang cellphone niya at may chinat.

“Why?”, I asked curiously. Bumalik ang atensyon nito sa akin at nagsalita.

“Nothing.”, sagot nito at siya na mismo nagsarado ng closet noong marinig na bumukas ang pinto ng bathroom.

“Hayy! makakatulog din nang maayos, 'yung walang peste.”, wika ni louise paglabas, nakapagpalit na. Napairap naman ako rito.

“Ikaw peste.”, sagot ko pabalik.

“Surang-sura naman ang beshy ko, hindi mo na ba ako love?”, niyakap pa ako nito at ngumuso.

“Nako, Louise tigilan mo nga ako.”, tinanggal ko ang braso nitong nakayakap sa akin.

Mangungulit pa sana ito nang mag-ring ang phone niya. Naka-kunot noo niya itong sinagot at lalong nagusot ang mukha nito nang marinig ang boses noong nasa kabilang linya.

“As if you know where I am.”, sagot nito sa kausap, napapa-irap pa.

“Talaga ba?!”, matigas na sagot nito at pinatayan na ang kausap niya.

“Peste talaga 'yon. Akala naman niya mahahanap niya kung nasaan ako ngayon.”, hinagis nito ang phone niya sa gilid ng kama at nahiga na.

Hindi ko nalang pinansin ang pinagsasabi nito dahil ang iniisip ko ay si Lucas na nasa loob ng closet. Hindi pa kasi umalis kanina, siya mahihirapan matulog do'n. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ni Lucas kanina sa laptop at mga papeles nito.

Maya-maya ay may nag-doorbell. Napakunot noo naman ako dahil wala naman akong inaasahang bisita at lalong wala namang pumupunta nang ganitong oras sa condo ko.

“Chinat mo ba sila Astrid?”, tanong ko kay Louise na busy manood habang nakahiga sa kama.

Umiling naman ito. “May flight 'yon, bakit ko ic-chat?”, tanong nito pabalik.

“E' sila nics?”, tanong ko ulit.

“Wala akong chinat sa kanila.”, sagot nito, hindi pa rin naalis ang tingin sa pinapanood.

“E' sino 'yung nag-doorbell?”,

“Aba, malay ko. Condo mo 'to.”, napalingon na ito sa akin.

“Labasin mo nga.”, utos ko dahil may ginagawa pa ako.

Tumayo na ito at lumabas. Tinuloy ko nalang ang ginagawa ko, baka staff lang ng building 'yon at may sasabihin. Napahinto naman ako noong marinig ang boses ni Louise na parang nakikipagtalo. Tumayo ako at tinignan ito.

Nagulat ako nang makita si Sir Czek. Tinignan ko si Louise at mukhang napipikon na ito. Pumasok ito sa kwarto ko at paglabas ay dala na nito ang gamit niya kanina. Walang sabi-sabi ay lumabas na ito ng condo.

“Louise.”, tawag ko rito at hahabulin pa sana ngunit hinarangan ako ni Sir Czek.

“Ako na.”, wika nito at ngumiti bago umalis.

Paano naman nalaman ni Sir Czek ang condo ko at paano niya nalamang nandito si Louise. Mukhang naubusan na rin ng pasensya sa kaniya si Louise kaya bigla bigla nalang umalis.

I was startled when Lucas appeared behind me.

“It's a good thing they left”, wika nito at tinignan ako.

“Did you tell Sir Czek that Louise is here?”, masama ko itong tinignan.

He just shrugged his shoulders and turned his back on me. Bakit parang silang magkaibigan din ang p-peste sa buhay naming magkaibigan.


———————————————————————

Wait for the next chapter.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 27.6K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
611K 17.8K 23
Beau HATES Oliver Fowler. But Oliver doesn't hate Beau.. quite the opposite actually. Oliver is the univeristies 'Golden Boy', adored and admired by...
588K 62.5K 25
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...
1M 15.3K 38
Ivy Williams had always aspired to complete her university journey without any interruptions or complications. However, not even two months into her...